Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 142 - Kabanata 142

Chapter 142 - Kabanata 142

Kinabukasan,

Kumakain ng agahan ang pamilya Dela Cruz pero tulog pa si Kelly "Kamusta naman ang pag abay mga kuy's inumaga na kayo ng uwi eh wala ba kayong jetlag." Ang sabi ni Kevin.

"Ano? Anong jetlag pinagsasabi mo dyan eh sa Quezon lang naman yon." Ang sabi ni Kian.

"Ahahaha...alam ko I mean wala pa kayong tulog ni kuya Kim pero nag luto pa kayo ng agahan."

"Actually ininit lang namin yan ni kuya pauwi samin yan galing sa kasalan." Ang sabi ni Kim.

"Ohh...kaya pala ang aga may menudo na agad." Ang sabi naman ni Keith na beltukan sya ni Faith.

"Babe, bakit mo naman ginawa yon? Ano na naman ang ginawa kong mali?"

"Pfft....hahahaha...pano'y kay ate Faith talaga yang menudo na yan sya ang nagluto ni'yan kahapon di ga?" Ang sabi ni Kevin.

"Ah? Sa---sayo ba ito babe? So---sorry...may hangover pa ata ako."

"Heh! Akana nga yan!" Kinuha naman ni Faith yung kinakain ni Keith at dinala sa kusina.

"Babe!!! Hindi pa ako tapos kumain."

"Ewan!!!"

Kukuha sana ng bago niyang makakain si Keith pero "Hep! Wag na wag mong gagalawin yang natitira dahil kay Kelly na yan." Ang sabi naman ni Kian.

"Ha? Pero kuya naman di pa ako masyadong nakakain ang dami pa naman nito di naman kaya ni babysis na ubusin ang lahat ng iyan."

"Heh! kung gusto mo mamaya ka na ulit kumain pagkatapos ni Kelly."

"Pero kuya naman."

"HEH!" Ang tugon nila Kian at Kim.

"Alam mo bro suyuin mo nalang si ate Faith mukhang hindi naman niya talaga ipapakain sa pusa yung pagkain mo."

"Pusa? Kailan pa naman tayo nag ka pusa?"

"Hindi ko naman sinabing satin yung pusa sa kapitbahay pero naging alaga na yun ni ate Faith."

"Eh? Hindi ko alam na mahilig pala si Faith sa pusa?"

"Di ko alam pero napansin ko kasi pag nandyan yung dalawang pusa ni Mrs. Enriquez lagi niyang tinatawag tapos pinapakain yung mga natitira nating pagkain siguro ng hihinayang wala kasi tayong aso o pusa."

"Hmmm..."

"Hoy! Kung inisip mong bumili ng pusa wag na! Alam mong hindi pwede ang pusa satin."Ang sabi ni Kim.

"Yeah...I know aso kaya?"

"Bahala ka!" Anila.

"Kelly, likes dog too right?"

"Who's calling my beautiful name?" Ang bungad ni Kelly habang pababa ng hagdan.

"Oh? Gising na ang mahal na prinsesa." Anila.

"Mornin' my handsome kuy's." At hinalikan niya ang mga ito sa noo.

"Bakit mukhang good mood ka ata ngayon?" Ang sabi ni Kian.

"Oo nga ano bang nangyare kahon sa bday ni tiya Ada?" Ang sabi ni Kim.

"Wow...ang dami namang handa ng mesa agahan pa lang pero parang fiesta na."

"Galing yan sa kasalanan pa uwi samin sige kumain ka na." Ang sabi ni Kian.

"Ohhh....kaya pala mukhang masarap...nasan si ate Faith?"

"Andun sa kusina." Ang sabi ni Keith.

"Bakit nandun di pa nakain?"

"Ahhh...kumain naman na teka nga masundan na muna." At nag tungo na nga rin si Keith sa kusina.

"Oh...okie? Nag away na naman sila?"

"Ano pa bang bago?" Anila.

"Well...."

"Nga pala, Kellang wala ka bang pasok ngayon?" Ang sabi ni Kian.

"Um...wala kuya kayo ba wala din tanghali na kayo kung meron."

"Ahh...half day lang naman kami ni Kim."

"Oo ikaw ba Kevin?" Ang sabi ni Kim.

"Ahm...half day lang din naman ako sa DLRU."

"Ahhh...kaya naman pala hindi kayo nag mamadaling lahat si kuya Keith po?"

