Chereads / To Capture a Flame / Chapter 7 - Chapter Seven

Chapter 7 - Chapter Seven

NAGKIBIT ng mga bilugang balikat si Juana. "Kapag nagpaalam ka ba, papayagan ka nila?" salo nito. "Sometimes, you have to be selfish to secure your own happiness."

Hindi na nagsalita si Rebel. Ipinapagpatuloy na lang niya ang pagkain.

Nagulat siya nang makita ang isang binatilyong Aeta na papalapit sa kanila.

"Juana? Kasama mo ba siya?" tanong niya sa kausap.

Nag-angat ng tingin ang babaeng kapitan. "Anak-anakan ko si Itoy. Sinundo ko pa siya sa Zambales, para makasama natin. Iba na ang may kasama tayong lalaki sa biyahe."

Kinawayan nito ang Aeta. "Halika, Itoy. Ipapakilala kita kay Rebel."

Mukhang mapapagkatiwalaan naman ang mahiyaing binatilyo kaya gumaan na rin agad ang loob niya rito.

"Salamat at pumayag kang sumama sa amin, Itoy," wika niya matapos itong kamayan.

"Karangalan ko po ang makasama sa inyo," was the humble reply.

"O, wala na ba tayong hinihintay?" sabad ni Juana. "Gusto kong subukan ang makina ng Manlalakbai, Reb."

"Gusto mong mag-ikut-ikot dito sa Manila Bay?"

Tumango si Juana bago tumalikod para magpunta sa control room.

"Oo," tugon nito sa kanya. "Itoy, alam mo na ang gagawin mo," utos nito sa Aeta.

Pinanood muna niya ito sa paghila ng matatabang lubid mula sa malaking posteng kinasasabitan, bago sinundan ang kaibigan.

Ilang sandali pa, binabaybay na nila ang Manila Bay.

"Madali lang ba siyang paandarin?" tanong niya habang sinusundan ng tingin ang lahat ng mga ginagawa ni Juana.

"She's smooth," papuri ng tomboy. "Magkano ang bili mo sa kanya?"

Ngumiti si Rebel. "Secret," aniya.

Tumawa nang malakas si Juana. "Baka himatayin ako sa inggit, ha?"

"Hindi naman," wika ni Rebel. "Ayaw ko lang mag-isip ng tungkol sa mga praktikal na bagay. Nasa adventure ako, remember?"

"Oo nga pala." Ibinalik ng kausap ang atensiyon sa pagmamaniobra ng matuling sasakyang-tubig. "Babalik na tayo sa yacht club. Bukas na tayo tumulak paalis."

"Hindi kaya ako masundan ng Papa't Kuya ko rito?"

Tinapik siya ni Juana sa likod. "Huwag kang mangamba na baka hindi matuloy ang plano mo, Reb," pang-aalo nito. "You're destined to be a traveler."

Pinilit niyang maging kalmado. "Pasensiya ka na kung medyo kabado ako."

"Excited ka lang." Tumingin lang uli sa kanya ang kausap nang maibalik na sa kinadadaungan ang yate.

The nuns had developed a good conscience inside her vivid mind. Kaya naman hindi niya basta maiwaksi ang pag-aalala para sa dominanteng pamilya na dapat lang iwanan.

But I love my father and my brother! bulong niya sa sarili. Hindi naman siguro tamang basta ko na lang iwanan ang mga taong nagmamahal sa akin?

"Kung gusto mo, puwede kang magpadala ng telegrama sa pamilya mo sa unang probinsiyang hihintuan natin," suhestiyon nito.

"O di kaya'y bago tayo umalis bukas?"

"Gagawin ko 'yan." Sumigla uli si Rebel. "Pupunta na ako sa cabin ko, kapitan!"

"Ako na ang bahala dito. Magpahinga ka na," pahabol ni Juana sa kanya.

"Aye-aye, captain!" tugon niya.

*****

WALA nang bahid ng pagdududa ang ekspresyon ni Richie Tiangco nang muling makaharap ni Bullet kinabukasan nang hapon.

"Nandito ang xerox copy ng resibo. Bumili ng yate si Miss Rebel Tiangco mula sa isang esklusibong tindahan ng British boats." Kinuha niya ang isa pang papel. "Nakakuha rin ako ng kopya ng temporary registration papers."

The Tiangco men looked very much impressed.

"Tama ang lahat ng mga hula mo, Bullet Sanchez," pahayag ni Richie. Dinukot nito ang isang pirasong papel mula sa bulsa ng asul na polo. "Nakatanggap kami ng telegrama mula kay Rebel."

Nagkibit-balikat si Bullet. "So, hindi n'yo na pala kailangan ang serbisyo ko," sambit niya habang ibinabalik sa envelope ang mga kopya. "Magpapaalam na ako."

"Wait," pigil ni Don Ramon nang akmang tatayo na siya. "Kailangan ka pa rin namin."

Napamaang ang binata. "Alam n'yo nang ligtas ang anak n'yo, hindi ba?"

Umiling ang matanda. "Hindi namin kilala ang mga kasama niya," paliwanag nito.

"Atsaka may balak siyang lumabas ng bansa. Paano kung may mangyaring masama sa kanya habang naglalakbay siya?"

"Nasa hustong edad na ang anak n'yo, Don Ramon," pakli niya. "May sariling isip na siya. Hintayin n'yo na lang siya sa kanyang pagbabalik."

Humakbang siya patungo sa pinto.

