ㅡㅡㅡㅡㅡ
Elie POV:
"Kailan mo ba nagustuhan si Erjun?" pangungulit ko kay Ron sa paglalakad namin papunta sa Bon Appetea.
Kakalabas lang naming dalawa mula doon sa kwarto ng batang anghel na si Buknoy.
"Doc Elie, kung ayaw mong batukan kita diyan manahimik ka nalang muna" walang galang nitong wika sa akin.
"Napaka bait mo talaga ano Ron?!" singhal ko sa kanya na ikinatawa niya.
"Joke lang po Doc, love na love kaya kita" ganti naman nito sa akin at nagawa pa niyang hawakan ang kaliwang kamay ko.
"Engot ka" marahas ko namang inalis ang pagkakahawak niya sa akin "Pero kailan mo talaga nagustuhan si Erjun, ha Ron?" muli kong tanong sa kanya habang patuloy kaming naglalakad.
Nakatingin lang si Ron sa harapan habang ako naman ay nakatingin sa kanya.
"Hindi ko naman kasi talaga gusto si Erjun, Doc Elie" pagabaling niya sa akin "Hindi totoo yung nakasulat doon sa diary na nabasa mo" pagtanggi niya sa katotohanan.
"Sus, tatanggi ka pa eh halata namang malalagkit ang tingin mo kay Erjun" pang-aasar ko pa sa kanya at kita kong napabuntong hininga ito.
"Oo na Doc Elie" pagsuko niya sa akin na ikinataka ko.
"Anong oo na?" tugon ko.
"Oo na Doc, inaamin kong gusto ko si Erjun" pag amin nito sa akin kaya hindi ko napigilang maitulak siya sa paglalakad dahil sa kalandian niya.
Kahit naman hindi ko itanong sa kanya kung may gusto ba siya kay Erjun ay mahahalata mo na naman ito sa tuwing magkasama sila, dahil kapag nag mi-meeting kami sa Doctor's Room ay madalas na sitahin ni Mike si Ron dahil palagi lang itong nakatitig kay Erjun.
Batid ko namang alam na ni Erjun na may gusto si Ron sa kanya dahil na din sa pang-aasar sa kanilang dalawa ng mga Nurses at ibang Resident.
"Kung maka tulak ka naman Doc wagas na wagas!" daing ni Ron sa akin ng muli siyang makalapit sa pwesto ko.
Napatawa naman ako dahil sa reaksyon nito "Pero Ron kung ako ang tatanungin, hindi ako boto diyan kay Erjun" lahad ko naman sa kanya.
"Bakit naman Doc?" takang tanong sa akin ni Ron na sinagot ko naman ng katotohanan.
"Masyadong malandi si Erjun" lahad ko sa kanya.
"Ano Doc?!" tugon sa akin ni Ron habang patuloy kaming naglalakad.
"Hindi mo ba napapansin si Erjun tuwing kumakain tayo sa labas? Palagi siyang nakatingin doon sa mga bababeng customer" unang lahad ko sa kanya.
"Pati kapag pinipilit niyo akong mag bar, palagi kong nakikita si Erjun na may kasayawang babae" huling lahad ko kay Ron na ikinatahimik niya.
"Kaya big no-no ako kay Erjun" wika ko sa kanya.
"Eh anong gagawin ko? Crush ko lang naman si Erjun Doc, pati hindi ko pa naman siya mahal" nakakadiring wika ni Ron sa akin.
"Hindi mo pa mahal, pero yung isa mahal mo na?" muli kong pagbaling sa kanya.
"Good morning Doc" bago sumagot si Ron ay may bumating pang nurse na nakasalubong namin.
"Good morning" tugon ko naman at muling bumaling kay Ron.
"So ano? Yung isa mahal mo na?" muli kong pang-aasar sa kanya.
"Sinong isa Doc?" sagot nito sa akin at napa-irap naman ako sa kanya, napaka arte kasi ng baklang 'to eh.
"Yung kababata mo, si Nurse Harry" nakangiti kong wika sa kanya at doon ko muli nakita ang pag-irap niya.
"Hello? Doc, parehas lang sila ni Erjun na malalandi" singhal nito sa akin.
"Luh? Hindi mo ba narinig yung sinabi niya kanina nung nandoon tayo sa ICU?" tugon ko sa kanya at muli ako nitong inirapan.
"Yun na nga ang point ko Doc, puro ganyan lang 'yan si Harry" muli nitong singhal sa akin "Ang bulaklak ng bibig Doc kaya masyadong pa fall at kapag nahulog ka naman ay hindi niya sasaluhin" bumaling na ng tingin si Ron sa harapan na tiyak siya ay asar na asar na.
"Bakit na fall ka na ba?" segunda ko sa kanya at muli niya akong binalingan.
"Never Doc, hindi na ako mahuhulog ulit sa mga salita niya" muli naman siyang tumingin sa unahan. Napangiti naman ako sa sinabi ni Ron.
"So ibig sabihin nahulog ka na sa kanya dati?" tanong ko kay Ron at tumango ito bago siya muling tumingin sa akin.
"Noong high school at college kami ni Harry Doc ay madalas niya na akong paasahin sa mga salita niya, napakalandi niya din dahil halos lahat ng babae doon sa campus namin ay naging girlfriend niya" inis nitong lahad sa akin.
"Kaya sinabi ko sa sarili ko Doc na never! never na akong mahuhulog sa mga katangahan at kagaguhan niya" huling wika sa akin ni Ron bago siya muling tumingin sa unahan.
ㅡㅡㅡ
Nandito na kaming dalawa ni Ron sa harapan ng Bon Appetea at ginagalit ko siya dahil nakatitig sa kanya kanina yung babaeng nagtitinda.
"She likes you" mahinang pang-aasar ko pa kay Ron.
"Baliw ka Doc" natatawang wika ni Ron bago namin marinig ang sabay na pagtunog ng cellphone naming dalawa.
Nagtaasan naman agad ang balahibo ko dahil sa nangyari
Sa tuwing ganito kasing senaryong magsasabay ang tunog ng mga cellphone namin ay iisa lang ang ibig sabihin, may emergency.
