Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 98 - Kabanata 98

Chapter 98 - Kabanata 98

Kahapon sa Condo ni Patrick bago dumating si Precious,

Sa kusina,

"Ang ganda ng ref pero ang laman tubig at yelo lang nag aaksaya lang sya ng kuryente mayayaman talaga ang hirap intindihin. " Kumuha si Kelly ng yelo at nilagay sa isang palanggana "Sabi ni Prof. Mina lagyan ko daw ng cold compress si Partick dahil wala naman akong makita na ganun tubig na may yelo at towel nalang daw at ilalagay sa noo niya." At naghanap na nga si Kelly ng pwedeng gamiting towel "Ay, bakit ba ako sa kusina naghahanap ng towel teka nga madala muna ang mga ito sa kwarto ng tukmol na yun."

At nag tungo nga uli siya sa kwarto ni Patrick at nagulat siya dahil nahulog si Patrick sa kinahihigan nito "Ay kalabaw! Pambihira ang likot naman niyang matulog! Tsk...pahirap ang lintek na ito." Ibinaba niya yung dala niyang palangganang may tubig at tinulungang humiga muli si Patrick sa kama "Hoy!!! Umayos ka nga ang bigat mo!" at nung itatayo na niya si Patrick napatid siya "AHHHHHH..." nagulat nalang si Kelly na nakapatong na siya kay Patrick "Hala! Sorry napalakas ata ang bagsak ko sa kaniya." At nung tatayo na siya bigla naman siyang hinila ni Patrick "Ahhh...dito ka lang Paula wag mong iwan si kuya." Kaya muli nakapatong na naman si Kelly sa kaniya "Sigh...pambihira naiinis na ko sa kaniya! Hoy!!! Bitawan mo ko nakakailan ka ng lintek ka!!!" At sinapak niya si Patrick "Huh! Bwiset ka! Napaka likot mo!" Na upo muna siya sa sahig at di niya muna itinaas sa kama si Patrick at nagulat siyang "Luh! Naiyak ba siya? Huy!! Napalakas ba ang sapak ko sa kaniya? Haist...kainis." At muli niya na uling itinaas ito sa kama.

"Ano, ba kasi ang napapanaginipan mo?" Kinuha niya yung panyo niya at ipinunas kay Patrick "Tama, ito nalang panyo ang mailagay sa kaniya para di na ko mag hanap pa ng towel." At binasa na nga niya ng tubig na malamig ang panyo at pinunas sa mga braso at mukha nito "Sabi ni Prof. Mina punasan ko daw ang buong katawan ni Patrick kasama kaya yung..."

"Ahhhh...hinde!!! Ayoko baka magising sya sabihin niya pa sakin ang pervert ko. No way!! Hindi ko huhubarin yang damit mo. Okay na siguro yung mukha at braso tapos ilalagay daw sa noo yung towel para bumaba yung lagnat." At nilagyan nga niya ito "Ayan, gagaling ka na syempre panyo ko ang ginamit mo."

Author: Ibang klase rin itong si Kelly dahil panyo niya ang ginamit ni Patrick gagaling na agad? Akala ata relic yung panyo niya. Ano "miracle panyo" ang peg? Charot! Anyways, gusto niyo yon? May pa side comment ako parati. Haha...byie.(>.<)

Habang pinupunasan ni Kelly si Patrick "Mmm...Paula!!!"

Kelly: Eh? Nagsasalita na naman siya ng tulog at bakit ba laging si Paula ang napapanaginipan nya? Sino ba kasi yung Paula? Kamukha ko ba talaga yung kapatid niyong yon?

Nag mulat ng mata si Patrick "Ay kalabaw!" Ang pagulat na reaskyon ni Kelly napaatras siya pero hinila siya ni Patrick "He---hey!! Gising ka na?"

Patrick: Paula?

Kelly: Ano? Si Kelly ito!

Patrick: Paula, umuwi ka na satin may sakit si daddy.