"Sandali lang!" Si Richie naman ang pumigil sa kanya. Hinawakan pa siya nito sa isang balikat.

"Pakinggan mo muna ang sasabihin ni Papa. May gusto siyang ipagawa sa 'yo."

Huminto siya at marahang humarap. "Pasusundan n'yo siya sa akin?" panghuhula niya.

"At pababantayan. Nakahanda akong magbayad, Bullet. Kahit na magkano."

"Nakahanda rin ba kayong gumastos?" paniniguro niya.

"Oo." Tumango ang matandang lalaki.

"Bumili na kami ni Papa ng yateng gagamitin mo. Kumpleto na rin ang mga supplies. Mga taong makakasama mo na lang ang problema."

"Tutoo ba ang mga naririnig ko?" Hindi siya makapaniwala.

"May passport ka ba?"

Tumango si Bullet, halos wala sa loob. "Seryoso ba kayo?"

"Oo, Bullet." Lumapit na rin sa kinatatayuan niya ang matanda.

"Mahalaga sa akin si Rebel. Siya ang aking unica hija. And I must admit my grave mistake. I had been an indifferent parent. I did her wrong."

"We decided to give her what she wanted. Ibibigay namin sa kanya ang kalayaang ibig niya, pero sisiguraduhin naming mayroon siyang proteksiyon--nang di niya nalalaman."

Bumuntong-hininga si Bullet. Ikinubli niya ang namumuong entusiyasmo.

Nais muna niyang marinig ang 'presyo'.

"Hindi ako bodyguard, Mr. Tiangco," pakli niya.

"We know that," tugon ni Richie. "Pero alam naming makakaya mong gampanan ang trabahong ito."

"Nakahanda kaming magbayad, Bullet," sabad ni Don Ramon.

Naningkit ang mga mata ni Bullet. Once again, he decided to be frankly mercenary.

"Gaano kalaki ang magkano, Don Ramon?"

Saglit lang ang pagkabigla ng tinanong. Tumugon rin ito agad.

And it was Bullet's turn to be astonished, although he tried to hide it.

"Well?" untag ng mga kaharap. "Tatanggapin mo na ba ang trabaho?"

"Kailan ako mag-uumpisa?"

*****

ISANG linggo na silang naglalayag sa dagat.

Everybody was enjoying the cruise. The days were idyllically peaceful. The sea was almost motionless.

"Para lang tayong nagbabakasyon, ano?" wika ni Elsa sa mga kasama.

"Oo nga. Ang suwerte natin!" bulalas ni Perlie.

"Tapos, makakadalaw pa tayo sa mga pamilya natin," dagdag ni Ollie.

"At ang bait pa ng amo natin," sabad ni Imo.

Napapailing si Rebel sa naririnig. Nakasara ang pinto ng galley kaya hindi siya nakita ng mga nag-uusap sa loob.

Kukuha sana siya ng meryenda nila ni Juana pero hindi muna siya tumuloy. Nagtungo muna siya sa kanyang kabino.

Ang cellular phone agad ang tumawag sa kanyang pansin pagpasok niya sa loob.

Dinampot niya iyon ngunit ibinaba rin agad sa ibabaw ng lamesa. Katatapos lang nilang mag-usap ng kanyang Papa kagabi.

"I promise I won't force you to do anything you don't want, hija," pang-aamuki ng ama. "Just come back to us."

"Papa, huwag n'yo akong alalahanin. Kaya kong alagaan ang sarili ko."

"Alam ko 'yan, anak. Pero mas gusto kong nandito ka lang sa piling namin."

"Para dominahan n'yo na naman ni Kuya?" pananalakab niya.

"Hindi na namin gagawin ang ganyan, iha. I learned my lesson very well."

"Papa, I'm sorry. Hindi ko mapapagbigyan ang nais n'yo."

"Oh, ang batang ito! Bakit kailangang bigyan mo pa ako ng sama ng loob? Kung kailan matanda na ako?"

"Don't use emotional blackmail on me, please," pakiusap niya. "Matagal na panahon na akong sunud-sunuran lang sa lahat ng gusto n'yo. This time, ako naman ang pakikinggan ko."

Naulinigan niya ang pagbubuntong-hininga ng ama sa kabilang linya.

"Papa? I have to say goodbye. My cellcard's running out," paalam niya.

Hindi na niya hinintay ang tugon sa kanya. Pinindot na ng isang daliri ang 'off' button.

Naputol ang pagmumuni-muni niya nang may kumatok sa pintuan.

"Reb? Hinahanap ka ni Kap," anang tinig ni Ollie.

"Pakisabing may ginagawa ako," tugon niya. "Maya-maya na ako aakyat uli."

"Okey."

Kumilos lang siya uli nang marinig ang papalayong yabag.

Lumapit siya sa isang bintanang hugis-bilog. Sinilip niya ang kalangitan.

"Malapit na kami sa lupa," bulong niya sa sarili nang makakita ng mga ibong nagliliparan.

Ilang sandali pa siyang nanatiling walang tinag habang nakikipaghamok sa sariling budhi.

Magsisisi ka kapag may nangyaring masama sa Papa mo, Rebel!

Ipinilig niya ang ulo upang mawaglit ang mga katagang nang-uusig.

"Nandoon naman si Kuya Richie," sambit niya. "Dati naman akong wala sa piling nila. They managed without me for so long!"

Para maiwasan na ang mga bulong sa loob ng isipan, lumabas na lang uli siya ng kabino.