"Shiyet!" santinig ni Ron at doon namin sabay na hinugot ang phone sa bulsa ng aming pants.
Huminga naman ako ng malalim at doon pinapakalma ang aking sarili. Kahit na akoy isang Fellow na Doctor ay hindi parin nawawala sa akin ang pagkakaroon ng kaba tuwing kami ay may emergency patient.
Pagkakuha ko ng aking phone sa bulsa ay doon ko nakitang naka rehistro ang pangalan ni Nurse Jerry.
"Tumatawag sa akin si Nurse Alfonzi, Doc" wika sa akin ni Ron at doon niya inilahad ang phone sa akin.
"Si Nurse Jerry sa akin" tumatawag sa aming dalawa ang kambal na Nurse doon sa emergency center.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at sinagot ko na ang tawag.
"Nurse Jerr--"
"Doc emergency! Emergency!" aligagang pagputol sa akin ng lalaking Nurse.
"What happened?!" tugon ko dito at mas lalo akong kinakabahan dahil sa aligagang boses ni Nurse Jerry.
"Doc, nandito na naman yung Elfin Gang!" tugon nito sa akin kaya ganoon nalang ang bilis nang pagtaas ng aking dugo at kilay.
"Nandiyan na naman ang mga 'yan?! nang-gugulo na naman!?" tuwing may isinusugod kasing pasyente samin na galing doon sa Elfin Gang ay palagi akong may ka-iringan sa kanila. Yung kanang kamay nung Boss ng Elfin Gang na kamukha ng pinaghalong Damulag at Hulk na devastated.
"Yes Doc! Nagsisigawan na naman po sila dito! At kinakanti po nila si Doctor Nisa!" tarantang wika ni Nurse Jerry sa kabilang linya at doon ko nga naririnig ang sunod-sunod na pagtalak ni Nisa.
"Wala pa diyan si Doc Mike!? Si Erjun wala pa?!" pag-aalala kong wika dito.
"Wala pa Doc, ang ingay-ingay po nila dito Doc at hinahanap nila si Doctor Mike dahil ayaw nilang pahawakan kay Doc Nisa ang pasyente" tugon nito sa akin.
"Sino bang pasyente?! Pababa na kami diyan ni Ron!" aligaga kong wika sa kanya at doon ko sinenyasan si Ron na kuhanin yung milktea doon sa babae.
"Yung Boss nila Doc Elie! Yung Boss ng Elfin Gang, si Eliazar Massimo" mas lalo naman akong kinabahan sa inilahad ni Nurse Jerry.
"Pababa na kami ni Ron" huling wika ko bago ko pinatay ang telepono.
"Let's go Ron" seryoso kong wika kay Ron.
Nag-iwan ako ng isang libo doon sa Bon Appetea bago kami mabilis na naglakad ni Ron pababa sa basement kung saan nandoon ang aming center.
"Sino daw ang pasyente Doc?" wika ni Ron habang mabilis kaming naglalakad. Magkabilaan niyang bitbit ang isang doesenang milktea.
"Elfin Gang, Eliazar Massimo yung Boss nila" tugon ko naman habang nakatingin lang ng diresto.
Hindi na nagsalita pa si Ron dahil alam niyang sa oras ng seryoso dapat ay seryoso. Pati nag-iiba din minsan ang katauhan ko kapag tutok ako sa mga pasyente.
Ilang minuto lang ang tinagal ng pagtakbo namin ni Ron bago namin marating ang basement sakay ng elevator.
'Doors Opening'
Hinintay naming bumukas ang pintuan at doon kami mabilis na lumabas at tinumbok ang aming center.
Napatigil kami ni Ron dahil sa nasaksihan namin sa labas ng Emergency Center.
"Shiyet" pagmumura ni Ron sa gilid ko.
Madaming mga naglalakihang tao na nasa labas na naka-suot ng itim na coat at itim na pants, ang mga member ng Elfin Gang.
Nasa labing dalawa siguro ang mga lalaking ito.
"Aish!" inis kong turan at muling mabilis na naglakad papunta doon.
"Tabi! Tabi! Tabi!"
"Tumabi kayo!" seryoso kong wika sa mga matong lalaki at doon naman sila nagtabihan habang seryoso din silang nakatingin sa akin.
Ang kakalat.
Ang babaho.
Ang dudumi.
Hindi ko na pinansin pa ang mga lalaking iyon at mabilis na akong pumasok sa loob ng Emergency Center at doon ako mas nagulat ng makita kong pinipigilan ng kambal na si Nurse Jerry at Nurse Alfonzi si Nisa na nagwawala.
"Mga fucking shet kayo! Sinong may sabing hawakan niyo ako sa dibdib?!" rinig kong sigaw ni Nisa at nagwawala pa ito.
"Doc kinuha po sa akin ng mga lalaki sa labas yung anim na milktea" rinig kong wika ni Ron na kakapasok lang din ng emergency room.
Hindi ko pinansin si Ron dahil nakatingin ako ngayon sa aking harapan.
May pitong lalaki na nakasuot ng itim na pants at coat ang nakatayo tabi ng higaan kung saan doon naka upo ang isang lalaki na duguan ang suot nitong puting polo.
"Ilabas niyo si Doctor Mike!"
"Nasaan si Doctor Mike!?"
"Ayaw namin ng babaeng Doctor! Gusto namin si Doctor Mike ang gagamot sa Boss namin!"
"Si Doctor Mike ang kailangan namin!"
Literal na napatikom ang aking mga kamao at nagtaasan ang aking mga kilay dahil sa isang baboy na sumisigaw sa loob ng emergency center. Ang kanang kamay ng Elfin Gang na kalbo at may tattoo pa sa kanyang ulo.
"Ikaw babae ka! ayaw namin sa babaeng Doctor! Dahil si Doctor Mike lang ang gusto namin! Si Doctor Mike ang hanap namin!" pang-aasar ng baboy kay Nisa na ngayon ay hawak-hawak parin ng dalawang kambal.
