Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 81 - Kabanata 81

Chapter 81 - Kabanata 81

Early Morning,

"Morning Guys." Ang sabi ni Vince na lugmok na wari'y di nakatulog ng ayos.

"Morning." Ang sabi nila Kian at Kim habang busy sa kusina.

Kian: Bakit ang aga mong nagising di ka ba nakatulog ng ayos?

Sa isip-isip ni Vince "Paano naman ako makakatulog dun sa kwartong puno ng ewan..Sigh..."

Kim: Huy! Ayos ka lang ba?

Vince: Ah? O—oo ayos lang ako si Kelly pala?

Kian: Tulog pa mamaya pa ang gising nun weekend eh.

Vince: Ah....oo nga naman.

Kim: Ihahatid nalang kita mamaya pagkakain natin ng almusal.

Vince: Ah? Nako, hindi na baka busy kayo bukas ang birthday ni tito di ba?

Kian: Aba, at naalala mo.

Vince: Um...end of February din kasi ang birthday ni Oreo eh.

Kian: Oreo?

Kim: Ahhh...yung hamster mo? Buhay pa yon?

Vince: Oo naman.

Kian: Aba't nag bibirthday rin pala yon?

Vince: Syempre naman.

Kim: Di mo pinadami? Magandang pagkakitaan din yun marami ng nahihilig sa hamster ngayon ah.

Vince: Ahhh...hinde ayoko okay ng parehas kaming single.

"Baliw." Anila.

Kim: Sus...ikaw? walang gf?

"Maniwala." Anila.

Vince: Wala nga atang nagkakasguto sakin eh.

Kian: Syempre meron yan torpe ka naman din kasi.

Vince: Wala lang din akong matipuhan.

Kim: Bakit naman? Di naman kaya...isa kang...

Vince: HINDI NO!

Kim: Ahahahaha...defensive ha.

Vince: Hinahanap ko lang talaga yung destiny ko tsaka busy ako kakabantay sa kapatid niyo noh.

Kian: Well, salamat naman hayaan mo't ihahanap ka namin ng babae.

Vince: Wag nalang uy...

Kim: Ahhh...Bro, walang tiwala satin oh.

Kian: Aba, gusto atang makatikim ng kadiliman.

Vince: Ha---ha---ha...kalma lang mga bro.

"Ding...dong..."

Kim: Oh? Ang aga ata ng bisita.

Kian: Ah...baka gatas yan.

Kim: Gatas?

Kian: Oo tuwing umaga may nag dedeliver na dine sa subdivision ng gatas.

Kim: Oh? Di ko ata alam yun.

Vince: Ako ng magbubukas ng gate para di na kayo maabala sa niluluto niyo.

"Okay." Anila.

At umalis na nga si Vince "Ang ganda rin talaga pag nasa subdivision may pa gatas si Mayor." At pag bukas niya ng gate.

"Hello, good morning si...eh? Vince?"

Vince: Aliyah?

Author: Okay, let's see what Vince will do ano kayang gagawin ng ating dakilang pinsan?

Sa isip-isip ni Vince "Hoy! Naririnig kita!"

Author: Bakit nga ba ikaw lang nakakarinig sakin ano?

Vince: Ewan ko sayo pero bakit si Aliyah?

Author: Ang arte mo! Choosy pa ang lintek na ire.

Vince: Sigh...pwede na pero nahihiya ako sa kaniya.

Author: Bahala ka diyan di ko na problema yan.

Vince: Author!!!

Sa bahay nila Dave,

Denis: Aalis ka na?

Patrick: Opo di ko na po maiintay magising si Dave kailangan ko na po kasing pumasok sa office.

Devine: Sige wag kang magpapagutom okay?

Patrick: Opo salamat po sa baon.

Nagulat siya dahil niyakap siya ni Devine "Wag kang mag-alala magiging okay rin ang daddy mo wag mo ring pabayaan ang kalusugan mo ha? Bata ka pa."

Patrick: Salamat po sa laging pag-alala sakin.

Devine: Para ka na rin naming anak kaya wala yon.

Denis: Tama ang tita mo bumalik ka pag may kailangan ka welcome ka lagi dine.

Patrick: Salamat po talaga ng marami alis na po ako.

Nag bless muna si Patrick kila Denis at Devine bago sumakay ng kotse niya "Alis na po ako." Aniya.

"Ingat ka." Anila.

Patrick: Opo kayo ren.

