Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 158 - Kabanata 158

Chapter 158 - Kabanata 158

Kasalakuyan,

Nagmamadaling kumilos si Kelly dalhin linggo mag sisimba silang magkakapatid kasama sila Jacob at Faith "Kelly!!! Anong tagal mo naman diyan?!!!" Ang naiinis ng sabi ni Kian.

Habang nasa kwarto niya "Opo andiyan na sandale!!!" Ang pasigaw namang tugon ni Kelly.

"Bakit ba late na yon? Pangkaraniwan nauuna satin ang batang yun ah." Ang sabi ni Kim.

"Jacob nak, nag puyat na naman ba kayong mag tita kagabi? Sabi ng wag mag gadgets!!!"

"Pero daddy hindi po ba kinuha niyo ang mga gadgets namin ni tita Kelly, remember?"

"Ay, oo nga pala eh bakit tumulog nalaang ng tumulog mag hapon iyang tita Kelly mo?"

"Ehhh...ewan ko po baka..."

"Baka??" Anila.

"Baka, hindi lang kasi umandar na naman ang insomnia ko right baby?" Ang sabi ni Kelly habang pababa ng hagdan at nag susukalay ng kaniyang buhok.

"Tsss...talaga lang ha?" Ang hindi naniniwalang tugon ni Kian.

"Sandale! At bakit naka off shoulder ka aber?" Ang sabi ni Keith.

"Eh ano naman babe? Eh sisimba nga tayo ayos lang yan ang ganda nga ni babysis eh."

"Thankies ate."

"Your welcome."

"Pero hindi naman yan nag bibistida kapag na simba right mga bro?"

"Yeah..."

"At anong pinaplano mo na namang bata ka?" Ang sabi ni Kim.

"Wala grabe naman masama bang maging girly girly ang kapatid niyong BA---BA---E?!!!"

"Tsss...ang dami mong sinasabi ayusin mo nga yang buhok mo. Oh, ere may binili nga pala akong clip sayo." Ang sabi ni Kevin at inilagay ang clip niyang binili na may disensyong bulaklak na puti na binubuo ng mga maliliit na peralas sa buhok ni Kelly.

"Wow...ang cute naman ng clip bagay sayo babysis." Ang sabi ni Fiath.

"Opo nga tita Kelly you looked more beautiful on that."

"Really?"

"Syempre ako ata ang bumili niyan."

"Tsss...sure akong si Prof. Mina naman ang pumuli right may dearest kuya???"

"Humph...ikaw na nga ireng binigyan dami mo pang abla!!!"

"Ahahaha...thankies kuya you're the best."

"Aysos...you're the best pag may pa clip the best agad?!" Ang sabi ni Keith na animo'y nag seselos.

"Kow! Ito naman selos agad sa kapatifd bilan mo rin kasi si Kelly."

"Pero babe ako kaya nabili ng mga damit niyan na may hood at halos "LAHAT!!"

"Wow...maka halos lahat ka naman tol!!! Binilhan ko rin naman si Kellang no! Mamahalin pa nga puro "BRANDED" tsss..." Ang sabi naman ni Kim at animo'y nag yayabangan na ang apat sa kani-kanilang mga binili para sa kanilang bunsong kapatid na si Kelly.

"HEP!!!! Tigilan niyo na nga yang apat!!! Late na tayo!!! At gutom na rin ako." Ang sabi ni Kelly.

"Anong gutom eh kakain lang natin ng miryenda hapon na nga tayo makakasimba eh tulog ka kasi ng tulog diyan." Ang sabi ni Kian.

"Tsss....bakit kasi di niyo ko ginising?"

"Sus...ayaw kasi matutulog ng maaga pati si Jacob eh dinadamay sa katamaran niya."

"Luh! Di kaya di ba baby?"

"Opo."

"Tsss...kahit naman ano namang sabihin sayo ng tita Kelly mo na sumasang ayon kang bata ka." Ang sabi naman ni Keith.

"Tsk...tama na nga yan at tayo eh umalis na."

