Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 102 - Kabanata 102

Chapter 102 - Kabanata 102

Ang nakaraan,

Patrick: Ako ng bahala!

Vince: Bahala? Bakit may ka kilala kang O negative?

Patrick: Oo.

"Sino?" Anila.

Patrick: Si kuya Richmond.

"ANO?" Anila.

Dave: Pero dude.

Patrick: Alam kong isa itong kapangahasan pero para kay Kelly lulunukin ko ang pride ko.

Vince: Sandali lang, parang lalo lang maniniwala ang kuya mo na kapatid niyo talaga si Kelly kasi syempre magiging kalabasan nito ay magka dugo sila.

Precious: Oo nga bro.

Vince: Ah...guys, sino siya?

Dave: Ahh..siya yung sinasabi ko sa inyo kanina na kapatid ko.

Precious: Hi, nice to meet you I'm Precious.

Vince: Ohhh...H—Hi...ako naman si Vince.

Patrick: Sige na aalis na ko para makausap ko si kuya.

Dave: Pero dude hindi ka pa okay.

Patrick: Ayos na ko wala na kong lagnat dala mo ba ang motor mo?

Dave: O---oo.

Patrick: Akana ang susi.

Dave: Ha? Hindi na ako nalang mag dadrive tara.

Patrick: Bilis!

At umalis na nga yung dalawa "Hey!!!" Ang sabi naman ni Vince.

Precious: Hayaan mo alam nila ang ginagawa nila.

Vince: O---okay...

Precious: Pwede bang mag tanong?

Vince: Si---sige.

Precious: Anong relasyon ni Patrick at ni Kelly?

Vince: Ha? Ah...eh...

Precious: Wag kang mag alala hindi ako karibal ni Kelly kay kuya Patrick.

Vince: Ku---kuya?

Precious: Yep, bestfriend siya ni kuya Dave kaya kuya ko lang sya at hindi ko rin naman siya type.

Vince: Ohh...I see pero sa pag kakaalam ko walang relasyon yung dalawa pero ang alam ko nag tapat si Patrick kay Kelly pero binusted naman siya ka agad.

Precious: Ahahaha...poor kiddo.

Vince: A---ahm...pwedeng ako naman ang mag tanong?

Precious: Sure kahit ano.

Vince: Sino ba si Mr. Richmond? Well, bukod sa kuya siya ni Patrick....

Precious: No, hindi siya totoong kapatid ni Patrick at ni ate May.

Vince: ANO?

Samantala,

"Knock....knock..." May grupo ng kalalakihan sa labas ng condo ni Richmond.

"Buksan mo ang pinto Richmond! Alam kong andiyan ka kaya kung ayaw mong mag ka gulo dito bubuksan mo ang pintuang ito!"

"Boss, mukhang pinagtataguan kayo ng lukong yon sirain na po ba namin?"

"Kalma lang akong bahala."

"Sige boss."

"Richmond!!! Pag ka bilang ko ng tatlo at hindi mo parin ito binubuksan madadamay ang mga tao dito sa condominium na ito. Isa....dalawa..." Binuksan naman ka agad ni Richmond ang pintuan niya na ninenerbyos "Bo---boss..."

"Buti naman at marunong kang umintinde ngayon gusto mo bang dito tayo mag usap o sa loob o baka naman gusto mong malaman ng mga tao sa paligid mo kung sino ka?" Napatingin si Richmond sa kapaligiran niya at nakita niyang pinag titinginan na sila kaya wala siyang choice kung hindi papasukin ang mga ito sa loob ng condo niya. Umupo naman ka agad yung boss nilang tinatawag pinaluhod naman si Richmond ng mga tauhan nito sa harapan "Bo---boss, hindi pa ako nakakakuha ng halagang sinasabi niyo pero pangako this weekend."

"Boys ano raw yung sabi niya?"

"Boss, hindi pa raw niya maibibigay ang pera niyang inutang sa inyo."

"TONTA! Alam ko!"

"So---sorry po Boss."

Tumayo at nag ikot-ikot yung boss nila at nakita nito ang family picture nila Richmon "Ohhh...mukhang maganda ang kapatid mong babae gusto kong isama mo siya sa ibabayad mo sakin." Lumapait naman ka agad sa kaniya si Richmond at lumuhod at nag makaawa "Boss, wag ang kapaid ko parang awa niyo na hilingin niyo ng lahat wag lang sya."

"Ohhhh...sige yung Kelly nalang!"

"Boss?"

