ㅡㅡㅡㅡㅡ
Elie POV:
"Wag kang mag-gigive up sa pag-aaral Angelika kahit na hindi maganda ang performance mo sa school" pagkausap ko sa dalagang nasa harapan ko.
"Yes Doc hindi ko po gagawin 'yon pati gusto ko pong bigyan si Nanay ng magandang buhay kaya nag pupursigi po ako sa pag-aaral" nakangiting tugon sa akin ni Angelika habang nakangiti siyang baling sa nanay niya.
"Good, and also remember na studying is about keeping your butt in the seat, not in the brain" natatawang wika ko sa kanya habang itinuturo ko pa ang aking ulo.
"Noted po Doc!" natatawang tugon ulit sa akin ni Angelika at binalingan muli ang nanay niya.
"Doc pagkatapos ng anak ko sa sekondarya saan po magandang mag-aral ng kolehiyo pag kukuha ng kursong doktor?" napabaling naman ako sa ginang "Saan ka nag tapos ng kolehiyo Doc?" dagdag pa nito.
Inilagay ko muna ang aking dalawang kamay sa lamesa bago nagsalita.
"Madami pong magagandang college universities dito sa Manila, pero kung pagiging Doktor po ang kukuhanin ni Angelika mas maganda po kung sa Medical World Citi siya mag-aaral dahil kompleto po sila sa mga facilities at mga kagamitan, magagaling din po yung mga professor na nagtuturo doon" nakangiti kong lahad sa kanila.
"Doon din po kami nag tapos ng kasamahan ko dito sa ospital" patukoy ko kay Mike at nakangiti naman silang tumango sa akin.
"Gusto ko pong maging Doctor, Doc Elie" wika ni Angelika kaya napangiti ako.
"Maganda 'yan Angelika, basta may tiyaga at tiwala ka sa sarili mo ay makakaraos ka" paalala ko sa kanya at muli silang ngumiting dalawa sa harapan ko.
Nakakatuwa na may magulang si Angelika na sumusuporta sa kung ano 'mang gustuhin niya, kahit kapos sa pinansyal hinding-hindi naman doon nawawala ang pagmamahal.
"Ay Doc may dala pala akong gulay para inyo" napabaling ako ng tingin sa ginang at kita kong may kung anon itong kinukuha sa dala-dala niyang bayong.
"Ano po iyan?" pagsilip ko doon sa kinukuha ng ginang at nakita ko ang hawak-hawak nitong plastic.
"Tinda ko ito sa palengke Doc kaya naisip kong dalhan ka" ipinatong niya ang clear na plastic sa aking lamesa "Kalabasa at Talong iyan Doc" nakangiti nitong wika sa akin.
"Naku salamat po" pasasalamat ko dito at binalingan ko ang dalawang gulay na nakalagay sa platic "Masarap tortahin itong talong at isasawsaw sa toyo na may kalamansi" nakangiti kong paglalahad sa kanila.
"Sinabi mo pa Doc" tugon nito sa akin bago sila tumayo sa aking harapan "Paano po Doc, mauna na po kami sa inyo" pagpaalalam ng ginang kaya tumayo na din ako sa aking kinauupuan.
"By next week po ulit ang check up ni Angelika for us to check kung may pagbabago pa ba sa likuran niya" huling wika ko sa kanila bago nila lisanin ang aking check up room.
ㅡㅡㅡ
"Good morning Doc" pagtungo ng Nurse na kakalabas lang ng ICU (Intensive Care Unit).
"Good morning" tugon ko sa kanya at binalingan ko ng tingin si Ron na aking kasa-kasama.
Katatapos lamng ng check-up ko sa baba at napagdesisyunan kong puntahan ang kaibigan kong si Elo dito sa ICU.
Dito sa kinatatayuan namin ang ikalawang istasyon dito sa aming Department ng Neurosurgeon, dito mo din makikita ang mga pasyenteng katatapos lamang ng kani-kanilang surgery at ang iba dito ay hinihintay na lamang ang tuluyan nilang pag-galing.
