Kinabukasan,
Ang agang pumasok nila Patrick at Dave at kinagulat yun ni Harvey dahil naunahan nung dalawa si Vince "Aba, himala ata at naunahan niyong dalawa si Vince. Anong nakain niyong dalawa?"
Antok na antok pa naman noon si Dave at sinabing "Yan kasi ang aga kong ginising pambihira inaantok pa ku'y."
Bineltukan naman siya ni Patrick "Nakikain ka na nga at nakitulog sa condo ko mareklamo ka pang buset ka."
Lumayo naman ng bahagya si Harvey dahil may naisip syang hindi ka aya-aya "Wait, a—anong kinain? At natulog kayo sa iisang kwarto? Oh God!!!"
Nagkatinginan naman yung dalawa then they bonked Harvey at the same time "Ungas! Kung ano-ano yang pinag iisip mong buset ka!" Anila.
"Joke lang naman pero bakit nga ang aga niyo?"
"Wala ka kasing alam SC pa more pre."
Ungas ka Dave!"
"May date sila Dude at Master mamaya sa cafeteria."
"Ano? Cafeteria? Dine laang sa school? Wow...ha? Pre, kala ko ba "ritskid" ka bakit dun mo lang inaya si Kelly? Grabe namang cheap nun."
"Wow...hiyang hiya naman sayo si Dude ang yaman mo eh no?"
"Tsss..ewan ko sayo...pero bakit nga sa cafeteria lang?"
"Yun kasi gusto ni Kelly eh hindi naman kami pwedeng lumabas ng basta lang magagalit sakin ang mga kuya niya. Baka hindi pa ako payagang manligaw pag nakagraduate na tayo."
"ANO? PAYAG NA SILA NA MANLIGAW KA?" Anila at nagulat naman yung iba nilang mga kaklase.
"Shhhhh...Wag kayong maingay! Hindi yun alam ni Kelly!"
"Pero bakit hindi alam ni Master?"
"Oo nga hindi pinaalam ng mga kuya niya?"
"Hindi ayaw nila paalam mag focus daw muna kaming dalawa sa pag aaral namin."
"Ohhh..." Anila.
"Pero pag ka graduate natin pwede na daw pero syempre hindi literal na kinabukasan eh andun na nako ipatotokhang daw nila ko pag ginawa ko yun."
"Ahhhh.."
"Kaya ayun oras na malaman yun ni Kelly humanda talaga kayo sakin makikita niyo talaga ang bangis ni Medusa."
"Medusa? Dude kay Gia ko yun huling narinig don't tell me you're one of his minions?"
"Tungaw ka!"
"Wait, his? Hindi ba babae si Gia bakit his ang ginamit mo o bungol ka na rin sa english pre?"
"Sira! Hindi talaga babae si Gia dati siyang Gio."
Gulat na gulat naman si Harvey sa nalaman niya "A---Ano? BAKLA SYA???"
"Yah..." Anila.
"What the..."
"Wag ka ng magulat pre dahil we feel you."
"Pero..."
"Teka! Don't tell me na fall ka na sa kaniya may fiancé na yun foreigner."
"Woah...naol may fiancé pero hindi ako na fall sa kaniya ungas!"
"Asus..."
"Morning guys!!" Ang bungad naman ni Vince.
"Yow!! Asan si Kelly?" Ang sagot naman ka agad ni Patrick.
"Ayieee...masyado ka namang excited makita ang pinsan ko aba kalma. Ahahaha...." At binaba niya ang kaniyang bag sa upuan.
"Luko!"
"Pre, ang aga nga ng dalawa eh excited talaga."
"Oo pre ang aga niya akong ginising eh pusang gala."
"Ang dami niyong daldal."
"Ayieee..."Ang panunuksong sambit nung tatlo.
"Mag buraot kayo!"
At bigla namang dumating si Kelly "Anong ginagawa nyo?"
"Ke---Kelly.." Ang pautal utal na sambit ni Patrick tinulak naman siya nung tatlo pero umilag naman si Kelly kaya napa sub-sob lang ito.
"Pffft...dude anong ginagawa mo diyan?"
"Bwi—"hindi na ituloy ni Patrick yung sasabihin niya dahil inalok ni Kelly ang kamay nito sa kaniya para tulungan siyang tumayo at kinagulat iyon nung apat.
