ã…¡ã…¡ã…¡ã…¡ã…¡
Elie POV:
"Ganito ba ha?! ganito ba?! fuck...Elie ang sikip-sikip mo tangina"
Todo pikit habang madiin at may halong pang-gigigil ang ginagawa kong pagkapit sa dalawang puting unan sa aming higaan.
"Mike...isagad mo Mike...ahhh...Mike" nagdedeliryo ako sa sarap ng pagpasok ng troso sa aking lagusan habang ako'y tila isang aso sa aking pwesto.
"Fuck...shit...ang sarap mo Elie...ang sikip ng butas mo" tuloy ang pag-indayog ng lalaki sa aking likuran habang ramdam na ramdam ko ang mahigpit nitong pagkakakapit sa dalawang pisngi ng aking pang-upo.
Mistulang isa akong kahoy habang siya ay isang lagare na patuloy na sinisira ang kabuuan ko.
"Mike...isagad mo...Mike...isagad mo please" tila isa akong residente na humihingi ng ayuda sa Barangay Captain, ayudang magbibigay sa akin ng sarap at ligaya.
Mas napadiin ang aking kapit sa dalawang unan dahil nararamdaman kong mas bumibilis ang pag-indayog ng lalaki sa aking likuran.
"Mike...hmmm...ang sarap" nagdedeliryo kong wika sa kanya.
Mahigit ilang minuto na din ang nakakalipas simula noong nag-umpisa kaming dalawa sa pag-sisiga ng apoy. Hindi napuputol ang alab at pagdedeliryo sa katawan naming dalawa.
"Mike...ahm...ham...huuu" napakagat ako sa aking labi dahil mas bumibilis ang pagbulusok ng alaga ng lalaki sa aking lagusan.
Tanging halinghing at paghahabol ng hininga ang naririnig ko sa kanya "Mike...ah!" daing ko ng paluin niya ako sa kanang pisngi ng aking puwet.
Walang nagagawa ang ibinubugang lamig ng aircon dito sa kwarto dahil sa apoy na ginagawa naming dalawa, pawis na pawis at tila baga ang temperatura ng aming katawan.
Nakapikit lamang ako habang nakaalalay sa dalawang unan dito sa higaan.
Para makaramdam ng sarap ay kailangan mo munang pagdaanan ang hirap.
"Mike...tangina...hmmm" muli kong halinghing.
Madiin akong napakagat sa aking labi dahil nararamdaman kong mas lumalaki ang batuta na umuulos sa aking loob hudyat na maya-maya lamang ay may sasabog ng granada sa aking looban.
"Elie...ito na ako...Elie" namamaos nitong wika sa akin habang patuloy siya sa mabilis na pag-indayog sa aking likuran.
"Sige...Mike...ah...iputok mo" mas nararamdaman ko na ang init na inilalabas ng aming katawan.
"Elie...ito na ako...ah...hmmm" muli nitong halinghing.
"Mike...hmmm...sige iputok mo"
"Elie...ah...ah...ah...putangina"
Ilang pag-ulos pa ang nangyari ng tuluyan ng sumabog ang granada na naglalaman ng gata sa aking kaloob-looban.
"Putangina Mike" huling nabulalas ng aking bibig dahil sa masarap na pagputok ng granada sa aking kaloob-looban.
Ibinagsak ni Mike ang katawan niya sa aking likuran, kung kaya't akoy napa-dapa sa higaan.
"I love you Elie" nagawa niyang bumulong sa aking kaliwang tenga habang nasa loob ko parin ang pagod niyang alaga.
Pinakikiramdaman ko ang pares ng basang katawan namin ni Mike dito sa ibabaw ng higaan.
Nakapikit ako dahil nakaramdam din ako ng pagod "I love you too Mike" sagot ko sa sinabi niya sa akin.
"Elie wag mo akong iiwan ha" ang mga salitang iyan ang madalas kong naririnig sa kanya tuwing natatapos kaming mag-talik.
"Hindi kita iiwan" iyan naman ang sagot ko sa tuwing babangitin niya sa akin ang salitang iyon.
Nakapikit ako habang dinadama ang dahan-dahan na paghugot ng alaga ni Mike sa aking likuran "Shower na tayo" namamaos niyang wika at kinagat pa nito ang aking kaliwang tenga bago siya bumangon sa pagkaka-dagan sa aking katawan.
ã…¡ã…¡ã…¡
Alas-tres na ng madaling araw at katatapos lang naming dalawa ni Mike na mag-linis ng katawan dito sa banyo ng kwarto.
"May extra pa ba tayong bed sheet?" tanong nito sa akin.
Kasalukuyang akong nakaharap sa malaking salamin ng kwarto habang naka-upo sa upuan dahil naglalagay ako ng moisturizer sa aking mukha.
"Nasa ilalim ng cabinet hanapin mo, kakalaba ko lang niyan noong isang araw" sagot ko sa kanya habang tutok parin ako sa aking ginagawa.
Kita ko naman sa gilid na kinukuha ni Mike ang nasabing bed sheet sa cabinet. Papalitan kasi niya ang bed sheet ng higaan dahil basa ito sa pinag-halong laway at pawis naming dalawa.
Tuloy lang akong nakaharap sa salamin at ginagawa ang dapat kong gawin nang makita ko ang repleksyon niya sa harapan na pinapalitan na ang bed sheet ng higaan.
"Hindi ka pa kino-kontak ng media?" pagtatanong nito sa akin habang ginagawa niya ang pagpapalit ng bed sheet.
"May tumatawag na sa akin" tugon ko sa kanya "Pero bukas ko na sasagutin, pagod na ako" bumuntong hininga muna ako bago tumayo aking kina-uupuan.
Humarap ako sa pwesto niya at doon dinampot ang maduming sapin sa higaan.
"Yung tawag ni Tita sinagot mo na?" hindi ako sumagot sa tanong niya.
Inilagay ko ang bed sheet sa madumihan bago muling humarap sa higaan.
Nakahiga na sa higaan si Mike at hubad-baro ang katawan nito na tanging puting underwear lang ang suot niya.
"Hindi ka mag sasando?" wika ko sa kanya habang tinutumbok ko ang cabinet para kumuha ng isusot niya.
"Mainit, ayoko mag suot" muli kong hindi pinansin ang sinabi niya.
Kumuha ako ng puting sando at ibinato sa kanya, tumama iyon sa mukha niya kaya napangiti ako.
