@IMG company
Pumasok si cha sa office ni Ry
"Ry.. may pupuntahan ka after work?
"wala naman. Why?"
"kain tayo sa labas"
"yeah.. sure"
"okay.. see you later, call me okay?
"okay.."
Nakangiti si Ry na hindi maitago sa mga mata niya ang saya na nararamdaman niya.
Gabi na ng umalis si Ry sa office niya
Papunta na siya kay cha ng may tumawag sa kaniya.
Agad niyang niliko ang sasakyan niya at pinatakbo ng mabilis.
Nag text si Ry kay cha
[ sorry I can make it today.. sorry..]
Kaso dahil sa pagmamadali ni cha hindi niya nadala ang cell phone niya.
Nasa restaurant na si cha, 30 minutes na siyang nag-aantay kay Ry.
Kada mamaya titingin siya sa clock sa wall
Pero mag iisang oras na wala padin si Ry
Lumapit ang crew ng restaurant
"ma'am darating pa po ba ang inaantay niyo? Past 9pm na po mag-sasara na po kami."
"ganun ba? Saglit nalang baka mamaya maya nandito na siya"
"sige po, 15 minutes nalang po"
Tumango nalang si cha
Nataposna ang 15 minutes pero wala padin Ry na dumarating.
Kaya wala ng nagawa kundi umalis na si cha sa restaurant.
"sorry po ma'am.. ingat po kayo"
Nasa parking lot na si cha naglalakad siya na napakatamlay.
Hindi niya napansin ang kasalubong niya kaya nagkabanggaan sila.
"sorry po, sorry po" na nagba bow si cha.
"cha?"
Si jinho pala.
"jinho.."
"bakit ka andito?"
"ah.. nagkita lang kami ng kaibigan ko"
"kaibigan mo? Asan siya? Luminga linga siya sa likod ni cha.
"ahmm.. nauna na siya"
Bakit parang down na down siya? Sabi ni Jinho sa isip niya
Papasok na sa kotse si cha.
Hinawakan ni jinho ang kamay niya
"cha? Okay ka lang ba? Mukang hindi ka okay. Akin na ang susi mo ako na ang mag drive para sayo"
"hindi.. ako na kaya ko"
Kinuha ni jinho ang bag niya at kinuha ang susi.
Binuksan ni jinho ang Right side ng kotse at pinapasok si Cha
"jinho ano ba!"
Sumakay narin si jinho
"wag ng makulit! Hindi ka okay alam ko. Kaya tumahimik kana lang, wala ka sa sarili mo kaya kung hahayaan ko pa na ikaw ang mag drive baka may magyari sayo sa daan. Lutang ka. Ano bang nagyari?"
Hindi umiimik si cha
"sige kung ayaw mo sabhin.. okay."
Nakarating na sila sa tapat ng bahay ni cha
"salamat.." malungkot padin ang mukha ni cha
Hinawakan ni jinho ang kamay niya.
inalis agad ni cha ang kamay niya at bumaba na.
Bumaba na din si Jinho
"oh.. susi mo"
"paano ka? gabi na wala ka ng masasakyan, kunin mo muna yan"
Nilagay ni cha sa kamay ni jinho ang susi.
"sige pasok na ako"
"cha.."
Sinara na ni cha ang gate.
Daretso agad si cha sa kwarto niya
Nasa table niya ang phone niya
Kinuha niya ito
At may message si Ry sa kaniya.
[ sorry I can make it today.. sorry..]
Angtagal kong nag-antay sa kaniya
Kung alam ko lang sana ng maaga na hindi siya makakapunta hindi na sana ako nag-antay sa kaniya bakit ko pa kasi naiwan ang cell phone ko muka tuloy akong tanga doon, bakit ba ako naiinis.. hmm.. eh dapat siya ang mainis dahil sasabihin ko na ang totoo sa kaniya. Pero bakit ako yung na dumb..! huhuhu
Dumapa si cha at umiyak na.
Ahh…. Bakit ba ako umiiyak ?
tumatawa na umiiyak si cha.
Dahil sa pagod na din niya nakatulog na siya.
Kinumagahan iniisip ni cha bakit hindi nakapunta si Ry.
Naligo na siya at at nagbihis hindi na siya kumain at nagtungo na siya sa office ni Ry.
Papasok na siya sa office ni Ry pero nagsalita ang secretary ni Ry sa likuran niya.
"ma'am cha.. bakit po kayo andito? Hindi po ba kayo pupunta sa funeral parlor?"