Madaming mga kwarto dito sa loob ng ICU para sa iba't-ibang klase ng pasyente na may Neurological Condition tulad ng Dimentia,Stroke,Brain Tumor,Movement Disorder at iba pang may kinalaman sa utak.
"Sa room thirty-six muna tayo pumunta bago sa ibang pasyente, dala mo ba yung Gabepentin?" baling ko sa kanya patukoy doon sa drugs na kailangang itake ng katawan ni Elo.
Pagtango ang isinagot sa akin ni Ron, sinabihan ko kasi itong itikom niya muna ang kanyang bibig dahil naririndi ako sa kanya.
"Tsss" palatak ko sa kanya dahil sa itinugon nito sa aking pagtango "Let's go" wika ko dito bago kami tumapak sa harapan ng malaking pintuan na salamin.
Awtomatiko ang mga pintuan dito sa ospital at kusa na itong bumubukas sa tuwing may papasok, dala na din ng ebolusyon sa teknolohiya kaya mas nagiging madali ang mga bagay-bagay.
Nang bumukas na ang salamin na pintuan ay nag simula na kaming humakbang patungo sa aming pupuntahan.
"Good morning Doc" pagbati ng Nurse na nakakasalubong namin ni Ron.
"Good morning" tugon ko sa kanila bago kami nag tuloy-tuloy ni Ron sa paglalakad.
Sa ICU ay matatagpuan mo din ang iba't-ibang Nurses na dito nakatoka ang kanilang trabaho, bibihira mo silang makikita doon sa Emergency Center dahil nakatali ang kanilang trabaho sa mga pasyenteng nandito sa ICU.
May Nurses Station sila dito sa ICU na ngayon ay kita ko na sa aming nilalakaran.
Hindi ko alam kung bakit ang mga Nurses doon sa Emergency Center at dito sa ICU (Intensive Care Unit) ay tila nakikipag kumpitensya sa isa't-isa. Hindi maalis sa kanila ang mga iringan at pagalingan pagdating sa kanilang pagtatrabaho, pero nanatili parin doon ang pagiging propesyonal.
Hindi ko 'man mapigilan ang tila competition nila ay wala akong magagawa kundi ang sumabay sa trip nila.
"Hi Doc good morning!" nakangising bungad sa akin ni Nurse Harry ng tumigil kami sa harapan ng Nurse Station dito sa ICU.
"Good morning" tugon ko sa kanya kahit na hindi ito nakatingin sa akin dahil sa iba siya nakatingin.
"Tsss" rinig kong palatak ni Ron sa aking tabi kaya napangiti nalang ako.
"Doc nasa emergency center na po ba si Doc Mike?" napabaling naman ako ng tingin kay Nurse Reign na ngayon ay hawak-hawak ang telepono. Magandang babae itong si Nurse Reign kaya madalas silang nag papatalbugan ni Nurse Briana kapag nagkikita silang dalawa.
"Oh yes, why?" nakangiti ko namang tugon sa kanya.
"Nag response na kasi yung isang patient na inoperahan niya, Doc Elie" sagot sa akin ni Nurse Reign bago niya tawagan sa telepono si Mike.
"Hi Doc" napabaling naman ako sa bumating lalaking na nasa gitna.
"Hello po Nurse Daniel" pagbati ko sa Head Nurse ng ICU, nasabi ko ba sa inyong asawa siya ng Head Nurse namin doon sa Center sa baba?
"Napanood namin Doc yung short interview mo kanina, live sa tv" nakangiting wika sa akin ni Nurse Daniel at napangiti nalang ako sa kanya.
Lima silang Nurses dito sa ICU na kilala at malapit ako, may ibang mga Nurse din naman dito na kilala ko pero hindi kami ganoon kalapit sa isa't-isa.
"Nasaan po ang kambal?" pagtatanong ko kay Nurse Daniel.
"Nag-roround na Doc" patukoy niya sa dalawa.
Kung may Doctor Clawmin at Doctor Arvin na kambal na Resident doon sa Emergency Center at ang magkapatid na Nurse na si Jerry at Alfonizi ay meron namang Joehanes at Charles dito sa ICU.
Bali tatlong mga mag-kakambal na lalaki ang nasa Neurosurgeon Department, dalawang Nurses at isang First Year Resident.
