Chereads / Patient 207 / Chapter 4 - Glioblastoma

Chapter 4 - Glioblastoma

ㅡㅡㅡㅡㅡ

Elie POV:

"Okay ka lang Doc?" pagpansin sa akin ni Ron sa aking tabi habang kami ay naglalakad.

"Yes" tipid kong tugon sa kanya at itinuloy ang paglalakad sa kahabaan ng corridor ng ICU.

"Doc, ma-didischarged na po pala si Manang Reby mamayang hapon" pagbaling muli sa akin ni Ron patukoy sa isang pasyente ko.

"Really?" pagsisigurado ko sa kanya at tumango ito sa akin "So let's go" wika ko sa kanya sabay tumbok ng daan papunta sa kwarto na pinaglalaanan ng higaan ni Manang Reby.

Kakagaling lang namin doon sa ward kung saan nagpapagaling ang kaibigan kong si Elo, nagkausap din kaming dalawa ni Mamang tungkol sa mga bagay-bagay.

Nandito na kami sa harapan ng pintuan ng isa sa mga normal na kwarto dito sa loob ng ICU, hindi ito yung kwarto na katulad sa pinaggalingan namin kanina.

Sabi ko nga diba sa inyo na may VIP rooms at may mga normal na kwarto para sa ilang pasyente.

Hindi na kami kumatok ni Ron at tuluyan na kaming pumasok.

Nadatnan namin ang ilang mga pasyenteng naka suot ng puting patient gown at mga nurses na nag-aasikaso sa kanila.

Sa bawat normal na kwarto ay naglalaman ito ng anim na pasyente. Hindi tulad ng VIP room na isang pasyente lang ang nasa loob.

"Hi Doc, good morning" bati sa akin ng isang babaeng Nurse.

"Good morning" tugon ko sa kanya sabay tumbok namin kung saan nakahiga si Manang Reby.

Nasa gitnang bahagi ng kwarto ang higaan ni Manang Reby at ngayon nga ay kita namin itong nakikipag-huntahan sa matandang lalaki na isa ding pasyente.

"Manang Reby" nakangiting pagtawag ko sa matanda at kita ko naman ang pagbaling nito sa amin.

"Ay Doc nandiyan pala kayo" nakangiting wika nito sa akin sabay baling ko kay Ron.

"Ron turn off mo na yung life monitor" wika ko sa kanya at tumango naman ito sa akin bago ako muling bumaling kay Manang Reby.

"Kumusta po yung muscle sa mukha niyo? Mas maginhawa na po ba?" patukoy ko sa kanya.

"Siyempre Doc, ikaw ang nag opera sa akin kaya mabilis akong gumaling" tugon nito sa akin.

May Hemifacial Spasm si Manang Reby kung saan involuntary yung twitching ng kanyang facial muscles sa kaliwang bahagi ng mukha. Kung ba'ga hindi mapigilang gumalaw yung mga muscles sa kaliwang mukha niya, madaming option para mapigilan yung contraction ng facial muscles pwedeng sumailalim sa Medication,surgery at botox injection.

Massive yung case ng kay Manang Reby kaya sumailalim ito sa surgery na aking pinangunahan.

"Mabuti naman po kung ganoon, sino pong kasama niyo?" magalang kong pagtatanong sa kanya.

"Kasama ko yung anak ko Doc, nag babayad na po ng bill doon sa taas" sagot nito sa akin at nginitian ko naman ito "Gustong-gusto ko ng umuwi Doc at gusto ko ng maligo dahil lagkit na lagkit na ako sa katawan ko" dagdag pa nito.

"Makakalabas na naman po kayo niyan mamaya Manang Reby kaya makakaligo na po kayo" nakangiti kong tugon sa kanya.

"Ay oo nga pala Doc may pinadala pala ako sa inyong buko pie doon sa office niyo, masarap po iyon dahil sariling gawa namin" nakangiting wika nito sa akin bago sumabat si Ron.

"Doc sa kanya galing yung buko pie kanina na kinakain namin" baling nito sa akin bago siya bumaling kay Manang Reby.

