Chereads / FANGS OF ANGEL / Chapter 3 - CHAPTER 3: SMELLS OF BLOOD

Chapter 3 - CHAPTER 3: SMELLS OF BLOOD

FANGS OF ANGEL

CHAPTER 3: SMELLS OF BLOOD

Binuksan ko ang refrigerator at kinuha ang babasaging pitsel. I lick my lips as I fill my glass with water, natutuyo na rin kasi ang mga labi ko sa sobrang uhaw na nararamdaman ko. I always like this, feeling dehydrated.

Nakalimang baso ako ng malamig na tubig bago mapatid ang pagkauhaw ko. Hindi ko na sinauli ang pitsel sa loob ng ref at iniwan na lamang ito sa lamesa dahil halos wala na rin naman itong laman.

At habang naglalakad ako pabalik sa aking kwarto ay hindi nakalagpas sa aking paningin ang kakaibang tingin ng mga katulong sa akin. Hanggang sa naipinid ko na ang pintuan ng kwarto ko ay patuloy lang ako sa pakikinig ng palihim sa mga katulong na nagdadaldalan. Oo, kahit nasa loob na ako ng kwarto ko sa second floor at malayo na ito sa kusina ay kaya ko pa rin silang marinig.

"Uy, wala ba kayong napapansin diyan kay Angel. Napakahilig sa dinuguan o ano mang ulam na may dugo. Parang aswang.. kita niyo 'yung balat niya, napaka putla!" Pabulong na sabi ng isang katulong habang hinahalo halo nito ang nilulutong dinuguan.

"Oo nga pansin ko din 'yon! Hindi mo ba alam?" Pa-suspence na tanong ng isa pang maid na naghuhugas ng plato. Wala man ako doon, pero habang nakapikit ako sa kinaroroonan ko ay nakikita ko siyang tumitingin tingin sa paligid. Sinisiguro nitong walang ibang tao ang makakarinig sa kanila. "Hindi naman tunay na Del Monte 'yang si Angel. Ampon lang 'yan ng mag asawa."

"Ah kaya pala.. baka may lahing aswang talaga 'yang si Angel,--" napatigil siya at ramdam ko ang kaba nilang dalawa ng maglakad na ako palapit sa kanila. Mula sa loob ng kwarto ko ay mabilis na nakapunta kaagad ako sa may kusina ng isang segundo lang. At wala akong pakialam kung napansin man nila iyon o hindi.

"Pinag uusapan niyo ba akong dalawa?" Sabay silang umiling iling, siyempre hindi sila aamin.

"Really?" Tanong ko pa. At halos manginig na ang buong katawan nilang dalawa ng sa ikalawang pagkakataon ay tinanggi pa rin nila na hindi ako ang pinag uusapan nila.

"Ma'am hindi po ma'am. Hindi po namin magagawa iyon ma'am. Ginagawa lang po namin ng maayos ang mga trabaho namin." Matapos magsalita ng isang katulong na nakatoka sa pagluluto ay bigla nagyakapan silang dalawa dahil sa takot. Na para bang bigla na lang akong nag transform bilang halimaw sa harap nila.

"Maam inaamin na po namin. Pinag usapan ka po namin. Pero pangako po.. hindi na po namin uulitin." Sabay silang nagsalita at humingi ng tawad.

"Angel, anong ginagawa mo?" Gulat akong napatingin sa nagsalitang iyon, na si Tyler. Paano siya nakapasok sa bahay namin?

Inis na napailing na lang si Tyler bago ito lumapit sa dalawang katulong na ng tumingin ang dalawa, sa mga mata ni Tyler. Ay parang na-hipnotismo ang mga ito na naging tulala na lang.

"Wala kayong nakita." Sabi ni Tyler sa kanila.

"Wala po kaming nakita." Sagot naman nung dalawa.

"Wala kayong alam sa pagkatao ni Angel."

"Wala po kaming alam sa pagkatao ni maam Angel."

"At hindi niyo alam na ampon lang siya ng mag asawang Del Monte."

"Hindi namin alam na ampon lang si maam Angel ng mag asawang Del Monte."

"Now leave.." At tulala pa rin ang dalawa na tahimik lang na umalis.

"Paano mo nagawa iyon?" Nagtatakang tanong ko. "And again, papaano ka nakapasok dito?!"

"Relax! Okay? Just simple 'thanks' and I appreciated it." At bigla itong may inamoy amoy. Tumalikod siya dahil nasa bandang likuran niya lang ang kumukulong dinuguan na niluluto ng isang katulong kanina. Gusto kong mandiri ng isinawsaw nito ang daliri niya sa dinuguan at tinikman niya ito.

"Im thirsty!" Naging kulay berde naman ang mga mata niya at mas lalo siyang naging agresibo. Saglit siyang umalis sa harap ko. At pagbalik niya ulit ng mga ilang segundo, ay may mga dugo na ito sa bibig niya.