"Sino ka?" napabaling ako ng tingin sa aking gilid ng magsalita si Ron.
"Hindi mo ako kilala?" nakangisi at tila pang-aasar na tugon ni Nurse Harry sa aking kasama.
"Mag tatanong ba ako kung hindi kita kilala?" ito na naman po tayo.
Madalas mag-away ang dalawang ito sa tuwing mag kakabanggan sila.
Hindi nagpapatalo ang makulit na si Ron samantalang hindi nauubusan ng pang-gagalit itong si Nurse Harry.
Kahit na madalas silang mag-away sila parin ang madalas kong pinagsasama tuwing mag-checheck ng pasyente.
"Hindi mo talaga ako kilala?" nakangisi paring wika ni Nurse Harry.
"Bingi lang? Punta kana kaya sa Otolaryngology baka may disease kana sa tenga" tila isang babaeng may regla ang kasama kong si Ron.
Tulad ko ay open din si Ron sa kanyang seskwalidad at hindi niya din ito kinahihiya sa mga kasamahan namin sa baba.
Kaming dalawa ni Ron ay isang openly gay sa aming mga kasamahan kaya hindi na nag-aalinlangan ang mga babaeng Nurses na maki-halubilo sa amin.
"Bakit naman sa Otolaryngology ako pupunta?" tugon ni Harry sa sinabi ni Ron.
Nakatingin lang kaming tatlo sa dalawang aso at pusa.
"Kasi nga bingi ka o baka hindi lang bingi? Baka madumi at nagtutuluan ang mga luga diyan sa tenga mo, iw kadiri" tila pandidiring wika ni Ron sa harapan ng ka-argumento niya.
"Walang depekto ang tenga ko at hindi ko kailangan pumunta sa Otolaryngology dahil sa Cardiologist dapat ako pumunta dahil sa puso ako may depekto, sa puso ako may sakit at sa puso dapat ako gamutin" sunod-sunod na wika ni Harry sa walang pakielam na si Ron.
"Hindi mo ba tatanungin kung anong sakit ko sa puso?" nakangisi paring wika ni Harry.
"Sino ka ba? 'ni hindi nga kita kilala eh, bakit ko itatanong? Ka ano-ano ba kita?" sunod-sunod ding pagtataray ni Ron habang naka-pamewang pa siya.
"Tsss" palatak lang ni Harry "Naging ganyan lang ang kulay ng buhok mo mas naging mataray kana, anong kulay niyan? Green? Kulay taeng green?" pagbibiro pa ni Harry sa hindi nagpapatalong si Ron at nagawa pa nitong hawak-hawakan ang buhok niya.
"Hindi lang pala sa Otolaryngology at Cardiologist ka dapat pumunta, dapat sa Opthalmologist din para ipatingin mo 'yang bulag mong mata" muling singhal ni Ron.
"Kulay green ba 'to? Green 'to?" itinuturo ni Ron ang kanyang.
Pag-iling ng ulo ang isinagot ni Harry na halatang niloloko niyang muli ang kasa-kasama ko.
"Rosas ang kulay nito, Rosas" lahad ni Ron.
"Baliw ka ba? may depekto na 'yang tenga at mata mo - gusto mo bang operahan kita? Bubuksan natin 'yang katawan mo, tatanggalin ko ang mga lamang loob at ibebenta ko sa black market" pagbibiro ni Ron at bumaling siya ng tingin sa babaeng Nurse.
"Nurse Reign akin na ang Scalpel" pagbibirong wika ni Ron kay Harry na naging dahilan para maging seryoso ang mukha ng lalaki.
Rinig namin ang malalalim na paghinga ni Nurse Harry bago ito muling tumingin ng seryoso kay Ron.
"Sige, payag akong operahan mo ang katawan ko at kunin ang lamang loob para ibenta sa night market pero gusto kong sabihin sayo na unahin mong buksan ang puso ko dahil alam mo kung bakit?" seryosong wika ni Harry sa harapan namin habang ang kanang kamay niya ay nakapatong na sa kanyang dibdib.
