Chereads / To Capture a Flame / Chapter 3 - Chapter Three

Chapter 3 - Chapter Three

NASA salas si Don Ramon.

"A, nandito na pala ang anak ko," pahayag nito sa mga kaharap. "Halika dito, anak. Nandito na ang gown mo para bukas nang gabi."

Ang mga panauhin pala ay ang mga baklang couturiers na kinumisyon para gumawa ng mga kasuotan niya sa kaarawan--at sa kasal nila ni Joselito.

"Ay, naku, Don Ramon, tiyak na bagay na bagay sa inyong unica hija ang design na naisip ko para sa kanya!" gushed the thinnest one.

"O, siya, ilabas mo na nga 'yang nasa kahon na 'yan," utos ng matandang don. "Ipapasukat na natin kay Rebel."

Putim-puti ang magarbong evening gown. Napapalamutian ng mga burdang bulaklak at brilyanteng maliliit.

Ikinubli ni Rebel ang tutoong reaksiyon. She was unimpressed.

Para sa kanya, nasayang lang ang perang ibinayad ng ama para sa naturang kasuotan.

Hindi praktikal.

Pero nanahimik lang siya.

"Isuot mo na ito, iha," hiling ni Don Ramon. "Gusto kong makita."

Napuno ng pagmamalaki ang kulubot na mukha ng matandang Papa niya nang makita siyang papalabas ng musicroom. Doon na lang siya nagbihis.

"Napakaganda ng anak ko, hindi ba? Isa siyang prinsesa," papuri nito habang sinisipat ang kabuuan niya.

"Sana ay nandito si Joselito ngayon," dugtong pa.

Hindi kumibo si Rebel. Nagpatianod lang siya sa lahat ng ibig ipagawa sa kanya.

Bukas, malayang-malaya na talaga ako! pangako niya sa sarili.

"Pagod na ako, Papa," she complained after having to parade a hundred and one clothes and gowns.

"Tapos na naman, iha. Puwede ka nang magpahinga. Sige na, umakyat ka na sa kuwarto mo," pagtataboy nito.

Mabilis siyang lumayo sa grupo ng mga baklang designers.

Humalik siya ng pamamaalam sa pisngi ng ama.

"Bye, Pa," sambit niya.

Nag-shower uli siya nang makarating sa silid-tulugan.

My first destination will be Japan, wika niya sa sarili. Then, Singapore, Indonesia, Malaysia, Australia...

Nakatulugan niya ang pangangarap nang gising.

Nang magising ay umaga na.

Bumalikwas siya ng bangon upang tanawin ang kalangitan.

Iyon na ang araw na pinakahihintay ng lahat.

Ngunit sa iba-ibang dahilan.

"Senyorita Rebel, nandito na ang almusal n'yo," anang tinig ng katulong sa labas ng silid niya.

"Tuloy ka," tawag niya.

Ngumiti siya sa dalagang nakasuot ng puting apron at asul na uniporme.

"Pakilagay mo na lang diyan ang tray," aniya sa utusan.

"Happy birthday, senyorita," ang masiglang bati nito habang isa-isang hinahawi ang mga kurtina.

"Salamat, Luming," ang simpleng tugon niya. Hindi naman kasi siya 'happy'.

"Ihahanda ko na ba ang pampaligo mo, senyorita?"

Umiling si Rebel. Hindi pa siya nasasanay sa pagiging amo. Sa kumbento kasi, kanya-kanya sila sa paggampan sa mga personal na pangangailangan.

"Kaya ko na ang tungkol diyan. Sa ibaba ka na lang tumulong. Tiyak na kailangan ka d'on," wika niya.

"Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan kang ipagawa, senyorita," paalam nito bago lumabas.

Napailing na lamang si Rebel nang mapag-isa na siya.

Halos magkasing-edad lang sila ni Luming. Anak ito ng kusinera at ng hardinero nila.

Ngunit kahit na wala itong gaanong pera, parang palaging masaya.

Paano'y malaya naman.

Hindi pakialamero ang mga magulang. Pinagkakatiwalan ang sariling disposisyon.

Hindi katulad niya...

Dinala niya ang almusal sa terrace. Doon siya sumimsim ng mainit na kape habang tinatanaw ang mga karpinterong abala sa pagtatayo ng temporary stage sa hardin. At sa mga electricians na nagkakabit ng mga outdoor lights.

"Handang-handa na ang lahat," aniya sa sarili.

Inubos niya ang laman ng coffee mug, bago nagtungo sa banyo.

Naligo siya at nagbihis.

Pinatuyo niya sa blower ang mahabang buhok para maitirintas.

She chose to wear casual clothes para kumportable sa pagkilos.

Pupuntahan niya ang bangko para kunin ang trust fund na nag-automatic transfer na sa kanyang bank account.

Halos isang oras lang siyang nanatili sa bangko.

Mula doon, nagtungo siya sa tindahan ng mga sasakyang pantubig.

Ilang beses na siyang nakapunta rito magmula nang lumabas siya sa kumbento. Nagka-canvass siya ng presyo.

Nakilala na nga siya ng mga tao rito. "Miss Tiangco, we're glad you chose our store. May napili na ba kayo, ma'am?" ang malugod na salubong ng manager sa dalaga.