At tuluyan na nga syang umalis "Sigh...bata pa sya para pasanin ang mga nakatang na trabaho para sa kaniya." Ang sabi ni Devine.

Denis: Wala tayong magagawa kundi ang sumubaybay nalang mag kaiba kasi ang estado ng buhay natin sa kanila.

Devine: Sigh...kawawang Patrick.

"Wag kayong mag-alala sa kaniya matalino at responsableng tao si Patrick."

Paglingon nung dalawa "Anak?"

Dave: Yep, it's me Dave your only son.

Bineltukan siya ni Devine "Pumasok na nga tayo at mag almusal." Aniya at pumasok.

Dave: Nay naman.

Denis: Hayaan mo na bakit di ka lumabas kanina? Kung gising ka na pala.

Dave: Wala lang po.

Denis: Tung batang ito talaga.

Dave: Hayaan niyo tutulungan ko naman si Patrick kaya sabihin niyo kay nanay wag ng mag-alala.

"Pumasok na nga kayong mag-ama dine."

Denis: Oh, ayan na tara na ikaw ng mag sabi sa nanay mo.

Dave: Sigh...opo.

Denis: Wag kang mag-alala concern lang din yun sa inyong dalawa.

Dave: Opo alam ko naman po yun.

"Kayo diyan bilisan niyo lalamig pa ang pagkain."

Denis: Sya halika na baka magalit pa ang nanay mo.

"Ano pa bang ginagawa niyo diyan?"

Dave: Sigh....Opo andiyan na.

Balik sa bahay ng mag Dela Cruz,

Kevin: Oh...ikaw yung apo ni lola Nena di ba?

Aliyah: Opo, may ibibigay lang po kasi ako kay Kelly kaso tulog pa po pala siya.

Kian: Oo eh pasensya na tulog mantika pa eh.

Aliyah: Nako, ayos lang po napaaga po ata ang punta ko si Granny po kasi pinabibigay po ireng ube cheese pandesal niya.

Kim: Wow...yung trending ngayong pandesal?

Aliyah: Ah...opo eto po oh.

Kian: Nako, salamat ang bait niyo naman.

Aliyah: Wala po yun sige po aalis na rin po ako.

Kian: Agad? Di mo na ba iintaying magising si Kelly? Gigising na rin naman yun.

Aliyah: Nako, di na po ayos lang may pupuntahan rin po kasi kami ni Granny kaya nagmamadali rin po ako.

"Ohhh...ganun pala." Anila Kian maliban kay Vince na tahimik lang.

Aliyah: Opo eh kaya sige po mauna na po ako sa inyo.

Kim: Ah...eh...Vince.

Vince: Ako?

Kim: Oh eh sino pa bang Vince dine?

Sinenyasan ni Kim sila Kian at Kevin "Ihatid mo na muna si Aliyah sa labas." Ang sabi ni Kim.

Vince: Ha? Bakit ako?

Aliyah: Kahit wag na po nakakahiya naman.

Kian: Nako, ayos lang yun sige na Vince.

Vince: Pero...

Tinulak siya ni Kevin "Lumakad ka na!"

Vince: Sigh...oo na!

Kian: Salamat uli pakisabi nalang kay Lola Nena.

Aliyah: Sige po salamat din.

Kim: Sige na Vince.

Vince: Tsk...

At inihatid nga ni Vince si Aliyah sa labasan "Sige dito nalang pumasok ka na sa loob." Ang sabi ni Aliyah.

Vince: Ha?

Aliyah: Alam ko namang napilitan ka lang na ihatid ako kaya sorry.

Vince: Ah...eh...wala yon ayos lang mapang asar lang talaga sila.

Aliyah: Closed ka sa kanila ano?

Vince: Ahhh...oo naman lumaki na rin akong kasama mga yan.

Aliyah: Galing naman parang ako kila Chollo wala ka bang kapatid?

Vince: Ah...meron pero ako ang bunso.

Aliyah: Ohhh...

Vince: Ahm...ikaw? Wala ka bang kapatid?

Aliyah: Meron may isa akong ate.

Vince: Ohh...dalawa lang kayo?

Aliyah: Oo dalawa lang nasa ibang bansa ang ate ko.

Vince: Ahhh..kaya ba laging sila Chollo ang kasama mo?

Aliyah: Minsan oo minsan nagkataon lang pero madalas ako lang mag-isa sa bahay.

Vince: Huh? Nasan ang mga magulang nyo?

Aliyah: Ahh...wala na sila.

Vince: Ha? Bakit nasa ibang bansa rin?