"Manang ang sarap po nung buko pie, saan po ako pwedeng bumili? Saan po ang store niyo? Paborito po kasi ni Mommy yung buko pie kaya gusto ko siyang pasalubungan mamaya pag-uwi ko" nakangiti nitong wika sa Manang.

"Salamat naman at nagustuhan niyo" pasasalamat nito kay Ron "Taga saan ka ba Doc? May delivery naman kami sa tindahan kapag bultuhan ang bibilhin" segunda pa ng Manang.

"Taga Marikina po ako, Manang Reby" tugon ni Ron.

"Ay malapit lang pala kayo Doc, alam mo ba yung Walker Company?" nakangitin lang ako sa dalawang taong nag-uusap sa harapan ko.

"Opo Manang" tugon ni Ron.

"Ilang minuto lang mula doon sa kompanya ay makikita mo na yung tindahan namin doon ng buko pie at ilang pang himagas halos kalapit lang din namin yung Jollibee doon, Doc" muli nitong wika kay Ron.

"Doc Elie" muling baling sa akin ni Manang Reby.

"Ano po iyon?" magalang kong tugon sa kanya habang todoo ngiti sa manang.

"Bukod sa pasasalamat ko sa inyo Doc ay gusto po ng anak ko na personal na magpasalamat sa inyo" nakangiting wika sa akin ni Manang Reby.

Bukod sa pag-oopera ko kay Manang Reby ay ilang kwento at mga karanasan na ang nasabi nito sa akin.

Bilang isang Doctor kinakailangan naming pagsilbihan at alagaan ang aming mga pasyente.

"Sino po sa anak niyo Manang Reby?" pagtatanong ko sa kanya at nginitian naman ako nito.

"Yung na ikwento ko sa inyo Doc, si Kael" nakilala ko ang pamilya ni Manang Reby base na din sa mga na-kwento nito sa akin.

Isa nang byuda si Manang Reby dahil pumanaw na ang kanyang butihing asawa sa kadahilanang nabangga ito ng truck sa pagdedeliver ng kanilang paninda.

Tatlo nalang sila nagtutulong-tulong para itaguyod ang kanilang pamilya at si Manang Reby na ang tumatayong haligi at ilaw ng tahanan.

Dalawa ang anak ni Manang Reby si Kael at si Mikaela.

Madalas niyang i-kwento sa akin si Kael dahil nakikita niya daw ang anak niya sa akin. Isang gay din ang anak ni Manang Reby at bukod pa doon ay parehas kaming dalawa na may propesyon sa buhay dahil isang Guro ang anak niya sa isang kilalang paaralan kaya ganoon nalang ang tingin ni Manang sa akin.

Bilib na bilid ako sa pagiging ina ni Manang Reby dahil napalaki at napag-aral niya si Kael kahit na hindi niya ito tunay na anak.

ㅡㅡㅡ

"Baka naman inubusan niyo ako ng buko pie?" tugon ko kay Ron ng makalabas kami sa kwarto.

Dumating din kaagad yung anak ni Manang Reby na si Kael at kita ko pa itong naka-suot ng unipormeng pang guro na alam kong doon nag-aaral ang pasyente kong si Angelika.

Lubos ang pasasalamat ng lalaking iyon at nagawa pa niya akong yakapin dahil sa tuwa.

"Doc parang hindi mo ako kilala ano? Love kita, kaya pinagtira kita ng isang box" segunda naman nito sa akin at isinara ng maayos ang pintuan.

"Isang box? Baka box lang iyon Ron ha, masasapak talaga kita engot ka" pananakot ko sa kanya habang inaambahan pa ito ng batok.

"Doc Elie, loyal po ako sa inyo at hinding-hindi ako magsisinungaling dahil takot ako sa mga kamao mo" nakangiti nitong tugon sa akin at magsimula kaming maglakad muli sa corridor ng ICU.

"Loyal? Eh kanina lang nagdadalawang isip ka kung sinong ilalagay mo sa thesis paper mo" magkasalubong ang kilay na sabat ko sa kanya.