"What the--"

"Sorry, Im thirsty. Kasalanan ng amoy ng dinuguan ninyo!" Kinumpas nito ang mga kamay niya habang patuloy na nagpaliwanag. "Pero huwag kang mag alala. Iyong mga alaga ninyong manok sa likod ng bahay na ito, ang dugo na ininom ko. Hindi dugo ng tao."

Napabuntong hininga ako. "Now, tell me.. c-can you explain, ano ang ginawa mo sa dalawa naming katulong?"

"Kung ano ang nasa isip mo, ay tama." Nanlaki ang mga mata ko.

"What? You hypnotized them?!"

"Welcome!"

"Okay," nagpameywang ako. "Paano ka naman nakapasok dito?"

"Pumasok ako sa pinto niyo." I rolled my eyes.

"Really?"

"Just kidding.. as I said. Binabantayan kita. Kasi po, nanganganib ang buhay mo kamahalan." At nag bow pa ito sa harapan ko. "Ang careless mo pa naman." Bulong pa nito.

"What did you say?!" Tanong ko kahit malinaw na narinig ko naman.

"Hindi ka nagiging maingat sa pag galaw mo. Tandaan mo, half vampire ka. At walang sino man sa mga tao ang dapat na maka alam na nag e-exist tayong mga bampira." Pumikit siya at hinawakan niya ang ulo ko.

Pagkatapos ay parang isang pelikula na biglang nag-flashback, ng nakita ko ang sarili ko na nagpula ang mga mata sa loob ng canteen at nakita ito ng kaklase kong si Gwen. Kaya pala biglang nagbago ang reaction nito na parang sobrang natatakot kaya tumakbo palabas ng canteen. Nakita ko rin ang mga alaala ni Tyler na kanyang dina download sa aking isipan. kung paano niya hinypnotized si Gwen, upang makalimutan nito na nakita niya ang mga mata ko na nagiiba ang kulay.

Nang tinanggal na niya ang mga kamay niya ay doon na siya dumilat at isa pang maikling salita ang sinabi niya bago siya mawala sa harapan ko.

"Sana naman ay maamin mo na ang mga kapabayaan na ginawa mo. Take care next time, my Angel."

Bago ako natulog ay muli ko na namang inekisan sa aking kalendaryo ang isang araw na naman na lumipas. Walong araw na lang, birthday ko na.

SA SCHOOL

ay pansin ko kaagad ang mga nakasimangot na mukha sa akin ng mga ka grupo ko. E paano ba naman, ay hindi ko sila nasipot kahapon sa practice namin.

I bit my lips as Im trying to explain. "Sorry talaga guys. Bigla kasing nagka emergency sa bahay e. Hindi na ako nakapag message sa inyo kasi medyo nag panic din ako." Pagsisinungaling ko.

"It's okay. Ang importante ay nandito kana safe and sound. At kung ano man ang naging problema mo kahapon, siguro naman ay hindi mo na siya problema pa rin hanggang ngayon. Diba?" Sinang ayunan ko ang sinabing iyon ni Emily.

Si Gwen naman ang tiningnan ko na tahimik lang. "Okay kana ba, Gwen?" Concern kong tanong.

Pero bakit kailangan pang tumaas ng kilay niya bago sumagot? "Oo, nakaka dissapoint lang na pati din ikaw ay wala sa practice kahapon. Ikaw pa naman ang director."

"Gwen, valid din naman ang reason ni Angel, kaya hindi siya nakarating sa practice kahapon. Hindi naman niya kasalanan iyon, at lalong lalo na ay hindi niya ginusto na magka emergency sa kanila kahapon." Pagtatanggol sa akin ni Stevan. Bigla tuloy akong na-konsensya dahil napaniwala ko sila sa kwento kong inembento ko lang naman.

"Wow.. so prince charming kana pala niya ngayon?" Patuloy na pang aasar pa ni Gwen.

"Okay, pwedi bang tumigil na kayo? Wala na rin namang saysay na pagtalunin pa natin ito, dahil nangyari na iyon. Marami pa namang araw para mag practice e." Si Emily.

"Whatever.." tinapunan pa niya ako ng mataray na tingin bago siya bumalik sa kinauupuan nito.

Nang sakto namang dumating na ang professor namin sa Math. Kaya nagsibalikan na rin ang lahat sa mga kani kanilang upuan...

Mabilis na lumipas ang oras, tapos na naman ang aming mga klase. Sa wakas, ang naudlot naming practice kahapon ay matutuloy na rin ngayon.

Magkakapareho kami ng course nila Gwen at Emily na accountant. Sina Dominic at Marcus naman ay Math Teacher kaya naman kahit madalas magbangayan ang dalawa ay mataas pa rin ang respeto ko sa kanila bilang sila ang magiging mga guro sa hinaharap. Samantalang si Stevan naman ay Engeneer. Nagiging buo lang kaming magkakasama sa subject na Math dahil related ito sa aming mga kurso.