"Ano ba kasing ginaagawa mo diyan?"
"Ha? A---ano kasi..."
"Halika na."
"Opo..."
"Opo? Hoy! Mas matanda ka pa sakin." At tumayo na nga si Patrick.
"Salamat...hehe..."
"Okay...nga pala nag review na kayo guys? Kakatamad baka wala akong maisagot eh..." Napatigil naman sya dahil nakatulala sakaniya yung tatlo nila Vince.
"Huy! Ano gang nangyayare sa inyo?" Humarang naman ka agad si Patrick "Nako, wag mo ng pinagpapansin yang mga tukmol na yan...Ahm...mamaya tuloy ba tayo?"
"Ahhh...oo sige."
"Ta—talaga?"
"Oo my treat...sama din natin sila."
"A---Ano? Ka---Kasama sila?"
Narinig naman ka agad yun nung tatlo kaya hinawakan nila ang balikat ni Patrick at pinaupo ito at sinabing "Totoo ba yan Master? Kasama kami?"
"Um...para masaya the more the merrier."
Nagkatinginan naman yung tatlo at nanukso pa "Ohhh...oo naman para masaya busog ang lahat right Patrick?" Anila.
"Tsss...yah...humph..."
Pero sa isip-isip nya "Kala niyo lang yan pero hindi ako papayag na sirain niyo ang date namin sa cafeteria na nga lang sasama pa kayong mga tukmol kayo."
"Patrick? Are you okay?" Ang sabi ni Kelly.
"Ah? Oo bakit"
"Upuan ko kasi yang inuupuan mo at uupo na ko kaya...LAYAS!!!"
Pandalas naman ng tayo si Patrick "O—oo ayan na."
"Yan...good."
"So---sorry your highness..."
"Tse!!! Magsi-upo na nga kayo at mag review."
"Yes boss." Anila.
"Humph..."
At nagsiupo na nga yung apat sa kani-kanilang upuan "Pis, ayieee..." Pabulong ni Vince kay Kelly.
"Ayiee...ayieee...baliw mag review ka na nga .."
"Asus...nakita ko yung ginawa mo kahapon kay Patrick kala mo dyan parang patay malisya ang putek."
"Shhh...wag ka nga! Iniba ko na nga ang usapan eh kasi hiyang hiya ako sa ginawa ko."
"Ahahaha...ayiiiee...."
"Hindi ka ba titigil.."Sinabunutan niya si Vince at nakita yun nila Patrick at Dave "Anong ginagawa nung dalawa?"
"Sinasabunutan ni Master si Vince duling ka na ba ngayon dude?"
Bineltukan naman siya ni Patrick "Ungas!!! Napaka pilosopo ng putaragis na ito."
"Ahahaha...kinikilig ka lang eh."
"Baliw ka."
"Wag kang mag alala hindi kami sasama sa inyo ni Master sa cafeteria."
"Eh? Totoo ba yan?"
"De joke lang syempre."
Bebeltukan na naman sana sya ni Patrick pero pinigilan niya ito "Joke lang dude ikaw naman moment niyo yun eh kaya hindi kami sasama wag kang mag alala."
"Nice, thanks dude."
"Basta libre mo kami ng pagkain dun kami kakain sa labas. Hehehe.."
"Sabi na eh may kapalit na naman...tsss.."
" Ahahaha...syempre wala ng libre ngayon."
"Tsss..."
Makalipas nag ilang oras,
"Dude, uwian na..."
"Alam ko magkaklase tayo di ba?"
"Haysss...sumama na kaya kami sa inyo?"
"Ikaw naman ere na nga oh mag bibigay na ko ng pambili niyo sa labas ng makakain niyo."
"Magkano dude?'
"Mukha ka rin talagang pera eh noh?
"Ahahahaha...wag ka nga dude hahaha..."
"Ewan."
Ready naman na si Kelly na umalis "Guys, tara na."
Nagkatinginan naman yung apat "Ah...eh...susunod nalang ako Master may kukuhanin pa kasi kami ni Vince sa teacher's office may inuutos kasi samin si Prof. Arnie di ba pre?" Sumenyas naman siya kay Vince.
"Ahhh...oo nga pala mauna na kayo ni Patrick."
"O—okay? Harvey ikaw?"
"Ah? Ano..."