"Kasi naman Doc, parehas po kayong magaling ni Doc Mike kaya hindi ko alam kung sinong ilalagay ko" nagpapa-kyut nitong pagsuko sa akin.

"So hindi ka loyal" muli kong segunda "Kung loyal ka, ako ang ilalagay mo doon sa thesis paper mo at hindi si Mike, pati hello? Sino bang Cum Laude sa amin ni Doc Mike?" pagmamayabang ko kay Ron.

"Cum Laude? Edi si Doc Mike" tugon nito sa akin kaya malakas ko itong binatukan sa kanyang ulo.

"Aray ko naman Elie! Ang sakit-sakit! Ang sakit kaya!" maingay ,walang galang at over react nitong sigaw sa akin kaya muli ko itong binatukan.

"Anong Elie?! Pati Ron ang oa mo kahit kailan ano po? Kaya madalas ka ding sitahin ni Doctor Rey eh" patukoy ko sa bading na Head namin ng Neurosurgeon Department.

"Wala akong pakiealam doon sa panot na iyon, Doc" muling napalaki ang mata ko dahil sa iwinika ni Ron.

"Engot ka!" inilahad ko ang kanang kamay ko sa kanyang tenga at doon ito piningot.

"Napakabastos talaga ng bibig mo Ron kahit kailan, nakakagigil ka" galaiti kong pag-pingot sa walang hiyang Ron na ito.

"Aray Doc! Joke lang naman! Ah! Ah!" nakapikit na daing ni Ron sa pag-pingot ko sa kanya.

"Paano kung may makarinig sa sinasabi mo!? edi mapapatalsik ka na dito!? papalayasin ka ni Tita Lisa kapag nagkataong tumigil ka sa pagiging resident!" napapailing nalang ako dahil nagiging oa na din ako dahil sa kanya.

Binitawan ko si Ron sa pagkakapingot ko sa kanya at doon siya umarteng inaapi habang hawak-hawak ang kanyang tenga.

"Grabe ka talaga sa akin Doc Elie kahit kailan! Pati mahal na mahal ko iyon si Doc Rey at kulang nalang sambahin ko ang panot niyang buhok para maging opisyal akong Doctor" paawa nitong wika sa akin kaya muli ko siyang inambahan ng batok.

"Bastos ka talaga! Isa pang ganyan mo isusumbong na kita kay Doc Mike" muli kong pananakot sa kanya kaya mabilis itong umayos sa kanyang pwesto.

"Okay lakad na po ulit tayo Doc Elie" pagbalik nito sa dati niyang asta. Pagdinadamay ko talaga ang pangalan ni Mike sa kanilang lahat ay umaayos ang mga ito.

"Takot na takot kay Doc Mike ano po?" panunuya ko kay Ron habang tuloy kami sa paglalakad.

"Of course! ginagalang ko si Doc Mike kaya takot ako sa kanya" walang galang nitong wika sa akin.

"Salamat sa pag galang sa akin Ron, na a-appreciate ko sobra" mapait kong segunda sa kanya at tumingin nalang sa harapan.

Pagdating talaga kay Mike ay takot na takot ang mga Nurses at Resident sa kanya dahil kahit naman ako ay takot din tuwing seryoso siya sa pag ta-trabaho.

Madalas kaming magtalo ni Mike tuwing magda-diagnose kami ng pasyente kaya walang nagagawa ang mga resident kundi ang panoorin kami.

Bibihira lang makipag kulitan si Mike sa mga resident at nurses samantalang ako ay madalas na makigulo sa kanila kaya mas paborito nila ako kesa kay Mike.

Naglalakad lang kami ni Ron ng may maisip akong pang-aasar sa kanya.

"Kaya hindi ka magustuhan ni Erjun eh" santinig ko sa kanya at doon ko ito naramdamang tumigil kaya nakangisi naman akong humarap sa kanya.

"Ano Doc?" tugon nito sa akin kaya mas lalo ko itong nginisian.

"Sabi ko kaya hindi ka magustuhan ni Erjun dahil ang oa-oa mo" pang-aasar ko kay Ron at doon ito ilang beses na umiiling sa harapan ko.