"Gusto kong buksan mo ang puso ko, para makita mong ikaw lang ang nilalaman nito" tinatapik-tapik pa ni Harry ang kanyang dibdib.
"Ikaw si Ron, ikaw lang ang nagpapatibok ng puso ko" seryosong wika ni Harry.
Impit na impit ang kilig na nararamdaman naming tatlo habang pinanonood namin ang dalawang naglalandian sa harapan.
Napabaling ako ng tingin kay Ron na ngayon ay nakatungo na, hudyat na siya ay talo at si Harry ang nanalo sa kanilang iringan.
Muli akong napatingin kay Harry na ngayon ay namumula dahil sa kanyang iwinika kaya napailing nalang ako sabay baling ng tingin kay Nurse Daniel.
"Sa ward thirty-six Nurse Daniel, sino pong tao? May bisita po ba si Elo?" natatawang wika ko sa lalaki.
"Nandoon si Nurse Joehanes, Doc" natatawa ding wika ni Nurse Daniel sa aking harapan.
"Okay thank you" tugon ko naman bago balingan ng tingin si Ron.
"Let's go Ron" wika ko sa kanya at napabaling ako ng tingin kay Harry ng muling magsalita ito.
"Ganyan ba talaga Doc ang mga Resident doon sa inyo?" nakangiti nang wika sa akin ni Harry.
"Why?" tugon ko sa kanya at muli siyang tumingin kay Ron na nakatungo.
"Pagkatapos pakiligin ganyan yung magiging reaksyon Doc? Ano? Walang ganti? Paano na yung nararamdaman ko Doc? Kailangang ko ding kiligin Doc" sunod-sunod na wika sa akin ni Harry.
"Alam mo bagay na bagay talaga kayong magsama nitong si Ron, parehas kayong nakakarindi ang i-iingay niyo" totoong wika ko sa lalaking ito.
"Doc isama mo na 'yang si Harry doon sa baba, inis na din kami diyan eh! Daig pa ang babae ang ingay" napabaling naman ako kay Nurse Reign.
"Reign! Ano? Laglagan? Isusumbong kita kay Doc Mike, inaaway mo ako" tila batang pagtatampo ni Nurse Harry sa kasamahan niya.
"Yan na pala si Doc, Doc Mike!" dahil sa pagtawag ni Nurse Harry ay napatingin ako doon sa likuran.
Doon ko nga nakita si Mike kasa-kasama si Erjun na ngayon ay papalapit na sa aming pwesto.
"Kasama pala ang gunggong" bulong ni Nurse Harry na alam kong patukoy kay Erjun.
Nakangiting nakatingin lang ako sa dalawa at kita kong nakatingin din sa akin si Mike suot ang kanyang magkasalubong na kilay.
"Hi Doc Mike, Doc Erjun" pagbati ni Nurse Reign sa dalawang lalaking tumigil sa pwesto namin.
"Hello" tipid na sagot ni Mike bago niya ako balingan ng tingin.
"Hi Nurse Reign" pagbati naman ni Erjun at ramdam kong lumakad siya papunta sa lalaking katabi ko.
Nakangiti lang ako kay Mike ng makita kong sinuklian ako nito ng ngiti at pagkatapos ay bumaling na siya ng tingin kay Nurse Daniel.
"Nurse Daniel, syringe please" utos niya sa Head Nurse bago ito tumalikod sa amin para kumuha ng pang-turok.
Nakatingin lang ako kay Mike habang nakatingin naman siya kay Nurse Daniel ng magsalita si Erjun na ngayon ay naka-akbay na pala kay Ron.
"Ano na namang drama nitong si Ron?" napatingin ako sa dalawa ng marinig ko ang pagbulong ni Nurse Harry sa gilid.
"Wala kang pakiealam" ang bulong na iyon ay sapat na para marinig namin.
"What?!" seryosong pagbaling ni Erjun kay Nurse Harry.
"Nothing" huling wika ni Harry bago siya tumalikod sa amin para gawin ang dapat niyang gawin.
"For how many minutes na nag response si Lenard" napabaling naman ulit ako ng tingin kay Mike na kausap si Nurse Reign.