Naka-suot ako ng oversized na puting t-shirt na abot hanggang tuhod ko, wala akong suot na underwear dahil hindi ako nag-susuot tuwing ako ay matutulog.
"Hindi mo sinagot yung tanong ko kanina" wika nito habang kita kong sinusuot niya ang sandong ibinigay ko sa kanya.
Ako naman ay naglakad na patungo sa kanang bahagi ng kama.
"Yung tawag ka'mo ni Tita Rebeca kung sinagot mo na?" muli kong hindi sinagot ang tanong ni Mike.
Tuluyan na akong nakasakay sa higaan at doon ako pumunta sa nakalahad na braso ni Mike.
"Pagod ako" bulalas ko sa kanya habang isinisiksik ko ang mukha ko sa kili-kili niya.
"Kili-kili ko na naman ang gagawin mong unan" natatawa nitong wika sa akin.
Pinagapang ko ang aking mga braso payakap sa aking kasintahan. Naramdaman kong inilagay ni Mike ang ulo niya sa aking buhok para doon amoy-amoyin.
"Are you okay na?" bulong nito sa akin at pagtango ang isinagot ko sa kanya habang ako'y nakapikit.
Sinisinghot-singhot ko ang nakaka-adik na amoy ng kili-kili ni Mike "Ang bango talaga ng kili-kili mo Babi" wika ko sa sa aking sinisinta at tinawag ko pa ito sa endearment naming dalawa.
"Diyan ka nalang tumira" natatawang tugon nito sa akin.
"Kung pwede lang sana" nakapikit ko paring wika sa kanya at patuloy lang siya sa pag-amoy ng aking buhok.
Mumunting paghinga ang maririnig mo dito sa kwarto at ang ingay na ibinubuga ng aircon.
"Nasaan si Calix?" pagtatanong ko sa aking sinta.
"Natutulog na sa labas" tugon nito sa akin.
"Pinakain mo na ba?" nakapikit ko paring wika sa kanya habang patuloy na inaamoy ang mabango nitong kilikili.
"Oo, huling lata nalang pala yun" muli nitong tugon sa akin. Napamulat ako ng mata at doon ako tumingala dahil sa huling iwinika niya.
"Aw...ilong ko" daing nito ng madali ko ang ilong niya sa pagtingala ko.
"Sorry" paghingi ko ng pasensya at nakangiti naman siyang tumango.
"Huling cat food na ni Calix yun?" tanong ko sa kanya at muli siyang tumango habang sapo-sapo ang ilong niya "Kailan tayo pupunta sa hypermarket?" nakangiti kong wika dito.
Tinanggal na niya ang pagkaka-sapo niya sa kanyang ilong at doon naman niya inilagay sa aking noo para himas-himasin.
"May convenience store naman doon sa labas ng center natin ah" pagtukoy niya doon.
"May cat food doon?"
"Not sure, tingnan mo nalang bukas" gumayak siya para halikan ang noo ko kaya napapikit ako dito.
Nakapikit lamang ako habang dinadama ang ilang segundong pagkakalapat ng labi niya sa aking noo.
Natapos naman iyon bago siya muling bumalik sa kanyang pagkakahiga. Ngumiti naman ako sa kanya bago ako muling bumalik sa pag-aamoy ng kanyang kili-kili.
Muling paghinga naming dalawa at ingay ng ibinubugang hangin ng aircon ang tanging namumutawi dito sa loob ng kwarto.
Nakapikit lamang ako habang pinapakiramdaman ang lalaking katabi ko.
Ilang minutong katahimikan bago siya muling nagsalita "Are you really okay Babi?" pag-aalala niyang tanong sa akin.
Umiling ako sa kili-kili niya dahil hindi naman talaga ako okay, hindi pa ako okay.
Lungkot at pag-aalala ang namumutawi sa aking kaloob-looban dahil sa mga nangyari kanina.
"Successful naman yung surgery ng kaibigan mo Babi" wika ni Mike habang pinaglalaruan niya ang buhok ko.
"Alam ko" malungkot kong tugon.
"So bakit ka malungkot?" ulit niyang pagtatanong sa akin.
"Yung Kuya ni Elo, si Edward" malungkot kong wika sa kanya.
"What happened?"
"Dinala silang dalawa sa Cardiology Dept" nakapikit ko paring tugon dahil pinipigalan kong muling lumuha.
"Dalawa?"
"Yung kapatid nung boyfriend ni Elo, si Zachary yung isa sa mga Walker Brothers" muli kong tugon kay Mike.
"And?"
"Kinailangan nilang mag heart transplant kanina"
Isa sa dahilan kung bakit madaling araw na kami naka-uwi ni Mike dito sa bahay dahil ako ang nanguna sa pag-oopera sa likuran ni Elie. Ako ang Doktor niya.
Inabot kami ng labing dalawang oras sa loob ng operating room kasama ang Orthopedic Department dahil sa dinadalang SCI (Spinal Cord Injury) ni Elo. Kinailangang buksan ang kanyang likuran dahil sa komplikasyon niyang natamo sa Spinal Cord, nag karoon ito ng crack sa Vertebrae dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya.
Naging matagumpay ang operasyon ni Elo ngunit nabalitaan ko sa mismo sa nanay nila na si Mamang na sinasabing tuluyan na ngang binawian ng buhay si Edward.
Kaibigan ko silang dalawa.
"I guess na mahal mo siguro yung dalawa mong kabigan na yun?" pagbasag ni Mike sa katahimikan.
"Mahigit thirteen years din kasi kaming hindi nagkita, tapos nitong mga nakaraang linggo lang din kami nagkasama sila yung dumalaw noong isang lingo sa ospital" naramdaman kong hinigpitan ng aking sinta ang pagkakayakap sa akin.
"Silang dalawa yung unang tumanggap sa pagkatao ko" seryoso kong banggit sa kanya.
"Yung Elo, diba siya yung boyfriend nung CEO doon sa dinadaanan nating kompanya?" batid kong iniiba ni Mike ang usapan dahil ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan ang tungkol sa pagkatao.
"Oo siya nga" tugon ko naman dito habang tuloy parin ako sa ginagawa kong pag-amoy ng mabango niyang kili-kili.
"Kinontak ka na ng media?" tanong nito.
"Pangalawang beses mo nang itinanong sa akin yan Babi" lahad ko dito.
"Sorry naman" natatawa nalang niyang wika sa akin.
"Matapang na tao si Elo kung alam mo lang" muli kong seryosong wika sa kanya.
