Chereads / Me and You and The Universe (Tagalog) / Chapter 14 - My Heart Break

Chapter 14 - My Heart Break

"mom andito na kami"

"oh my daughter inlaw.. saan kaba nagpunta angtagal mong nawala"

"nagbakasyon lang po ako mommy.."

"nagbakasyon? Naghindi nagpapaalam alam mo bang nag alala kami ng husto sayo."

"sorry po.."

"okay.. okay..

Oh.. jinho siguro naman ngayon mababawasan na ang pagkamainitin mo."

Tumingin lang si jinho sa knilang dalawa.

"aalis muna ako."

jinho! Saan ka pupunta?!

Daredaretso si jinho lumabas ng pinto na hindi lumingon.

"ay talagang batang ito!"

Ngumiti lang si cha.

"pasensya kana ija, sa anak ko lahat kami dito sa bahay kinakawawa niya."

"ganun po ba?"

"oo. Halos ng maids gusto niya ng palayasin. Sana magbalik na ang dating Jinho."

"kaylangan lang natin maghintay mommy."

"tulungan mo siyang makaalala ija. Okay?"

"sige po mom. Gagawin ko lahat ng makakaya ko."

____________

Nakabalik na din si Jinho sa bahay nila.

At pumasok siya sa kwarto niya.

Nagulat pa siya at nakahiga si cha sa kama niya at natutulog nangmahimbing.

Lumabas siya ng kwarto at ngkasalubong sila ng mommy niya.

"mom.. bakit nasa kwarto ko si cha? "

Pabulong nito.

"malamang diyan siya matutulog kasi asawa mo naman siya."

Hinawakan ni jinho ang buhok niya at ginulo gulo eto dahil sa inis..

Wala siyang magawa kundi matutulog kasama si cha.

Pumasok ulit si jinho sa kwarto.

Umupo siya sa tabi ni cha

Pinagmamasdan niya habang natutulog at parang may nararamdaman siya na kakaiba. Parang na mimiss niya eto.

"ah.. hindi.."

Sabi nito sa isip niya.

Biglang gumalaw si cha

Kaya nagulat si jinho

Sa pagkagulat niya nahulog siya sa pagkakaupo.

Dumapa siya sa gilid ng kama.

Maya maya bumangon siya at silipin kung nakatulog paba si cha. Pagsilip niya..

Nagkaharap ang mukha nila ni cha at nagulat silang pareho.

AhhHhhh...

Sigaw nilang pareho

anong ginagawa mo!? Sabi ni cha sa kaniya.

"ikaw! Ikaw dapat tanungin ko! Anong ginagawa mo dito sa Kwarto ko!?"

"dito ako pinatulog ni mommy.. why..?"

Tumayo si jinho at pumasok sa shower room.

"hmpf..! Ewan ko sayo!"

At nagtalukbong siya ng kumot.

Natapos na sa pag shower si Jinho.

"tumabi ka diyan! Mahihiga ako."

Magkatabi nga sila ni jinho sa pagtulog pero may pagitan na unan.

Nakatulog agad si Jinho.

Pag gising nila ng umaga.

Mag kayakap silang dalawa. Unang nagising si cha

Dahil siya ang unang nagising nagulat siya na magkayap na sila.

Pero naka smile lang si cha.

Mayamaya lang din minulat ni jinho ang mata niya at nakita niya si cha at yakap niya.

Dahil sa gulat niya naitulak niya si cha at nahulog si cha sa kama.

"ano ba jinho!"

sorry.. sorry.. okay ka lang.?

Agad agad din binangon ni Jinho.

"bitawan mu nga ako! Nagtanong kapa! Nakakainis kana ah.!"

At lumabas na si cha ng kwarto.

Napangiti si Jinho.

Hindi maipaliwanag ni Jinho ang nararamdaman niya. Parang ang puso niya ay tumatalbog sa tuwa.

Lumabas na din si Jinho para mag almusal.

Habang nakaupo si jinho sa harap ng hapag kainan nakatingin siya kay cha.

Nahuli ito ni cha.

why..? Tanong ni cha sa kaniya

"wala."

Ang mommy naman ni jinho.

Tinitignan ang dalawa at ngumiti lang ito.

"cha habang hindi pa gumagaling si Jinho dito muna kayo tumira." Sabi ng momy ni jinho

"Sige po."

Next day..