"Five minutes ago na Doc Mike" nakangiting wika ni Reign.
"Good, how about his vitals you already check it?" patukoy nito sa pasyente niyang nag response na sa pagkaka-coma.
"Normal Doc" tugon ni Reign bago nagsalita si Nurse Daniel.
"Ito na po Doc" inilahad ni Nurse Daniel ang stainless na lagayan na naglalaman ng syringe.
"Thank you" pasasalamat ni Mike bago niya balingan ng tingin si Erjun na naka-akbay parin sa nakatungo at tahimik na si Ron.
"Let's go Erjun" pagtawag nito sa kanya.
Tinanggal na ni Erjun ang pagkaka-akbay kay Ron bago nito kinuha ang stainless na lagayan kay Mike.
"Were going na" pag-papaalam ni Mike sa tatlong Nurse.
"Okay Doc!" sabay-sabay nilang tugon at nakita ko ang pagngiti nito.
Nakangiti ako muling tingin kay Mike at inaabangan ang pagbaling nito sa akin, hindi naman ako doon nabigo dahil nakangiti ding tumingin sa akin si Mike.
"Alis na kami" nakangiti nitong wika sa akin sa harapan nilang lahat.
Nakangiti akong tumango sa kanya bago sila humakbang papaalis sa pwesto namin.
Nakaramdam naman ako ng bilis ng pagtibok ng aking puso ko dahil sa inaktong kilos ni Mike sa akin, hanggang ngayon hindi parin nawawala ang spark at kilig na nararamdaman ko sa kanya.
Para parin kaming nasa third year na nagliligawan kahit na may mga limitasyon at mga bagay na hindi namin dapat gawin in public Lalo na dito sa ospital.
"Doc Elie! Kung hindi lang talaga kayo mag bestfriend ni Doc Mike ay bagay na bagay kayong dalawa!" nabaling ako ng tingin sa kinikilig na si Nurse Reign.
Yes, bestfriend ang tingin nilang lahat sa aming dalawa ni Mike dahil iyon ang pagpapakilala namin sa kanila.
Okay sa akin na malaman nilang may relasyon kami ni Mike dahil nakalabas na naman ako sa aking kloseta, pero si Mike? Hindi pa siya handang mag out sa kanyang closet at mas mahirap pa dahil sarado at kandado ang isipan ng mga magulang niya.
ㅡㅡㅡ
Pagkatapos ng diskusyon namin doon sa Nurse Station ay naglakad na kaming dalawa ni Ron papunta sa ward ni Elo.
Nasa harapan na kaming dalawa ni Ron ng pintuan na may numerong thirty-six, bumaling muna ako ng tingin sa kanya dahil kanina pa ito tahimik magmula ng lisanin namin ang istasyon na iyon.
"Are you okay?" baling ko sa kanya at nginitian naman ako nito habang may hawak na stainless na lagayan na may lamang syringe.
"Yes Doc" tugon nito sa akin bago niya ako unahan sa pagkatok ng pintuan kaya napabaling nalang ako doon.
Pagkatapos kumatok ni Ron ay unti-unti ko nang binuksan ang pintuan.
Sa bawat pintuan kasi ng kwarto dito sa ICU ay kahoy hindi tulad doon sa ibang salamin na pintuan na awtomatikong nagbubukas.
Nang tuluyang mabuksan ang pintuan ay doon ko nakita ang bulto ng tatlong tao.
Si Nurse Joehanes na nakatayo malapit sa life monitor.
Si Elo na nakahiga parin sa higaan habang may nakakabit sa kanyang oxygen sa bunganga.
At isang lalaki na nakahawak sa kaliwang kamay ni Elo habang ito ay mahimbing na natutulog sa tabi niya.
"Siya yung CEO ng Walker Company, Doc" mahinang bulong sa akin ni Ron habang nakatigil kami sa may pintuan.
"Alam ko, engot 'to" tugon ko naman sa kanya at humakbang kami papalit sa pwesto nila.
"Good morning Doc" mahinang pagbati sa akin ni Nurse Joehanes at nginitian ko naman ito.
"Vitals?" wika ko sa kanya.
