Habang naglalakad si Kelly pabalik ng restaurant na nakatungo na animo'y parang pinagsakluban ng langit at lupa nakabanggaan niya si Gia na noon ay kasama si Ryan "Aww...." ang reaksyon nung dalawa naparehas napaupo sa lakas ng impact.
"So---sorry...hindi..." ang paghingi na sambit ni Kelly at nung nakita niya na kung sino ang nakabanggan niya.
"Ikaw?" Ang sabay nilang sambit at tinulungan naman ka agad ni Ryan si Kelly na tumayo "Andito ka rin?"
"Anong masakit sayo?"
"Hoy! Damuho! Andito rin ako baka gusto mo rin akong tulungan." Ang sabi ni Gia na nauuma kay Ryan tinulungan naman siya ka agad nito "Ay...sorry naman ang arte mo no? Feeling babae?"
"Ano? Bakit hindi ba ako babae?"
"Ayoko nalang magsalita."
"Humph..."
Habang pinapagpag ni Gia ang kanyang kasuotan na noon ay naka bistidang puti humingi naman ng tawad muli si Kelly "Sorry hindi ko sinasadya hindi kasi ako nakatingin sa dinaraanan ko." Aniya at hinawi ang buhok at napansin naman ni Gia ang kamay nito na nagkaroon ng galos "Hey, your hand."
"Nani?"
Lumapit si Gia at hinatak ang kamay ni Kelly ng may ingat "Here, are you okay? Sorry kasalanan ko rin ata masyado akong masculine."
"Tsss..." ang reaskyon ni Ryan at napatingin sa kaniya si Gia na animo'y siansabing "Tumigil ka diyan!"
Kinuha naman ka agad ni Kelly ang kaniyang kamay "Ayos lang ako malayo sa bituka walang lalabas na train dito."
"Wait what?"
"A train?" Ang sabay sambit nung dalawa.
"Ay, sorry si Jacob kasi I mean yung pamangkin ko ganun ang lagi kong sinasabi kapag nagkakaroon sya ng sugat like a kid thing. Hehehe..." at bigla namang may dumaang mabilis na sasakyan na malapit sa kinatatayuan nila kaya may mabilis ring hangin ang nag daan at hinangin yung buhok ni Kelly at nakita lalo ang kanyang buong mukha at leeg na animo'y perfect combination pang model ng skincare product dahil sa mala porcelain nitong kutis "Wow..." Ang reaksyon nung dalawa.
"Ano yon?"
Nagkatitig pa rin sa kaniya yung dalawa na animo'y lutang ang isipan "Ang ganda..."
"Ha? Anong maganda? Are you two okay?"
"Mga dude!!!" Ang bungad naman ni Dave na papalapit sa tatlo.
"Dude?" Ang patanong na sabi ni Kelly.
"Bakit hindi pa kayo pumasok sa..." hindi na natapos ni Dave ang pagsasalita niya dahil piningot ni Gia ang tenga nito "Aaahahhh....aray dude..."
"Anong dude?? Ang ganda ko dude?"
"So---sorry na...sister."
"Yan...umayos ka!"
"Wait lang so totoo palang magkakaibigan kayo?"
"Ay, master sorry andiyan ka pala oo mga kaibigan ko sila ay namin ni Patrick."
"Ohhh...I see."
Hinawakan naman ni Ryan ang kamay ni Kelly "Halika sa loob at para malinis natin ang sugat mo."
"Ha? A---ayos lang naman ako."
"Hindi mabuti ng malinis yan...Gia may dala kang alcohol right?"
Nakatingin lang noon yung dalawa kila Ryan at Kelly ng tahimik habang hawak ni Gia ang tenga ni Dave "Ah? O—oo meron nasa bag ko."
"Okay, baka naman sa loob may medicine kit tara na at pumasok."
"Pero okay lang naman talaga ako."
"Kailangan nating linisin yan halika na."