Bumisita si Tanya sa House nila jinho.

Pag pasok ni tanya nakita niya si cha

"andito ka? Nasan si Jinho?"

"mero ka pala bakit hindi ka tumawag para alam ko." Sabi jinho pagkalabas niya ng kwarto

"kailangan paba?"

Tinignan lang ni tanya si cha at ng tungo nasila ni jinho sa sala

Tumabi siya kay jinho na akala mo siya ung kasintahan nito.

"cha pwede mo ba kami bigyan ng juice.?"

Utos ni jinho

"what!? ikaw ang kumuha! Hindi mo ko maid!

Pumasok si cha sa kwarto at binagsak ang pinto.

______

Nakatingin si Jinho sa pintuan ng kwarto nila. Hindi maganda ang mood niya.

"bakit? May gumugulo ba sa isip mo?"

Tanong ni tanya sa kaniya.

"ah wala naman."

______

Nasa likod lang ng pintuan si cha nakikinig ng usapan nila.

Walang masiyadong marinig si cha kasi tahimik lang na nag-uusap ang dalawa.

Nahiga nalang si cha sa kama at dumapa. Biglang umiyak si cha un lang ang gusto niyang gawin nalang para mawala ang sakit na nararamdaman niya.

Hindi din nagtagal umalis na din si Tanya.

Pumasok si jinho para i check si cha kung okay lang siya.

Nakatulog na si cha sa kakaiyak niya.

Lumabas ulit si jinho dahil tulog nga ito.

After 1 hr nagising si cha.

Nagtungo siya sa kitchen para uminom ng tubig.

Andun din si jinho.

"gising ka na pala.."

Pero hindi umimik si cha.

Kita ni jinho ang mga mata ni cha na mugto ang mga ito.

"cha.."

Hindi pinansin ni cha ang tawag ni Jinho.

Aalis na sana si cha pero pinigilan ni jinho.

Hinablot niya ang kamay nito para mapigilan.

"bakit ba?"

"pwede mo ba ako tulungan maalala ang lahat? Malala ka?"

"bakit pa? Mukang masaya ka nman na.

"cha.."

inalis ni cha ang kamay ni jinho na nakawak sa kaniya.

"aalis na ako. Babalik na ako sa condo para hindi kana naiirita na andito ako."

"hindi.! Hindi ka aalis."

"ano pang rason na andito ako?"

"hindi ko alam. Pero dito ka lang."

"para ano? Lalong masaktan? Na makita na wala na ako sa buhay mo?"

"cha hindi sa ganun.. kaya diba sabi ko tulungan mo ako na maalala ko ang lahat?"

Nagkatitigan sila

"kasi cha nahihirapan na din ako."

"halika may pupuntahan tayo."

Hinila ni cha si jinho at umalis sila patungo sa lugar kung saan siya nag nagpunta ng ilang buwan.

Gabi na ng makarating sila sa lugar.

"bakit andito tayo?"

"hindi mo ba talaga ma alala jinho?"

"ano bang meron sa lugar na ito?"

"dito ka lang naman nag propose sakin jinho!"

At napapaluha na si cha at hindi na nga niya napigilan at tumulo na ang mga luha sa mga mata niya

"bakit ganun. Sa isang iglap lang nawala na lahat ng alala mo sakin.!"

Tinitignan lang ni Jinho si cha na umiiyak

Kumikirot ang puso niya kapag nakikita niya si cha na umiiyak.

Biglang sumakit ang ulo ni jinho.. halos d niya ma inda ang sakit nito halos mapa sigaw pa siya..

"jinho.. anong nangyayari?"

Nawalan ng malay si Jinho.

Dahil sa pagkawala ng malay ni Jinho idinala siya sa Hospital.

At wala pa siyang malay.

Ang sabi ng doctor kaya siya nahimatay dahil sa pagpilit nito na maalala ang mga nakaraan niya.

Mamaya lang din nagising si jinho.

"okay kana?"

Nag aalala na tanong nito.

"okay lang ako."

"dapat hindi na kita dinala sa lugar na iyon."

"hindi.. wala ka naman kasalanan. Kasalan ko."

"hindi na natin pipilitin na maalala mo ang lahat. "

"sorry.. pinag alala kita"

Ngumit ng konti lang si cha sa kaniya.

______chapter 14 end____

Author: please dont forget to vote and comment and follow me for more updates of my story.