"I guess so, naka survive nga siya sa operation eh" tugon nito sa akin.
Tumango ako sa kili-kili niya bago muling nag wika "Nasaksihan ko kung paano siya nag-out sa parents niya kila Mamang at Papang kaya siya din yung dahilan kaya nag karoon ako ng lakas para mag out din sa parents ko..." mas naramdaman ko ang pag-higpit ng yakap ni Mike.
"...pero hindi ko alam na ganun yung kakalaba---"
"Stop...ayoko ng ganyang usapan" pag-pigil nito sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang tumigil.
Niyakap ko nalang ng buong puso ang katawan ng aking sinisinta at doon ako nag-buntong hininga sa kili-kili niya.
Nakakapagod.
Muling namutawi ang katahimikan sa loob ng kwarto habang patuloy na nilalaro ni Mike ang aking buhok.
"Mike" pagbasag ko sa katahimikan.
"Hmmm?" tugon nito sa akin.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita, inihahanda ko muli ang aking sarili.
"Kailan mo ako ipapakilala sa magulang mo?" nagmulat ako ng mata at muling tumingala sa mukha ni Mike.
Doon ko muling nakita ang magkasalubong niyang mga kilay na batid kong nagtataka siya sa itinatanong ko.
"Kilala ka na naman nila ah" sagot nito sa akin kaya muli kong inihanda ang aking sarili sa sunod kong sasabihin.
"Kilala nga nila ako pero bilang kaibigan mo" naramdaman ko ang dahan-dahang pagluwag ng mga braso ni Mike sa katawan ko "Kailan mo ako ipapakilala bilang kasin---"
"Ito na naman ba tayo!?" napaigtad ako ng magtaas siya ng boses at tuluyan ng inalis ni Mike ang pagkakayakap niya sa akin.
Handa na ulit ang tenga ko.
"Tinatanong ko la---"
"Yun na nga! So ito na naman? bi-bring up mo naman 'yan issue na 'yan?" tuluyan ng nagsalubong ang mga kilay ni Mike at nagtataas na muli siya ng boses.
"Ang akin lang ka---"
"Elie naman" muli niyang pagputol sa sasabihin ko.
Nakapagat ako ng labi dahil sa muling senaryo na nangyayari. Nakatingala parin ako sa kanya habang naka-unan sa braso nito.
Galit siya.
"Wag mo naman sanang ma-misinterpret yung sasabi---"
"Yun yung gusto mong sabihin Elie! Ilang beses ko bang ipapaalala sayo na bigyan mo ako ng panahon!? Ilang beses ko bang ipapaliwanag sayo na hindi ganun kadali sabihin yung mga gusto mong mangyari!? ha!?" sunod-sunod niyang sigaw sa taas ko.
Hindi ako nakapagsalita dahil naihanda ko na ang sarili ko. Dahil sa inis ni Mike sa akin ay dali-dali siyang umalis sa pag-kakahiga niya sa kama.
Nakatanga lang akong nakatingin sa kanya ng tuluyan siyang makatayo sa sahig ng kwarto.
"Ang kulit mo Elie! Ang kulit-kulit mo!" inis na pagsuko niya sa gilid ko habang nakahiga parin ako sa kama "Wag mo naman akong pagmadaliin!" huling wika ni Mike bago niya tumbukin ang pintuan at doon marahas na isinara.
Blanko.
Blanko ang reaksyon ko dahil sa mabilis na pangyayari. Ang kulit ko naman kasi talaga, bakit ko kasi ipinipilit ang isang bagay na mahirap naman talagang gawin.
Umayos ako ng higa bago ko ipatong ang kanan kamay ko sa aking noo at doon tumingin ng diretso sa kisame ng kwarto habang paulit-ulit na minumura ang sarili.
"Ang tanga mo Elie, ang tanga-tanga mo" seryoso kong pagsisi sa sarili ko dahil nangyari na naman ang senaryong ito sa aming dalawa.
Pero ano 'bang bago?
Wala namang bago ako parin yung dehado, dehado sa tuwing pag-uusapan naming dalawa ang bagay na ganito.
Ako yung naiiwang nakatanga sa higaan, ako yung nasisisi na mali, ako yung nagmumukhang masama at minsan ako pa yung naiiwang luhaan sa tuwing may ganito kaming pinag-uusapan.
Napabuntong hininga nalang ako dahil sa halos sampung taong pag-sasama namin ni Mike ay sanay na sanay na akong naiiwan sa tuwing pinag-uusapan naming dalawa ang bagay na ito.
Hindi naman kasi ako nagmamadali pati pinagkakatiwalaan ko naman siya, mahal na mahal ko si Mike dahil siya lang meron ako at hindi ko alam kung mawawala pa siya sa tabi ko.
Oo pinagkakatiwalaan ko si Mike pero sa tuwing itatanong sa kanya ng mga magulang niya kung kailan ang balak niyang mag-asawa ay nakakaramdam ako ng pananakit sa aking puso dahil bukod sa kandado ang isipan ng kanyang mga magulang ay mas nasasaktan ako sa tuwing sinasabi niyang kaibigan niya lang ako.
Magkaibigan naman kasi talaga kami ni Mike "nung college" pero nag-iba yung ihip ng hangin at nauwi kaming dalawa sa pag-iibigan.
Apat na tao lang ang nakaka-alam sa relasyon naming dalawa ni Mike, apat na tao lang.
Hindi ko alam kung yung mga kasama naming Residents at Nurses sa Center ay may alam na sa relasyon naming dalawa.
Ang tanging alam ko lang na may alam sa relasyon namin ni Mike sa mga Residents ay yung kaibigan niya na si Erjun.
"Hay" buntong hininga ko at mabilis na bumalikwas sa kama. Matalim akong tumitig sa pintuan kung saan doon lumabas si Mike.
Kapag ganito kasi ang nangyayari sa amin ay ako ang sumusuyo sa kanya.
"Pasalamat ka mahal kita" wika ko sa hangin bago ako umalis sa higaan at tumayo sa sahig.
Kinuha ko ang puting comforter at isang unan bago ko tinumbok ang daan palabas ng kwarto.
Nang mabuksan ko ang pintuan ay doon ko agad nakita na nakahiga si Mike sa sofa habang nasa tiyan niya ang alaga namin na si Calix.
Si Calix ay isang pusa na may lahing Siamese kulay asul ang kanyang mata at cream ang kulay ng kanyang katawan, dark color ang pumapalibot sa apat niyang paa,sa tenga at sa harapan ng kanyang mukha.