"Normal po Doc" nakangiting tugon nito sa akin bago ko binalingan ng tingin si Ron.
"Ron, Gabepentin" patukoy ko sa drugs na dala-dala ni Ron.
"Okay Doc" tugon nito sa akin bago niya tinumbok ang pwesto ni Joehanes sa kaliwang bahagi ng higaan kung saan nandoon ang life monitor at ang dextrose.
Tahimik kaming gumagalaw sa loob ng kwarto dahil sa taong natutulog, ang kasintahan ni Elo na si Lucas.
Lumapit ako sa nakahigang si Elo at doon ko inaayos ang comforter na nakapatong sa kanyang katawan.
"How many cc's of urine, Nurse Joehanes?" pagtukoy ko sa maduming likido na inilalabas ng katawan ni Elo.
"Normal Doc, one thousand cc's" tugon nito sa akin habang nakatingin parin ako kay Elo na nakapikit.
Kahit nasa ilalim siya ng anesthesia ay nakangiti parin ang lalaking ito.
"Wala ba siyang ibang kasama Joe---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng may nagsalita sa likuran ko.
"Elie?" napabaling ako ng tingin sa likuran at ganoon nalang ang galak ko ng makita ko si Mamang.
"Mamang" pagtawag ko sa kanya bago ko siya yakapin.
"Ikaw nga Elie" pagtugon ni Mamang sa yakap ko.
Parang kagabi lang ay hindi kami nito nag-kita.
Lumabas muna sila Joehanes at Ron dito sa loob ng ward para bigyan kami ng oras na mag-usap ni Mamang.
Tahimik lang naman kaming nag-uusap ni Mamang dahil iniiwasan naming magising ang kasintahan ni Elo na si Lucas.
Naka upo si Mamang sa upuan dito sa kanang bahagi ng higaan samantalang nakatayo naman ako sa gilid niya.
"Grabe yung ibinuhos ng lalaking iyan na pagmamahal sa anak ko, Elie" pag-kausap sa akin ni Mamang habang nakatingin kami sa dalawang natutulog sa higaan.
"Tanda ko pa yung sinabi sa akin ni Lucas na handa siyang mamatay para lang mailigtas si Elo" ganoon ang paghanga ko sa lalaking kasintahan ni Elo.
"Grabe yung oras na ginugol nila para lang mailigtas ang anak ko, grabe yung sakripisyo at pagmamahalan nilang dalawa Elie kung alam mo lang" wika ni Mamang habang tahimik lang akong nakikinig sa kanya.
"Napakatapang nila Elie, napakatapang ng kaibigan mo at napakatapang ni Lucas para ipaglandakan at ipagsigawan ang pagmamahalan nilang dalawa ni Elo" tahimik akong nakatitig kay Lucas.
May kung anong kurot sa aking puso ang iwinika ni Mamang.
Inggit?
Respeto?
Nirerespeto ko ang desisyon ni Mike na hindi niya pa sinasabi sa kanyang magulang at ilang mga kabigan ang relasyon naming dalawa.
Nirerespeto ko na hindi pa siya lumalabas sa kanyang kloseta dahil sa takot na nararamdaman niya at nirerespeto ko na wala pa siyang tapang at lakas ng loob para ipaglandakan at ipagsigawan ang aming relasyon.
Hindi ako uurong at hinding-hindi ako susuko dahil sa sampung taong pagsasama naming dalawa ni Mike ay ako na ang kinukuhanan niya ng lakas para mas mapagtibay naming dalawa ang aming relasyon.
Hindi ako naiingit, kundi natutuwa ako.
"Napaka swerte po ni Elo, Mamang" nakangiti kong baling sa kanya.
"Napaka-swerte po ni Elo dahil mayroon po siyang kasintahan na katulad ni Lucas" nakangiti kong paglalahad sa kanya.
Nakangiti ding hinawakan ni Mamang ang dalawang kamay ko.
"Ganyang-ganyan din ang sinabi sa akin ni Lucas Elie. Sinasabi sa akin ni Lucas na napakaswerte niya dahil dumating sa buhay niya ang anak ko, dumating sa buhay ni Lucas si Elo" nakangiting wika ni Mamang sa akin.