Kelly: Nagdedeliryo na ata siya.

Niyakap siya ni Patrick "Paula!!! Bumalik ka na..." Narinig ni Kelly na umiiyak si Patrick at di na ito nagsasalita "Patrick? Huy!!! Sorry pero BITAWAN MO NA KO!!!" Nag pupumiglas siya sa pag kakayakap sa kaniya ni Patrick at nung medyo nakakabangon na siya "Sumosoba ka na!!!" Pero bigla siyang napatitig sa mukha ni Patrick "Tulog siya pero naiyak? Ganoon niya na ba talaga ka miss si Paula?" Bigla namang nag mulat ulit ang mata ni Patrick at nagulat si Kelly "Kelly? Andito ka? Kung panaginip ito ayoko ng magising." Natulala lang si Kelly sa gulat dahil hinawakan ni Patrick ang mukha niya "Mahal kita Kelly kahit hindi mo ako mahal mag aantay pa rin ako sayo." At hinalikan niya ito at nagulat naman si Kelly sa ginawang paghalik sa kaniya ni Patrick kaya sinapak niya ito "PERVERT!!! That's my first kiss!!!! Sinapak niya ng magkabilaang pisnge si Patrick sa galit niya "BWISET KA TALAGA!!!" at biglang tumunog naman ang telepono niya.

"Ring....ring..."

Kelly: Pasalamat ka may sakit ka kung hindi baka...nako!!! Bwiset!

Sinagot niya yung telepono "Hello? Prof? Opo nagawa ko na po ang mga inutos niyo nasan na po ba kayo? Ahh...sige ho iintayin ko nalang po kayo dine. Bye po ingat." Naupo siya at huminga ng malalim "Sigh...gusto ko ng umuwi!!! Boohoo...bwiset ka ibalik mo yung FIRST KISS KO!!!!"

Sa kasalukuyan,

Kian: Ano? Kailangan na ba nating dalhin si Bunso sa opsital?

Kevin: Obserbahan ko na muna bumaba naman na ng kaunti ang lagnat niya.

"Sigh...buti naman kung ganon." Ang tugon nila Kian at Kim.

Kim: Bakit kaya nagka lagnat sya?

Kian: Uso ba ang trangkaso ngayon Kevin?

Kevin: Ahm...flu di masyado dengue ang uso ngayon.

"ANO?" Anila.

Kevin: Pero kumalma kayo wala naman akong nakitang rushes sa balat ni Kelly kaya kailangan natin siyang obserbahan pag dumugo ang ilong niya kinakailangan na natin siyang dalhin sa ospital.

Kian: Sige, paano yan may pasok tayo sino magbabantay sa kaniya?

Kevin: Sige ako nalang update ko nalang kayo.

Kim: Sigurado ka? Pwede naman akong umabsent.

Kevin: Ayos lang bro wala naman akong gagawin ngayon nasa DLRU naman yung isang assistant nurse sa DLRH naman wala naman akong duty ngayon doon.

Kian: Siya sige ikaw nalang muna mag bantay sa kaniya papupuntahin ko nalang dito si Rica para makatulong mo.

Kevin: Ayieee...kayo na uli bro?

Kim: Oo nga nung isang araw daw eh nag dinner date kayo eh ano may naganap bang kababalaghan?

Kian: Heh! Tumigil nga kayo at baka marinig kayo ni Jacob.

Kim: Bakit naman ayaw mo nun matutuwa yung bata na kayo na?

Kevin: Kaya nga sure naman kaming matutuwa si Jacob dahil okay na ang mga magulang niya.

Kian: Heh! Wag nga kayong issue diyan hindi pa kami ni Rica pero were getting to know each other.

Nagkatinginan yung dalawa ni Kevin at Kim na animo'y nauuma "Tsss...makakuha na nga muna ng yelo para kay Bunso." Ang sabi ni Kevin.

Kim: Ako nga rin makaligo na nga muna.

