Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

FANGS OF ANGEL

JP_Cavaller_WRight
--
chs / week
--
NOT RATINGS
8.9k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE

(PROLOGUE)

Isang hapon ay kasama kami sa mga nagkukumpulang mga tao sa palengke para mamili. Actually papauwi na sana kami, kaya lang ay nahagip ng mga mata ni mama ang isang silver na kwintas na may pendat na Angel. Nakita ko sa mga mata niya na nagustuhan niya ito, subalit hindi man lang niya ito hinawakan upang mag desisyon kung bibilhin niya ba iyon o hindi? Bagkus ay nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Bibit ni mama ang aming mga pinamiling karne, gulay at siyempre.. dugo ng baboy. Ewan ko ba, kung bakit sa araw araw na ulam namin na dinuguan ay hindi man lang kami nagsasawa dito.

Huminto ako sa paglalakad at pinakatitigan ang kwintas na kanina ay tinitingnan ni mama. Nagmamadali ko iyong nilapitan at tinanong pa sa tindera kung magkano iyon kahit wala naman akong dalang pera.

"Gusto mo bang tingnan?" Pag u-udyok pa ng tindera at agad naman akong tumango tango.

Mabilis niyang kinuha ang silver na kwintas mula sa pinaglalagyan nito. At ng akmang iaabot na niya ito sa akin ay bigla namang pinigilan ni mama ang braso ng tindidera kaya hindi na nito naiabot sa akin ang kwintas.

"Ah, pasensya na po kayo. Medyo makulit lang talaga itong anak ko eh." Paghinging paumanhin naman ni mama.

"Okay lang. Mukhang gustong gusto ng batang ito ang kwintas ko e. At dahil natutuwa ako sa anak mo, ibibigay ko na lang sa pinakamababang presyo ito. 100 na lang po, from 250." Bagamat binabaan na nga ng tindera na halos kalahati mula sa orihinal na presyo nito ay hindi pa rin nagbago ang isip ni mama na hindi bumili.

Gusto ko pa sanang umangal na bilhin niya na lang iyon kasi alam ko namang gusto niya. Pero agad na binuhat niya na ako at nagpaalam na sa tindera na kailangan na naming umuwi.

May kalayuan ang bahay namin sa palengke. Kaya kinakailangan pa naming sumakay ng jeep at tricycle bago kami nakarating sa bahay namin.

Panggabi ang pasok ng papa ko sa trabaho. Kaya naman ay tulog siya sa araw at gising sa gabi. Mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto nila dahil nakaugalian ko ng ako ang gigising sa kanya.

Pero pagbukas ko ng pinto, ay nanibago ako dahil hindi ko makita si papa. Hindi ko rin siya maamoy kaya alam kong wala siya dito.. oo matalas ang pang amoy ko. At kilalang kilala ko ang amoy ng papa at maging din naman kay mama.

Ang wierd 'no? Kaya kong amuyin ang pagkaka iba't ibang amoy ng mga tao. Pero sekreto lang natin 'yon ha. Kahit kasi sa parents ko ay hindi ko iyon sinasabi. Ang totoo niyan, ang dami kong kakaibang nakikita sa sarili ko na hindi ko nakikita sa ibang tao.

Gaya ng makatagal na hindi humihinga kahit isang oras. Hindi rin normal ang taas ng pagtalon ko at bagamat parati akong nasa arawan ay maputla pa rin ang balat ko. Samantalang ang mga kalaro ko ay mga sunog na ang balat. Sabagay, maputi din naman ang papa. Pero sa lahat lahat ng mga kakaibang napapansin ko sa sarili ko. Ang tanging sinasabi lang sa akin ng mga magulang ko ay normal lang iyon.

Sadyang may pagkakaiba lang ang lahat ng tao. Pero hindi ibig sabihin noon ay kakaiba na ako.

"Mama.. nasaan po si papa?" Tanong ko kay mama. Nang makabalik na ako sa kusina at madatnan kong nagmamadali na sa pagluluto si mama. Gusto niya kasi ay sabay sabay na kaming naghahapunan. Kaya nasanay akong 6pm ang hapunan namin. Kaiba sa iba na 7 or 8pm na kung maghapunan.

Pero bago pa maibuka ni mama ang bibig para magsalita ay pareho kaming nagulat sa malalakas na katok sa pinto. Agad din namang tumakbo si mama sa pinto at binuksan iyon.

Ang duguang si papa ang iniluwal ng pintong iyon. Halos magtayuan ang lahat ng mga balahibo ko ng makita ang isang pana na nakatusok sa puso ni papa. Pero buhay at humihinga pa rin naman siya.

"Naku, Ambrogio! Anong nangyari sayo?" Unti unti ng nanginginig si Mama habang inaalalayan niya ang kanyang asawa na nanghihina na.

"Dali! Bilisan niyo mag impake. Aalis na tayo ngayon." Sabi lang ni papa. Umiiyak naman na tumakbo ako at lumuhod sa papa ko.

"P-papa.. bababab-bkit may pana diyan sa puso mo? Papa bakit nila g-ginawa 'yan sayo?!" Hinagod lang ni papa ang ulo ko at ngumiti sa akin na parang walang sakit na nararamdaman.