"Meron ata...KEITH!!!!" Ang sabi ni Kian.

"Kuya? Tawag mo ko?" Ang sagot ni Keith habang nasa kusina at nakain.

"Ano gang ginagawa mo diyan?"

"Nakain...hehehe..."

"Bakit diyan?"

"Eh...si Faith kasi ang moody na naman."

"ANO?"

"Ha---ha---ha....wala babe sandali lang ha?"

"Tsss..."

At lumapit nga si Keith kila Kian "Ano ba kasi yon?"

"Tatanong lang namin kung wala ka bang pasok tanghali na eh." Ang sabi ni Kian.

"Ahhh...teka ano ngang araw ngayon?"

"MONDAY." Anila.

"Anak nang! Monday? Kala ko Sunday?"

"Ano?" Anila.

"Babysis anong oras na?"

"8:30am?"

"Siya!!! May P.E class ako ng 7am." Pandalas na ng takbo si Keith papunta kay Faith.

"Baliw talaga yon may pasok pala kung ano ano pa ang ginagawa." Ang sabi ni Kian.

"NAKA LEAVE KA SHUNGA!" Ang sigaw ni Faith at naririnig iyon nila Kelly.

"Pffft...ahahahaha...nalimutan ni kuya Keith na naka leave siya. Baliw na talaga...LAMBANOG PA MORE KUYA!!! Hahahaha...." Ang sabi ni Kelly.

"Hahahaha...oo nga pala naka leave na si kuya Keith para kay ate Faith. Ayan kasi lasing ng lasing kahapon kainuman kasi sila tiyo at kuya Elmer." Ang sabi ni Kevin.

"Sayang at di kami naka dalo sa kaawaran ni tiya Ada." Ang sabi ni Kim.

"Oo nga eh sayang kuya may litson pa naman." Ang sabi ni Kelly habang nakain.

"Oh? Bakit naman di kayo nag uwi?"

"Speaking of uwi nag Sharon yang si Kelly kila tiya Ada." Ang sabi ni Kevin.

"Sharon?" Ang sabay sabi nila Kim at Kian.

"Oo Sharon hindi niyo ba alam yon? Ay...mga tanders na nga pala kayo. Ahahaha..."

"Gusto mong masaktan?" Ang nauumang sabi nila Kian at Kim.

"Ha----ha----ha...kayo naman hindi na mabiro sige nga babysis ipaliwanag mo kung ano yung Sharon."

Pero busy kumain si Kelly "Yan...diyan ka magaling kuya ang ipasa ang sama ng loob sakin bahala ka diyan nakain ako dine."

"Tsss...pinagsasabi mo oo na ako na nga mag papaliwanag mabulunan ka sana."

"Kuy's oh si kuya Kevin."

"KEVIN!!!!" Ang pagalit na sabi kunwari nila Kian at Kim.

Pabulong bulong naman si Kevin kay Kelly "Sumbong kaya kita sa kanila? Brat!"

"Tsss...edi wow..."

"Ano na naman yang pinag-uusapan niyong dalawa diyan?" Ang sabi ni Kian.

"Wa---wala kuya sabi ko yung Sharon yun yung pag may nag papauwing pagkain sayo pag galing sa isang handaan. Yung balutin mo ko ako...yung kanta gets niyo?" Ang sabi ni Kevin.

"Pffft...ahahahahaha...wala ka talagang ka sense, sense of humor kuya. Mukhang hindi naman na gets nila kuy's hahahaha...weaklings." Ang pang aasar na sabi ni Kelly.

"Heh!"

"Ohhh...so yun pala yung Sharon? Kaya Sharon kasi kanta niya yung balutin something something...mga nauuso talagang salita ngayon ang wiwirdo." Ang sabi ni Kian.

"Ahhh...hindi naman sa ganun kuya maganda din kasing sabihin ang mga ganon halimawa gaya nito ang dami nating pagkain sasabihin ko "Beke nemen pa Sharon naman." Ahahahah...ganoin!" Ang sabi ni Kelly at tawa ng tawa.

"Ahahahaha...ganun pala pero bakit beke nemen? Ahahaha...nakakatawa yon." Ang sabi naman ni Kim.

"Oo nga beke nemen naririnig ko yun minsan sa mga estudyante ko eh at nakakatawa nga. Ahahahaha..." Ang sabi naman ni Kian an natatawa rin.

