Chereads / FANGS OF ANGEL / CHAPTER 2: NEW PRINCE

FANGS OF ANGEL

JP_Cavaller_WRight
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 9.1k
    Views
Synopsis

CHAPTER 2: NEW PRINCE

FANGS OF ANGEL

CHAPTER 2: NEW PRINCE

I found myself walking on the aisle that

filled with pink rose petals. Pero hindi ito kasal, it's my debut. I wear a long red gown na iba sa naunang gown na dapat ay isusuot ko ngayong birthday ko.

Tumingin ako sa harapan at napangiti ako ng makita ang mga taong mahahalaga sa buhay ko. My parents, friends, neighbors, and.. a stranger? Hindi ko kasi matukoy kung sino 'yong nakatalikod na lalaki sa dulo ng red carpet na paglalakaran ko. Pero parang may kakaiba sa kanya dahil hindi ko magawang ialis ang tingin ko dito.

Mula sa dulo ay parang tatlong hakbang lang ang ginawa ko dahil sa bilis na nagawa ko kaagad na makalapit sa lalaki. Siguro hindi ko napansin ang adrenaline rush ko sa paghahangad na makalapit kaagad sa nakatalikod na lalaking iyon. Malakas kasi ang pakiramdam ko na.. kilala ko siya.. o nakita ko na siya? Sana lang ay hindi nila napansin ang mabilis na paggalaw ko.

"Papa?!" Mabilis na namuo ang mga luha sa eye lid ko, pagkalingon ng lalaki.

"Happy birthday anak." At niyakap ako nito. I hug him back. Naramdaman ko na bahagya siyang gumalaw ng may pag aanyaya na gumaya din ako sa kanya.

I thought, that this moment, to dance with my father, will never ever happen again. Pero ito, at totoong totoo na kasayaw ko siya. Kaysarap sa pandinig ng musika.. I stared at my papa's eyes as we dance. Wala akong maramdaman o napapansin man lang na ang mga pangyayaring ito ay hindi totoo. This is really real and it's not just a dream.

"Anak.. ito na ang oras ng paglabas ng iyong pakpak. But remember.. you are not a bat. But a beautiful angel." Nagpapatuloy ang aming pagsayaw kasabay ang musika na kaysarap sa tenga.

"Xshia Shxiuo!." Nagulat ako at napalayo dahil sa huling sinabing iyon ni papa. Kakaibang salita na hindi ko maintindihan at higit sa lahat, ay nag iba ang boses niya.

"Sino ka?!" Ngumiti ito sa akin at tinakpan niya ng kanan niyang kamay ang kanyang mukha. At ng muli niyang ialis iyon ay nag iba na ang itsura niya. "Tyler!"

Siya 'yong lalaking nakita ko nung isang araw na sumusunod sa akin. Matalas ang memory ko kaya natatandaan ko pa ang pangalan niya nung nagpakilala siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nagsisitayuan na naman ang mga balahibo ko.

Lumingon ako sa mga kasama ko at lalo pa akong nahintakutan ng makita na mga nakahandusay na silang lahat sa sahig at duguan.

Dahan dahan akong dumilat at napasigaw dahil sa galit na mukha ng aming math teacher. Ang mukha niya kasi ay sobrang lapit sa mukha ko at mukhang kanina pa niya ako tinitingnan at iniintay lang na kusang magising. Lahat naman ng mga kaklase ko ay nagsitawanan. Maliban lang kay Stevan. Si Emely na bestfriend ko pang ituring ay nakikitawa rin at ng tiningnan ko siya ay nag peace sign lang ito at nagpatuloy pa sa pagtawa.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at ang nangyari debut ay panaginip lang. Pigil ang galit, ay inabot na lang sa akin ng teacher ang chalk na hawak nito at itinuro niya ang mga nakasulat sa pisara na puno ng mga equations. Tinitigan ko lang ang mga iyon ng limang sigundo, bago ko inihakbang ang mga paa ko para lumapit sa pisara at sagutan ang mga iyon.

Sinulat ko ang mga quadratic formula na naaayon sa sagot na hinihingi ng equations. X is equals negative b plus or minus, square root of b2 minus 4 ac over 2a.

At ang iba naman ay Xsquare plus 4x plus 3 equals zero. Pinahaba ko lang ng konti ang mga formula na ginamit ko sa pag su-solve. Na sa dulo ang sagot lang pala ay X is equals to negative 1 or X equals to negative 3.

Manghang mangha ang lahat ng mga kaklase ko dahil sa walang hirap kong pagsagot sa mga equations na itinuturo sa amin ng teacher, kahit pa ay nakatulog ako. Nagsipalakpakan naman silang lahat maliban lang kay Gwen. But I don't care. Nag bow ako sa harap nila at nagpasalamat bago ako bumalik sa aking upuan.