Nilapitan naman ka agad ni Dave si Harvey "Ahhh...may meeting sila di ba pre?" Inakbayan niya ito at pinisil ang balikat at bumulong "Sumang ayon ka pre kung ayaw mong malintikan kay Patrick..."
"Ah? O---oo may meeting kasi kami uli eh. Ha...ha...ha..."
"Ohhh...timing ha? Galing niyo."
"Ha---ha...oo nga kayo talaga susunod naman yang mga yan di ba mag pre?" At nagkataasan na ng kilay at nagkaroon na ng pagkakaintindihan ang mga tukmol.
"Okay, siguraduhin niyo lang na susunod talaga kayo kung ayaw niyong makatikim ng lumilipad na sapatos lalo ka na Vince."
"Ha? O---oo naman."
"Tssss..."
"Shall we your highness?"
"Heh!"
At lumabas na nga yung dalawa ng classroom sumenyas naman yung tatlo kay Patrick ng "Galingan mo!"
***
Habang naglalakad naman yung dalawa papuntang cafeteria "Sabihin mo hindi talaga sila susunod no?"
"Ha?"
"Don't me bruh...I know yang mga ganyang galawan kaya wag ako."
"Ah...eh..pero don't get me wrong si Dave ang may pakana ng lahat."
At sa isip-isip niya "Kahit hindi gawin yun nila Dave papalayasin ko talaga sila para masolo kita."
"Hoy!"
"Ha? May sinasabi ka ba?"
"Sabi ko sa hardin nalang tayo."
"Sa hardin?"
"Umm...para tahimik gusto ko lang mag muni-muni hindi pa naman ako nagugutom tsaka may baon ako snacks sa bag ano G?"
"O---Okay...ikaw bahala."
"Let's go!"
At nagtungo na nga yung dalawa sa hardin at naupo sa may damuhan "Ngayon na lang ulit ako nakapunta dito ah."
"Oo nga last na punta natin nung ano..."
"Wag mo ng ituloy kung ayaw mong masapak."
Author: Naalala niyo ba yung moment nung dalawa sa hardin yung sinabi ni Kelly na may chance sa kaniya si Patrick? Hindi ko na maalala kung anong kabanata yun geysh. Ahahaha...kaya sana alalahanin niyo po.Mehehehe..
Habang nakaupo yung dalawa sa damuhan "Sinabi sayo ni kuya Kevin no?"
"Ang alin?"
"Wag ka ng mag maang-maangan alam kong alam mo na."
"Ang alin nga?"
"Yung ano after graduation."
"Eh? A---alam mo?"
"Yah...aksidente kong narinig yung usapan nila kuya Kevin at Prof. Mina eh about dun nung nasa clinic ako."
"Ahmm...ano namang naging reaksyon mo? Ayos lang ba sayo?"
"Bakit ako? Ikaw ang dapat kong tinatanong niyan anong reaksyon mo nung nalaman mong pumayag na sila kuya?"
"Ah—eh...ahm..syempre masayang masaya pero ikaw ba?"
"To be honest hindi ko alam ang magiging reaksyon ko pero happy rin ako."
"Ta---talaga?"
"Um...I think I need to try something new."
"What do you mean?"
"Hindi na kita itataboy palayo sakin simula ngayon."
"Nani?"
"Oo alam ko nung isang araw kung ano-ano ang sinabi ko sayo at nasaktan ako dun kaya sorry."
"Wait, are you..."
"No! Wag mo ng ituloy hindi ko sinasabing may gusto na ko sayo pero oo may something pero ayokong iba na ang isipin mo dyan."
"Pangako hindi ka mag sisisi sa pagbigay mo sakin ng chance."
"Yah...I know pero wag kang mag assume na fall na fall na ko sayo buset ka."
"Pffft...hahaha...oo nga wala naman akong sinasabi eh wagas."
"HEH!"
"Ayieee...hehe.."
"Tsss..wag kang masyadong masaya diyan baka atakihin ka sa puso aba ako pa sisihin ng mga kamaganak mo."
"Ayos lang basta masaya naman akong mamatay kasi ikaw ang dahilan."
"Luh! Pa fall talaga."
"Ahaha...hindi noh! Ikaw nga pa fall eh."
"Baliw ka!"
"Ayiiiee...kenekeleg eke."
"Para kang sira...hahaha..."
"Ayiieee..."