Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 90 - Kabanata 90

Chapter 90 - Kabanata 90

Kinahapunan,

"Andito na ko." Ang sabi ni Kelly.

Walang sumalubong sa kaniya "Eh? Nasan na si Siopao? Di ata ako sinalubong na piglet na yon?" Dagdag pa niya.

Nag tungo siya sa sala pero wala ring tao doon kaya nag hanap siya pero ni isa wala siyang nakita "Ano't walang tao dine?"

"Tita Kelly!" May biglang tumawag sa kaniya.

"Siopao? Nasan ka?" Hinanap niya si Jacob "Siopao? Nasan ka ba?"

Jacob: Lumabas ka po!

Kelly: Sa labas? Ano bang trip ng mga yon?

At lumbas nga si Kelly at palabas niya nakita niyang kumakain ang mga ito ng isaw at mga fishbols sa kalapit bahay nila ang mga kuya ang ninong niyang si Arnel "A-- Anong ginagawa niyo?" Lumapit naman sa kaniya si Jacob "Tita Kelly halika bilis may nagtitinda sa kapaitbahay natin kaya kakain tayo ng street foods ngayon."

Kelly" Eh? For real?

"Bunso!!! Halika na!" Ang sabi ng mga kuya niya.

Arnel: Baby girl halika!

Jacob: Tara na po!

Kelly: O---okay!

At nagtungo na nga yung dalawa sa mga ito "Ba---bakit kayo nakain niyan mga kuy's?"

Kian: Ayos lang yan minsan lang naman ang mga ito halika na kumuha ka na libre ni tito Arnel.

Inabutan siya ni Arnel ng isaw "Sige na tikman mo masarap yan."

Kelly: H---Ho? Ka---kaso...

Kian: Sige na kumain ka na basta konti lang ha? Alam mo naman yang UTI mo.

Kelly: Eh bakit niyo pa ko papakainin niyan?

Kim: Okay na ang 2 sticks ng isaw para sayo para naman matikman mo tapos mag fishbols at may kikiam ka nalang okay na yon.

Jacob: Sige na tita Kelly masarap po yan promise di ba po Aling Flor?

"Oo malinis naman yan kaya wag kang mag-alala." Ang sabi ni Aling Flor na nag titinda.

Kelly: Si---sige po.

Kian: Si Kevin pala di mo kasabay?

Tinititigan pa rin ni Kelly yung isaw at tinitignan niya yung ibang nakain sa isaw "Huy! Ano na? Bakit ga tinititigan mo pa yan? Basta kainin mo nalang." Ang sabi sa kaniya ni Kim.

Arnel: Isasaw mo muna sa sauce masarap kung sa suka na may sili mapaparami ka tiyak ko.

Kelly: Si---sige po.

At sinawsaw nga ni Kelly yung isaw sa suka na may sili "Sige na tikman mo." Ang sabi ni Arnel.

Kelly: Eiii...di ba intestine po ito?

Jacob: Tita Kelly okay lang yan naka 5 na nga po ako nan eh. Haha...

Kian: Hoy! Tama na yan baby baka magalit sakin ang nanay mo.

Jacob: Ayiiee....daddy gusto mo lang magkaron ng reason para matawagan si mommy eh.

Kian: Ikaw!!

Nagtatakbo si Jacob sa likod ni Kelly "Hey! Don't mess around." Ang sabi ni Kelly.

Kian: Baby, halika kay daddy.

Jacob: Ayoko po pipisilin niyo na naman ang pisnge ko.

Kian: Hindi nga sige na.

At nag kulitan yung mag-ama at di nila napansin na natatapunan na si Kelly nung sauce "ANAK NANG!!! MAG TIGIL NGA KAYO!!!" Ang sigaw niya at nagulat ang lahat..

Jacob: So---sorry...Tita Kelly.

Kelly: Sigh...I'm done here.

Inabot ni Kelly yung hawak niyang isaw at sauce kay Arnel at umalis "Ke---Kelly!!!" Anila.

Arnel: Tsk...Ayan kasi ang kulit niyong mag-ama oh Kim hawakan mo ito ako ng bahala.