"Tatanggi ka? Tatanggi ka? Naiwan mo last time yung diary mo doon sa Doctors Room na nakabukas" nakangisi kong lahad sa kanya.

Kitang-kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Doctor Ron dahil sa aking sinabi.

Si Ron ay may gusto sa lalaking si Erjun dahil aksidente ko itong nabasa sa diary niya.

Pag-iling lang ang itinutugon sa akin ni Ron. Gagamitan ko na naman ng dahas ang isa sa mga Resident ng Neurosurgeon Department.

Tumigil ito sa kanyang pag-iling at doon ko nakita ang mga kamay niyang nakataas.

Babatukan ako ni Ron.

Kaya mabilis pa kay flash at marahas na pinigilan ang kamay nito na alam kong lalanding sa batok ko.

"Doc aray ko!" malakas na daing ni Ron sa buong ICU dahil sa pagkapit ko sa kanyang dalawang kamay.

"Doc aray ko! Mababalian ako! Ah! Ah!" muli nitong daing habang pikit na pikit ito sa kanyang pagkakapilipit ng kanyang katawan.

"Talagang sasaktan mo ako Doctor Ron?" pang-gagalit ko sa kanya habang pwersahan pa'ng kinakapitan ang mga kamay niya.

"Akala ko ba loyal ka sakin? Akala ko ba love na love mo ako? Pero bakit mo ako babatukan?" nakangisi kong segunda sa kanya.

"Aray ko Doc! Love na love kita kaya bitawan mo na ako! Aray! Hindi kita babatukan Doc!" nakapikit paring daing ni Ron.

Tinatawanan lang kami ng mga nurses na nakikita ang ginagawa namin, sanay na naman silang makitang dinidisiplina ko ang mga Resident na katulad ni Ron.

Ang totoo niyan ay hindi naman talaga masakit ang ginagawa ko kay Ron, sadyang oa lang talaga ang lalaking ito.

"Reasons-reasons" tugon ko sa kanya at mas pwersahan ko pang kinapitan ang kamay niya kaya muli itong dumaing ng malakas.

"Doc! Ang sakit!" hiyaw nito kaya binitawan ko naman siya "Doc ang sakit" daing nito ng mabitawan ko ang kamay niya.

"Oa kalang talaga Doctor Ron kaya masakit, pati parang hindi mo din ako kilala ah? Nag aral ako ng mu---"

"Nag aral ka ng muay thai blah blah blah" pagputol nito sa sasabihin ko at nagawa pa niya akong irapan.

"Alam mo pala eh" nakangisi kong wika sa kanya bago ko ito talikuran at sinumulang maglakad.

"Wait lang Doc!" muling wika ni Ron bago niya ako habulin at sumabay sa aking paglalakad.

"Kunin na natin yung milk tea na sinasabi mo Doc" baling nito sa akin.

"Later" tugon ko sa kanya.

"Later? Baka tapos na iyon Doc" muli nitong segunda sa akin.

"Mamaya ano kaba, puntahan muna natin si Buknoy" huling wika ko kay Ron bago namin tumbukin ang daan papunta sa isang VIP room.

Ilang segundo lang ang tinagal ng paglalakad namin ni Ron bago kami tumigil sa harapan ng kwartong may numerong otso.

Nagtinginan muna kaming dalawa ni Ron bago kami nag desisyong buksan ang pintuang iyon.

Pagbukas namin ng pintuan ay napatahimik kami sa aming nasaksihan. Ngumiti ako at huminga ng malalim bago kami pumasok sa loob ng kwarto at doon isinara ang pinto.

Hindi ata kami naramdamang pumasok ng isang anghel na nakahiga sa kanyang kama.

Rinig ko ang pagtikim ni Ron na wari'y kinukuha ang atensyon ng isang batang anghel na nakasuot ng puting patient gown.

Nakangiti lang kaming dalawa habang pinanoood namin ang pagtigil ng bata sa kanyang ginagawa. Nakahiga kasi ito habang nakaharap sa cellphone na may kung anong pinanonood.