"Okay..."Anila kay Kian.

"Ahm...mag momotor nalang kami ni Kevin kayo nalang sa kotse guys." Ang sabi ni Kim.

"Ahhh...kuya kala ko ba aangkas ako." Ang sabi ni Kelly.

"Aangkas ka ng naka bistida ka?"

"Ay...pwede naman ah."

"Tumigil ka! Tara na sa kotse!" Ang sabi ni Kian na inis na.

"Magpapalit lang ako gusto ko din umangkas."

"Heh! Malelate na tayo sa afternoon mass!"

"Pero kuya..."

"Tsaka nalang babysis sayang naman ang OOTD mo kung mag papalit ka pa."

"Pero ate Faith..."

Hinawakan na ni Kian ang kamay ni Kelly at hinila "Halika na!!!"

"Tsk... ba yan!"

"Nag bisitida ka pa'y!!! Bahala ka!" Ang sabi ni Kevin.

"Nextime nalang babysis." Ang sabi ni Kim.

"Humph...asar!!!"

Samantala nasa isang cafe naman ang tropa nila Patrick,

"What the F!!! So you mean ikakasal ka na???" Ang pagulat na sabi nila Dave at Ryan kay Gio na isa ng Gia at talagang ang ganda niya kahit na alam nilang isa itong bakla.

"Oo pero hindi pa naman ngayon baka pagkatapos ko ng college." Ang mahinhin at mayuming tugon ni Gia.

Habang wala namang pake si Patrick na busy lang sa kaniyang telepono dahil nag eedit ng picture ni Kelly na kinuhanan niya sa kiddie playground sa mall " Pero sabi mo hindi tanggap ng papa mo na ganyan ka paano pa kaya kung ikakasal ka??? As in kasal dude? I----I mean ano..." Ang nag aalinlangang sabi ni Dave.

"Pffft...ahahaha...just call me Gia dude...the Gio that you guys knew is dead eto na ko ngayon babae na at ang ganda right?"

"Ah...eh...a---ano kasi...ikaw nga dude!!" Siniko ni Dave si Patrick.

"Ano? May ginagawa ako!!!"

"Ano ba kasi yang ginagawa mo at busy na busy ka diyan? Kanina ko pa napapansin na parang wala ka namang pakialam na nandito ako dude." Ang sabi ni Gia.

"Ha? A—ano kasi...ano ba kasing pinaguusapan niyo?"

"Lutang ka ba dude?" Ang sabi naman ni Ryan.

"Gutom na ko bakit ba hindi pa kayo umorder?"

"Ay...oo nga no? Si Gio...ay...si Gia kasi masyado tayong ginulat sa kaniyang come back."

"Well...ganun talaga mga dude...pero dude hindi kita bet ha? Kaya wag mo kong ilalagay sa listahan ng mag chix mo."

"Huh! Asa ka! Loyal na to!!!"

"Tsss...loyal daw nung sang araw lang nakita ko sa IG mo may iba ka na namang kasamang babae bukod kay Ella."

"Heh! Pinagsasabi mo diyan? Baka pinsan ko yon si Trish."

"Sus...pinsan daw kilala ko mga pinsan mo di ba dude nakita mo rin sa IG niya?"

"Sino ba? Ang dami niyo namang sinasabi sabi ko umoder na kayo mga gung gong!!!"

"Hahaha...hindi ka parin talaga nag babago dude mainitin parin ang ulo mo sa dalawang yan sige ako ng oorder para satin."

"Libre mo dude? I---I mean sis?" Ang awkward na tugon ni Dave.

"Nice, I like it !!! Call me sis from now on."

"O---okay?"

"Sige oorder na muna ko maiwan ko na kayo my boys."

"Gross..." Ang tugon ka agad nung dalawa ni Dave at Ryan.

"Tsss...maka gross naman...ge na yun parin naman ang gusto niyo dito tama?"

"Um..." Sumangayon naman yung tatlo at umalis na nga si Gia para umorder.