Kim: Sige ho.

Samantala walang kibo yung dalawa "Ayan lagot kayo ngayon sa lola niyo." Dagdag pa ni Kim

Kian: Halika ngang bata ka!

At nahuli rin niya si Jacob at pinisil nga nito ang pisnge ng anak "Daddy!!!"

Kim: Sigh....

Habang si Arnel naman sinundan si Kelly "Inaanak sandali lang!!!" Aniya pero lalo pang nag madali si Kelly.

Arnel: Baby girl sandali lang kausapin mo ko!

Huminto naman si Kelly at nung naabutan niya nakita niyang naiyak ito "What happen? Why are you crying? Pag pasensyahan mo nalang sila."

Kelly: Booohoooo....

Arnel: A---no...

Niyakap siya ni Kelly at nagulat naman siya "May problema ka ba? Pwede mo kong kausapin."

Kelly: Bakit po kasi naging babae pa ko? Boohooo...

Arnel: Ha?

Makalipas ang ilang minuto,

Sa Sala,

May dalang tubig si Arnel at binigay niya kay Kelly "Oh, uminom ka muna."

Kelly: Salamat po.

Arnel: Yung kanina anong ibig sabhin mong sa may kamukha ka?

Kelly: Opo, pero di ko pa po yun sinasabi kila kuya baka kasi kung anong gawin nila.

Arnel: Sabi mo yung kapatid ng kaklase mo eh kamukha mo?

Kelly: Opo, hindi ko po alam pero yung kuya ng kaklase ko pinipilit na ako ang bunso nilang kapatid.

Arnel: Yung lalaki bang ito hinarass ka?

Kelly: Hindi naman pero binataan niya po ko na di niya ko tatantanan hanggang di raw po ako umaamin na ako yung kapatid nila andoon po siya kanina sa school.

Napatayo si Arnel "Ano? Saan nakatira yang lalaking yan?" pinigilan naman siya ni Kelly "Wag na po kami na pong bahala ng mga kaklase ko pero please wag niyo pong sasabihin ito kila kuya."

Naupong muli si Arnel "Pero bakit? Baka mamaya may gawin na sayong masama yung baliw na yon. Tsaka kuya kamo sya ng kaklase niyo? Eh yung kaklase mo wala bang ginawa?"

Kelly: Ang problema po di ko kinakausap si Patrick at wala po siya sa school kanina.

Arnel: Patrick? Lalaki yung kaklase mo?

Kelly: Opo.

Arnel: Sandale, is he your boyfriend?

Umiling naman ka agad si Kelly "Hin---hindi po at di yon mangyayare."

Arnel: Sigh...salamat naman kala ko may bf ka na wag mun abata ka pa.

Kelly: Wa---wala po.

Arnel: Pero bakit ayaw mo siyang kausapin para naman matulungan ka niya sa kapatd niyang baliw.

Kelly: Ehh...kasi ninong....

Nagulat si Arnel at medyo na luha siya at nung napatingin si Kelly sa kaniya "A---Ano pong nangyayare sa inyo???"

Arnel: Ah...eh...kasi...natuwa lang ako kasi ngayon ko lang narinig na tinawag mo kong "Ninong"

Kelly: Ahhhh...kala ko naman po kung ano na. Bakit ayaw niyo po bang tawagin ko kayong ninong?

Arnel: Nako, hindi naman sa ganun isa ngang privileged na tawagin mo kong ninong eh ang saya saya ko.

Kelly: Ha---ha---ha...ganun po ba?

Arnel: Oo sobra....pero mabalik tayo sa usapan ano gusto mong gawin ko? Bilang ninong mo gagawin kong lahat para sa pinakamamahal kong inaanak.

"Sobra naman ata siyang na overwhelm sa pagkakatawag ko sa kaniyang "Ninong" kala ata susugod kami sa isang gera. Sigh..." Ang pabulong bulong na sambit ni Kelly.

Arnel: Ano yon baby girl?

Kelly: Ho? A---ano wala ho yun.

Arnel: Alam ko na tatawagan ko yung mga ampon ko.