Tumango si Rebel. "Gusto ko 'to," aniya habang hinihimas ang isang yate.

Hindi iyon ang pinakamaliit, pero iyon ang pinakamabilis.

At ang pinakabagong modelo.

"Wow! You have excellent taste, Miss Tiangco," papuri ng may edad na lalaki. Tuwang-tuwa ito dahil iyon ang pinakamahal.

"Thank you," wika naman niya. "I'll pay cash. Can I get it today?"

Lalong lumuwa ang mga mata ng kaharap. "Of course, ma'am!" ang maagap na tugon nito.

"In fact, meron kaming mga bagong dating na stocks. Nasa piyer pa sila. Kung gusto mo, d'on ka na mamili."

Sandali lang nag-isip ang dalaga. "Okey," sang-ayon niya.

Kulay pula ang pinili niya. At agad na bininyagan sa pangalang 'Manlalakbai'.

"Mamili kayo ng font style dito, ma'am," wika ng binatang ipinasama sa kanya ng manager. "Ipapa-spray paint ko na ang pangalan ng yacht sa gilid."

"Sure," tugon ni Rebel. Natural na ang malapad na ngiti niya.

For the first time in her entire life, she was actually happy and excited and delighted.

"Ano'ng kulay ang gusto mong pintura, ma'am?"

"White."

"White against red, Buddie," hiyaw ng kausap sa lalaking nakabitin sa gilid ng yate. May hawak itong stencil at spray paint.

Naglibot siya sa buong yate. Ilang beses iyon dahil hindi siya makapaniwalang tutoo na ngang natupad na ang pangarap niya.

Nag-test run sila hanggang sa laot ng Manila Bay. Lumipas ang mga oras nang halos hindi niya namalayan.

Kaya hapon na nang makabalik siya sa mansiyon.

Nagkakagulo na ang mga kasambahay sa paghahanap sa kanya.

"Iha! Saan ka ba nagsuot? Bakit umalis ka nang walang paalam?"

"May binili lang ako, Papa," katwiran niya.

"Hay, dapat ay iniutos mo na lang 'yan sa mga katulong. O, hala, magbihis ka na. Naghihintay na ang mga mag-aayos sa 'yo."

Natanaw niya ang kapatid na panganay sa may veranda. Ini-estima si Joselito.

Umismid siya at umirap sa gawi ng lalaking inirereto sa kanya bago tumalikod para umakyat sa hagdan.

"Try to hurry, hija," pahabol ng Papa niya. "Magdaratingan na ang mga bisita mo."

Hindi na tumugon ang dalaga. Wala nang saysay kung sabihin pa niyang hindi niya panauhin ang mga inimbita dahil hindi naman niya kilala ang mga iyon.

Nagkagulo ang mga bakla, pagkakita sa kanya.

"Ay! Salamat naman at dumating na ang ating prinsesa!" tili ng isa. Mistulang engkantada ito habang ikinakaway-kaway ang hawak na make-up brush sa hangin.

"Senyorita, nakahanda na ang bathtub. Maliligo ka muna," ang maagap na wika ni Luming. Agad siyang hinawakan sa isang braso at hinila sa loob ng marangyang banyo. "Ops! Hindi kayo puwedeng sumunod dito," awat nito sa mga bakla.

"Bakit naman? Mga mujer din naman kami, a?"

"Kahit na. May mga lawit pa rin kayo," pakli ni Luming. "Diyan lang kayo sa labas."

"Kaya ko nang maligo mag-isa," wika niya nang makitang nagsasalin ito ng shampoo sa isang palad.

"Gahol na sa oras, senyorita. Kailangan n'yo na ng tulong," katwiran nito.

Naging madali nga naman ang paliligo niya. Ilang minuto pa, umaahon na siya at binabalot na ng malaking tuwalya ni Luming.

Matapos siyang tuyuin at pulbohan ng mamahaling pulbos, iniabot nito ang mga lacy underwears.

Pagkatapos, ang manipis na red silk robe naman.

"O, handa na siya sa inyo," pahayag ni Luming habang lumalabas sa banyo.

Nagkagulo na naman ang mga bakla.

Binihisan siya ng gown. Nilagyan ng make-up ang kanyang mukha. At inayos ang kanyang buhok.

After an hour and a half, she could not recognize herself on the mirror.

"Ako ba 'yan?" tanong niya habang hinahaplos ng ilang daliri ang pisngi.

"Ikaw na ikaw 'yan," wika ng baklang hairstylist. "Oy, Couturier, wala pang matching gloves ang gown na ito?"

"Ay, oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan. Heto. Suutin mo ang mga ito."

Kumuriring ang intercom na nakakabit sa headboard ng kama niya. Si Luming ang tumugon.

"O, pinabababa na ni Don Ramon si Senyorita."

Ginampanan ni Rebel ang tungkulin nang gabing iyon. Nakipagsaya siya. Panay ang ngiti niya kahit na kanino.

Walang kamalay-malay ang lahat na iyon na ang huling gabing ilalagi niya sa piling ng dalawang ka-pamilya.