Nandidito na kami sa school theatre. At mula sa malayo ay pinagmamasdan ko ang sukat ng stage upang mapag aralan ko kung paano kami magkakasaya sa isang stage para sa lahat ng magiging eksena namin sa drama.

Naglakad na ako para saglit na i-meeting ko ulit silang lahat. Nasa ibabaw ng stage kami at nakatayo ako habang naka indian seat silang lahat sa harap ko.

Hawak ko ang papel na pinagsulatan ko ng mga gagawin naming props para sa drama. May ilan na pwedi naming mabili, pero may iilan din naman na kailangan naming gawin by our own hands. Kagaya ng paggawa sa isang horror house. Mabuti at yun lang naman ang pagtutulungan naming gawin kasama ang mga artificial na mga puno. Ang buwan at araw sa kalangitan na dapat makita sa drama na gagawin namin ay sagot na ng stage media, at ipapalabas na lang iyon sa malaking screen ng entablado.

Walang dapat na maaksayang panahon. Lalo pa't three weeks na lang bago ang aming stage play. Kaya sinimulan na naming gawin ang nasabing horror house. Kompleto na rin naman kami sa mga materials.

"Ouch!" Narinig kong daing ni Emily. Kaagad naman siyang dinaluhan ni Dominic.

"Nasugatan ka!" Ramdam ko ang biglang pag init ng dugo ko. Hindi dahil sa galit, kundi dahil sa kakaibang pakiramdam ngayong nakakaamoy ako ng dugo ng tao.

Binitawan ko ang stapler at papel na hawak ko at nagmamadali akong nagtungo sa toilet room bago pa nila mapansin na iba na ang kulay ng mga mata ko. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Gwen, na nagguguhit naman ng mga linya kasama si Stevan. Pero nag akto ako na parang walang narinig at nag diretso lang sa paglalakad, hindi na rin ako nag abala pa na lumingon sa kanya.

Pagkapasok sa CR, ay naghilamos ako, at ng pumikit ako ay nakita ko kung papaano nasugatan ni Emily ang sarili habang naggugupit ito. Binuksan ko muli ang gripo at dahil sa hindi ko na kayang tagalan pa ang matinding uhaw na nararamdaman ko ay pinilit ko ang sarili na ang tubig na lang sa gripong iyon ang inumin ko.

Ilang saglit pa ay naririnig ko na ang boses ni Stevan sa labas ng CR na kinaroroonan ko. Kanina pa kasi ako nandidito sa loob dahil hindi ko pa kayang bumalik. Naamoy ko pa kasi ang dugo ni Emily. I checked my teeth, pero wala naman akong nakikitang mga pangil.

Patuloy sa pagkatok si Stevan sa labas ng pintuan, kaya binuksan ko na rin ito. Pero hindi niya ako nakita dahil mistulang isang malakas na hangin lang ang sumalubong kay Stevan ng mabuksan ang pinto kaya hindi niya ako nakita. Sobrang binilisan ko kasi ang kilos ko para makalabas na kaagad ng school. Wala namang nakapansin sa akin.

"Tyler.." pabulong lang iyon. Pero alam kong maririnig niya, dahil nasa paligid lang siya at binabantayan ako.

"Now, you need my help. Ano ang maipaglilingkod ko?" Pagsasalita kaagad nito sa likod ko. Ako na ang humarap sa kanya.

"Why this is happening to me?! Hindi pa naman lumalabas ang mga pangil ko a. Pero bakit ng maamoy ko ang dugo ni Emily ay parang takam na takam akong matikman 'yon?" Tinawanan niya lang ako. Dahil doon ay ngali ngaling sinapak ko siya pero nakailag din naman kaagad siya kaya hindi siya tinamaan.

"Dahil may pangil man o wala. Ay nananalantay pa rin sayo ang dugo ng isang bampira. At isa pa, ilang araw na lang ay eighteen kana. Kaya mas malakas na ang epekto ng dugo ng tao sayo." Umupo siya at kinuha niya ang isang bato na sakto lang ang laki para mabitbit gamit ang isang kamay.

"Hold this." Tinanggap ko naman iyon.

"Hold that.. thightly." Na ginawa ko naman kaya nadurog sa mga kamay ko ang kaawa awang bato.

"See.. mas nagiging malakas ka ngayon. At kapag hindi mo iyan na-control. Ay pweding mo itong ikapahamak. At pwedi ka pang makapanghamak din ng iba."

Lumunok ako ng laway bago magsalita, "pumapayag na ako." Nagtitigan kami, at kahit hindi na muling magsalita ang isa sa amin, ay nagkakaintindihan na kami.

Ang ibig kong sabihin. Ay pumapayag na ako na tulungan niya akong ihanda ang sarili sa araw ng pagpapalit ko ng edad.

JP CAVALLER WRIGHT