"Angel, after class pumunta ka sa faculty. May pag uusapan tayo."

BREAK TIME

na at ang mga kagrupo ko sa drama ang mga kasabay kong kumain sa canteen. Maliban lang kay Marcus dahil sumabay ito sa mga kaklase niya sa ibang subject. At kay Gwen, na sumabay naman sa iba naming mga kaklase na mas ka close niya kaysa sa amin.

Hindi ako madalas na magbaon ng pagkain. Pero ngayon ay may dala akong lunch bag dahil nagluto si mommy para sa akin na gustong niyang baonin ko. Binuksan ko na nga ito at ang isang bandel ng maliliit na pink enveloped ang kaagad kong napansin.

Napasinghap naman si Emily at inagaw nito sa akin ang nakitang mga envelope na hawak ko. Kumuha siya sa isa sa mga iyon at walang pasabing binuksan ito. "Debut party!" Excited na sigaw ni Emily kaya tinakpan ko tuloy ang bibig niya.

"Huwag ka ngang maingay!" Sabi ko.

Malakas ang pakiramdam ko, kaya bago pa man makalapit ang isang tao sa akin ay alam ko na kaagad na lalapit ito. But this time.. ay hindi ko namalayan ang presensya ni Gwen ng makalapit ito sa amin at kinuha niya ang bandel ng invitation cards ko. Tumayo ako para sana agawin iyon sa kanya pero mabilis din siyang kumilos para hindi ko siya mahawakan.

"Turning 18 next weekend huh?" Ngumiti siya. "Don't worry I will help you to distribute this." Halata na inaasar niya ako.

Gusto kong mag protesta pero sa galit na nararamdaman ko ngayon ay parang gusto kong sakalin na lang si Gwen. "Angel.. xiahh sxhiee xhioew" Iyon na naman ang mga kakaibang bulong na iyon na hindi ko maintindihan. I know it's Tyler! Ano bang kailangan niya sa akin?! Masyado ng masakit sa tenga ang misteryosong pagbubulong niya sa akin from somewhere.

Namalayan ko na lang na nabitawan ni Gwen ang mga invitation cards na inagaw nito at takot na takot siyang nakatingin sa mga mata ko. Para bang may nakita itong kahindik hindik na bagay. Lalapitan ko sana siya kaya lang ay bigla na lang siyang tumakbo.

"What's wrong with her?" Tanong ng isang babae na kasama sa mga nakikiisyoso sa amin.

Parang biglang may kapangyarihan akong naramdaman dahil dahan dahan akong napalingon sa labas ng canteen kahit hindi ko naman plano na tumingin dito. Iyon pala ay nakatayo din doon si Tyler at matalim ang pagkakatitig niya sa akin. Pagkatapos kumurap lang ako ay nawala na kaagad ito sa lugar na kanina lang ay kinatatayuan niya.

AFTER NG KLASE

ay napag usapan namin na magpractice na ng drama sa stage theatre ng school namin. Pero dahil kailangan ko munang magpunta sa faculty ay pinauna ko na muna ang mga kagrupo ko sa stage at susunod na lang ako pagkatapos ng meeting namin ni ma'am Delcosa ang professor namin sa math.

Si Gwen naman ay hindi na namin nakita mula nung mag walk out siya sa canteen kanina. Nag message na lang siya sa amin na hindi siya makakasama dahil biglang sumama daw ang pakiramdam niya.

"Miss Del Monte. Aware ka ba, na you are candidate to be a suma cum laude this year?" I nooded. I always in the top rank in our school. And I never got a failed grade.

"Alam mo ba kung bakit gusto kitang kausapin ngayon?" Nahihiya na napatungo ako sa kasunod na sinabi niya. This is my first time na napatawag ako sa faculty.

"Gusto ko lang na malaman mo na hindi lang kami nagbi base sa talino ng tao. Kundi maging sa character. Alam kong desiplinado at may respeto kang studyante. Pero hindi ko pweding palampasin kapag naulit pa na natutulog ka sa klase ko. Kung ikaw ang magiging suma cum laude ng school na ito ay dapat na maging mabuting ehemplo ka sa lahat."

Nang matapos ang pag uusap namin ni maam Delcosa. Ay nagmamadaling tinakbo ko na ang school theatre kung saan kami mag pa practice. Kung tutuusin in just a seconds ay kaya kong makapunta doon kaagad. Pero siyempre hindi ko pweding gawin iyon lalo na dito pa sa school. Malaking gulo kapag may makapansin sa akin na may ganoon akong akaibang kakayahan.

