"wifey... bilisan mu ng magbihis ma late na tayo sa dinner kila mommy. Ayaw na ayaw pa naman ni dad ng na le late."
"oo.... Patapos na ako. !"
Pababa na si cha sa hagdanan.
Natutulala si jinho habang bumaba ng hagdan si cha.
Napakaganda kasi ni cha, suot ang cocktail dress na light pink.

"hubby... Lets go?"
"😍 ahh..? Okay.."
-@car
"wifey..."
"yes?"
"You are so beautiful wearing that dress."
"thank you hubby ...."
Nakangiting sagot nito.
-@ lee family house
"oh my son and daughter-in-law andito na sila."
Nag umpisa na nga silang kumain ng dinner. At puro mga paborito ni jinho ang pinaluto ng mommy niya.
"mom.? Talagang ipinaluto mu lahat ng paborito ko."
"shempre.. ngayon ka lang na naman pumarito sa bahay simula ng mag solo kana. 🙁 Kung dito nalang kaya kayo tumira para makasama ko kayo? What do you think cha?"
"mom..!"
"why? Malaki naman tong bahay pwd naman kayong tumira dito."
"mom.. gusto ko maibukod. Gusto ko magkaron ako ng sarili kong bahay para sa binubuo kong pamilya."
"but your condo is small. Pano na pag nagkaroon kayo ng mga anak.?"
"Pag nakaipon na ako magpapatayo ako ng bahay."
Nakatahimik lang si cha. Habang ng a argue ang mag ina.
"cha ikaw.. ok lang ba sayo?"
"ahm.. mom kung ano po ang gusto ni Jinho un na din po sa sakin."
"okay.."
bakit mo kasi sila pinipilit. Hayaan mo kung ano ang gusto nila. Sabi ng Dady ni jinho
"oh sha.. kayo ang bahala. Pero kaylan niyo balak mgakaroon ng anak? Tumatanda na kami gusto na namin ng apo."
"oo nga naman. Wala paba?" Tanong ng dady ni jinho.
"hindi pa namin na paguusapan mom and dad."
"what..!?"
"soon po." Sabi ni cha.
"okay... Dapat sa madaling panahon na."
Nagkatinginan nalang si jinho at si cha.
Natapos na ang dinner nila at nakauwi na sila sa condo.
"masaya ako na nakasama ko sa dinner ang parents mo hubby."
"napakakulit nila.. dami nilang tanong kaya ayaw ko minsan pumupunta ng bahay.."
"hubby... Shempre na mimiss ka lang nila."
"ano sa tingin mo, umpisahan na natingin gumagawa ng babies..?"
Tanong ni jinho kay cha.
"ha..!!?"
Tumabi si jinho kay cha sa couch at inakbayan nito. Sabay kumindat siya.
"loko to..! Ayaw ko pa.!"
Inalis ni cha ang kamay ni jinho na nakaakbay sa kaniya. Saka tumayo at tumakbo papunta sa Room nila.
Kumunot ang noo ni Jinho. At sinundan si cha.
"wifey.. bakit mu naman ako iniwanan dun. Ano ba yan! Bakit ayaw mo pa? diba nga sabi ni mom and dad sa madaling panahon gusto na nila mgkaroon ng apo.
Nakahiga si cha sa kama na nakatalukbong ng kumot.
At nakaupo si jinho sa tabi niya.
"wifey.. wag ka naman ganyan..bakit ba nakatakip ka diyan ng kumot.?"
Pilit na tinatanggal ni jinho ang kumot na nakatakip ky cha pero nghihilahan lang silang dalawa.
"bahala kana diyan..!"
Padabog na naglakad si Jinho palabas ng kwarto
ano bang problema niya mag asawa namin kami. Ah... Kainis..!
Hindi maipinta ang mukha ni jinho sa inis.
Pumunta siya ng ref. At kumuha ng beer.
Hindi natulog si Jinho sa tabi ni cha at natulog siya sa guest room.
Nagising ng umaga si cha wala na si Jinho pumasok na ng trabaho.
hindi talaga siya bumalik sa kwrto para matulog. Nagalit ko ba siya ng todo?
Hindi nakatanggap ng tawag or txt si cha mula kay jinho hanggang hapon.
hapon na wala parin siyang tawag.
Ako kaya ang tumawag nalang Ahh...! Hindi baka sungitan na naman niya ako.
@IMG OFFICE
hindi din talaga niya ako tinawagan ngayon o tanungin kung bakit hindi ko siya inantay magising o bakit hindi ko siya tinawagan ngayon
"sir.. okay lang po ba kayo?"