Mas napataas ang aking kilay dahil kita ko sa paligid ang ilang emergency patient na naiistorbo dahil sa kanila.
Nakatingin lang ako doon ng maramdaman kong lumapit sa akin si Nurse Dory, ang head ng Emergency Center dito sa Neurosurgeon Department.
"Doc Elie nadawit sa gulo yung Boss nila at may tama siya sa ulo" nag-aalalang wika ni Nurse Dory sa gilid ko "Si Eliazar Massimo, iyon po Doc oh" pagturo ni Nurse doon sa lalaking naka-upo sa kama.
"Ayaw po nilang pahawakan kay Doc Nisa ang pasyente dahil si Doctor Mike lang daw ang kailangan nila, kanina pa sila nagsisigawan Doc nakakahiya na po sa ibang pasyente" aligaga paring wika ni Nurse Dory.
"Anong gagawin natin Doc?" muling wika ni Nurse Dory habang seryoso parin akong titig na titig sa harapan.
"Wala nga si Doctor Mike dahil nag-roround siya!" muling sigaw ni Nisa sa baboy.
"Wala kaming pakiealam! Manahimik ka nalang kung ayaw mong bigwasan kita sa panga!" hiyaw ng kanang kamay ng Elfin Gang "Ilabas niyo si Doc Mike! si Doc Mike ang gusto namin!" malakas nitong sigaw sa loob ng center.
Napatingin ako kay Nisa dahil tila siya ay sasabog na sa kanyang pamumula, hawak lang siya ng dalawang kambal na halatang takot na takot din sa mga lalaking nasa harapan nila.
"Khun mi khwam na kelid! Khun duhemun mu" inis na inis na sigaw ni Nisa sa lalaking nasa harapan niya at hindi ko iyon naintindihan.
"Sabing wag kang maingay diyang babae ka eh!" sigaw ng lalaki kay Nisa at doon ito lumapit para magtitigan ang dalawa.
Rinig ko ang ilang bulungan ng mga pasyente na halatang takot na takot sa nangyayari.
"Diba sinabi kong bibigwasan kita sa panga kapag nag ingay ka pa, pati hindi ko naintindihan ang sinabi mo puta ka!" wika ng lalaki kay Nisa at kita ko namang seryoso lang ang kanilang mga mukha.
"Hindi mo naintidihan ang sinabi ko dahil hindi ka naman Thailander, gusto mong malaman kung anong sinabi ko" seryosong wika ni Nisa "Ang sabi ko, ang panget mo mukha kang baboy, puta ka din!" dahil sa iwinika ni Nisa sa harapan ng lalaki ay kita ko ang lubos na pag-kainis nito.
"Aba tangina kang babae ka ah! Ihanda mo yang panga mo! gago ka ah!" aktong susuntukin na ng lalaki si Nisa ng mabilis akong pumunta doon at pinigilan ang kamao ng lalaki.
Pag ka pigil ko sa sa kamay ng lalaki at tila bumagal ang oras. Takot na bulungan ng nasa paligid ang naririnig ko.
Nakatalikod sa akin ang baboy na lalaki habang pigil ko ang kaliwang kamao nito. Seryoso lang ang aking mukha habang malalalim ang ginagawa kong paghinga.
Nakatingin lang ako sa lalaki habang unti-unti itong bumaling ng tingin sa akin habang mahigpit akong nakakapit sa kanyang kamao.
"Sino ka?!" pagkalimot nito sa harapan, hindi ko naman iyon pinansin at nagtangis lang ako ng aking panga.
Nakahawak parin ako sa kamao niyang nakataas sa ere habang seryosong nakatingin sa akin.
"Doctor ka?!" iritadong wika ng lalaki at pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Bulag ka?" ganting tugon ko sa kanya at ipinapakita ko dito ang naka-sabit na id sa doctor gown ko "Doctor ako dito may problema ka?" muli kong gatong sa kanya.
Nakahawak lang ako sa kamao nito ng maramdaman kong inaalis niya ito pero hindi siya nagtagumpay dahil ganun nalang ang higpit na pagkakahawak ko sa kanya.
"Tsss" inis niyang palatak at ng maramdaman kong pwersahan niyang tatanggalin ang kamao niya sa pagkakapit ko ay inunahan ko na ito.
Gamit ang pwersa sa aking kamay ay mabilis kong ipinilipit patalikod ang kamao nito, kaya napatalikod siya sa harapan ko at doon mabilis na itinulak ang baboy sa kabilang higaan na walang laman.
Rinig ko ang ilang pagkagulat ng mga taong nakasaksi sa ginawa ko sa lalaki.
"Hays" buntong hininga ko at inayos ko ang nagulong bangs sa aking ulo bago ako humarap sa mga bortang lalaki at sa kanilang Boss na si Eliazar.
"This is where patients are treated" pagbaling ko sa kanilang Boss bago ako tumingin sa anim pang lalaki na nasa harapan ko.
"Kung hindi kayo pasyente, please lang lumabas na kayo kung ayaw niyong mabalian ng daliri sa kamay" seryosong wika ko sa kanila at doon ako nagulat ng sumigaw ang isang lalaki na balbas sarado at may mga tattoo sa buong mukha.
"Sino ka para pagsalitaan ang Boss namin ng ganyan ha!? Gusto mo bang mamatay!? Tangina ka ah!" wika ng lalaki na tila parang si Ron, ang OA.
Hindi ko pinansin ang lalaki at doon ko muling tiningnan ang Boss nila na duguan ang ulo at may tumutulo pang dugo sa kaliwang mukha nito.
"Ako ang gagamot sayo" wika ko sa lalaking may tama sa kaliwang bahagi ng ulo.
Tiningnan ako ng lalaki at doon ito hirap na hirap na nagsalita "Ayoko ng ibang Doktor, si Doctor Mike ang iharap mo sa akin" wika nito at inirapan niya ako.
Nakatingin lang ako sa lalaki ng muling may sumigaw sa loob ng center.
"Ayaw niya nga sa babaeng Doctor! At mas lalong ayaw niya sa baklang Doktor!" sigaw ng lalaki.