At iniwan nila si Kian " Hoy!!! Bakit parang ayaw niyong maniwala ha? "

"Whatever Bro." Anila.

Kian: Hoy!!! Bumalik kayo dito.

"Wag kang maingay baka magising mo si Kelly!" Anila.

Kian: Ay...oo nga pala.

Lumapit siya kay Kelly "Bunso, mag pa galing ka ha?" At hinalikan niya ito sa noo.

Makalipas ang isang oras,

Mimay: Bakit wala pa si Kelly late na ah?

Vince: Hindi ko nga rin alam eh.

Harvey: Di na kayo na sanay lagi naman talagang late yun.

Vince: Well, siguradong na late na naman yun ng gising nga pala wala din si Dave?

Mimay: Ah...di siya papasok wala kasing mag babantay kay tita may dengue kasi.

Vince: Oh...tita....

Mimay: Baliw!

Harvey: Shhh...wag na kayong maingay ayan na si Prof. Arnie.

"Morning Class."

"Morning Prof."

Bumulong si Mimay "Hala! Wala pa si Kelly."

Vince: Kaya nga eh nasan na kaya ang lukaret na yon?

Harvey: Shhh...

Prof. Arnie: Today, hindi makakapasok si Ms. Dela Cruz.

"Bakit po?" Ang sabi nung tatlo.

Prof. Arnie: Nag text sakin ang kapatid niyang si nurse Kevin may lagnat raw si Kelly.

"Lagnat?" Anila.

Prof.Arnie: Oo kaya kayo mag iingat kayo uso pa naman ang dengue ngayon mahirap mag ka sakit.

"Yes Prof." Tugon ng buong klase.

Kinatanghalian,

Vince: Sigh...hindi ako sanay na may sakit si Kelly.

Mimay: Oo nga eh may ikukwento pa naman sana ako sakniya.

Harvey: Baka naman bukas eh makapasok na ulit siya.

"Sana nga. Sigh..." Anila.

"Guys!!!"

"Dave???" Anila.

Dave: Yow...sabi ko na nga ba wala pa kayo sa canteen eh tara kumain na tayo.

Mimay: Sandale, kung andito ka sinong nag babantay kay tita?

Dave: Ahhh...dumating kasi yung kakambal ko.

"KAKAMBAL MO???" Anila.

Harvey: May kambal ka?

Dave: Ahhh...di naman talaga actually kakambal pero na una ako sa kanya ng buwan.

Vince: Ano? Pwede ba naman iyon mauuna ka ng buwan? Sa kakambal mo? Baliw ka na bro!

Mimay: Ahhhh...alam ko yan may pinsan akong ganyan eh yan yung sukob sa taon.

"Sukob sa taon?" Anila Harvey at Vince.

Dave: Oo tama si Mims nung pinanganak ako ni nanay January tapos nag buntis ulit si nanay nung March.

Mimay: At nanganak si tita ng December right?

Dave: Yep! Kaya para kaming kambal kasi parehas kami ng taon ipinanganak.

"Whoa..." Ang reaksyon nung dalawa.

Vince: Mas matinik pala ang tatay mo sa tatay ni Harvey eh.

Harvey: Oh bakit naman nakasama ang tatay ko diyan.

Vince: Ehhh...tignan mo walo kayo tapos sila Dave dalawa?

Dave: Um...

Vince: Oh, dalawa lang sila pero sukob sa taon lupet!

Dave: Luko!

Mimay: Teka lang kung kararating lang ng kapatid mo saan siya galing?

Vince: Oo nga hindi niyo siya kasama sa bahay?

Dave: Ahhh...hindi naman sa hindi kasama pero nauwi naman siya tuwing end of the month samin kasi busy siya.

"Saan?" Anila.

Dave: Freelance model kasi ang kapatid ko.

"Weh???" Anila.

Vince: Pre, tatawa na ba kami?

"Pffft...ahahahaha..." At nag tawanan nga yung tatlo.

Dave: Pero model talaga ang KAPATID KO!!!!