Chereads / Ms. Hoodie / Chapter 76 - Kabanata 76

Chapter 76 - Kabanata 76

Kinatanghalian,

Kelly: Sigh...sa wakas lunch na san tayo guys? Gutom na ko di ako sasabay kay kuya Keith kaya sabay ako sa inyo mag lunch ngayon.

Ang lungkot ng mga mukha nila Vince at walang sumasagot sa kaniya "Guys? Huy!"

Vince: Ano yon?

Kelly: Bakit ba parang lutang kayo diyan? Kanina pagdating ko dine nung umaga di na maipinta mga pag mumukha niyo ano bang nangyare sa inyo?

Mimay: Huh? Wa—wala tara kumain na tayo?

Harvey: Oo nga gutom na rin ako. Ha---ha---ha...

Kelly: Okay, uhm...nga pala Dave si Patrick? Di na naman papasok?

Napatingin si Dave dun sa tatlo "Ah...eh...ano..."

Vince: Bakit miss mo na?

Kelly: Huh? A----asa!

Dave: Busy kasi siya Master kaya sa ngayon di muna sya papasok may mga modules namang ibibigay ang mga prof.natin sa kaniya.

Mimay: Oo kaya wag mo na siyang ma-miss.

Kelly: Di kaya!

Harvey: Okay! Kumain na nga lang tayo.

Kelly: Let's Go!!!

Nauna na sila Harvey at Kelly nahuli naman yung tatlo "Guys, wag niyo na munang banggitin kay Kelly yung nangyare kay Patrick at sa tatay niya." Ang sabi ni Vince.

"Sige." Anila Dave at Mimay.

Vince: Hayaan na muna nating di alam ni Kelly sigurado akong malulungkot siya kaalis lang ng kuya Keith niya sakanila kaya wag na muna natin siyang problemahin.

Mimay: Tama malulungkot si Kelly lalo pag nalaman niya ang nagyare sa pamilya ni Patrick.

"Yeah...Sigh..." Ang reaksyon nung dalawa.

"Guys, tara na." Ang sabi ni Kelly.

"Andiyan na." Anila.

Sa Ospital,

Patrick: Mom, how's dad?

Niyakap siya ni Patricia "Son, what we gonna do??? Hindi pa rin nagigising ang daddy niyo." Aniya.

Patrick: Mom, everything is on purpose magiging okay rin si daddy for now dasal po ang kailangan natin at ako na po muna ang bahala sa kumpanya. Wag na po kayong mag-alala umuwi na po muna kayo ako na po magbabantay kay dad.

Patricia: Salamat anak pero ayokong iwan ang daddy niyo dito.

Patrick: No mom I'll take care of dad for today para makapag pahinga kayo ilang araw na po kayong di nauwi baka kayo naman ang magkasakit niyan.

Patricia: Sige babalik rin ako mamayang hapon yung ate mo ba nasa bahay?

Patrick: May inaasikaso po wag na kayong mag alala samin kaya na namin ang sarili namin alalahanin niyo ang sarili nyo okay? Para kay daddy.

Patricia: Sige, salamat ikaw na munang bahala sa daddy mo.

Patrick: Opo ingat kayo.

Patricia: Um...

At umalis na nga si Patricia pumasok naman si Patrick sa room kung nasaan ang tatay niya "Daddy, kamusta? Gumising na kayo alalang alala na si Mommy at si ate."

Hinawakan niya ang kamay ng daddy niya "Dad, sorry...sorry sa lahat pangako di na ko magiging pasaway susundin ko na ang mga gusto niyo ni Mommy magising lang kayo."

"Daddy...sige na..." Tumulo ng unti-unti ang luha ni Patrick.

"Knock...knock..."

"Check lang po." Ang sabi nung lalaking nurse.

Pinunas ni Patrick ka agad ang mga luha niya at sumagot "Okay po..."

"Patrick???"

Pagtunghay ni Patrick "Nurse Kevin?"

Kevin: Bakit ka nandito?

Patrick: Daddy ko po sya.

Kevin: You mean siya yung...yung...

Patrick: Opo, siguro alam niyo na rin po yung kwento ko pero maaari po bang wag niyong sabihin ito kay Kelly?

Kevin: Si---sige.

Patrick: Salamat po sige po lalabas po muna ako.

Kevin: O---okay.