Aliyah: Wala patay na sila mommy at daddy.

Vince: Eh?

Aliyah: Oo si ate Sab nalang ang kasama ko kaso lagi siyang busy sa naiwang negosyo ng magulang namin.

Vince: Oh? Nako, sorry.

Aliyah: Ayos lang wala yon maliit na bagay sige mauna na ko baka maiwan na ako nila Granny eh.

Vince: Ah...O---oo sige. Ingat.

Aliyah: Um...

Papaalis na sana si Aliyah ng pinigilan siya ni Vince "Ba---bakit?" Ang pagulat na sabi ni Aliyah.

Vince: Ahm...may poopsie kasi.

Napatingin si Aliyah sa baba "Ay, hehe...salamat sige."

Vince: Ahm...pwede ba kitang i-add?

Aliyah: Add?

Vince: May fb ka ba?

Aliyah: Ah...wala di kasi ako mahilig sa social media.

Binitawan na niya si Aliyah "Ahh...ganun ba?"

Aliyah: Pero may IG at twitter ako pwede mo kong i-follow doon kung gusto mo.

Vince: Sige.

Aliyah: Um...sige alis na ko.

Vince: Okay, ingat ka.

Aliyah: Um...

"Asus...I smell something fishy."

Vince: Kelly?? Bakit ka nandito?

Kelly: Oh, eh bakit naman? Malamang bahay namin toh!

Vince: Sabi ko nga. Kanina ka pa ba dyan? Bakit di ka lumabas?

Kelly: Eh, ayoko namang i-spoil ang moments niyo ni Aliyah...Ayieee...

Vince: Sira!

Kelly: Maganda siya bakit di mo ligawan?

Vince: Nga pala, ulila na pala si Aliyah?

Kelly: Oh? Di ko alam wala siyang na banggit.

Vince: Ahhh...ganun ba.

Kelly: Mukhang she's into you.

Vince: In---Into me?

Naglakad ng papasok si Kelly "Oo bungol ka lang!" Aniya.

Vince: Hoy! Anong ibigsabihin mo doon sa sinabi mo?

Kelly: For you to find out.

Vince: Ha? Ano? Ano yon?

"SABI KO BUKAS PARADA NG MGA BINGE! BUNGOL!" Ang pa sigaw ni Kelly na sambit.

Vince: Buang na talaga siya. IKAW ANG BUNGOL!!!

2pm,

Nanonood sila Kelly at Jacob ng movie na anime "Babysis, how do I look?" Ang sabi ni Kevin na pormang porma.

Jacob: Tito Kevin, saan po kayo aattend ng binyag?

Kevin: Bi---binyag?

Kelly: Pffft...ahahahaha...bakit ba naman kasi naka formal attire ka ha kuya?

Kevin: Ha? Bakit pangit ba?

Kelly: Hindi naman pero para kasing napaka formal mo tignan iyang shoes mo leather kung leather ah.

Jacob: Bakit di kayo may rubber yung white shoes niyo then okay naman yang coat niyo palitan niyo lang yung polo niyo ng white tshirt.

Nagkatinginan sila Kelly at Kevin "Woah...marunong ka sa fashion Siopao." Ang sabi ni Kelly.

Jacob: Syempre naman po tinuruan ata ako nila Uncle Renzo.

Kelly: Nga pala, di na ata bumalik yang uncle mo.

Jacob: Ah...opo nga eh ewan ko po ba dun.

Kevin: Pero ayos lang ba yun? White na rubber shoes then white tshirt tas may coat?

Kelly: Oo kuya bagay clean and neat kang tignan dun semi-formal ang datingan millennials.

Kevin: Okay sige mag papalit ako.

"Yeah..." Anila at umakyat na uli si Kevin para magpalit ng damit at sapatos.

"Oh? Saan pupunta yon?" Ang sabi ni Kim.

Kelly: Mag papalit.

Jacob: Mukha po kasing aattend ng binyagan si tito Kevin eh.

Kim: Binyagan? Kala ko ba reunion pupuntahan niya?

Kelly: Hahahaha...oo nga pero sa suot niya mukha siyang aattend ng binyag.

Kim: Ahhh...nga pala tumulong kayo samin nag hahalo kasi kami ng ube halaya sa likod kaya ikaw na Kelly ang magprepare ng gagawing fruit salad.

Kelly: Gagawa ako ng coffe jelly kuya.

Kim: Hinde! Baka sunugin mo pa ang bahay natin.

Kelly: Wow ha! Oa.