Kelly: Ho? A---mpon? May adopted child kayo?

Arnel: Oo parang ganun na nga.

Kelly: O—okay?

Kinaumagahan,

Kagigising palang ni Kelly na naka pambahay well syempre with hood parin ang damit niya at nung paglabas niya ng kwarto niya "Good morning Ma'am Kelly!" Ang bungad ng apat na lalaki na animo'y mga MIB (Men In Black)

Nahihikab sana siya pero napasigaw siya sa gulat "AHHHHHHHHHH...." at pandalas naman siyang bumalik sa kwarto niya at napaakyat naman yung mga kuya niya at si Arnel "Knock...knock..."

Arnel: Baby girl!

Kelly: Ninong, bakit may mga tao diyan sa labas ng kwarto ko?

Arnel: Ah...eh...

Kian: Sigh...lumabas ka na nga lang muna at ipapaliwanag namin sayo.

Kelly: Ehhh...

Arnel: Di ba may usapan tayo kahapon?

Inalala ni Kelly yung mga napagusapan nila ng ninong niya "Eh? Yun ba yung mga ampon ni Ninong? Eh bakit puro lalaki? Pambihira! Bakit ba puro lalaki nalang ang kasama ko dine sa bahay?" Ang pabulong bulong niyang sabi.

Kian: Kelly! Lumabas ka na diyan male-late kayo ng kuya Kevin mo.

Kevin: Oo nga babysis may longtest kayo kay Mina sabi niya sakin ka gabi.

Kelly: Tsk...oo na! Pero mauna muna kayo sa baba mag reready na ko para sa school.

Kim: Kumain ka na muna.

Kelly: Mamaya na pagbaba ko.

Arnel: Pero baby...

Kian: Hayaan niyo na tito sigurado akong hiyang hiya siya.

"Pasensya na po." Sabi nung apat na lalaki.

Kian: Ah...wala yon pero kasi wag kayong bubungad sa pintuan kahit ako magugulat rin.

"Pasensya na po talaga." Anila.

Kevin: Sandali lang hindi ba sila sina Jang, Jeng, Jing, at Jong? Bakit nga po pala sila nandito tito?

"To protect Ma'am Kelly from the bad guys." Ang sagot nung apat.

"Protect Kelly? From what? Bad guys?" Ang sabi nila Kian, Kim at Kevin.

Arne: Ah...eh...Boys! bumaba na muna kayo.

"Sir, Yes Sir." Tugon nung apat at bumaba.

Kim: Ano po bang meron tito?

Arnel: Halina kayo sa kusina doon ko nalang ipapaliwanag ayaw kasi ni Kelly ipasabi sa inyo eh.

"Ang alin ho?" Anila.

Makalipas ang isang oras,

Sa DLRU,

Nasa labas ng classroom nila Kelly yung apat nalalaki na sila Jang, Jeng, Jing at si Jong at medyo pinagkakaguluhan sila ng mga babae doon kasama na rin si Mimay na pinipigilan naman nila Harvey at Dave "Bakit andine ang mga yan Kelly?" Ang sabi ni Vince.

Kelly: Bakit kilala mo ba sila?

Vince: Oo nakita ko na sila isang beses hindi ba't ampon yan ng tito Arnel mo?

Kelly: Eh? Pati si ninog Arnel kilala mo? Ako nga nire ko lang nakita siya after 18years. Iba ka Pis!

Vince: Malamang! Pinsan mo ku'y alam kong lahat sayo.

"Pinsan nga ba kita o stalker ko?" Ang pabulong bulong na sambit ni Kelly.

Kelly: But anyways, pinabantayan ako sa mga yan ni Ninong Arnel mga personal bodyguards daw kasi ang trabaho ng mga yan ewan ko ba kadumame naman ng pinadala ang OA!

Vince: Pero tignan mo naman parang mga tuod di pinapansin mga babe sa harapan nila.

Kelly: Teka, asan si Mims?

Vince: Ayun o di rin magkandamayaw.

At nakita nga ni Kelly si Mimay roon sa labas "Hayyyy...pambihira!" Aniya.