"See, kuya Kevin ganoin! Tamo na tawa sila kuy's boring mo kasi mag explain."

"Heh! Ewan ko sayo sinabi ko na ngang ikaw mag explain nag iinarte ka pa diyan buset ka."

"Ahahaha...gusto ko lang talagang mapahiya ka."

"ANO???Buset ka ah!"

"Ahahahaha...kuy's si kuya Kevin oh gusto ata akong sakalin."

"Kevin!!!!"

"Kuya wala naman ako ng ginagawa tung si Kellang nako..."

"Kuy's oh!!! Si kuya Kevin..."

"HEH!"

"Ahahaha...nga pala mga kuy's mamaya aalis ako."

"At saan ka pupunta?" Anila.

"Ah,,,eh...mag gagawa uli kami ng project kila Patrick po."

"ANO? BAKIT DUN NA NAMAN?" Anila.

"Eh...kasi..."

"Tumigil ka Kelly tama na yan kung gusto mo mag solo ka nalang kami nalang tutulong sa project na yan." Ang seryosong sabi ni Kian.

"Pero kuya..."

"Nako Kelly...kung gusto mong gumawa ng project mag sabi ka lang saming mga kuya mo at tutulungan ka naman namin para di ka na dumayo pa kung saan saang bahay." Ang sabi ni Kim.

"Pero kasi..."

"Tama na yang usapan na yan kung gusto mong gumawa ng project mag solo ka kami na ang tutulong sayo pero kung ayaw mo naman sige papayag kaming ka partner mo yung Patrick na yon pero sasama kami." Ang sabi ni Kian.

"ANO? Kuya naman!!!" at kinulbit niya si Kevin at bumulong "Kuya, tulungan mo naman ako mag salita ka naman diyan."

"Heh! Bahala ka diyan kanina lang pinag titripan mo ko bahala ka ngayon!"

"Ba naman yan!!!"

"Heh!"

"Kuya naman!!!!"

Samanatala,

Sa bahay nila Vince nagising sila Patrick at Dave na nakahiga sa sofa "Eh? Nasan ako?" Ang pagulat na sabi ni Patrick.

"Aw..ang sakit ng ulo ko." Ang sabi naman ni Dave.

"Morning mga Pre." Ang bungad na sabi ni Vince na may dalang basong may lamang mainit na kape.

"Eh? Vince?" Ang sabi ni Patrick.

"Oo, ako nga may iba pa ba?"

"Teka, dito ba ako natulog?"

"Oo lasing na lasing na daw tayo kasi kagabi sabi nila Mama kaya di na kayo pinauwi. Oh, ayan mag kape muna kayo para mahimasmasan kayo."

"Oo nga pahinge ang sakit ng ulo ko." Ang sabi ni Dave at binigyan naman siya ka agad ni Vince ng kape.

"Salamat."

"Pre Patrick, ikaw? Nag kakapae ka ba? Kapeng barako ito eh hindi kami sanay sa instant coffee."

"Ah...okay na yan di naman ako maarte."

"Sige."

"Whoa...kaya pala ganire ang kulay ganire pala ang barakong kape." Ang sabi ni Dave.

"Ahhh...oo hindi rin kasi kami nag lalagay ng creamer sanay na kasi kami sa ganyan sa Batangas."

"Oohhh...oo nga pala marami nito doon eh no? Kaya ang tawag din sa mga tao dun mga "barako" tama ba?"

"Ahm...parang ganun na nga pero hindi ko rin talaga alam. Hahaha..."

"Pero pag naman talaga galing o nasa Batangas talagang namang pang hihinaan ka ng tuhod." Ang sabi ni Patrick.

"Ha? Hahahaha....bakit naman?"

"Pano'y yung angkan niyo ni Master eh puro lalaki tapos mga sundalo at mga pulis pa paano naman hindi manghihina ang tuhod ng mag tatangkang manligaw sa mga babae niyong kamaganak." Ang sabi naman ni Dave.

"Ahhh...oo nga naman pero mababait naman sila tiyo at yung mga pinsan namin kaya wag kayong mag alala. Ahahahaha..."

"Parang hindi naman." Ang sabi ni Patrick.

"Ahahahaha...bakit Dude natatakot ka na agad sa mga kuya ni Master? Partida hindi sila pulis ha? Mga teacher lang sila Dude."

"Tsss...ewan wag mo nga akong kausapin buset ka!"

"Ahahahaha..."

Related Books

Popular novel hashtag