Makalipas ang ilang minuto nasa labas ng ward si Patrick at nakaupo "Hey, can we talk?" Ang sabi ni Kevin paglabas ng room ng daddy ni Patrick.

Patrick: Sige.

Kinahapunan,

"Andito na ko." Ang sabi ni Kelly.

"Ohh? Nasan si Kevin?" Ang bungad ni Kim.

Kelly: Nasa ospital may duty raw siya doon eh.

Kim: Ahhh...oo nga pala sinong kasabay mo?

Kelly: Sila Vince, wait nasan sila kuya Kian at Siopao?

Kim: Di ko nga rin alam eh dumating ako dine wala yung dalawa.

Kelly: Hmmm...san naman kaya pumunta yung dalawang yon?

Kim: Baka nag bonding yung mag ama anyways, tara may uwi akong icecream.

Kelly: Icecream? Woah...tara na kuya dat kanina mo pa sinabi.

Hinila na niya si Kim "Sandali lang mag bihis ka na muna."

Kelly: Mamaya nalang.

Samantala sa kwarto ni Rica,

Nakatulog na yung mag-ama at di na namalayan ang oras "Mmm...daddy???" Ang sabi ni Jacob pagkamulat niya.

Kian: Hmmm...bakit nak?

Jacob: Daddy, hapon na po pala.

Kian: Ha? Bakit di mo sinabi baka nandun na sa bahay ang mga tito at tita Kelly mo.

Jacob: Opo nga bilisan na po natin.

Kian: Sandale, hindi pa natin nakikita yung hinahanap mo.

Jacob: Ho? Hinahanap?

Kian: Oo sabi mo may hinahanap ka ano nga ba ang hinahanap mo?

Jacob: Wala po.

Kian: Ano?

Jacob: Gusto ko lang po isama kayo dito sa bahay.

Kian: Ha?

Jacob: Dad, listen to me I want you and mommy together again.

Kian: Son, hindi ba't napagusapan na natin...

Jacob: Daddy! Alam kong mahal niyo pa si mommy at alam ko ring mahal ka pa po ni mommy.

Kian: Sigh...nak, alam kong fan ka ng loveteam namin pero wala na kasal na ang mommy mo sa boyfriend niya.

Jacob: Nope! Dyan kayo nagkakamali hindi pa kasal si mommy.

Kian: Ano? Pa—paano? Hindi ba't kaya sya pumunta sa Australia gawa nung fiancée niya? Kasi magpapakasal sila doon.

Jacob: Sigh...ang slow nyo kasi.

Kian: JACOB!!!

Jacob: Daddy, ganito kung gusto mo pa si mommy bibigyan kita ng isang araw para makapagisip at ako ng bahala para mapabalik si mommy dito satin.

Kian: Eh?

Tumayo at binuksan ni Jacob ang pinto at huminto "Dad, trust me mahal pa kayo ni mommy kaya magisip-isip na kayo."

Kian: Si---sige...

Sa isip-isip ni Kian "Ano ba talagang nangyayare sa batang ito? At ano yung sinasabi niyang mahal pa ako ng mommy niya?"

Jacob: Daddy!!! Tara na.

Kian: Ha? Oo sige.

Kinagabihan,

"Andito na ko." Ang sabi ni Kevin.

Kian: Ngayon ka lang?

Kevin: Um...kakapagod si Doc. Paulo kasi ang daming surgery.

Kim: Bakit ba kasi ikaw ang nag a-assist? Wala bang ibang nurse dun?

Kevin: Meron eh kasi kulang sya ng tao ako muna ang pumalit syempre mentor ko siya eh kaya on call ako.

Kian: Ohhh...anyways, Kim tawagin mo na sila Kelly at Jacob kakain na.

Kim: Okay.

Kian: Magbihis ka na muna Kevin.

Kevin: Sige, si Kelly pala kamusta?

Kim: Ayos naman mukhang good mood.

Kian: Bakit mo naman na itanong bigla?

Kevin: Ah? Wala naman sige akyat na ko.

"Okay?" Anila Kim at Kian.

Kim: Anong problema nun?

Kian: Hayaan mo na tawagin mo nalang sila Kelly at Jacob.

Kim: Oo nga pala sige.

Sa kwarto ni Kevin,

Habang kumukuha ng pamalit na damit napahinto siya "Anong ibigsabhin ni Patrick sa lalayuan na niya si Kelly?"