"Huwag kang mag alala sa papa anak. Lahat gagawin ko, para protektahan kayo." Ngunit ang mga sinabi niyang iyon ay lalo lang nagbigay kalituhan sa aking murang pag iisip.

Hindi nagtagal ang pag iimpake ni mama. At magkakahawak kamay kaming nagmamadaling lumabas. Nag aagaw ang dilim at ang liwanag ng araw na iyon. Ngunit kasabay ng tuluyang pagdilim.. ay ang tuluyan ding pagdilim ng aking buhay.

"Ayon sila!! Habulin ang mga halimaw! Patayin sila! Patayin!!!" Galit na galit na sigaw ng mga taong bayan sa amin.

Gusto ko pa sanang itanong sa mga magulang ko kung ano ang pinagsasabi nila at bakit nila kami hinahabol at gustong patayin? Pero mas pinili ko na lang na tumahik, sa takot na baka mas ikapahamak pa namin kapag inabala ko pa silang sumagot sa mga tanong ko.

Nang lumingon ako ay biglang may tila kulay silver na mahabang sibat ang mabilis na lumilipad sa ere at sa akin ito tatama. Pero hinarangan ako ni papa ng kanyang sarili. Kaya imbes na sa akin ay sa kanya tumama ang sibat.

Nanlaki ang mga mata ko ng tawagin ko siya at sa huling pagkakataon ay masilayan ko ang pagngiti niya sa akin. Kumaway siya sa amin, isang senyales na namamaalam na siya bago siya tuluyang bumagsak.

Gustong gusto kong tumakbo para yakapin si papa. Pero wala akong laban sa lakas ni mama, habang pinagpatuloy namin ang pagtakbo patungo sa madilim na kakahuyan.

Ngunit sa pag aakalang sabay kami ni mama na tatakbo papasok sa kagubatan upang magtago mula sa galit na galit na mga tao. Ay sandali kaming huminto at nakaluhod siyang humarap sa akin.

Magang maga ang mga mata niya sa walang tigil na kakaiyak. At alam kong ganoon din ang mga mata ko.

"Diba matapang ka?" Umiiyak man, ay tumungo tungo ako.

Ngumiti si mama sa akin at hinalikan niya ang noo ko. "Angel anak.. may kailangan kang malaman."

"Ano po iyon mama?"

"Natatandaan mo ba lahat ng mga sinasabi mo sa amin na mga kakaibang katangian mo?" Tumungo tungo lang ako.

"Tama ka.. kakaiba ka sa kanila. Dahil.. hindi ka isang tao lang. Kundi isa kang.. isang kang bampira."

"B-bampira po?" Naalala ko minsan ng umaga. Ay nakita ko pa si papa na natutulog at tila may mga pangil ito na unti unting lumiliit. Akala ko dahil sa kakagising ko lang kaya ay namamalikmata lang ako.

"Oo, kalahating bampira at kalahating tao. Sa akin mo nakuha ang dugong tao mo at sa papa mo naman ang dugong bampira. Maghanda ka dahil sa pagsapit mo ng ika-labing walong taong gulang ay doon na magsisimula ang iyong pagkabampira. Tutubo na ang mga pangil mo at mauuhaw kana sa dugo ng tao." Saglit na huminto siya at tinitigan niya ang mga mata ko. "Natatakot kaba?"

Magsisinungaling ako kapag sasabihin ko na hindi. Kaya hindi ako sumagot at bahagyang tumungo na lamang. "Angel ko.. gusto kong ipangako mo sa akin. Na sa pagtuntong mo sa edad na labing walo at naging bampira kana.. ay huwag kang iinom ng dugo ng tao. Kundi tanging dugo lang ng mga hayop.." Teka.. bakit nagsasalita si mama na parang hindi ko na siya makakasama kapag nag eighteen na ako?

"Halimaw po ba ako? Kagaya ng mga sinasabi nila sa atin?" Umiling iling naman kaagad si mama.

"You are so special, my angel--" Napadaing siya dahil sa tama ng pana sa likod niya patagos sa gitna ng kanyang dibdib.

"Mama!!!" Tuluyan na akong nabalot ng matinding takot. Dahil sa katotohanan na hindi ko na sila makakasama pa.

"Tumakbo ka na, Angel. Iligtas mo ang sarili mo." Umiling ako bilang pagtutol. Ayaw kong iwan ang mama ko habang nakikita ang papalapit na mga nag iilawang mga sulo ng mga taong gustong pumatay sa amin.

"Aalagaan mo ang sarili mo ha? Huwag mong kakalimutan ang mga bilin namin sayo. Please anak.. takbo!" Pagkasigaw niya niyon ay tinulak niya ako at pinilit niyang tumayo para harangin ang iba pang mga pana na tinitira nila sa amin.

Mananatili pa sana akong nakaupo kung hindi lang muling lumingon sa akin si mama na bagamat dumadaing sa sakit ay nakuha pa niyang matalim na tumitig sa akin at sinenyasan akong tumakbo na hanggat may oras pa.

Kaya ayaw ko man. Ay tumakbo na rin ako hanggang sa tuluyan na akong yakapin ng dilim sa kagubatan.

JP CAVALLER WRIGHT