"ANO???" Ang pagulat na sambit ni Kelly.
"Ibigsabihin wala rin sila kuya Kevin at kuya Kim dine sa bahay tayo lang?" Dagdag pa niya.
Jacob: Opo kaya tayo lang po dine ngayong gabi.
Kelly: Sigh...tsk...hayaan mo na nga sabi mo nga kailangan ng privacy nila kuya Kian at ng mommy mo kaya sige wag na nga nating istorbohin pero bakit pati sila kuya Kim at kuya Kevin eh di din makakuwi?
Jacob: Ehhh....sabi po kasi ni daddy si tito Kevin duty sa ospital si tito Kim may seminar raw ho sa ibang lugar kaya bukas pa makakuwi.
Kelly: Tsk...bayan eh nagluto ba muna si kuya Kian bago pumunta sa inyo?
Jacob: Di nga po eh sabi niya magluto nalang daw po tayo ng instant noodles.
Kelly: Ano? Sinabi yan ng daddy mo? Aba't!
Sa isip-isip ni Kelly "Okay, kalma Kelly di pwedeng istorbohin sila kuya Kian para sa future yun sa mabubuong pamilya ni Siopao. Pero pambihira noodles talaga?"
Jacob: Tita Kelly?
Kelly: Sigh...sige na magbibihis na muna ako tapos umorder nalang tayo ng ng foodey.
Jacob: Yehey!!!! Ayos.
Kelly: Parang sa tono mo ayaw mokong magluto talaga eh noh? Wala ka bang tiwala sakin?
Jacob: Ah? Hin---hindi naman po sa ganun ayoko lang po namapagod kayo.
"Kahit naman simpleng lutuin lang ang noodles sure akong masusunog niyo yun kaya mabuti ng umorder para safe ako at ang buong bahay. Pabulong-bulong niyang sabi.
Kelly: May sinasabi ka?
Jacob: Ho? Wa---wala po sabi ko mabihis na po kayo para fresh na po ang pakramdam niyo.
Kelly: Okay sige.
Jacob: Ahm...tita.
Kelly: Bakit?
Jacob: Ah...eh...sila po saan kakain ng dinner?
Napatingin si Kelly dun sa apat "Anak nang!" Aniya at napakamot sa ulo niya.
Samantala,
Nag iintay sila Patrick at Richmond sa labas ng kwarto ng nanay nila nung lumabas si May "How's mom?" Ang bungad naman nung dalawa.
May: Ayos na sya kulang lang sya sa tulog kakabantay kay daddy kaya please lang maawa naman kayong dalawa sa mga magulang natin wag na kayong mag away!
Nagkatinginan yung dalawa at nakaiwasan pa rin "Humph!"
May: Tantanan niyo na yang awayan niyong yan magtulungna nalang kayo.
"No way! Humph..." Anila.
May: Sigh...ewan ko sa inyo bahala na nga kayo mauuna na muna ako sa inyo ako ang mag babantay kay daddy ngayon kaya kayo tumigil na kayo pag nalaman kong nag away na naman kayo malilintikan na talaga kayo sakin.
Richmond: Tsss...I'm done here.
At umalis na si Richmond "Sigh...pag pasensyahan mo na muna yung taong yun baby bro."
Patrick: Para nalang kila mommy at daddy magpipigil ako pero ate pag sumugod na naman si kuya sa school o pumunta kung nasan si Kelly di ko na alam kung anong magagawa ko diyan.
May: Wag ka ng mag-alala ako ng bahala kay kuya ikaw magpahinga ka na alam kong pagod ka na rin sa office.
Patrick: Sige ate paano una na ko? May kailangan pa kasi ako pirmahang mga papeles eh.
May: Um...sige aalis na rin ako mamaya maya para pumunta sa ospital.
Patrick: Okay, ingat ka pupumunta nalang ako doon bukas ng umaga.
May: Um...sige na pahinga ka na.
Patrick: Sige.