Pero habang tumatakbo ay may humawak sa braso ko pero bago ko siya lingunin ay napunta na kami sa ibang lugar na walang ibang tao kundi kaming dalawa lang nung taong pumigil sa pagtakbo ko----si Tyler. Pero hindi ko lang sigurado kung tao nga ba siya..

"Ano ka? At anong kailangan mo?"

"Magandang katanungan.. ano.. ako?" Nakangiti niyang sabi at naglakad siya paikot sa akin. Hindi ko naman siya nilulubayan ng tingin. "Ano ba ang sa palagay mo?" At ipinakita niya sa akin ang mga pangil niya at ang paghaba din at pagtulis ng mga kuko niya.

"May ipapakita ako sayo." Bigla na lang siyang nasa harapan ko. At bago pa ako makapag protesta ay hawak na niya ang isang braso ko. Gamit naman ang matalas niyang kuko ay mabilis niyang sinugatan ang braso ko dahilan ng pag agos ng mga dugo dito.

"A-anong ginagawa mo?!" Asik ko at naitulak ko siya kaya tumalsik siya ng ilang metrong layo. Pero ng tumayo ulit siya ay wala pang tatlong segundo, ay nasa harapan ko na ulit siya at ng magtama ang mga mata namin ay nakita kong iba na ang kulay ng lens ng mga mata niya. Kulay berde..

"Pinapakita ko lang sayo. Kung ano tayo." At tumingin siya sa braso ko. Nang tiningnan ko rin ito ay wala na ang sugat sa braso ko. Kundi ang mantiya na lang ng sarili kong dugo.

Naglabas naman siya ng kutsilyo at halos napasigaw ako ng sasakin nito ang sarili niya. Bumaon ang kutsilyo sa tiyan nito ngunit wala namang lumalabas na dugo.

Inangat niya ang damit na suot niya upang ipakita sa akin ang sugat na natamo niya dahil sa saksak. At kitang kita ko ang lalim ng sugat sa tiyan niya pero wala namang dugong umaagos at ang nakakapagimbal pa dito ay unti unting bumabalik sa dati ang balat nito hanggang sa wala ng bakas ng sugat pa akong nakikita dito.

"We are vampire. Ang pagkakaiba nga lang natin is I am pure vampire. And you are half human."

Pure vampire and half human? Iyon ba ang dahilan kung bakit may dugong lumabas sa akin nung sinugatan niya ako, samantalang wala namang lumabas na dugo sa kanya ng saksakin niya ang sarili niya?

"Bakit ako magtitiwala sayo?" Tanong ko.

"Because you can't trust human once they realized who you really are. Katatakutan ka nila.. at kamumuhian." Biglang bumalik sa isip ko kung papaano kami kinuyog ng mga tao at kung papaano din nila pinatay ang mga magulang ko.

Napatungo ako at pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko. Ayaw kong ipakita sa kanya na umiiyak ako. Sinundan niya lang lang ako ng maglakad ako papunta sa duyan na nandodoon. Umupo ako doon ay umupo din siya sa isa pang duyan na katabi ng duyan ko.

Tumingin ako sa kanya. "Papaano mo ako nakilala?"

"My parents told me about you. At kami lang ang nakakaalam ng tungkol sayo." Patuloy lang akong nakinig sa mga sinasabi niya.

Ipinaliwanag niya na magkaibigan daw ang mga magulang niya at ang papa ko dahil..

"Dating tagapag silbi ng ama ko ang papa mo." Tagapagsilbi? Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi kami mayaman para magkaroon ng tagapagsilbi.

"Dahil ang papa mo, ay prinsepe ng mga bampira." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.

Napatayo ako. "Hindi totoo iyang sinasabi mo!"

"Isang batas para sa mga bampira na hindi dapat umibig sa isang mortal na tao. At iyon ang ginawa ng papa mo. Umibig siya sa iyong ina na isang tao kaya tinanggal sa kanya ang pagiging prinsepe ng mga bampira. Dahil doon ang kanilang pamilya na siyang pinakamataas na pamilya sa mundo ng mga bampira ay napalitan na ng pamumuno ng mga El Greco." Bigla akong kinabahan ng marinig ko ang salitang El Greco.

"Angel, nandidito ako para tulungan kang ihanda ang sarili mo sa pagiging ganap na bampira mo sa pag sapit mo sa edad na labing walo. At kapag labing walong taong gulang kana, ay makikita ka na sa vision si Sander El Greco. Na siyang bagong prinsepe ngayon ng mga bampira. At kapag nangyari iyon, ay hahanapin ka niya upang patayin."

JP CAVALLER WRIGHT