"funeral..?"
"hindi niyo po ba alam? Namatay po ang mother ni Ry"
"What..! hindi ko alam"
Agad na nagtungo si cha sa funeral parlor.
Nakaupo si Ry sa tabi ng kabao ng mama niya
Lumapit si cha
Tumingin si Ry sa kaniya mugtong mugto ang mga mata ni Ry.
Tumayo si Ry at niyakap si cha.
At umiyak na ito sa balikat niya.
"sorry.. hindi kita napuntahan ng gabi na iyon"
"it's okay.. hindi mo kaylangan magsorry… ako dapat ang magsorry dahil magtatampo na sana ako sayo, pero ito pala ang dahilan, nakikiramay ako sa pagkawala ng mama mo. Alam ko na masakit ang nagyari para sayo"
"tara muna sa labas, dun tayo magusap" sabi Ry
Nasa labas na sila ng funeral na nakaupo sa bench.
Tahimik silang dalawa
Nagsalita si cha para mabasag ang katahimikan
"kumain kana ba?"
Umiling lang si Ry
"gusto mo kain tayo sa canteen?"
"hindi ako nagugutom"
"pero kaylangan mong kumain, baka magkasakit ka niyan, magpupuyat ka pa mandin, malulungot ako pag nagkasakit ka"
Sinusuyo ni cha si Ry na parang baby..
"talaga…?
"oo…" ngumiti si cha sa kaniya
"sige tara sa canteen"
Tumayo si Ry at hinawakan ang kamay ni cha at nagtungo sila sa canteen
Hindi ko muna sasabihin kay Ry na wala talaga na ako nararamdam sa kaniya, hindi muna ngayon, ayaw ko siyang bigyan ng false expectation pero.. sa situation niya ngayon, ako ang kaylangan niya. Ano ba mas mahalaga ngayon ang feelings ko ang feelings niya.
Sabi ni cha sa isip niya habang hawak hawak ni Ry ang kamay niya na naglalakad.
"ano gusto mong kainin?"
"ah? Ikaw nalang ang kumain, busog pa ako. ice coffee nalang sakin.
Habang kumakain si Ry pinagmamasdan lang siya ni cha
"oh.. kanina pa ah.. nahahalata ko, kanina ka pa nakatitig sakin. Nagwagwapohan kaba sakin?" panunukso ni Ry sa kaniya!
dinagan ni ry ang kamay niya sa table at nilapit niya ang mukha niya kay cha.
"ano kaba! Hindi ah!" tinapik ni cha ang noo niya
"so hindi ako gwapo?"
"alam mo ang feeling mo talaga! Kumain kana nga para makabalik na tayo baka hinahanap kana"
"okay.. okay.."
Natapos na nga kumain si Ry at pabalik na sila ng funeral parlor.
"hindi talaga?" nanunukso padin si Ry sa kaniya.
"tumigil ka nga!" sabay palo ni Cha sa braso niya
"sige na umupo kana ulit sa tabi ng mama mo, uuwi na ako"
"wait…" hinawakan ni Ry ang kamay niya aalis na sana si cha.
"bakit?"
"pwede dito ka lang muna samahan mo ko"
Nakakaawa ang mukha ni Ry na parang puppy na naiwan sa kalsada na mag-isa.
Dahil hindi nga matiis ni cha.
"sige I'II stay with you."
"thank you"
Ngumiti lang si cha.
Nakaupo lang sila ni Ry sa tapat ng kabao.
Hindi na umiimik si Ry kung kanina makulit siya kay cha hindi na ng nasa tapat na siya ng burol ng mama niya. Nag-aalala si cha para sa kaniya hinawakan ni cha ang kamay ni Ry
Tumingin lang si Ry sa kaniya na walang kangitingiti na napakalungkot ng mukha niya, isinandal ni ni Ry ang ulo niya sa balikat ni cha.
"inaantok ka naba?"
"hindi.. please allow me to lean on your shoulder, cha.. don't leave me too"
Hindi makaimik si cha sa sinabi ni Ry, nasasaktan siya para kay Ry. Nawala na ang pinakamamahal ni Ry at mawawala na din siya sa buhay ni Ry.
Ano ba ang gagawin ko hindi ko alam kung sasabihin ko paba sa kaniya o hahayaan ko nalang na manatili ako sa buhay niya.?
__Chapter 37 end__
Author: please don't forget to vote and comment and follow me for more updates of my story.