Naiwan lang yung dalawa ni Gia at Dave sa ganoong sitwasyon pa rin nila "Dude, sa tingin mo pag sinabi natin ito kay Patrick magagalit siya?"
"Malamang! Pero anong dude ka na naman diyan?" piningot niya ulit si Dave "A---aray....naman sorry na nga." Binitawan naman na niya si Dave "Pero, kung lalaki pa rin ako magkakagusto ako diyan kay Kelly na yan."
"Ang ganda niya no?"
"Teka nga lang! Don't tell me may gusto ka rin sa kaniya? Alam ba yan ni Patrick?"
"Oo naman pero ayos lang sa kaniya."
"Ano? Ayos lang?"
"Oo kasi noon pa yon."
"What do you mean?"
"Kasi iba na ang gusto ko ngayon yung bff ni Master si Mimay na ngayon ay nasa malayo nasa Capiz na sya eh."
"Teka! Hindi kita maintindihan umamin ka na rin ba kay Kelly na gusto mo sya gaya ni Patrick?"
"Hindi!"
"Eh ano?"
"Kay Patrick lang ako umamin na gusto ko si Kelly noon nagkaroon pa nga kami ng hindi pagkakaunawaan eh kasi ako ba naman ang inutusan niya noong mag maisid kay master kaya ayun ako ang na fall madali kasing pakisamahan si Kelly napaka jolly niyang tao kahit na brusko at batang isip."
"Teka nga bakit ba Master ang tawag mo sa kaniya??"
"Kasi nga apprentice nya ako tsaka mahabang kwento."
"Okay? Bakit mo pala kami pinapunta dito? Manlilibre ka ba?"
"Ako? Manlilibre? Kailan ba ako nanlibre?"
"Hindi ko na nga din maaalala eh damuho ka!"
"Hahahaha...iniwan kasi kami ni Patrick eh ang laki ng bill hindi namin kaya ng mga kaklase ko kulang pera namin."
"Ano? So, pinapunta mo kami dine para mag bayad ng kinain niyo?"
"Ahm...parang ganun na nga babayadan din naman namin grabe parang others eh."
"Heh! Bahala ka uuwi na ko!" papaalis na sana sya pero pinigilan siya ni Dave "Dude naman! Sige ka hindi mo makikita ang mga cutie kong kaklase."
Pandalas naman na si Gia at nauna pa kay Dave "Huy!!! Ano? Tutunganga ka nalang diyan? Halika na."
"Ha? O—okay, ibang klase ka rin talaga eh no? Ang bilis mag bago ng isip wagas."
"Syempre, siguraduhin mo lang na cutie at hindi nakakatacute dahil makakatikim ka talaga ng bagsik ni Medusa."
"Ewan ko sayo!"
Sa kasalukuyan,
6pm na at nag reready na sa pag alis ng bahay ang pamilya Santos "Nasan si Patrick?"
"Pababa na dad tinawag ko na po." Ang sabi ni Richmond na naka black tuxedo and white shirt inside with black bow tie at parehas sila ng daddy nila na ganoon rin ang kasuotan samantalang nakaupo naman sa sofa at busy sa phone niya si May na nakasuot ng lavander shaded a-line crew neck formal dress at naka simple straight hair lang. Habang si Mrs. Santos naman ay nakasuot ng indigo sheath gown na naka retro bun hairstyle habang busy dahil may pinipirmahang papeles with her secretary Gigi. "Sige na yung iba bukas ko nalang pipirmahan."
"Sige po madam." Then she left.
Tumayo naman na si Mrs. Santos at sinabing "Nasaan na si Patrick?"
"Here." Ang bungad ni Patrick na pababa sa kanilang hagdan na nakasuot ng white tuxedo and white shirt inside with black bow tie.
"Wow...naman ang pogi naman ni baby bro."
"Tsss...parang mukha nga akong waiter dito."
"Anong waiter ka diyan anong tingin mo samin ni daddy?"