Tinumbok ko ang sofa at doon tiningnan si Mike.
Nakapikit ito habang hawak-hawak niya si Calix sa ibabaw ng tiyan niya.
Inilapag ko muna ang puting comforter at unan sa lapag bago dahan-dahanin na kuhanin si Calix sa ibabaw ng tiyan ng aking sinta.
Nang makuha ko si Calix ay dahan-dahan akong tumalikod sa sofa at naglakad papunta sa higaan ng pusa malapit sa pintuan ng aming kwarto "Good mornight Calix" pagbati ko sa kanya ng mailagay ko siya sa kanyang higaan.
Ngumiti muna ako dito bago ako bumalik sa sofa kung saan nandoon si Mike. Nakatagilid na ito patalikod sa aking pwesto kaya napabuntong hininga nalang ako.
Pinulot ko ang comforter kasabay ng pagtalukbong ko sa katawan nito, hindi siya gumagalaw kaya itinuloy ko nalang ang ginagawa ko.
Pagkatapos kong mailagay ang comforter sa katawan niya ay sunod kong pinulot ang unan para ipaunan kay Mike.
Nang matapos ako sa pagsisilbi sa kanya ay bumuntong hininga ako bago tumabi sa pagkakahiga niya.
Umayos ako ng higa at tumagilid paharap sa kanya, agad-agad kong ipinulupot ang aking mga braso sa katawan ng aking sinsinta at doon ko isiniksik ang aking mukha sa kanyang leeg.
"Sorry" paunang wika ko sa kanya.
Ganito ang senaryo naming dalawa tuwing ako ang may kasalanan, samantalang ganito din siya sa akin tuwing siya naman ang may kasalanan.
Remission.
Hindi kumikibo si Mike sa pagkakatalikod niya pero alam kong gising na gising ang diwa niya.
"Sorry na po hindi na po mauulit, hindi na ulit ako magtatanong ng ganun" mas hinihigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya para ipadama na seryoso akong humihingi ng tawad sa kanya.
"Mike sorry" pumikit nalang ako habang humihingi ng tawad sa kanya. Sa sampung taon na nangyayari ito ay hinding-hindi ako magsasawang humingi ng tawad sa kanya at hindi din ako magsasawang patawarin siya.
Hindi ito kumikibo kaya mas hinigpitan ko lalo ang pagkakayakap sa kanya "Sorry na Mike please hindi na mauulit, hindi na ako magtatanong ng ganoon, hindi na ako mangungu---"
Pinutol ni Mike ang sinasabi ko sa kanya ng mabilis siyang humarap sa akin at doon sinugpo ang aking mapupulang labi.
Bati na kami.
ã…¡ã…¡ã…¡
"Babi wake up!"
"Babi gising na!"
"Gising na Babi!"
Dahil sa sunod-sunod na sigaw na iyon ay napamulat ako ng mata at doon rumehistro ang gwapong mukha ng aking kasintahan na nakatayo sa gilid ng sofa.
"Good morning Babi" nakangiti niyang wika sa akin at napa-igtad ako ng mabilis niya akong halikan sa aking labi.
Napapikit naman ako dahil sa ginawa niyang iyon.
"Kagigising ko lang ano kaba!" nahihiyang wika ko dito pero hindi niya ako pinansin at umalis na sa gilid ko.
"Mabango ka parin sa pang-amoy ko, don't worry" wika nito sa likod ng sofa at alam kong nasa kusina na ito.
Napailing nalang ako bago ako bumalikwas ng upo at mag kusot ng aking mga mata.
"Ngiyaw"
Nag-inat ako ng aking braso sa ere kabasay ng paghikab sa aking kinauupuan.
"Ngiyaw"
"Tumawag sa akin si Erjun, madami na daw reporter sa labas ng center natin" wika ni Mike doon sa kusina.
"Good morning Calix" pagbati ko sa pusa na ngayon ay kumalong na sa aking pag-kakaupo.
"Baka daw ma-late si Ron dahil napuyat kagabi" wika pa nito pero hindi ko iyon pinapansin dahil naka'y Calix ang atensyon ko.
"Kumain kana ba Calix? Kumain kana?" inihiga ko ito sa aking kandungan at doon kinikiliti.
"Ngiyaw" tanging sagot sa akin ng pusa.
"Tumatawag si Tita Rebeca kanina kaya sinagot ko na" ibinaba ko na si Calix sa lapag at tumayo na para tumbukin ang kusina.
"Anong niluto mo?" wika ko sa kanya ng tuluyan akong umupo sa upuan habang siya ay patuloy na may kung anong niluluto sa kalan, may nakahain sa lamesang fried rice, longganisa at itlog na nilaga.
"Wag ka munang kumain hindi pa luto 'tong sinigang" dahil sa sinabi ni Mike ay muli akong tumayo sa pagkakaupo bago tumbukin ang pwesto niya.
"Umupo kana doon, ako na dito" pagpigil niya sa akin kaya napataas ang dalawang kilay ko.
Sinisilip ko ang sinigang na niluluto niya at hindi ko mapigilang magpigil ng tawa.
"Gusto lang kitang pagsilbihan" itinigil ni Mike ang paghahalo sa sinigang niya at tumingin sa akin ng diretso habang hawak-hawak ang sandok.
Hubad-baro siya at tanging puting underwear ang suot nito habang naka-suot ng apron.
"Hindi mo nilagyan ng kamatis? Ilang tasa ng tubig ang nilagay mo? Bakit pusyaw ang kulay?" sunod-sunod kong tanong sa kanya at kinuha ko ang sandok sa kamay niya bago ko isinalok ito para tikman ang sinigang na niluluto niya.
"Ang tabang" santinig ko ng matikman ko ito kaya mas lalo akong nagpigil ng tawa.
"Tsss...Elie naman eh!" sa sampung taong pagsasama namin ni Mike ay ako ang nagsisilbi sa kanya ako ang tagapagluto at tagalinis ng bahay naming dalawa sabay naman kaming naglalaba tuwing weekends kaya hindi ako ganoon nahihirapan.
"Ikaw na nga ang mag tuloy niyan!" pagtatampo ni Mike at umalis na siya sa harapan ko para doon dumiretso sa upuan ng lamesa.
Nakangiting nakatingin lang naman ako sa kanya "Lalagyan mo kasi ng kamatis pati wag mong iba---"
"Oo na! oo na bilisan mo na diyan alas-dyis na oh" pagtataray nito sa akin kaya tinalikuran ko nalang siya at itinuloy ang pagluluto ng sinigang niyang matabang.