"Doc Elie? Doc Ron?" santinig ng boses ng batang anghel.

"Hello Buknoy" pagkaway ni Ron sa gilid ko at kita namin doon ang paglatay ng masayang mukha ni Buknoy.

Tumayo ito sa kanyang pagkakahiga at doon tumakbo sa ibabaw ng kama papunta sa amin.

Mabilis na umalalay si Ron kay Buknoy dahil may nakakabit na dextrose sa kaliwang kamay nito.

"Doc Elie!" wika ng bata at mabilis ko itong hinagkan.

"Hello Buknoy" nakangiti kong tugon sa limang taong gulang na si Buknoy.

"Na miss po kita Doctor Elie" wika ng bata sa aking balikat kaya hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya.

"Nandito naman ako kahapon ah" nakangiti kong wika sa bata.

"Oo nga po Doc pero ang tagal mo naman po bumalik, ilang hours po kaya ako nag-wait" tugon nito sa akin habang nakayapos parin kami sa isa't-isa.

"May ginawa lang kasi ako Buknoy, sorry" tugon ko sa bata at iginayak ito para makita ko ang mukha niya.

"It's okay po Doc, nandito na naman po kayo eh kaya I'm happy na" wika ng bata sa harapan ko kaya hindi ko naman mapigilang mapangiti sa harapan niya.

Napaka-tatag ng batang ito.

Napakatalino.

Ang batang si Buknoy, alam kong malakas siya at nananatili itong matatag, matatag na kumakapit at nilalabanan ang traydor na kalaban kung saan kumakalat sa buong katawan at sa utak niya.

Stage four, brain cancer.

"Doc, tingnan mo yung hair ko oh" santinig nito habang pinapakita ang ulo niya.

"Nag fa-fall na po yung ibang hair" napakagat labi naman ako dahil sa ipinapakita ni Buknoy. May panot na ito sa kanyang ulo na halatang kumakalat na ang gamot para mapuksa ang cancer na iyon.

"I see, tanggalin na ba natin lahat Buknoy? Para hindi na siya mag fall isa-isa?" nakangiti kong wika sa bata at tumango naman ito sa akin.

Sa dami ng uri ng brain cancer o tumor ay Glioblastoma pa ang tumama sa batang anghel na ito.

Glioblastoma isang uri ng tumor na kung saan doon iniintrada ang mga cell sa utak pakalat sa buong katawan. Glioblastoma ang pinakamassive na cancer sa utak at bibihira lang na may mga naitalang kaso ng mga bata ang tinatamaan nito.

Seizure,pagsusuka,memory loss, sakit ng ulo at iba pang Neurological Condition ang ipinapakitang sintomas ng cancer. Genetics at Environment ang leading causes ng cancer na ito.

Twenty percent, dalawampu lang ang survival rate ng mga taong mayroong Glioblastoma. Pero naniniwala ako na si Buknoy ay kabilang sa twenty percent na iyon.

Napakatatag ng batang ito.

"Wala pa sila inay at itay mo?" nakangiti kong pagtatanong kay Buknoy.

"Nag-dadrive pa po ng Jeep, Doctor Elie" nakangiting tugon nito sa akin.

Isa si buknoy sa napaka-espesyal na pasyente sa akin, madalas ko itong dalawin dito sa kanyang kwarto tuwing ako ay may free time, bukod pa doon ang visitation ko sa kanya.

Wala kasi itong kasama tuwing umaga dahil babad sa pamamasada ng jeep ang kanyang itay at inay kaya tuwing gabi lang nila nababantayan ang kanilang anak.

Saludo ako sa mga magulang na katulad ng kay Buknoy dahil gagawin nila ang lahat para lang sa kapakanan ng anak nila, dugo at pawis ang inaalalay para lang maitaguyod ang kanilang pamilya.

Napaka-swerte ni Buknoy sa mga magulang niya.

"Anong pinapanood mo Buknoy?" baling ni Ron sa batang nasa harapan ko.

Hinarap naman ito ni Buknoy.