"Wala akong pakielam" santinig ko naman bago ko kuhanin ang pen light sa bulsa ng aking doctor coat habang nakatitig lang sa Boss.
Pagkakuha ko ng clinical pen light ay doon ko ito binuksan at lumapit sa lalaki. Rinig ko ang ilang pagtanggi ng mga miyembro ng Elfin Gang ng hawakan ko ang mukha ng kanilang Boss.
"Ayoko sabi ng ibang Doktor" nanghihinang wika ng lalaki pero hindi naman ito nagpupumiglas.
"Wag ka nang maarte" wika ko sa kanya ng itapat ko ang ilaw sa magkabilang mata nito para suriin.
"Sinabing wag nga daw!" rinig kong wika ng lalaking itinulak ko kanina.
Hindi ko iyon pinansin at itinuloy ko lang ang pagsusuri sa mga mata ng lalaki habang hawak-hawak ang panga nito.
Napapakagat pa ako ng labi habang ginagawa ko ang pagsusuri.
Nasa ganoon lang ako posisyon ng maramdaman kong may humawak sa kaliwang balikat ko.
"Sinabing wag nga daw eh!" sigaw ng lalaking baboy.
Mabilis akong humarap sa kanya at tinumbok ng kaliwang kamay ko ang mga daliri sa kanang kamay ng baboy na lalaki.
"Putangina!" napapikit na daing nito ng pilipitin ko ang mga daliri sa kanang kamay niya.
Rinig ko ang pagkamangha ng mga taong nakakasaksi sa nangyayari.
"Diba sabi kong lumabas na kayo kung ayaw niyong mabalian ng daliri!?" seryoso ko paring wika sa baboy na lalaki "Pati hindi lang ako basta Bakla, dahil isa akong Doktor na Bakla" mas lalo kong hinigpitan ang pagkakakapit ko sa kamay ng lalaki.
Inis na inis ako.
"Aray ko! Putangina ka!" nakapikit na pagmumura ng lalaki at nagawa pa nitong lumuhod sa pagkakapilit ko sa kanya.
"Pati sinong matinong lalaki ang walang pasabing manghahawak ng dibdib ng babae?" patukoy ko kay Nisa na nanonood lang sa ginagawa ko "Bading ka ba?" pagtataray ko pa dito.
"Tangina! Aray!" daing pa nito at ng bitawan ko ang kanyang kamay ay doon ko narinig ang sigawan ng mga tao sa paligid.
"Doc Elie!"
"Boss!"
"Hala!"
Nawalan ng malay ang Boss ng Elfin Gang.
ㅡㅡㅡ
Nandito sa loob ng Doctors Room kung saan nakaharap kami sa projector na ipinapakita ang mri at ct scan ng utak ng lalaki kanina.
Nawalan ng malay ang Boss kaya mabilis kong inutusan si Ron at Nisa na gawin ang dapat nilang gawin.
Sinabihan ko na agad silang mag book sa operating room dahil kinakailangan ng lunasan ang tama ng lalaki sa kanyang ulo.
"Ron, what do you see?" seryoso kong wika kay Ron.
Nasa kaliwang bahagi silang dalawa ni Nisa samantalang nasa kanan naman ako. Nakasuot na silang dalawa ng berdeng srub uniform na handang-handa na sa gagawin naming pag-oopera.
Silang dalawa ang mag a-assist sa akin sa operasyon.
"Anong nakikita mo Ron?" paguulit ko sa kanya dahil tila hindi niya ako narinig.
"Ahm" tugon nito habang nakatitig sa projector "Subarachnoid Hematoma, Doc?" pagbaling nito sa harapan ko.
(Subarachnoid hemorrhage (SAH) is a life threatening type of stroke caused by bleeding into the space surrounding the brain.)
"Sure ka?" taas kilay kong wika sa kanya kaya muli siyang bumaling ng tingin sa projector screen.
"May swelling, ano pa?" pagbibigay clue ko sa kanya kaya nakangiti itong bumaling sa akin.
"Subdural Hematoma, Doc" nakangiti at tila proud nitong sagot sa akin.
(Subdural Hematoma (SDH) is a type of bleeding in which a collection of blood usually associated with a traumatic brain injury gathers between the inner layer of the dura mater and the arachnoid mater of the meninges surrounding the brain.)
"Sure ka na?" mapait kong pag ngiti sa kanya.
"Yes Doc" nakangiti parin nitong tugon sa akin kaya inirapan ko ito.
"You are sure about what isn't definitive at hindi ka sigurado kung ano talaga yung dapat na isigurado, Ron naman!" sabi ko naman sa inyo na nagbabago ang ugali ko kapag oras na ng trabaho at kailangan mag seryoso.
"Fourth Year Resident kana kaya dapat alam mo ang pinagkaiba ng Subdural Hematoma sa Extradural Haematoma" seryoso kong wika sa kanya "Hindi ka ba nahihiya sa kalapit mo, Doctor Ron?" patukoy ko kay Nisa na isang Fifth Year Resident.
Napangiti naman si Nisa dahil naranasan niya din ang pagsalitaan ko ng ganyan. Kita ko naman ang pagtungo ni Ron tanda ng napahiya ito sa iwinika ko.
Napangiti naman ako bago bumuntong hininga at tumayo sa pag-kakaupo.
"Let's go, baka tapos nang i-under sa anesthesia yung Boss" pagbaling ko sa kanila at kita kong hindi nag react si Ron.
"Hoy Ron wag ka nang mag inarte diyan, parang hindi mo ako kilala ano?" pagpapagaan ko ng loob sa kanya kaya ganoon nalang ang pag tunghay nito.
Ngumiti naman ito sa akin kaya napailing nalang ako.
"Mauna na kayo doon Nisa, magbibihis lang ako" huling wika ko sa kanila.
ㅡㅡㅡ
Kakalabas ko lang ng Doctor's Room at kakapalit ko lamang ng green na scrub uniform. Hawak-hawak ko ang telang berde na panglagay sa ulo at hindi ko ito maisuot ng maayos.