"Sigh...ang gulo talaga ng mga kabataan ngayon ang hirap intindihin."

"Pero, hindi ba't na banggit niya noon na may gusto siya sa kapatid namin bakit ngayon sumusuko na siya?"

"Hmmm...hindi kaya binusted na siya ni Kellang?"

"Well, mabuti yon para wala na kaming iintindihin ang hirap talaga pag may babaeng kapatid na di kagandahan."

"Maganda naman si Kelly syempre kapatid namin runs in our blood...Ahahaha..."

"Ay, ewan nababaliw na ko bakit ko ba kinakausap ang sarili ko."

"Pero maganda naman talaga si Kelly namin kaya kahit sino magkakagusto sa kaniya kaya ano naman kung ayaw na sakaniya nung lintek na Patrick na yon?"

"Di niya deserve ang Kelly namin kung susuko nalang siya."

"Tsk...ah ewan! Makapagbihis na nga muna at gutom na ko."

Kanina sa may Ospital,

Nakaupo yung dalawa sa may labas ng ward "Sabihin mo nga anong meron sa inyo ni Kelly?" Ang sabi ni Kevin.

Patrick: Wala po magkaibigan at mag kaklase lang po kami.

Kevin: Yung totoo?! Nakita ko kayo nung isang araw ay kahapon ang lagkit ng mga tinginan niyo. Once na masaktan ang aming Kelly lintek lang ang walang ganti naiintindihan mo?

Patrick: Wag na po kayong mag-alala dahil simula ngayon di niyo na akong makikitang lalapit sa kaniya.

Kevin: Ha?

Patrick: May isa lang po sana akong kahilingan.

Kevin: Sige sabihin mo ano yon?

Patrick: Alagaan niyo po sana si Kelly at wag pababayaang mga lalaki ang kasama.

Sa isip-isip ni Kevin "Malamang! Kapatid namin siya noh! Kapal nireng sabihan kami ng gagawin namin syempre bunso namin siyang kapatid malamang lang na protektahan namin siya."

Patrick: At pwede pong isa pa?

Kevin: Ano na naman?

Patrick: Gaya po ng sinabi ko sa loob kanina pwede po bang wag niyong sabihin kay Kelly ang nangyare kay daddy?

Kevin: Walang problema pero hindi ba't magkaibigan kayo bakit hindi ba niya alam?

Patrick: Hindi po at sigurado po akong alam na rin ng iba pa naming kaibigan.

Sa isip-isip niya "Sigurado akong na ibenta na naman ako ng lintek na Dave na yan kila Vince. Sigh..."

Kevin: What's the point keeping a secret to Kelly?

Patrick: Ayoko lang pong masaktan siya kasi may aalis na naman sa tabi niya.

Kevin: Ano?

Tumayo si Patrick "Basta po paki sikreto nalang po sa kaniya ang mga naganap dito. Mauna na po ako sa inyo."

Kevin: Sandale!

Patrick: Wag na kayong mag-alala dahil simula ngayon lalayuan ko na si Kelly.

Natameme lang si Kevin at pumasok na si Patrick sa room ng daddy niya "Ano raw yon? Lalayuan niya na si Kelly? Huh! Eh ano naman? Hindi ka kawalan...Tsss..." Ang pabulong na sinabi ni Kevin.

"Nurse Kevin!" Ang sabi ng isang nurse na lalaki.

Kevin: Ha? Oh, Ikaw pala yan John.

John: Sinong kausap mo? Tara kumain sa cafeteria.

Kevin: Ah? Wala yon sige tara gutom na rin ako.

Kasalukuyan,

Kelly: Woah...salamat sa pagkain nabusog ako.

Jacob: Opo nga ako rin tita Kelly ang sarap talaga magluto ni daddy.

Kian: Syempre naman.

Kim: Well, kung di lang ako tinatamad ako magluluto eh.

Kelly: Sus...minsan ka lang naman talaga sipagin.

Kim: Tsss...ewan ko sayo kunin mo na nga lang yung icecream sa ref.

Kelly: Ahh...oo nga pala nalimutan ko na yon eh sige kukunin ko.

Jacob: May icecream po?

Kelly: Oo pasalubong ni tito Kim mo tara bilis kunin natin.

Jacob: Okay po.

Related Books

Popular novel hashtag