Pagkalis ni Patrick "Lumabas ka na diyan kuya." Ang sabi ni May at lumabas nga si Richmond galing sa gilid "Di ka parin talaga nag babago malakas parin talaga ang radar mo May."
May: Sumunod ka sa baba mag usap tayo!
Richmond: Tsss...bossy.
Makalipas ang ilang minutong pag uusap nung dalawa,
Richmond: Huh! Sinong tinatakot mo ako?
May: Baket? Natatakot kang lumabas ang baho mo kuya Rich---mond? Or should I say kuya Hen--ry?!!
Galit na galit si Richmond "Sumusobra ka na!! Sumugod siya kay May para sampalin pero napigilan siya nito "Ano? Sasaktan mo rin ako? Baket? Kala mo di ko alam ang mga pinaggagawa mo sa America nitong mga nakakaraang taon. Wag ako kuya! Alam mong bata palang tayo gusto ko ng maging detective kaya wag mo kong simulan kuya oras na lumapat yang mga kamay mo sakin hindi ko maipapangangakong di ako gaganti."
Lumayo naman ka agad si Richmond na parang walang nangyare "Huh! Masyado ka ng mayabang May hindi ka na yung..." Hindi na niya natapos yung sasabihin niya dahil "Yung ano kuya? Yung kapatid mong pinapaikot mo sa palad mo? Noon yon nung hindi ko pa alam ang mga pinaggagawa mo. Wag ka ring umasang di ko palalagpasin ang mga ginawa mo sa DLRU kanina oras lang na malaman kong may ginawa ka kay Kelly humanda ka! At sisiguraduhin kong this time makukulong ka na!" At umalis na sya iniwan niya si Richmond na mag-isa "AHHHHH!!!! Ang sigaw naman ni Richmond na galit na galit at itinapon yung flower base.
"Bo---Boss? Ayos ka lang?" Ang bungad naman ng kanang kamay niyang si Mill.
Richmond: LAYAS!!!!
Mill: O---opo.
"Ring...Ring..."May biglang tumawag kay Richmond na isang unknown number.
Richmond: Hello? Sino to?
"Wag mong kalimutan ang usapan nating 100Milliion kung ayaw mong magalit ako sayo alam mo kapag ako ay nagalit lintek lang ang walang ganti! Mag paalam ka na sa mga pinakamamahal mong pamilya."
Richmond: Bo---Boss oo sa isang linggo pangako bigyan niyo muna ako ng ilang araw pangko ibibigay ko ng buong buo ang hinihingi niyo.
"Sige sa isang linggo pero magiging 150Million na ang utang mo sakin kung hihirit ka pa pati yung babaeng taga DLRU na si Kelly Ann Marie Dela Cruz idadamay ko na kaya siguraduhin mong walang labis walang kulang SA LINGGO!!! NAIINTINDIHAN MO????"
Richmond: Ye—Yes Boss! Pero wag niyo ng idamay pa si Kelly wala siyang kinalaman sakin.
"Tut...Tut...Tut..." Binaba na nung kausap niya yung telepono "He---Hello? Bo—boss??? HELLO???!!! BOSS!!!!!" Bwiset!!! What I have done??? AHHHHHHH!!!!" Galit na galit siya kaya tinapon niya yung hawak niyang telepono.
Author: Pakisali lang ano? Bakit kaya pag nagagalit tayo ang sarap sa feeling ng may tinatapon ano? Parang nasa drama rama lang hapon ng mga teleserye. Charot! Ahahaha...masyadong intense ang buhay ng mga mayayamang ire. Nai-sstress ang bangs kong sampung piraso. Charot!
Samantala,
Nakaupo yung dalawa sa may dining area at nag-aantay ng kakainin nila habang pinag-uusapan nila sila Jang, Jeng, Jing at Jong na nagluluto sa mga oras na iyon "Tita Kelly, sigurado ba kayong mapagkakatiwalaan natin ang mga yan? Baka mamaya meron na silang nilalagay na kung ano sa kakainin natin."
Kelly: Shhh...hindi yan safe yang mga yan ampon yan ni ninong Arnel closed rin sila kila kuya.