Tinumbok ko ang nurse station kung saan nandoon sila Nurse Mhilez, Nurse Briana at ang dalawang kambal.
"Nurse Mhilez" nakangiti kong pagtawag sa Nurse at inabot ko ang telang berde.
Tumalikod ako sa Nurse para maisuot niya ng maayos ang panglagay sa ulo.
"Napaalis niyo na ba yung mga asungot?" patukoy ko sa mga miyembro ng Elfin Gang.
"Nandoon na ata sila sa waiting area, sa labas ng operating room" tugon niya sa akin "Okay na Doc" patukoy nito sa telang inilagay niya sa ulo ko.
Nakangiti naman akong humarap sa kanila "Thank you" pasasalamat ko sabay baling ng tingin kay Nurse Briana.
"Nurse Briana, pasabi kay Doc Mike na inooperahan ko ang pasyente niya" wika ko sa harapan niya.
"Sige po Doc" tugon nito sa akin at binalingan naman ng tingin si Nurse Jerry.
"Anong sabi ng kambal, Nurse Jerry? Hindi na ba sila papasok? Akala ko malelate lang?" patukoy sa dalawang makulit ng First Year Resident na sila Clawmin at Arvin.
"Wala pa po Doc, dumating din po kasi yung mga magulang nila galing ng Dubai" sagot nito sa akin.
"Sabihin mo malilintikan sila sakin kung wala silang chocolate na dadalhin" nakangiti kong wika dito at nagtawanan naman sila.
Hindi na ako nagtagal doon sa loob ng center at mabilis ko ng tinumbok ang daan papunta sa operating room kung saan doon ako mag oopera ng isang lalaki na may Extradural Haematoma.
Ang Extradural Haematoma ay pamumuo ng dugo sa pagitan ng pisngi ng bungo at sa labas na bahagi ng dura kung saan doon pinoprotektahan ang ating utak.
Seryoso ang kasong ito dahil maari siyang mamatay kapag hindi naalis ang Extradural Haematoma sa ulo niya.
Kung gusto mo naman magkaroon ng Extradural Haematoma ay kinakailangan mong ibagsak ang sarili mo sa sahig at doon mo iuntog ang ulo mo, makipag basag ulo ka din sa mga siga sa barangay niyo para magkaroon ka nito.
Ilang minuto lang ang tinagal ko bago ako nakarating sa lugar kung saan nandito ang operating room, ngunit doon ko nadatnan ang anim na naglalakihang lalaki na tila ako ay hinihintay sa aking pagdating.
Mga miyembro ng Elfin Gang.
Huminga muna ako ng malalim bago ako naglakad papunta sa pwesto nila dahil nakaharang sila mismo sa entrance ng operating room.
Kinuyom ko ang aking mga kamao at doon buong tapang na hinarap ang mga lalaking ito.
Agad akong nakipagtitigan sa lalaking kanang kamay ng gang na ito, siya yung mukhang baboy na muntikan ko ng balian ng mga daliri.
Tumigil ako sa harapan nila at doon ako muling sinuri ng lalaking kalbo.
Tila binabasa pa niya ang i.d ko.
"Elie Zhon Buenaobra" dahan-dahan niyang pagbasa sa pangalan ko bago niya ako tingnan ng seryoso.
"Anong kailangan niyo? Gusto mo bang tuluyan ko ng baliin ang daliri mo?" matapang kong kong wika sa kanya.
Tila hindi naman ito nagpasindak sa akin at tinitigan lang ako ng matalim.
Mata sa mata.
Dahan-dahan itong humakbang papalapit sa akin at kabang napapaisod naman ako.
Seryoso lang siya bago nagsalita "Kapag may nangyaring masama kay Boss, alam mo na" wika nito at doon niya itinaas ang kanyang suot na itim na coat.
"Mamatay tayo ng sabay, Doctor Elie Zhon Buenaobra" pangsisindak niya sa akin at doon pinagdidiinan ang pangalan ko.
Napapikit ako dahil sa ipinakita niya.
May nakasipit na baril sa belt ng kanyang pantalon.
Takot na takot ako sa baril.
Ikinuyom ko ang aking nanginginig na mga kamao at doon ako humarap ng hindi nagpapasindak.
"Tabi" seryosong wika ko habang tinitingnan ang mga naglalakihang mga lalaki.
Inaamin kong takot na takot na ako sa oras na ito dahil sa ipinakita niya sa akin. Pero ako si Elie Zhon Buenaobra at hindi ako nagpapasindak laban sa mga api'd.
"Sabi ko tabi" muli kong wika sa kanila pero hindi ako nito sinunod "Kung ayaw niyong may mangyaring masama sa Boss niyo ay tatabi kayo" dahil sa sinabi ko ay doon pa mas nanlisik ang kanyang mga mata.
Tila kinakain ako ng kanyang kaluluwa dahil sa itinatapon nitong pagtingin sa akin.
"Sabi ko, tabi!" muli kong wika.
"Ano hindi kayo tatabi?! gusto niyong may mangyaring masama sa boss niyo?" huli kong wika bago sila nagdesisyon na bigyan ako ng daan para makapasok sa loob ng operating room.
Pagkatapos sumara ng awtomatikong pintuan ay doon ko nailabas ang pigil na pigil kong paghinga. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng tibok ng aking puso.
Takot na takot ako sa baril.
Takot na takot ako.
Nakapikit ako habang pinapakalma ang aking sarili.
Ilang segundo lang ang ginawa kong pagpapakalma bago ko tinumbok ang Surgical Scrub Sink para hugasan ang aking mga kamay.
Kinuha ko ang nakapatong na providine iodine na sabon at doon ko tinapakan ang handle sa ilalaim ng sink para lumabas ang tubig dito.
Kahit ang paghuhugas ng kamay ng mga Doktor bago sumailalim sa surgery ay may mga step, kinakailangang maghugas ng kamay ang mga Doktor sa loob ng tatlo hanggang limang minuto.