"Wait po Doc" tugon ng bata at doon niya kinuha ang cellphone na hawak nito kanina.

Cellphone iyon ng inay niya.

Muling umayos ng tayo si Buknoy at doon niya ipinakita sa amin ang tinitingnan niya.

"Balak ko po sanang bumili ng cake para po sa birthday namin ni Nanay sa isang-isang Linggo" nakangiti kaming dalawa ni Ron habang doon namin tinitingnan ang mga cake sa telepono.

"Kaso hindi ko po alam kung paano bumili Doc, may naitago po akong money galing doon sa donation na tulong mo po Doc Elie" ibinaba ni Buknoy ang telepono at doon muling humarap sa amin ni Ron.

"Matutulungan niyo po ba akong bumili ng cake Doc Ron? Doc Elie?" nakangiting pagtatanong ng bata sa amin at kita ko namang napatingin sa akin si Ron.

"Walang problema Buknoy! Basta kung saan ka masaya doon ako" mula sa puso kong wika sa batang anghel na nasa harapan ko.

Malaki na ang naitulong ko sa anghel na ito, bukod sa pagiging Doktor niya ay ako ang nagdesisyong ilagay sa VIP room si Buknoy dahil sa awa at konsenya. Gumawa din ako ng maliit na donasyong programa para sa pag papagaling ng batang ito.

At noong malaman ni Mike na ginawa ko ang bagay na iyon ay pinagalitan ako nito dahil bilang isang Doktor kinakailangan naming tanggalin ang lubos na simpatya at awa sa tuwing kami ay mang-gagamot ng isang pasyente.

May kasabihan kasi sa pagiging Doktor na focus on symptoms rather than emotions.

Pero ako? hinding-hindi ko matitiis na maki-simpatya at makisasaw sa pasyente lalo na kapag ito ay isang bata. Pinipigilan ko naman pero ang mga mata ko ay isang traydor dahil ayaw na ayaw nitong makakakita ng mga batang nahihirapan.

Ayaw na ayaw kong makakakita ng batang nahihirapan.

ㅡㅡㅡ

"Hindi ka ba umuwi sa bahay niyo kagabi?" tanong ko kay Ron habang nilalakad na namin ang daan papunta sa Bon Appetea.

"Hindi Doc, doon po kami natulog ni Nisa sa resting room" patukoy nito sa pahingahan sa loob ng Doctor's Room.

Kumpleto sa mga kagamitang pang-bahay meron ang Doctor's Room doon sa emergency center kaya pwedeng-pwedeng doon ka tumira.

"Ah, si Nisa din ba ang nagkulay ng buhok mo?" pagtatanong ko pa dito at tumango naman ito sa akin.

"Palitan mo 'yan ng brown" tugon ko sa kanya.

"Laah? Bago lang itong kulay ko Doc, baka masunog ang buhok ko" tila pagtatampo nitong wika sa akin kaya napataas muli ang kilay ko.

"Engot ka ba? Saan ka nakakita ng Doctor na pink ang kulay ng buhok?" singhal ko sa kanya.

"May napanood ako sa korean drama Doc, kaya wag mo akong pagpalitin ng kulay" singhal din nito sa akin kaya nakatanggap siyang muli ng batok sa akin.

"Parehas na parehas kayo ni Nisa, mahilig kayo manood ng mga ganyang palabas alam niyo namang hindi totoo 'yang mga pinanonood niyo" tugon ko naman sa kanya at doon kami patuloy na lumalakad.

"Wag mo kasi kaming itulad sayo Doc na walang taste sa mga kdrama at thai series" pang-gagalaiting muli sa akin ni Ron.

"Engot ka, mas gugustuhin ko pang hindi manoood kesa naman araw-araw akong puyat sa panonood ng ganyang palabas at hoy Ron! siguraduhin niyo lang na magagamit niyo yang panonood niyo ng ganyan sa pasyente natin ha" sunod-sunod kong wika kay Ron.

"Hoy ka din Doc Elie! Baka hindi mo po alam na may isang pasyente doon sa room eleven na pinapasahan ako ng mga korean drama" segunda ni Ron kaya napailing nalang ako.