"Pina imbestigahan ko ang Kelly na yon at maganda siyang bata mapagkakakitaan ko sya."

"Bo---Boss....wag!"

"Oh...Wag?" Sinipa niya si Richmond "SINO KA PARA UTUSAN AKO???!!!!"

"Bo---boss, parang aawa niyo na wag ang pamilya ko at si Kelly walang ka alam ang batang iyon sige gagawin kong 300Million wag niyo lang silang gagalawin parang awa niyo na boss."

"500Million!"

"Bo---boss? Wala na akong makukuhang ganoong kalaking halaga."

"500Million, at magiging malaya ka na! Kung hindi mo yon magagawang ibigay alam mo na ang consequences kahit yang Kelly na yan madadamay! Naiintindihan mo?!"

"Pero Boss!!!"

"Bibigyan kita ng dalawa araw na palugit kapag hindi mo ibinigay ang hinihingi ko uunahin ko yung Kelly!!!"

"1BILLION!!!" Ang pagalit na sabi ni Patrick kasama si Dave at nagulat naman ang mga ito lalo na si Richmond kaya lumapit ka agad siya sa kapatid "Bro, wag kang mangialam dito!!!" pero hindi siya pinansin nito at naupo pa sa sofa "PATRICK!!!!!" Ang sigaw ni Richmond.

"1BILLION and it's a deal wag niyong gagalawin ang pamilya namin lalong lalo na si Kelly!!!"

"Ohhh...I like you kid mas masunurin kesa sa kapatid mo."

"Bukas, sa may parking lot ng Santos Mall main branch 1pm kaliwaan! Ibibigay ko ang 1Billion niyo ibibigay niyo ang kopya ng video clip ni kuya."

Richmond: Patrick...

"Deal!"

Patrick: Siguraduhin niyo lang na wala na kayong kopya na itatabi sa inyo dahil kapag nalaman kong meron pa kayong tinatagong kopya doble ang sisingilin ko sa inyo!

"Sure thing! Wag kang mag-alala wala akong interest sa video clip ng kuya mong gunggong!" Pagkatapos na marinig iyon ni Patrick nang galaiti siya sa galit kaya sinipa niya yung boss "Boss!!!!" Ang sabi ng mga tauhan nito.

Patrick: Ay, sorry nangati kasi bigla yung paa ko.

"IKAW!!!!"

"Bo—boss...ayos lang kayo?"

"Bitawan nyo ko!!!"

Patrick: Bukas ang pintuan at marami ng nakakarinig kaya kung ako sa inyo aalis na ako dito.

Lumapit sa kaniya yung boss at sinabing "Magaling ka! Pero kapag ako ang niloko mo hindi lang sipa ang ibibigay ko sayo! NAIITINDIHAN MO?" Tinapik tapik naman si Patrick ang pisnge nito "Alam niyo buong buhay ko hindi pa ako sumisira sa usapan pero ang pinaka ayoko ay ang SINISIGAWAN AKO!! Dahil hindi ako pinagaral ng mga magulang ko para sigawan lang. NAIINTINDIHAN NIYO???" nagulat naman ang lahat sa ginawa niya at lumapit sa kaniya si Dave at bumulong "Dude, andiyan na ang mga security guard."

"Boss! Tara na."

"Tsk...bwiset!"

At umalis na nga yung mga gangster na ang sama ng tingin kay Patrick "Huh! Don't try my patience kid." Ang sabi nung boss bago siya lumabas.

"Sir, ano pong nangyayare dito?" Ang sabi nung isang security guard na may kasama pang dalawa ring guard.

Dave: Ha---ha---ha...nako wala po ito pasensya na po sa abala.

At sinara ka agad ni Dave ang pintuan napa upo naman ka agad si Patrick dahil sa naramdaman niyang nerbyos "Dude, okay na nakaalis na ang mga kumag."

Patrick: Yeah...

"Paano mo nalaman?" Ang bungad naman ni Richmond.

Patrick: Hindi ko kailangan mag paliwanag ang gusto ko tulungan mo rin ako at patas na tayo.

Richmond: Ano?

Dave: Dahil kailangan pong masalinan ng dugo ni Kelly.

Richmond: Si Kelly? A----anong nangyare sa kaniya?

Patrick: O negative ang blood type mo tama?

Richmond: Oo.

Patrick: Dala mo ba ang motor mo?

Ricmond: Hinde naka kotse ako pero ano bang nangyayare?

Patrick: Asan ang susi ako mag da-drive ng kotse mo Dave i-angkas mo si kuya ikaw na rin ang mag paliwanag sa kanya.