Kailangan mong i-brush ang mga kuko sa dalawang kamay para tuluyang itong maging malinis. Hindi lang kamay ang huhugasan pati ang elbow mo ay kailangan mong idamay.
Pagkatapos kong maghugas ay doon ko itinaas ang aking kamay at tinumbok ang pintuan ng operating room.
Pagbukas ng operating room ay doon ko nakita ang apat na tao sa loob.
Present sa surgery ang surgeon which is ako then kasama ko sa loob ang assistant surgeons na si Ron at Nisa, isang nurse mula sa aming department, isang surgical tech at isang anesthesiologist. Lahat sila ay importante ang role sa loob ng operating room.
"Gown please" wika ko sa Nurse at doon niya ako mabilis na sinuotan ng berdeng surgical gown at sinuotan niya din ako ng puting surgical gloves.
"Thank you" pasasalamat ko bago ko tumbukin ang pwesto ni Ron sa ulunan.
"Are you done?" tanong ko sa kanya at nakatingin ako sa ginagawa nito.
Ni re-razor niya ang kaliwang bahagi ng may tamang ulo ng nakatagilid na pasyente kung saan natatakluban ng mga tela.
Tanging may tamang ulo lang niya ang nakikita namin.
"Yes Doc" nakangiting wika ni Ron sa akin bago siya tumayo sa pagkaka-upo.
"Good" wika ko sa kanya at ako naman ang umupo sa upuan.
Tumingin muna ako sa kanilang lahat.
"Ready na, anesthesiologist?" pagbaling ko ng tingin sa babaeng mula sa kanilang department.
"Yes Doc" napakahalaga ng role ng isang anesthesiologist dahil sila ang nag bibigay anesthesia sa mga pasyenteng sumasailalim sa surgery, sila din ang responsable at nag mamanage sa pagbabago ng paghinga, ng heart rate, blood pressure at vitals sa tuwing ginagawa ang operasyon.
"Nurse" pagbaling ko naman sa Nurse "Mask please" paghingi ko dito ng mask at wala na itong sinabi pa, lumapit siya sa aking pwesto para suotan ng mask.
"Thank you" pasasalamat ko sabay baling naman sa dalawang assistant.
"Nisa, Ron are you ready?" tanong ko sa kanila kasama na din ang isang surgical tech na isang katulong sa surgery.
"Yes Doc!" sagot nilang dalawa at hindi na ako nag-aksaya ng panahon.
"Scalpel" wika ko at inabot ni Ron ang bagay na iyon.
Pagkabigay sa akin ni Ron ng Scalpel ay doon ko tinitigan ang may tamang ulo ni Boss at doon sinimulang ilapat ang matalas na blade sa balat ng ulo niya.
Ilang pasyente na din ang ganitong cases ang nagtagumpay sa mga kamay ko kaya walang kaba akong nararamdaman.
"Suction" wika ko dahil naglalabasan na ang mga dugo sa ginawa kong paghiwa sa ulo ni Eliazar Massimo.
ㅡㅡㅡ
Tulad ng sabi ko, madaming kaso na ng extradural haematoma ang nahawakan na ng kamay ko kaya kampante akong tagumpay ang operasyon.
Inabot ng pitong oras ang surgery at sino ba ako para hindi maging successful ang operation?
"Miss saan po ang mga cat food niyo?" pagtatanong ko sa staff ng convenience store dito sa lang sa labas ng aming center.
"Nandoon po sa tabi ng mga snacks sa dulo" hindi ito naka tingin sakin dahil busy siya sa panonood ng kung anu-ano sa kanyang cellphone.
Pagkatapos ng pitong oras na operasyon ay dito na ako dumiretso sa convenience store para bumili ng cat food para sa alaga naming si Calix na Siamese.
Batid kong madilim na sa labas dahil mag aalas-dose noong pumasok ako sa operating room.
"Cat food, cat food, cat food" sunod-sunod kong wika habang naglalakad at taimtim na tinitingnan ang mga paninda "Yun" wika ko ng tumigil ako sa harapan ng mga cat food.
Mas inuna ko pang bilhin ang pagkain ng pusa kesa sa sarili kong pagkain knowing na hindi pa ako kumakain ng tanghalian.
"Ilan ang bibilhin ko?" pagtatanong ko sa aking sarili habang kumukuha ng limang lata ng cat food "Anim nalang para may stock sa bahay" pagkausap ko pa sa aking sarili bago ko tinumbok ang cashier para magbayad.
Mamaya nalang ako bibili ng pagkain ko.
"One thousand fifty po lahat Doc Elie" nakangiting wika ng babae habang tutok parin sa panonood.
Ngumiti naman ako dito bago nag abot ng one thousand one hundred
"Thank you" wika ko dito ng ibalot ko ang sarili kong binili. Ayaw ko kasing maistorbo siya kaya ako nalang ang mag aadjust.
Hindi na naman ito nagsalita pa kaya nag desisyon akong lumabas ng convenience store ngunit ganoon nalang ang aking gulat sa aking nasaksihan.
Muling napatikom ang aking mga kamao dahil sa halos dalawampung matong lalaki ang nasa harapan ko.
Nasa gitna nila ang kaninang nagpakita sa akin ng baril habang seryoso silang nakatingin sa akin.
Lahat sila ay tila ako'y kanilang kakainin.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ako nagsalita ng seryoso.
"The surgery went well at nasa ilalim pa siya ng anesthesia kaya kailangan siyang i-monitor, pakitawagan na din ang guardian niya para ipaalam ang nangyari sa Boss niyo" paunang wika ko sa kanilang lahat.
"Nasa ICU na ang Boss niyo at hindi pwede ang madaming bisi---"
"Elfin Gang" pagputol ng mukhang baboy sa sasabihin ko.
"Eh?" tugon ko sa kanya dahil seryoso lang ang mukha nito.
Ilang segundong katahimikan ang namayani bago siya muling nagsalita.
"Doctor Elie Zhon Buenaobra, pagbibigay respeto!" sigaw niya dito sa labas ng ICU at ganoon nalang ang gulat ko ng sabay-sabay silang tumungo sa akin.