Tanging prito lang kasi ang kayang lutuin ni Mike at kapag lutong ulam ang lulutuin ay ako ang inaasahan niya.
"Kawawang sinigang" santinig ko sa hinahalo kong paboritong ulam.
ã…¡ã…¡ã…¡
"Oh" inabot sa akin ni Mike ang itim na helmet habang siya ay nakasakay na sa kanyang motor bike.
Nandito kami sa garahe ng aming bahay dahil papasok na kami sa aming papasukan, sampung minuto mula dito sa bahay namin ang tagal papunta sa TOP Medical Center kung saan doon kami pumapasok.
Fellow Doctors sa Neurosurgeon Department kaming dalawa ni Mike.
Ilang taon na kami magkasama? Ilang taon na kami magkakilala?
Kung iisa-isahin ko - four years kami sa College, two years sa Medicine, one year sa Internship, limang taon na pagiging Resident at ngayon mag-iisang taon na kaming Fellow sa Neurosurgeon Department. Sumaka-tutal na thirteen years.
Naging opisyal kaming magkasintahan ni Mike noong third year kami sa Medical School.
Hindi biro sa aming dalawa ni Mike ang pag-aaral noon sa college, sunugan kung sunugan talaga ng kilay kaya hindi ko maitatanggi na kaming dalawa ni Mike ang nangunguna sa klase.
Si Mike? Tinuturing niyang contest ang pag-aaral noon sa college kaya madalas siyang tawaging Nerd. Iyang mabato niyang katawan ngayon? Ilusyon niyo lang iyan dahil noong college kami ay ga-titing ang payat ni Mike kaya madalas itong kutyain at ma-bully.
Ako? Tinuturing kong track and field ang pag-aaral - sumasabay sa agos ng ilog kumbaga, oo nakaramdam ako ng stress at frustration noon dahil sa patong-patong na problema pero hindi iyon naging sabagal para makatapos ako sa pag-aaral. Naipagtatanggol ko din ang aking sarili laban sa mga api'd.
Madalas kong kutyain dati si Mike at inaamin ko na isa ako sa mga bangungot niya dati noon sa Medical School, pero isang araw nagbago ang simoy ng hangin.
Lakas loob umamin sa akin si Mike noong third year kami sa college at mag kaklase kaming dalawa, nagawa ko pa nga siyang sapukin sa mukha dahil akala ko ay jina-jamming at niloloko niya lang ako. Pero noong sinabi niyang seryoso siya sa nararamdaman niya at tanggap niya ang buong pag-katao ko ay doon na nagsimula ang pag-iibigan naming dalawa.
Madalas ko nang ipagtanggol noon si Mike pero hindi parin nawawala ang pang-aalipusta ko sa kanya, madalas ko siyang sabihan ng "Isang ubo nalang, mamatay kana" at "Kumapit ka sakin baka tangayin ka ng hangin" at ang mga salitang iyon ang naging motibasyon ni Mike para pagandahin ang hubog ng kanyang katawan.
"Elie tara na! Ano bang iniisip mo diyan!?" napailing ako at napabaling ng tingin sa kanya.
Iritado na itong nakatingin sa akin at tila ako'y hinihintay sa susunod kong gagawin.
"Ah...ah...ta...ra...let's go" utal kong wika sa kanya bago ko tuluyang maisuot ng maayos ang helmet ko.
"Sakay na!" inis parin nitong wika sa akin.
"Kain tayo kila Manang Lydia mamaya ha" paalala ko dito ng makasakay ako sa motorbike niya.
"Hug" tugon nito sa akin.
"Ha?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
"Sabi ko yapos Elie! Antok ka pa ba?!" muli niyang iritadong wika sa harapan ko. Dahil sa pagkataranta ay mabilis ko itong niyapos.
"Tsss" palatak ko nalang dito ng paandarin niya ang kanyang motor bike.
Lumaki lang ang katawan niya ay ako na ang madalas niyang kutyain at asarin.
ã…¡ã…¡ã…¡
"Mike, order mo ako ng twelve na milktea doon sa Bon Appetea" nandito na kaming dalawa sa lobby ng ospital at nakatigil kami sa gitna.
"Dami naman?" takang tanong niya sa akin.
"Para sa mga Residents at Nurses" tugon ko naman sa kanya.
"Okay-okay" muli nitong wika.
"Iwan mo nalang number ko then tawagan ako kapag okay na" paalala ko sa kanya at tumango siya sa akin "Sige na, punta lang ako kay Auntie" huling wika ko kay Mike bago tumalikod sa kanya at tinumbok ang daan papunta sa elevator.
"Good morning Doc" bati sa akin ng isang babaeng Nurse na nakakakilala sa akin bilang Doctor.
Naka-formal attire pa kasi kaming dalawa ni Mike ng pumasok kami dito sa Ospital at nasa center pa ang aming mga Doctor Coat.
"Good morning" pagbati kong pabalik sa kanya habang patuloy akong naglalakad.
Nang matanaw ko mula sa paglalakad ko ang papasarang elevator ay dali-dali akong tumakbo para mahabol ito.
"Wait! Wait!" pagsigaw ko dito habang karipas akong tumatakbo papunta doon.
"Teka!" agad kong inilahad ang kanang kamay ko sa bungad ng papasarang pintuan para ito ay tumigil sa pagsara.
"Salamat" wika ko ng tagumpay akong nakahabol at pumasok na ako sa loob ng hindi ko tinitingnan ang aking tinatapakan.
Papuno na din ang loob ng elevator.
"Good morning Doc" napatingin ako sa kanang gilid ko ng doon ko makita ang isang lalaking Nurse.
"Good morning" nakangiti kong pagbati sa kanya ng marinig ko ang isang palatak sa aking kaliwa.
"Tsss" rinig ko sa gilid kaya napatingin ako dito.
Isang lalaki na naka-suot ng puting longsleeve ang matalim na nakatingin sa akin. Tumitig naman ako sa kanya at ginantihan kung paano niya ako tinititigan.
'problema niya?'
Nakatingin lang ako dito ng seryoso at may halong inis ang iwinika niya sa akin "My foot" wika niya.
"What?" mahinang tugon ko dito at mas lalo kong nakita ang pagka-irita ng mukha niya.
"Sabi ko Doc, ang paa ko inaapakan mo" taas kilay na wika sa akin ng lalaki kaya mabilis akong bumaling sa sahig ng elevator.