Dave: Okay sige...tara na po kuya?

Richmond: Sandali lang!

Patrick: Kung tatanungin mo na naman ako kung bakit si Dave na ang tanungin mo dahil kailangan na nating mag madali!

Nagulat siya dahil niyakap siya ni Richmond "Salamat!" ang sabi nito at inihagis ang susi ng kotse niya.

Dave: Okay tara na.

Richmond: Um...kita kits sa ospital lil' brother.

At umalis na yung dalawa "Huh! Who's your lil' brother? Baliw talalaga sya.." Ang na sabi ni Patrick at nag madali na rin siyang umalis ng condo.

Nagmadali yung tatlo na mag tungo sa ospital na ikwento na rin ni Dave ang nangyare kay Kelly at naunawaan naman na ito ni Richmond. "Andito na kami." Ang sabi ni Dave.

Vince: Sige tatawagin ko lang sila kuya Kian.

Dave: Sige please.

"Hi kuya Richmond?" Ang bungad naman ni Precious.

Richmond: Oh? Andito ka rin?

Dave: Oo andito rin kasi ang nanay namin may dengue rin siya pero hindi siya kailangan masalinan ng dugo.

Richmond: Ohh...nasan na si Patrick?

"Andito na ko." Ang sabi ni Patrick na animo'y nanghihina.

Dave: Dude? Ayos ka lang ba?

Napahawak sa ulo niya si Patrick at nahimatay bigla "PATRICK!!!" Ang sabi nung tatlo nasalo naman ka agad siya ni Richmond "Patrick!! Anong nangyayare sayo?"

Dave: Mukhang napagod ang katawan niya hindi pa kasi siya tuluyang magaling sandali lang tatawag lang ako ng nurse.

Richmond: Bakit anong nangyare sa kaniya?

Precious: Nag deliryo siya kagabi sobrang taas ng lagnat niya wala na kasi siyang pahinga simula nung naging bagong Chairman siya. Actually, naka confine siya dito pero nag pumilit pa rin siyang sunduin ka para sya mismo ang makikiusap na tulungan mo siya para kay Kelly.

Richmond: Sigh...sige ituro mo ang room niya ako ng maghahatid sa kaniya pakisabi sa mga kuya ni Kelly paki intay nalang ako dito.

Precious: Sige kuya ako ng bahala.

Richmond: Salamat.

Kinabukasan,

Binisita nila Richmond at Patrick si Kelly na natutulog pa ng mga oras na iyon "Goodmorning kamusta na si Kelly?" Ang sabi ni Richmond.

Patrick: May dala po kaming prutas para sa kaniya.

Kian: Salamat ayos naman na siya yun nga lang may lagnat parin pero hindi na gaya kahapon salamat sa pag donate ng dugo mo Mr. Richmond sa kapatid namin.

Richmond: Wala yon si Patrick talaga ang dapat niyong pasalamatan kung hindi niya na sabi sakin baka hindi rin ako nakatulong.

Kian: Salamat talaga sa inyo.

Patrick: Wala po yun masaya po kaming makatulong kay Kelly.

Kian: Hayaan niyo pag naging okay na siya sasabhin kong mag pasalamat sa inyo ng personal.

Richmond: Ah? Nako, hindi na ayokong iba pa ang isipin niya may mga nakaraan kasing baka maungkat pa nakakahiya naman hayaan niyo nalang na isipin niyang walang nangyare.

Kian: Ha? Anong nakaraan?

Patrick: Wala naman po yun gaya nga po ng sabi ni kuya ayos lang po kahit wag niyo ng ipaalam masaya kaming bumubuti na ang pakiramdam niya.

Kian: O---okay?

Richmond: Sige aalis na kami.

Kian: Sige, salamat sa pag dalaw niyo.

Patrick: Paalam po.

Pagkaalis nung dalawa dumating naman sila Kevin at Kim "Bro, galing ba dito si sila Patrick?" Ang sabi ni Kevin.

Kian: Oo ang weird nga eh ayaw nila ipaalam natin kay Kelly na yung kapatid ni Patrick ang nag donate sa kaniya ng dugo.

Kim: Oh? Bakit raw?

Kian: Hindi ko rin alam pero sundin nalang natin dahil yun ang kanilang nais.

Kevin: Hmmm...something is really fishy between them and to our babysis.

"What do you mean?" Anila.

Kevin: Hayaan niyo at aalamin ko.

Related Books

Popular novel hashtag