"Doctor Elie! Maraming-Maraming salamat po!" sabay-sabay at tila choir nilang wika sa aking harapan. Napasinghap naman ako dahil sa ginawa nila.
Hindi ko naman alam kung anong gagawin kong reaksyon kaya nagpipigil nalang ako ng tawa sa kanila.
Pigil tawa akong nakatingin sa kalbong lalaki bago siya dahan-dahan na humakbang sa pag kakatayo ko.
"Maraming salamat sa iyo Doctor Elie" korning pasasalamat nito sa akin.
"Walang anuman..." tugon ko sa kanya at inaabangan ko kung sasabihin niya ang pangalan niya.
"Bimby" tugon nito sa akin kaya hindi ko na napigilang mapatawa.
"Hindi bagay sa katawan mo ang Bimby" natatawang wika ko sa kanila at doon ko narinig ang tawanan ng mga naglalakihang lalaki "Ang bantot ng pangalan mo" segunda ko pang tawa sa harapan niya.
Seryoso lang ito na nakatingin sa akin kaya mas lalong hindi ko napigilan ang mapatawa.
"Simula ngayon at sa habang panahon Doctor Elie ikaw ay aming pagsisilbihan dahil utang na loob namin sayo ang pagligtas sa aming Boss" seryosong wika parin ni Bimby.
Infairness consistent ang pagiging seryoso niya.
"Ha?" tugon ko sa kanya dahil hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya.
"Para sa amin ikaw ang ikalawang priority, ikaw ang sumunod kay Doctor Mike" si Mike lang kasi ang gusto nilang Doctor dito sa ospital kaya ganoon nalang ang iwinika nito sa akin.
Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Bimby.
"At kung may gulo na dadating sa buhay mo" wika ni Bimby at doon siya may kung anong kinukuha sa kanyang bulsa "Tawagan mo lang ang numerong ito" akala ko ay bubunutin na naman niya ang baril niya pero hindi pala, inabot niya sa akin ang maliit na puting calling card.
"Wag kang mag dadalawang isip na tawagan kami dahil bente kwatro oras kaming naka antabay para sa mga mahal namin sa buhay" korni na naman nitong wika sa harapan ko kaya mas lalong hindi ko alam ang isasagot.
"Hindi ka na namin guguluhin pa Doctor Elie, magpahinga ka dahil deserved mo iyon" nakangiti na nitong wika sa akin.
"Ahm...salamat" tanging wika ko dito.
"Elfin Gang" muling sumeryoso ang mukha ni Bimby "Mag paalam kay Doctor Elie!" sigaw nito sa kanyang mga kasamahan.
At doon ulit ako nagulat sa inakto nila "Maraming salamat po Doctor Elie! Mahal na mahal ka po namin! Aalis na po kami!" tila choir na naman nilang turan sa harapan ko.
"Ah sige" tanging wika ko.
"Alis na kami Doc, hanggang sa muling pagkikita, adios" huling wika sa akin ni Bimby at doon sila umalis sa harapan ko.
Nakatingin naman ako sa kanila na tila mga sundalong naglalakad papa-alis sa pwesto ko.
"Anong mga kinakain ng mga yun? Ang lalakas ng tama" santinig ko pa bago ko makitang sumakay sila sa elevator.
Kumaway pa sa akin si Bimby kaya kinawayan ko din ito pabalik bago siya tuluyang makasakay ng elevator.
Nasa ganoon lang akong pagkaway kay Bimby ng may kung sinong nagsalita sa gilid ko.
"Elie" baritong boses ang narinig ko sa likod.
"Ay shet!" tila isa akong Ron dahil sa pagiging oa ng makita ko si Mike na nasa harapan ko.
"Sinong kinakawayan mo?" pagtatanong nito sa akin at tumingin pa siya doon sa gilid kung saan sumakay ang mga miyembro ng Elfin Gang.
"Yung mga pasyente mo sa Elfin Gang" lahad ko kay Mike at tumango naman siya.
Kita ko itong may dalang paper bag ng Jollibee.
"Ano yang binili mo?" pagbaling ni Mike sa dala-dala ko.
Inangat ko ito sa mukha niya para ipakita ang mga ito "Bumili ako ng cat foods para kay Calix" nakangiti kong wika sa kanya bago ko muli ibinaba ang plastic.
"Ikaw anong dala mo?" pagtingin ko sa paper bag.
"Galing ako sa Jollibee" walang buhay nitong tugon sa akin kaya tumango nalang ako sa kanya.
Tumungo ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin.
Ganito kami ni Mike dito sa ospital, minsang may ilangan at minsang may iringan dahil iniingatan niyang may makaalam sa relasyon namin.
Iniingatan niyang may makaalam ng relasyon namin.
Nakatungo lang ako sa harapan niya at hinihintay kung may sasabihin pa siya.
"Kain tayo?" napatunghay ako sa sinabi niya.
Nakangiti ito kaya ngumiti din ako sa kanya.
"Hindi ka pa kumakain kaya binilhan kita ng chicken sa Jollibee" nakangiting wika ni Mike sa akin habang ipinapakita pa niya ang paper sa harapan ko.
"Tara? Sa rooftop?" wika pa niya at tumingin muna siya sa magkabilang gilid bago ako hatakin papapunta sa elevator para doon kami kumain sa rooftop.
ㅡㅡㅡ
Ron POV:
Nakakaramdam na ako ng pagod sa pagtayo ko dito sa ilalim ng waiting shed dahil naghihintay ako ng masasakyang taxi, mas pinili kong mag commute kaysa mag drive ng sasakyan dahil nakakatamad itong dalhin.
Pagod na pagod ako ngayon dahil pitong oras akong nakatayo doon sa surgery kanina ng Boss daw ng Elfin Gang. Idagdag mo pa na wala akong sapat na tulog dahil sa labing dalawang oras na surgery namin kahapon doon sa kaibigan ni Doc Elie na si Elo.