"Omo! Hala! Pasensya na hindi ko napansin!" taranta kong wika sa loob ng elevator at mabilis kong inaalis ang pagkaka-apak ko sa kanya.
Inisnaban ako ng lalaki at nag-halukipkip ng kanyang braso.
"Tsss" muli niyang palatak.
"Sorry Mister! Sorry" paghingi ko ng pasensya sa lalaki at rinig ko ang ilang tawanan sa loob ng elevator kaya napatingin ako sa kanila.
Ang ilang matatanda ay hindi na napigialang mapatawa sa nasaksihan nila. Hindi ko naman alam ang magiging reaksyon ko kaya napatawa nalang din ako.
"Doc hindi mo siya kilala?" rinig kong bulong sa akin ng lalaking Nurse sa aking gilid.
"Ha?" takang wika ko dito.
Doors Opening
Napatingin ako sa labas at doon ko naman nakita na nasa destinasyon na ako - sixth floor. Dali-dali akong bumaba at nagawa ko pang tumingin muli doon sa papasarang elevator.
Nakita kong matalim na nakatingin sa akin yung lalaking naapakan ko habang yung lalaking Nurse ay tila inaasar ako dahil naka-muwestra ang kamay niyang nagpapahiwatig na 'lagot ka'
Ano yun?
Napailing nalang ako at nagsimulang tumbukin ang daan papunta sa opisina ng aking Tiyahin.
"Good morning Doc" pagbati ng babaeng Nurse na nakasalubong ko sa daan.
"Good morning" tugon ko dito habang tuloy lang ako sa paglalakad. Nakangiti lang ako habang tinutumbok ang daan papunta sa aking pupuntahan.
Napatigil ako sa isang pintuan.
"Anesthesia: wounds without pain" pagbasa ko sa karatulang nasa labas ng pintuan.
Hindi na ako kumatok at nag-tuloy-tuloy na ako papasok sa looban.
"Auntie binago mo yung sign mo sa labas?" wika ko sa kanya pagkatapos kong isara ang pintuan ng opisina.
"Nabasa mo? Kanina ko lang pinaltan" humarap ako sa kanya at kita kong naka-upo ito sa swivel chair habang kaharap ang kanyang lamesa.
Suot ni Auntie ang pamatay niyang ngiti habang nakapatong sa katawan niya ang puting-puti na Doctor Coat.
'Sammy Bueanaobra Manabat - Head of Anesthesiology Department' iyan ang naka-ukit sa batong triangulo na nasa ibabaw ng lamesa ni Auntie.
"Alcohol is the anesthesia by which we endure the operation of life" wika ko sa kanya patukoy doon sa karatulang nakasabit sa pintuan niya noong isang araw.
Tinumbok ko ang pwesto ni Tita at doon umupo sa dalawang upuan na nasa harap ng lamesa niya.
"Tumawag si Rebeca sa akin" pagsasalita ni Tita sa akin pero hindi ko iyon pinansin.
Sa loob ng labing-tatlong taon ay si Auntie Sam na ang naging Ama at Ina sa akin. Siya ang nagpa-aral, nagpakain sa akin ng tatlong beses sa isang araw, tinuring niya akong bilang isang anak at siya din ang nakasaksi sa pag-abot ko ng tagumpay sa aking buhay.
'Ni minsan ay hindi ako nakaranas ng pagiging mabigat sa pamilya nila. Sumasadline ako bilang tutor noong college para hindi nakakahiya sa kanila. Pero ang tanging sinasabi sa akin ni Auntie ay "Hindi ka magiging pabigat sa amin, tinaggap kita ng buong puso dito sa aming bahay, pinatuloy kita at kargo-de-konsensiya na kita".
"Hindi ka uuwi sa inyo?" pagtatanong ni Auntie.
"Anong sense kung uuwi ako doon Auntie?" katotohanang tugon ko sa kanya.
Walang sense kung pupunta ako doon dahil para lang akong nagpapalobo ng lobo na walang hangin - walang kwenta kumbaga.
"Anong walang sense? May sense ang pag-uwi mo doon Elie" tila pagpupursigi sa akin ni Auntie.
"Kailan pala ang graduation ni Georgie Auntie? Sasama ako sa kain---" pilit kong iniiba ang usapan naming dalawa ni Auntie.
"Umuwi ka sa inyo Elie...miss kana ni Rebeca miss kana din ni Mutya" malungkot na wika ni Auntie Rebeca sa harapan ko.
"Auntie" seryoso kong pagtawag sa kanya dahil alam kong ayaw niyang pinag-uusapan namin ang tungkol sa ganito. Ewan ko lang kung bakit siya nagsasalita ng ganyan ngayon.
"Miss ka na nilang tatlo...miss na miss ka'na din ng Pa---"
Hind na naituloy ni Auntie ang pag-sasalita niya ng tumunog ang aking cellphone.
"Wait lang Auntie" wika ko sakanya at kita ko naman ang pagtango nito sa akin.
Hinugot ko ang phone sa aking black pants at doon ko tiningnan kung sinong tumatawag.
'Nurse Mhilez' isa sa limang Nurse sa aming center.
Sinagot ko ang tawag niya at doon ko narinig sa kabilang linya ang winika nito.
"Doc" pagtawag nito sa akin.
"Yes Mhilez" tugon ko sa kanya habang nakaharap ako kay Auntie na nakikinig sa akin.
"Doc nandito na po yung patient niyo for Check Up sa Scoliosis" paglalahad ni Nurse Mhilez sa akin.
"Si Angelika?" pag-sisigurado sa kanya.
"Yes Doc!" magiliw na sagot ni Nurse Mhilez sa akin.
Nakita ko ang pagngiti at pagtango sa akin ni Auntie Sam.
"Do the X-ray for Spinal Cord first, okay?" habilin ko sa kanya.
"Sure Doc!" tugon nito sa akin.
"Thank you Nurse Mhilez, pababa na din ako diyan sa basement" nakangiti kong wika dito at papatayin ko na sana ito ng may hinabol pa siyang wika.
"Oo nga pala Doc! Papunta na po diyan ngayon si Doc Ron para sunduin po kayo, madami po kasing paparazzi at media sa labas ng center natin ngayon para interviewhin po kayo" paalala sa akin ni Nurse Mhilez.
"Si Ron? Akala ko male-late siya ngayon?" takang wika ko sa kanya dahil sinabi sa akin kanina ni Mike na male-late itong paborito kong Resident.