"Attend ng kasal."
"May!!!"
"Ahahaha...joke lang kuya syempre poging pogi kayo ni daddy groufie muna tayo."
Inaayos naman ni Mrs. Santos ang bow tie ni Patrick "Binata ka na talaga susunod baka sa kasal mo na ikaw mag susuot ng ganyan."
"Mommy naman kasal agad? Si kuya at ate muna po."
"Asa ka kay kuya tatanda yang binata."
"Ano?! Huh! Nagsalita ang may boyfriend."
"Bakit meron naman talaga."
"Dad oh may bf na daw hindi nagsasabi satin."
"May, sino yon? Bakit hindi mo siansabi samin?"
"Po? Ah...eh...wala pa naman talaga dad niloloko ko lang yan si kuya...tsss..."
"Sus...siguraduhin mo lang dahil lagot talaga samin nila daddy at Patrick yang magiging boyfriend mo."
"Tumigil na nga kayo at baka tayo eh malate pa."
"Mom mamaya mag groufie muna tayo...wait lang, ate Minggay..."
"Ano po yun Ma'am?" Si Minggay isa sa mga kasambahay nila.
"Halika muna picturan mo kami dito sa sala."
"Ah...okay po."
"Sigh...si ate talaga bakit kailangan pang may picture eh boring..."
"Heh! wag ka nga magreklamo kung ayaw mong kunin nila dad yang kotse mo."
"Humph..."
"Sige na bilisan na natin at baka malate na tayo."
"Yes dad mabilis lang talaga...Minggay halika na."
"Opo, Ma'am."
Samantala,
Pasakay na rin ng kotse ang pamilya dela Cruz iniintay nalang din nila si Kelly at Faith na nasa loob pa ng bahay "Nak, tawagin mo na ang ang tita Kelly at tita Faith mo bakit ang tagal naman ata nila?" Ang sabi ni Kian na naka black single-breasted jacket with sequinned stripe and black shirt inside with black necktie.
"Opo daddy." At si Jacob naman na nakasuot ng mini version ng kay Kian.
"Ang cute niyong mag daddy bro." Ang sabi n Keith naka slim-fit tuxedo jacket in glitter-effect fabric and white shirt inside at feel na feel ang kaniyang kasuotan.
"Bakit naman?"
"Wala galing lang ng timing mantakin mo may maliit na tuxedo para kay Jacob na parehas ng iyo. Para tuloy mini me mo sya bro kulang nalang ng eye glasses."
"Nice, pero dapat nga hindi ganoon ang kay Jacob kaso hindi naman kasya yung pambata sa kaniya ang botchog kasi." Ang sabi naman ni Kim na nakasuot ng slim-fit tuxedo jacket in black with silk trims and white shirt inside with black tie.
"Sabi ko nga kay Kelly wag na uwian ng uwian ng mga sweets baka nga ka ko maging obese na eh." Ang sabi naman ni Kevin na katulad lang din ang suot kay Keith.
"Pati nga si Faith sinabihan kong hinay-hinay ang bigay kay Siopao ng pagkain nag eenjoy eh pati sya eh nanaba na rin."
"Sira! Malamang dalawang portion ang kinakain ng asawa mo buntis sya eh.."
"Ay...oo nga sorry na kuya."
"Tsss...ang tagal naman ng mga yon pati si Jacob eh nawala na rin."
"Andito na po kami daddy."
"Oh? Asan na?"
Una namang lumabas si Faith na nakasuot ng sky blue empire waist gown and it completely hide her tummy "Presenting our babysis Kelly Ann Marie the goddess..."
"The Goddess???" Ang sabay-sabay sambit nung apat nila Kian at napamangha sila nung lumabas na si Kelly ng pinto na nakasuot ng white with pink floral long homecoming dress with short puffy sleeves and for her hair small curly with braid on the side and pink flower clip "Wow...bunso ang ganda mo." Anila.