Fourth Year Resident na ako sa Neurosurgeon Department at labing isang taon na akong nakikibaka para maging isang opisyal na Doctor at ang tanging pinoproblema ko nalang ngayon ay kung sino ang ilalagay ko sa Thesis Paper si Doc Elie ba o si Doc Mike?
Hindi ako bulag para makita kung anong meron kila Doctor Mike at Doc Elie, pinipili ko nalang na manahimik at mag walang kibong alam dahil hindi ko naman buhay iyon.
Ayokong makialam sa buhay ng ibang tao.
Mind your own business and respect bitches respect.
Tulad ni Doc Elie isa din akong openly gay sa mga kasama namin sa Emergency Center at ICU.
Inaamin ko na maingay,bastos,walang hiya at OA akong nilalang dahil hello bitches!? buhay ko 'to at wala akong pakiealam kung i-bash niyo ako sa mga ginagawa ko.
Pero siyempre hindi mawawala ang pagiging propesyonal ko tuwing trabaho na ang pag-uusapan at hindi naman sa pagmamayabang pero Cum Laude din ako nung college kung saan gumaradweyt sila Doc Mike at Doc Elie, sa Medical World Citi.
Kahit itanong niyo pa sa paasang si Harry.
Si Harry ay kababata ko at kaklase ko mula High School hanggang College, yun lang dahil ayoko siyang pag-usapan.
Ayoko sa lahat ay yung mga taong paasa at feeling gwapo! Aminin niyo na ayaw niyo din sa mga klase ng ganoong tao? Hindi ako nag-iisa dahil kasama ko kayo.
And speaking of the devil, kita ko mula sa aking pwesto ang papalapit na si Harry sakay ng kanyang Hello Kitty na motor scooter.
Ingay ng mga nagbubusinahang sasakyan ang maririg mo sa pwesto ko, gabi na din kasi kaya madami ng dumadaang sasakyan.
"Uwi kana Ron?" naka helmet si Harry at nakangiti itong tumigil sa mismong harapan ko.
"Dito ako matutulog kaya please lang umalis kana" pag irap ko sa kanya dahil inis parin ako dito.
Inasar na naman niya kasi ako kanina doon sa ICU, ginamitan na naman niya ako ng mabubulaklak niyang salita.
"Ahm...Ron yung sinabi ko pala kanina, lahat yun totoo" nakangiti at wala sa wisyo nitong wika sa akin kaya muli ko siyang binalingan dahil naalala ko yung mga pinagsasabi niya kanina.
"Sige, payag akong operahan mo ang katawan ko at kunin ang lamang loob para ibenta sa night market pero gusto kong unahin mong buksan ang puso ko dahil alam mo kung bakit?"
"Gusto kong buksan mo ang puso ko, para makita mong ikaw lang ang nilalaman nito...Ikaw si Ron, ikaw lang ang nagpapatibok ng puso ko"
Napailing ako sa aking pwesto bago nagsalita sa kanya "Harry please lang umalis kana bago pa kita batukan diyan" pagtataboy ko sa kanya at pag ngiti lang ang isinagot nito sa akin.
"Okay lang na masaktan ako basta galing sayo" muli niyang pang-aasar kaya hindi ko ito pinansin.
"Sabay kana sakin, hatid na kita sa bahay niyo Ron miss ko na din kasi sila Tita at Tito" segundang pang-iinis pa niya kaya nakatikim ito ng fuck you sa akin.
"Harry lahat ng mga sinasabi mo ay mga puro katangahan lang, walang laman , puro pangbobola at pagpapa-asa, hindi na ako magpapaloko sa mabulaklak mong bibig kaya please lang umalis kana sa harapan ko" seryoso kong wika sa kanya pero pag ngiti ang isinagot nito sa akin.
"Ayaw mo bang sumabay sa akin Ron? Bagay na bagay ang scooter ko sa kulay ng buhok mo oh" natatawa nitong wika sa akin.
May sapak ang lalaking ito kaya hindi ko malaman kung bakit gustong-gusto siya nila Mama at Papa.
"Kung wala kang matinong sasabihin umalis kana Harry please lang" pagsuko ko sa kanya na naging dahilan para sumeryoso ang mukha niya.
Bipolar.
"Sumabay ka sakin Ron para tumigil na ako sa pangungulit" seryosong wika sa akin ni Harry at doon niya inaabot ang kulay rosas na helmet.
Napapikit nalang ako dahil no choice naman ako kung hindi ko tatanggapin ito. Pati alam kong magsusumbong siya kila Mama at Papa kapag tinaggihan ko siya.
Napamulat ako ng mata at muling bumaling ng tingin kay Ron.
Minsan siya ang panalo sa pagbabangayan namin at minsan siya naman ang natatalo, pero ngayon ako na naman yata ang talo.
Todo ngiti sa akin si Harry kaya lumalabas ang kagwapuhan niya. Nakakagago lang ang pagmumukha niya sarap tanggalan ng mata.
"Sabay kana ha?" nakangiti at tila bata nitong wika sa akin.
Aabutin ko na sana ang helmet niya ng makarinig kaming dalawa ng sunod-sunod na busina.
May tumigil na puting sports car sa gilid lang ng scooter ni Harry sa harapan ko.
Kilala ko ang sasakyan na iyon.
Nakatingin lang kaming dalawa ni Harry doon at hinihintay ang pagbukas ng bintana. Napa hinga naman ako ng malalim at napangiti dahil sa taong nasa loob ng sasakyan.
"Ron! Hop in!" cool at astig na wika ng crush kong si Erjun. Kahit na malandi at babaero ang lalaking iyon ay mas okay na siya kaysa sa paasang si Harry.
Hindi ko tinanggap ang helmet na nakalahad sa akin dahil tinanggap ko ang alok sa akin ni Erjun.
Humakbang ako papalapit sa sasakyan ni Erjun at nilagpasan ang scooter ni Harry.
Nang tumigil ako sa gilid ng sasakyan ay binalingan ko ng tingin si Harry.
Doon ko itong nakitang nakatanga habang hawak-hawak ang helmet na hinubad pa niya sa kanyang ulo para lang ipagamit sa akin.
ㅡㅡㅡㅡㅡ