"No Doc, maaga po ngayon pumasok si Doc Ron nauna po siya sa inyong dalawa ni Doc Mike" wika nito at napatango nalang ako.
"Ah...okay sige-sige thank you Nurse Mhilez" huling wika ko sa kanya bago ko pinatay ang tawag.
"Sabi sa akin ni Rey na madaming media sa labas ng center niyo ah?" patukoy ni Auntie sa aming Head sa Neurosurgery.
"Oo nga daw Auntie" tugon ko sa kanya.
"Kumusta yung kaibigan mo? Si Elo? Yung boyfriend ng CEO doon sa Walker Company?" pagtatanong ni Auntie sa "Success yung surgery ah...sinabi sakin ni Mike" isa si Auntie sa apat na taong nakakaalam ng relasyong naming dalawa ni Mike.
"Oo nga Auntie success yung surgery" malungkot kong wika sa kanya.
"Eh bakit parang hindi ka masaya?" tanong nito sa akin.
"Yung kapatid niya si Edward binawian ng buhay doon sa paghahanap sindikato na dumukot kay Elo" malungkot kong muling wika kay Auntie.
"Hay" buntong hininga ni Auntie "Kaya ikaw mag-ingat ka at wag kang uuwi na hindi kasama si Mike" pag-papaalala sa akin ni Auntie.
"Para naming hindi mo ako pinag-aral ng muay thai niyan Auntie?" huling wika ko bago kami may marinig na katok sa pintuan.
Napatingin kaming dalawa ni Auntie doon at inabangan namin ang pagbukas ng pintuan.
Iniluwa nito si Ron na nakasuot ng puting-puting Lab Coat at nagulat ako sa kulay ng buhok niya.
Nakangiti si Ron doon sa may pintuan bago siya bumati sa aming dalawa "Good morning po Doc Sam, Doc Elie" dalawang beses na yumuko si Ron tanda ng pag-galang sa amin.
Sinenyasan ko si Ron na isara ang pintuan at lumapit sa aming pwesto at dali-dali niya naman itong sinunod.
Kita ko ang nangingitim na eye bags sa mukha niya pero hindi mawawala ang ngiti na ipinapakita niya.
"Natulog ka ba Doctor Ron?" nakatayo sa aking gilid si Ron habang nasa likod ang kanyang mga kamay.
"Hindi po" tugon nito sa akin at kita kong nakangiti siya kay Auntie kaya napatingin ako dito.
"What's with your hair? Doc---"
"Doctor Ron Aman Abejo po" pagtutuloy ni Ron sa winiwika ni Auntie habang inilalahad pa ang kanyang id na nakakabit sa Doctor Coat niya.
"Bakit ganyan ang kulay ng buhok mo?" nakangiting pagtatanong ni Auntie kay Ron.
Pink kasi mismo ang kulay ng buhok ni Ron. Hindi nga siguro natulog ang batang ito dahil may oras pa siya sa pagpapakulay ng buhok matapos ko siyang isama sa labing dalawang oras na surgery ni Elo.
"Style po Doc, this is what you call fashion!" bibong wika ni Ron habang ibinabalandra pa niya ang kulay rosas niyang buhok.
"Pasaway" tanging naibulalas ni Auntie bago siya bumaling ng tingin sa akin.
"Sige na Elie, masamang pinaghihintay ang pasyente" nakangiting wika ni Auntie sa akin bago ako nag desisyon na tumayo sa upuan.
"See you later Doc" huling wika ko sa kanya bago kami lumabas ni Ron.
ã…¡ã…¡ã…¡
"Doc Elie ano pong sasabihin niyo sa media?" tila nag-aalalang wika ni Ron sa aking tabi.
"Ako na ang bahala" tanging naibulalas ko sa kanya habang pababa ang elevator na sinasakyan naming dalawa.
Nasa first basement ang center namin, ang Neurosurgeon Department. Nasa labing dalawa kaming tao sa loob ng center at tulong-tulong kami para sa mga pasyenteng nangangailangan ng tulong.
"Ang dami nila Doc! Ang dami-dami nila!" tila natatarantang wika sakin ni Ron.
"Ayaw mo? Madaming camera silang dala at mas makikita ng madla ang ganda ng kulay ng buhok mo" natatawa kong wika sa kanya patukoy sa kulay rosas niyang buhok.
"Doc naman ih!" tanging tugon nito sa akin bago namin marinig ang pagbukas ng elevator.
Doors opening
"Doc hold your breath" nakita ko ang oa na reaksyon ni Ron sa aking tabi.
Nakapikit ito sa aking tabi habang madiin na nakahawak sa aking braso.
Umiling nalang ako bago humarap sa unti-unting pagbukas ng pintuan ng elevator.
Hold your breath nga!
Hindi pa tuluyang bumubukas ang pintuan ng elavator ng masaksihan ko ang sunod-sunod na paglatay ng ilaw sa aking mukha. Sunog-sunod ang tunog ng mga camerang nasa unahan ko.
Mas naramdaman ko ang mahigpit na pag-kapit sa akin ni Ron.
Akala ko ba ay aalalayan niya akong makalagpas sa mga ito? At ng tuluyan ng bumukas ang pintuan ng elevator ay doon ko na mas marinig ang sunod-sunod na pagtatanong sa akin.
"Ikaw ba si Doctor Elie Zhon Buenaobra?"
"Ikaw ba ang nag lead sa surgery ng kasintahan ng CEO ng Walker Company?"
"Kumusta ang lagay niya?"
"Successful ba ang operation?"
Bago ko sagutin ang pagtatanong nila ay inalalayan ko si Ron na lumabas ng elevator.
"Ron umayos ka ano ba" mahinang bulong ko sa kanya habang nakapikit parin ito sa aking tabi.
Hindi niya ako pinakinggan at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkaka-kapit sa aking braso.
Napailing nalang ako habang tinutumbok ang entrance ng aming center.
"Hindi ka'ba magsasalita?"
"Kumusta ang lagay ni Elo?"
"Kumusta yung operasyon ng kasintahan ni Lucas Walker?"
Hinayaan kong naka sunod sila sa amin papunta dito sa harapan ng aming center. Glass door ang pintuan nito at makikita na sa loob ang ilang mga Nurse,Resident at Pasyente na nakatingin sa nangyayaring komosyon.
Tumigil ako sa harapan habang akay-akay ang nakapikit na si Ron sa aking gilid.