"Matagal na nga rin pala noong last nating punta sa cafe na ito no?" Ang sabi ni Ryan.

"Nagagawi parin naman kami dine ni Patrick pero yung ganireng buo ang tropa ay oo last na punta ata natin dine eh bago tayo grumaduate ng highschool no?"

"Oo nga naalala ko yun doon natin nalaman ang katotohanang isa palang famineta si Gio."

"Yeah...nga pala dude Patrick naalala ko hindi ka non nagulat o natulala man lang di gaya namin ni Ryan na talagang naging awkward kay Gio...ay kay Gia."

"Panu'y matagal ko ng alam nung 3rd year highschool pa tayo."

"ANO?" Ang pagulat na tugon nung dalawa.

"Oo pero matagal naman na yon hindi na dapat ungkatin pa tsaka matalik nating kaibigan si Gio I mean si Gia simula pagkabata kaya intindihin nalang natin ang gusto niya sa buhay. Suportahan nalang natin siya bilang kaibigan."

"Yeah..." Anila.

"Pero ang ganda niya no? Pwede ko siyang irampa sa labas eh ayos na ayos pa pagkakamalang gf ko. Hahaha!"

"Dude, hindi kaya isa ka naring..." Ang tugon nila Dave at Patrick kay Ryan.

"Baliw kayo!!!" Straight ako mga tuleg!!!"

"Ahahaha...pero dude baka ma-fall ka sige."

"Tungaw ka Dave! Nagagandahan lang ako sa kaniya pero syempre straight parin ako tsaka ihanap niyo nga ko ng majojowa."

"Bakit wala na kayo ni Ella?"

"Wala na naisip naming matagal na rin ang 7years nagkasawaan na kami eh."

"Wow...sana all nakaka 7years."

"Bakit dude hindi ka parin ba sinasagot ng nililigawan mo?"

"Nako, sa daming kuya ni Master mahihirapan yang bata natin."

"Sinong master?"

"Si Kelly, yung nililigawan niya."

"Eh, bakit master?"

"Ahhh...mahabang istorya..."

"Okay...pero bakit naman ang bagal mo dude? Daanin mo na sa santong paspasan."

"Heh! Si Kelly yung tipo ng babaeng dinadaan sa santong dasalan."

"Woah...anong nakain ng kaibigan mong yan?"

"Ahahahah...dude, magugulat ka nalang talaga diyan minsan sa mga pinagsasabi niyan masyadong inlove na inlove kay Master eh. Ahahaha..."

"Gung gong ka!!!"

"Sus...bakit hindi? Nagiging corny ka na nga minsan at hindi bagay sayo dude nakakasuka. Ahahahaha..."

"Buset ka!!"

"Wait, don't tell me under ka nung girl dude?"

"Pffft..."Pinigilan ni Dave ang pagtawa niya.

"Wait...so under ka??"

"Anong!!! Pinagsasabi mong under eh hindi pa nga kami pano naman niya ako magiging under? Ha aber?"

"Ba'y syempre kung yung Kelly lagi ang nasusunod sa inyong dalawa eh kahit ba hindi pa kayo eh matic na yon dude!!"

"Tsss...noway!!! hindi ako under!!!"

"Talaga lang ha?" Bigla namang napatingin si Dave sa labas ng cafe dahil sa tapat noon ay ang simbahan kung saan nag sisimba sila Kelly at nakita niya na bumaba ito sa kotse at napa "Wow...Angel."

"Angel?" Ang patanong na sabi nila Patrick at Dave at sabay lumingon kung saan nakatingin si Ryan.

"Kelly?" Ang sabi ni Patrick at "Master" naman ang sabi ni Dave.

Bigla namang dumating si Gio ay si Gia "Boys, naka order na ko ang haba ng pila nakakaloka." Napansin niyang hindi sya pinakikinggan ng mga ito "Huy!!! Ano bang tinitignan niyo dyan?" pero hindi niya nakita si Kelly na nakaharap naabutan niya nalang na nakatalikod na ito at naglalakad papasok sa simbahan.