Tanong ng secretary niya.
"ah? okay lang ako.."
"sige po mauuna na po ako umuwi."
"okay.."
"si miss tanya po pala tinatanong kayo kanina. Pero sabi ko busy kayo."
isa naman yung babae na iyon binibigyan ako ng problema.
Sabi nito sa isp niya.
Nasa parking lot na si Jinho papaalis na sana ng bigla sumulpot si Tanya.
"pauwi kana Jinho?"
"oo bakit?"
"thanks pala. Pinuntahan mu ako ng gabing iyon. Sorry sobrang nalasing ako."
"okay lang iyon."
"Jinho.. hindi ba pwde na maging friends tayo ulit tayo?"
"hindi tanya."
"why...? Friends naman tayo dati ah Bakit magagalit ba nag asawa mo pag may friend ka na babae?"
"Yes."
"napaka damot naman ng asawa mo kung ganun. Gusto ko siyang makita."
"hindi pwede."
" Don't worry.. wala naman akong gagawin sa kaniya ah".
"Tanya umuwi kana. O kaya pumunta ka sa mga friends mu kung na bo boring ka."
"fine.."
At umalis na nga si tanya.
kala mo ganun nalang ako susuko jinho?
Sabi nito sa isip niya
Pinaandar ni tanya ang kotse niya at binaharurot ng mabilis.
@condo
Nakarating na si jinho pero hindi niya nadatnan doon si cha.
nasan kaya siya.?
Nagalit ba siya sa akin at nilayasan na ako. Tawagan ko na nga lang siya.
-onphone-
"yes..?"
Matamlay ang boses nito.
wifey... Nasan ka? Bakit wala ka dito sa condo.? Nasan ka?
Pag alalang tanong nito.
bakit mo tinatanong? Hindi mo ako tinawagan buong araw..! Tapos tatanungin mo ako!?
Ahmm... Sorry... Asan kaba? Please umuwi kana. Nagaalala ako. Please wifey... I miss you..
Hindi alam ni jinho na nasa terrace lng si cha. Hindi ito napansin ni jinho ang pagpasok ni cha sa loob ng kwarto
Lumapit ng dahan dahan si cha kay jinho at niyakap niya si jinho sa likod nito.
"talaga..?"
Nagulat si jinho. At humarap sa kaniya.
"andiyan ka lang pala."
"oo nag papahangin ako sa terrace."
Niyakap ni Jinho si cha.
"sorry... Galit kaba?"
"medyo.. pero okay na ako."
Hinawakan ni Jinho ang mukha ni cha tinitigan to ng matagal.
Bakit ganyan ang titig niya sakin. Naalala ko ang mga matang yan noong una kong nakita. He has captivating eyes
hinalikan siya ni jinho.
Habang hinahalikan ako ni Jinho para akong nasa mga ulap ang sarap ng pakiramdam ko. Na raramdaman ko ang mga labi niya ang labi niya na napakalambot at amoy cotton candy..
Bumitaw sa pagkakahalik si cha at nagsalita.
"payag na akong maka baby"
"talaga...? Sure ka?
Masayang sagot nito. Kitang kita ang tuwa sa mukha ni jinho.
Nakangiti lang si cha at tumango.
Binuhat ni Jinho si cha at pinahiga sa kama.
And
They make love.....
______________________________________
Nakahiga sila sa kama
Nakayakap si Jinho kay cha na nakatalikod si cha.
"wifey.. ano ang gusto mu boy or girl"
"boy. Kasi pagtatanggol niya ako sakaling wala ka."
"talaga?"
"ikaw..?
"kahit ano sa dalawa masaya na ako."
______________________________________
@IMG
Naglalakad sa hall way si Jinho at nakasalubong niya si Tanya.
"Hi"
Nakangiti si tanya sa kaniya.
Hindi pinansin ni Jinho si tanya tuloy tuloy lang anglakad nito patungo sa office niya.
Ms. Han ano schedule ko ngayon.?"
"sasamahan niyo po si ms. Tanya sa photoshot niya ngayon."
hmm..
Nasa labas na ng IMG si Jinho
Binuksan niya ang kotse at
Sumakay sa likod ng car si jinho. At katabi niya si Tanya.
"okay lang na hindi mo ko pinansin kanina. Makakasama naman pala kita ngayon."
tahimik lang si jinho at hindi nagsasalita kahit dada ng dada ai Tanya.
"andito na po tayo"
Sabi ng driver sa kanila.
Bumaba ng sasakyan agad si Jinho at hindi pinagbuksan ni tanya ng pinto at nauna na siyang pumasok sa loob.