Pinagmasdan ko ang mga media at paparazzi na nasa harapan ko, kahit na ako'y nasisilaw na sa sunod-sunod na paglatay ng ilaw sa aking mukha ay nagagawa ko paring ngumiti sa harapan ng camera.
"Kumusta ang operasyon ni Elo Bathan?"
"Anong aksidente ang nangyari sa kanya?"
"Anong parte ng katawan ang inoperahan niyo?"
Nakapikit parin si Ron sa aking tabi bago ako muling ngumiti sa kanila para sabihin ang aking sagot.
"First of all good morning I am Elie Zhon Buenaobra from Neurosurgeon Department and as you can see nasa likod ko lang ang aming center at nasa loob ang aming Resident and our dear Nurses" nakangiti kong wika sa kanila habang patuloy silang kumukuha ng bidyo at litrato.
"Kumusta ang operasyon ng kasintahan ni Lucas Walker?" pagtatanong ng isang kilalang babaeng reporter.
"The surgery went well and with the help of Orthopedic Department walang komplikasyon na nangyari sa operasyon" tanging sagot ko sa sunod-sunod nilang tanong kanina sa akin.
"Pwede bang malaman kung anong aksidente ang nangyari at kung anong parte ng katawan ang inoperahan niyo?" muling pagtatanong ng babaeng reporter.
"Base on the regulation of this Hospital we cannot share the patient information into the public" katotohanang sagot ko sa kanila habang hindi nawawala ang posture ko sa harapan ng camera.
"Ron umayos ka" muli kong bulong sa engot na si Ron sa aking tabi.
"Anything to say Doctor Buenaobra?" muling tanong ng babae.
"Ahm...I'll assure by next week Elo Bathan will regain his consciousness that's all" huling wika ko sa kanila bago ko ito talikuran. Narinig ko pa ang ilang pagtatanong nila pero nakita kong pinigilan na ito ng mga guards sa labas ng aming center.
Nakangiti lang ako na papasok sa loob ng center dahil tila pinapanood nila akong lahat sa nangyayari kanina.
Ang mga Nurse at Resident ay pinalakpakan ako ng tuluyan akong makapasok sa loob.
Nakatigil ako sa harapan nila habang pinapanood ang pagpalakpak nila sa akin.
"Doc Elie! You are the best of the best!" rinig kong pagbati sa akin ni Erjun na suot-suot din ang puting Doctor Coat.
"Salamat Erjun, isusumbong kita kay Mike na bina-backstub mo siya" si Erjun ang kaibigan ni Mike na isa sa mga nakaka-alam ng relasyon naming dalawa. Fifth Year Resident na si Erjun at siya ang sumunod na nakakatanda sa amin.
"Doc Elie ang galing mo talaga" napabaling ako ng tingin sa pinakamatandang Head Nurse ng aming Department.
Yellow green ang kulay ng suot nilang pangtaas at puting manipis na pants ang pangbaba na damit.
"Salamat po Nurse Dory" tumungo pa ako sa kanya tanda ng pasasalamat. Kinakawayan pa ako ng ibang nurse sa aking harapan at kinakawayan ko din sila pabalik
"Nasaan ang ibang resident? Ang kambal? Si Nisa nasaan?" pagtatanong ko sa kanila at sinagot ako ni Nurse Briana.
"Doc ma-lelate daw po ang kambal tapos si Nisa po ay nasa loob ng Doctor's Room nagbababad po sa Thai BL Series" naka ngiting tugon sa akin ni Briana.
"Thank you" tanging sagot ko sa kanya.
"Okay back to your places! Back to work!" segunda ni Nurse Dory bago nagbalikan ang mga Nurse sa kani-kanilang workplace kaya napangiti naman ako sa kanilang ikinilos.
"Anyare diyan sa katabi mo Doc?" pagbaling ni Erjun sa tabi ko, siya nalang pala ang natira sa harapan ko.
Hanggang ngayon ay nakakapit parin si Ron sa aking braso habang mariin itong nakapikit.
"Ron alis na" inaalis ko ang mahigpit na pagkakapit sa akin nito.
"Ron" si Ron ang pinakamalapit sa akin sa limang resident dito sa aming center at isa siyang Fourth Year resident.
Masasabi kong si Ron ang isa sa mga pursigidong Resident maliban kay Nisa at Erjun na parehas na Fifth Year Resident.
Ang kambal na sila Clawmin at Arvin ay parehas na First Year Resident kaya sila ang masasabi kong makukulit sa kanilang lima.
"Ron umayos kana, tinatamaan ka na naman ng syndrome mo" natatawa kong wika sa lalaking nasa gilid ko.
Nasa ganoon lang akong pag-papaalis sa kanya ng mapaigtad ako sa ginawa ni Erjun.
"Gising na hoy!" rinig sa buong center ang malakas na tunog ng pagpalo ni Erjun sa pang-upo ni Ron.
"Aray!" napabitaw si Ron sa aking tabi at napatumba siya dahil sa pag-kaka spank ni Erjun sa kanya.
"Erjun!" pagsuway ko sa lalaking ito.
"Eh kasi Doc"
"Aray! Ang sakit! Aray! Aray! Ang sakit-sakit!" hindi ko alam kung maawa ba o matatawa ako sa ikinikilos ni Ron sa kanyang pagkakatumba. Napaka-oa talaga ng lalaking ito.
"Doc Elie!" napatingin ako sa gilid ko dahil sa pagtawag sa akin ni Nurse Mhilez.
"Yes Nurse?" nakangiti sa akin si Mhilez habang papalapit siya sa aking pwesto.
"Nandoon na po yung mother ni Angelika sa loob ng check up room" lahad ni Nurse Mhilez sa akin.
"How about yung X-ray for sa Spinal Cord?" pagtatanong ko dito.
"Nandoon na din po Doc, kayo nalang ang hinihintay" nakangiting tugon sa akin ni Nurse Mhilez.
"Thank you Nurse" nakangiti kong pasasalamat sa kanya bago ako nito talikuran.
Muli akong bumaling kila Ron at Erjun.
"Ron tumayo kana diyan, pagkatapos ko ng check up puntahan natin si Elo sa ICU (Intensive Care Unit)" pag-kausap ko sa oa na lalaki.
"Ah! Ang sakit! Ang sakit-sakit!" atungal parin ni Ron sa pagkakatumba niya sa sahig.
Binalingan ko ng tingin si Erjun.
"Ayusin mo yan Erjun, isusumbong kita kay Mike"
ã…¡ã…¡ã…¡ã…¡ã…¡