"Yang kulay ng buhok mo palitan mo, dahil kapag iyan nakita ng Presidente nitong ospital ay baka mapanot ka tulad ni Doctor Rey" huling wika ko kay Ron bago namin bilisan ang paglalakad dahil tanaw na namin mula dito sa pwesto ang Bon Appetea.

"Miss yung twelve milktea po na inorder ni Doctor Mike" wika ko sa babaeng matatas ang tingin sa katabi ko. Nakasuot ito ng damit na pinaghalong itim at yellow, uniporme nila sa Bon Appetea.

"Miss?" pagbasag ko sa kanya dahil titig na titig ito kay Ron.

"Hello?" muli kong segunda kaya kinulbit ko na si Ron sa aking gilid.

"Ghourl? Titig na titig ka ate gurl?" pagboboses-kiki ni Ron sa aking gilid kaya napatawa naman ako sa inakto nito.

"Ay hello po Doc!" kita ko ang pag-iling ng babae na tila nahimasmasan na sa kanyang panananginip ng gising.

"Hi, okay na ba yung inorder ni Doctor Mike na twelve na milktea?" pag-uulit ko sa tanong kanina.

"Ah, yes Doc! Kanina pa po! Inilagay ko po muna sa freezer para hindi matunaw yung ice, saglit po at kukunin ko" huling wika ng babae bago ito tumalikod sa aming dalawa ni Ron.

Nakangiti naman ako sa inaakto ng babae.

"She likes you" mahinang pang-aasar ko kay Ron.

"Baliw ka Doc" natatawang wika ni Ron bago ko marinig ang sabay na pagtunog ng cellphone naming dalawa.

Kinabahan naman agad ako sa nangyari.

Sa tuwing ganito kasing magsasabay ang tunog ng mga cellphone namin ay iisa lang ang ibig sabihin, may emergency.

"Shiyet!" santinig ni Ron at doon namin sabay na hinugot ang phone sa bulsa ng aming pants.

Huminga naman ako ng malalim at doon pinapakalma ang aking sarili.

Pagkakuha ko ng phone ay doon ko nakitang naka rehistro ang pangalan ni Nurse Jerry.

"Tumatawag sa akin si Nurse Alfonzi, Doc" wika sa akin ni Ron at doon niya inilahad ang phone sa akin, kita ko nga ang pangalan ng lalaking Nurse Doon.

"Si Nurse Jerry sa akin" tumatawag sa aming dalawa ang kambal na Nurse doon sa emergency center.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at sinagot ko na ang tawag.

"Nurse Jerr--"

"Doc emergency! Emergency!" aligagang pagputol sa akin ng lalaking Nurse.

"What happened?!" tugon ko dito at mas lalo akong kinakabahan dahil sa boses ni Nurse Jerry.

"Doc, nandito na naman yung Elfin Gang!" tugon nito sa akin kaya ganoon nalang ang bilis nang pagtaas ng aking dugo at kilay.

"Nandiyan na naman ang mga 'yan?! nang-gugulo na naman!?" tuwing may isinusugod kasing pasyente na galing doon sa Elfin Gang ay palagi akong may ka-iringan sa kanila. Yung kanang kamay nung boss ng Elfin Gang na kamukha ng pinaghalong Damulag at Hulk na devastated.

"Yes Doc! Nagsisigawan na naman po sila dito! At kinakanti po nila si Doctor Nisa!" tarantang wika ni Nurse Jerry sa kabilang linya.

"Wala pa diyan si Doc Mike!? Si Erjun wala pa?!"

"Wala pa Doc, ang ingay-ingay nila dito Doc at hinahanap nila si Doc Mike dahil ayaw nilang pahawakan kay Doc Nisa ang pasyente" tugon nito sa akin.

"Sino 'bang pasyente?! Pababa na kami diyan ni Ron!" aligaga kong wika sa kanya.

"Yung Boss nila Doc Elie! Yung Boss ng Elfin Gang, si Eliazar Massimo"

ㅡㅡㅡㅡㅡ