Magsasalita na sana ako ng tumunog ang aking telepono sa bulsa ng suot-suot kong Doctor Coat.
Kinuha ko ito sa aking bulsa at doon ko nakita na tumatawag ang aking Ina. Hindi ko ito sinasagot.
"Si Rebeca?" nakita pala ni Mamang ang pangalan sa aking telepono. Tumango ako sa kanya bago ko muling ibinulsa ang cellphone.
Ngumiti naman ito sa akin bago niya muling ibaling ang tingin sa anak niya.
"Ilang taon ka na 'bang hindi umuuwi sa bahay niyo?" pagkausap sa akin ni Mamang habang nakatingin kay Elo at minamasahe ang kanang kamay nito.
"Thirteen years na Mamang, simula noong mag college ako hanggang ngayon" katotohanang lahad ko sa kanya.
Paano ko ba nakilala si Elo? Paano ko naging kaibigan si Edward? At bakit ako kilala ni Mamang?
Kapitbahay namin sila doon probinsya ng Rizal sa Pililla.
Kababata ko sila Elo at madalas kaming naglalaro nito sa taniman ng tatay niya na si Papang.
Inggit na inggit ako sa pamilyang mayroon sila Elo dahil kahit na kapos sila sa pinansyal ay masaya at may galak ang kanilang pamilya.
Strikto ang parents ko.
Isang sundalo ang tatay ko samantalang guro naman ang ina ko. Madalang lang kami mag karoon ng bonding mag-papamilya dahil pumapasok ang tatay ko sa Militar samantalang nasa eskwelahan naman si mama araw-araw.
Ayaw ko nang pag-usapan.
Napailing nalang ako dahil sa pagbabalik tanaw ko sa nakaraan.
"Hindi mo parin napapatawad ang tatay mo?" napabaling ako kay Mamang dahil sa sinabi niya. Ayaw kong sagutin kaya iniba ko ang usapan.
"By next week or five days po Mamang ay baka mag karoon na ng malay si Elo then after po 'nun ay kinakailangan niyang dumaan sa Spinal Traction at Immobilization para mas mapaayos po natin yung fracture sa Spinal Cord ni Elo, idagdag pa po na nabugbog ang kanyang mga hita at paa" tugon ko kay Mamang habang nakatingin parin siya sa anak niya.
"Si Rebeca Elie, hindi mo pa ba napapatawad?" magkaibigan kasi si Mamang at ang nanay ko dahil madalas silang maghuntahan tuwing araw ng Sabado.
Nakatingin parin si Mamang sa anak niya ng magsalita ako.
"Hindi po ako galit kay Mama" katotohanang tugon ko sa kanya.
"Birthday ngayon ni Rebeca, anong balak mo Elie?" muling sabi sa akin ni Mamang.
Kaarawan ng aking ina ngayong araw at magmula pa kagabi ay hindi ko sinasagot ang tawag niya sa kadahilanang ayaw ko itong sagutin.
"Ako na po ang bahala doon Mamang" huling tugon ko sa kanya bago lukubin ng katahimikan ang buong kwarto.
Tanging tunog ng Life Monitor at aircon ang maririnig mo dito sa loob ng ward. Mga palitan ng paghinga ang namumutawi dito sa loob ng kwarto.
Nakatingin lang ako sa dalawang taong natutulog ng balingan ako ng tingin ni Mamang.
Hinarap ko ito bago niya hawakan ang dalawang kamay ko kaya napangiti akong muli sa ginawa niya.
"Elie kahit na wala kang galit kay Rebeca, sarili parin niya ang sinisisi niya dahil sa pagkawala mo sa kanila" pa-unang wika ni Mamang.
"Ganito kaming mga ina, kapag may hindi magandang nangyari sa mga anak namin, sarili namin yung sinisisi namin" sunod nitong wika.
"Walang sino 'mang ina na gugustuhing masaktan ang kanilang anak" huling wika ni Mamang.
"Paano naman kapag haligi ng tahanan? Okay lang po sa kanila na may mangyaring masama sa anak niya?" segunda ko kay Mamang.
ㅡㅡㅡㅡㅡ