Jacob: Sige po sabi niyo eh.
Kelly: Hmm...mukhang ordinaryong tao lang din naman pala sila pag di sila naka MIB uniform.
Jacob: MIB? Ano po yun? Makakain?
Pinisil niya yung pisnge ni Jacob "Alam kong gutom ka na pero hindi makakain yung MIB yun yung acronym ng Men in Black. Di mo pa yun napapanood? Sabagay baby ka pa bawal yun sayo madaming action dun eh pero ang ganda ng MIB International yun yung latest nila eh laughtrip si Poney don ay ewan ko kung pony o boney? Basta yung maliit na alien na kasama nila M at H...basta yun di mo naman napanood kaya wag mo ngang intindihin. Ahahaha."
Jacob: Okay po pero kung titignan po sila para lang po silang sila daddy at tito ano po?
Kelly: Um...pwede na pero di ko pa nakikita sila kuya na nasa kusina lahat at pinagluluto ako madalas kasi ang nagluluto samin si kuya Kian at kuya Kim si kuya Kevin naman siya yung madalas na nag liligpit, naglilinis ng bahay nanahi mga ganun tapos si kuya Keith naman siya yung taga gawa ng mga nasisirang appliances dine satin pero sirang ulo niya di niya magawa. Joke! Ahahaha..parang ang tamad ko pala ano? Wala akong ginagawa dine sa bahay. Sila kuya kasi ayaw ako turaan magluto.
"Paano naman ho lahat ng niluluto niyo sinusunog nyo." Ang pabulong na sabi ni Jacob.
Kelly: Ano yon?
Jacob: Sabi ko po baka ayaw lang nila daddy na mahirapan ang kanilang bunso.
Kelly: Tsss...hindi ren makautos nga mga yun sakin wagas. Sigh...bigla ko tuloy silang na miss simula nung umalis si kuya Keith di na uli kami nagkakasama samang kumain sa hapagkainan.
Jacob: Ayos lang po yun andito naman po ako lagi sa tabi niyo.
Kelly:Ahhhh...ang sweet pa hug nga si tita.
At niyakap nga siya ni Jacob "Kakagigil talaga ang baby naming yan."
Jacob: Ahhh...tita iniipit niyo na ko..
Kelly: Ahahaha...kakagigil ka kasi tabachingching wag kang mag dadiet ha? Wag kang makikinig sa daddy mo mas chubby mas cute okay?
Jacob: Opo! Hehe..
"Ready na po ang pagkain." Sabi nung apat.
Kelly: Wow...mukhang masarap po ang mga niluto niyo ah.
Napangiti naman yung apat "Salamat po Ma'am." Anila.
Kelly: Haist...Kelly nalang nakakaasiwa naman yung may Ma'am at po mukhang magkakasing age lang naman tayo eh.
"Nako, baka magalit si tiyo samin." Ang sabi ni Jang ang pangnay sa apat 30 years old.
Kelly: Haist...di yan akong bahala kay ninong sige na kain na tayo.
Jang: Mauna na kayo ni Jacob mamaya nalang kami."
Kelly: Eh? Bakit naman? Ayaw niyo ba kaming kasabay?
Jang: Ha? Hindi naman sa ganun kaso ikaw kasi ang boss namin kaya di dapat kami sumasabay.
Kelly: Haist...ayos lang yan mas okay pag sabay-sabay para masaya.
"Talaga Ms?" Si Jong ang bunso naman sa kanila 23 years old.
"Jong!!" Ang sabi ng mga kuya niya.
Jong: Ehhh...sorry.
Kelly: Pffft...hahaha...sige na kasi sumabay na kayo alam ko namang napagod kayo kanina ang popular niyo kasi sa mga babae.
Jang: Nako, wala po yun nakakhiya naman.
"Tsss....mukhang may bago na naman akong kailangang bantayang mga kalalakihan para kay tita Kelly ah. Tsk...." Ang pabulong na sabi ni Jacob.