Dumating ang mga pulis at ambulance sa accident area
Dali dali sinakay si jinho sa ambulance dahil malala ang condition nito duguan at mukha nito at malaki ang tama sa ulo niya.
Nagkakagulo ang mga nursing at doctor ng ibaba na sa ambulance si jinho
Pababa na si Ry ng hospital nakita niya si jinho na nakahiga sa stretcher na dali dali na pinasok sa E.R
Lumapit siya at nagtanong sa nursing anong nangyari
"nurse kilala ko ang ipinasok niyo sa loob ano po ang nangyari?!"
"sr kilala niyo po? Na accidente po siya malapit lang dito sa bagong daan na ginagawa, critikal po ang lagay niya, kung kilala po niyo ang kamag-anak niya pakitawag nalang po para alam po nila"
At pumasok na sa E.R ang nurse.
Napabuntong hininga si Ry
Tinawagan ni ry ang secretary niya at inuutos niya na tawagana ang magulang ni jinho
Nakaupo si ry sa labas ng E.R
Agad dumating ang magulang ni Jinho
Umiiyak eto
"Nasan ang anak ko!"
"ma'am dito lang po kayo bawal po kayo pumasok sa loob" sabi ng nurse
"hindi! Kaylangan ko makita ang anak ko! Jinho iho! Andito na ako!" iyak ng iyak padin ang mama ni jinho
Nakanatili padin na nakaupo si ry at naawa sa ina ni jinho
Nawalan ng malay ang mama ni jinho at agad naman ito dinala sa visitor room
Umupo ang ama ni jinho sa tabi ni ry
At nag salita ito
"napakabait ng anak ko kung bakit nangyayari sa kaniya eto. Pangalawang beses na ito, at kung maymangyari na naman sa kaniya hindi na naman kakayanin ng asawa ko"
"sorry po " sabi ni Ry
"bakit ka ng so sorry iho? Hindi ka naman may kasalan"
Tumahimik nalang si Ry
Lumabas ang doctor sa E.R
"kayo po ba ang parents ni jinho?"
"ako nga po"
"stable na siya pero kaylangan po natin siya maoperahan dahil my blood clot sa ulo niya, pero nangangaylan tayo ng dugo bago siya maoperahan dahil madaming dugo nang nawala sa kaniya hindi naman maisagawa ang operation kapag wala tayong dugo na ipapalit sa kaniya."
"sige doc handa ako mg pa test ng blood para makapagdonate"
"ok good"
Hindi magka type ng dugo si jinho at ang ama niya
"natapos na po ang result pero magkaiba po kayo ng dugo RH negative A po ang anak niyo, meron pa bo bang pwede na magdonate?"
"ang asawa ko po"
"siya ba yung ba yung nahimatay kanina?"
"yes doc'
"kaso hindi pwede ang asawa niyo, mataas ang dugo niya"
"doc pano po yan wala po bang pagkukunan sa iba?"
"wala eh ngkakaubusan ng dugo na tulad sa anak niyo mahirap hanapin ang RH negative na dugo"
Hindi na alam ang gagawin ng ama ni jinho
"please doc iligtas mo po ang anak ko"
"pero kaylangan ko ng dugo bago ko isagawa ang operation, malalagay sa panganib lalo ang anak niyo pag isinagwa ko ng wala tayong dugo na stock"
"doc.. magpapa test po ako"
Sabi ni Ry
"sure ka iho?" tanong ng ama ni jinho
"opo"
"salamat iho!"
Hinawakan ng ama ni jinho ang kamay ni Ry na nagpapasalamat
"halika na sabi ng doctor kay Ry
After ng ilang oras lumabas na ang resulata ng test
"good news magka blood type kayo"
'ha? Talaga doc?" tuwang tanong ng ama ni jinho
Niyakap niya si Ry
"salamat talaga iho"
"tara na para ma kuhanan ka ng dugo at maoperahan na si jinho" sabi ng doctor
Natapos na ang pagkuha ng dugo kay Ry
Pumunta na si Ry sa kwarto ni cha at hindi padin ito gising
Mamaya maya nagising nadin ito
"cha!.. mabuti at gising kana?'
Hinawakan ni cha ang ulo niya
"masakit padin ba ang ulo mo?"
"medyo"
"wait lang ha tatawagin ko ang doctor"
Tinigna ng doctor si cha
"okay na siya mr. magpahinga nalang siya at bukas pwede na siyang umuwi'
"okay doc."
"Ry bakit parang putla ka at mukang matamlay ka?"
"ah.. pagod lang siguro ako"
"hindi ka ata natutulog Ry, binantayan mo ata ako buong gabi.. sorry ah?"
"okay lang yun"
"sige pahinga ka muna"
Hindi mapakali si Ry
"cha.."
"yes?"
"may sasabihin ako sana wag mo ikagulat "
"ano ba yun? Bad news ba yan?"
"oo"
"okay sabihin mo na"
"si jinho.."
"bakit si jinho?"
"na accidente, ngayong araw na din after kita isugod dito sa hospital'
"ano!"
Gulat na gulat siya
"nasa operating room siya ngayon at kasalukuyang inooperahan"
Napaiyak si cha at agad na tinanggal ang dextrose niya at tumakbo papunta sa operating room
"cha!"
Sinundan ni Ry ito
Umiiyak si cha na pilit na papasok sa operating room
Pinipigilan ng nursing si cha
"ma'am bawal po kayo pumasok"
"asawa ko ang nasa loob!" sabi ni cha habang umiiyak
Nasa likod niya si ry
Na aawa siya sa lagay ni cha at nalulungkot siya dahil nakikita niya ang pag alala ni cha para kay jinho nasasaktan siya pero alam niya naman na siya lahat ang punot dulo ng lahat na ito
"cha.. bumalik kana sa room mo at magpahinga, kaylangan mo na din magpahinga please"
Inalalayan niya si cha sa room
Nakahiga si cha at nakatingin sa bintana at walang imik..
"cha.. im sorry.. kasalan ko ang lahat"
"hindi.. wag kang magsorry hindi mo naman kasalan na ma accidente siya"
"hindi sana siya na accidente kung hindi kita nilayo sa kaniya, at kung hindi ko siya tinaboy ng gabing yun at nakapagsalita sa kaniya at hinayaan ko siya na bantayan ka"
"Ry... wag mo na sisihin ang sarili mo"
"mahal mo parin siya diba?"
"anong tanong yan"
"kita ko sa mga mata ang pagalala sa kaniya"
"natural naman siguro na mag alala ako Ry dahil may pinagsamaha kami"
"okay lang naman sakin kung mahal mo parin naman siya, hindi ko naman ipipilit na, pwede ka na ulit bumalik sa kaniya cha"
"Ry.."
Hinawakan ni Ry ang kamay niya
"pinapalaya na kita cha.."
"sigurado ka ba diyan? Minamahal na kita Ry'
"pero hindi tulad ng pagmamahal mo sa kaniya, maging totoo ka nalang cha tatanggapin ko naman na, na hindi talaga tayo.. kahit ipilit ko pa" napakalungot ng mukha ni Ry
"Ry.. maraming salamat sa lahat, naging mabuti ka din naman sakin, at noon pa naman, minahal din kita noon, gusto ko din sana ibalik yun pero hindi talaga hinahayaan ng tadhana"
"gusto kong maging masaya ka cha"
"yun din ang gusto ko para sayo"
Nakangiti si Ry sa kaniya at hinawakan ang kamay ni cha.