Ahs... walang hiya.. iniwan nalang ako.
Kainis.. iniinis mo talaga ako Jinho.!
Nakaupo lang si Jinho sa sulok at cellphone ang inaatupag nito.
Nagbubulong bulungan ang mga staff sa set. About kay Jinho at tanya.
"Boy friend kaya ni Ms. Tanya ang kasama niya?
"Ang alam ko hindi sabi ng isang babae.
si Mr. lee may asawa na yan".
"Ah talaga.. ? pero parang mukhang gusto siya ni Ms. Tanya. pero bagay sila kung sila sana"
Natapos na ang shoot ni Tanya at lumapit siya kay jinho.
"jinho.. lets go."
hay.. salamat at tapos na
Sumunod na si Jinho kay tanya.
"tahimik ka lang ngayon ah. Narinig mu ba ang mga staff kanina."
Hindi padin kinakausap ni Jinho si Tanya. Nag earphone si Jinho habang nakikinig ng music.
Nainis si Tanya dahil hindi pinapakinggan ni Jinho ang sinasabi niya.
Hinablot ni Tanya ang earphone sa tenga ni Jinho. At tinapon sa floor.
"jinho...!!! Ano ba!? Hindi mo talaga ako papansinin?!!"
"What!!!"
Hindi na mapinta ang mukha ni tanya sa galit niya.
Nagsalita si Jinho
"alam mo hindi paba obvious? na iniiwasan kita! Bakit d mo na ge gets!
"jinho.... Wag ka naman ganyan. Katrabaho mu padin naman ako. At may pinagsamahan padin tayo. Bakit ganyan kana sa akin"
Naiiyak na si Tanya pero pinipigilayan lang nito.
"Hindi ko gusto ang inaasal mo Tanya. Mula ng pumunta ng U.S nag iba kana"
"Jinho... Bakit hanggang ngayon hindi mo ako kayang mahalin? Im not your little sister.. bakit noon paman yan na turing mo sa akin? Bakit hindi mo ako makita bilang ibang babae?
"hindi ko alam tanya.. manong pakihinto ang sasakyan ba-baba na ako.
"manong... Hindi!"
Sabi ni tanya sa driver.
"ihinto mo"
"sige po" sabi ng driver
Bumababa si jinho. At pumara ng taksi naunang nakabalik si jinho ng office.
"Ms han. Pwede ba wag mu na ako schedule na makasama si Tanya sa shoot niya. Sino ba kasi may sabi na pati sa shoot niya meron ako, wala naman akong ginagawa doon.
"ni request kasi ni Ms. Tanya kay. Mr. President. Sorry po Mr. Lee."
"sige hayaan mo na"
Bad mood na bad mood si Jinho
Hawak nito ang ulo niya at nakauko sa table niya.
"uuwi ako ng maaga Ms. Han
Masama ang pakiramdam ko."
"sige po. Ako na po bahala dito"
______________
@condo
"wifey.. andito na ako."
"oh bat ang aga mo ngayon?"
"masama kasi ang pakiramdam ko. Mukhang lalagnatin ata ako."
"ganun ba?"
Hinawakan ni cha ang noo niya.
"hubby ang init mo!. Wait lang ah? Lalabas ako saglit bibili ako ng gamot mabilis lang ako."
"sige."
Nagmadali nga si cha bumili ng gamot.
Pagbalik niya. Pinunasan niya ng basang towel si Jinho para bumaba ang init sa katawan nito.
Nakatulog na si Jinho. Habang si cha binabantayan lang siya. Hanggang hindi bumababa ang lagnat nito.
Pagkagising ni Jinho. Dinalhan siya ni cha ng breakfast in bed.
"ang sweet naman ng wifey ko. Pero bakit parang kulang ka ata sa tulog. Lubog ang mata mo?"
Hinawakan ni jinho ang mukha niya.
"okay lang ako hubby. Medyo hindi ako nakatulog kagabi. Kasi napakataas ng lagnat mo. Inantay ko humupa ng konti bago ako natulog.."
Hinawakan ni jinho ang kamay niya.
"thank you.. sorry wifey...."
"ah.. sabi ko naman sayo okay lang Lagi kitang aalagaan."
Ngiti nito at hinalikan niya si jinho.
dapat tigilan na ako ni tanya ayaw kong masaktan si cha.
Sabi nito sa isip niya.
Habang nakatingin kay cha.
__________________
__Chapter 10 end__
Author: please dont forget to vote and comment and follow me for more updates of my story.