Chereads / FANGS OF ANGEL / Chapter 2 - CHAPTER 1: ANOTHER VAMPIRE

Chapter 2 - CHAPTER 1: ANOTHER VAMPIRE

FANGS OF ANGEL

CHAPTER 1: ANOTHER VAMPIRE?

Mula paa hanggang ulo ay manghang mangha akong pinagmamasdan sa harap ng salamin ng aking mama. Kahit naman ako ay nagagandahan rin sa bagong damit na suot ko. Hindi ko ipagkakaila na sobrang bagay sa akin ang kulay carnation pink na gown na isusuot ko para sa aking gaganaping debut.

"I miss you mama.." I said.

"Ohh.. my Angel. I miss you so much! But look at you now. You look different and mature woman." Nakatayo siya sa likod ko at muling nagtama ang mga mata namin sa salamin.

"Kitang kita sayo ang mga nalampasan mong hamon sa buhay. Dalagang dalaga kana.." I wish.. it was really true. That I really could hear her voice, that my mama and papa was here beside me. At sila ang kasama kong magse-celebrate ng pinaka inaabangan naming pag de debut ko. But this is just my illusion.

Sampong taon na ang nakalilipas, matapos ang malagim na pangyayaring iyon sa pamilya namin. Ang duguang mga magulang ko habang nakikipaglaban sa kamatayan nang araw na iyon, ang tangi nilang alaala na iniwan sa akin. At mula noon, hindi ko na sila nakita pa..

Sandali akong pumikit upang muling balikan ang mapait na alaalang iyon matapos akong tumakbo palayo sa aking mga magulang.

Napakabilis ng pagtakbo ko sa kagubatan hanggang sa makarating ako sa gitna ng highway. Ngunit huli na para iwasan ko ang mabilis ding pagharurot ng isang bus at tuluyan itong sumalpok sa akin. Sa lakas ng impact ng sasakyan na bumunggo sa akin, ay mabilis akong tumalsik ng ilan ding metro.

Naririnig ko ang pagkakagulo ng mga tao sa loob ng bus na iyon. Pinipilit ko ang sarili kong bumangon kaya kahit malayo ako ay kitang kita ko pa rin ang mga nangyayari sa loob ng bus. Maraming mga batang katulad ko ang sakay ng bus na iyon at dahil sa takot nila dahil sa aksidenteng nangyari ay nagsisiiyakan ang karamihan sa kanila.

"Ohh.. shit!" Napapasapo sa kanyang ulo ang driver ng bus ng nakalapit na siya sa akin.

"H-help... m-me.. p-po.." hinang hina kong pagsasalita. Ni hindi ko na maigalaw ang katawan ko sa sobrang pagod na nararamdaman ko. Bumama na rin ang ilang mga matatanda na sakay din sa bus na iyon at nasisindak na pinagmasdan nila ako na halos wala ng buhay. Unti unti namang nanglalabo ang paningin ko.

*Knock knock*

Marahang mga katok sa pintuan ang pumukaw sa aking malalim na pag iisip. Pero hindi ko na kailangan pang maglakad upang lumapit sa pinto dahil kusa na ring bumukas ito. I know it's my mommy, because I can smell her.

Naglakad ito palapit sa akin at tuwang tuwa niyang hinawakan ang mga kamay ko habang pinagmamasdan ako. "Wow! You look stunning my daughter!"

Siya si Mrs. Mercy Del Monte at ang asawa naman niyang si Aljandro Del Monte ang mga umampon sa akin.

Well, kung itutuloy natin ang kwento matapos ang pagkabunggo ko sa bus. Ay nagising na lang ako sa isang hospital at may dalawang madre ang nagbabantay sa akin doon. Sila daw ay kasama sa sakay ng bus na bumunggo sa akin.

Isang malaking himala nga daw ang aksidente dahil nabuhay pa rin ako at kakaunti lamang ang galos na natamo ko. Samantalang ang bus matapos nitong bumunggo sa akin ay napipi ang unahang bahagi nito. Walang nakakapagpaliwanag kung papaano iyon nangyari.

After kong ma-released sa hospital ay sa bahay ampunan ako dineretso ng mga madreng umasikaso sa akin. Sinabi ko kasi sa kanila na wala na ang mga magulang ko dahil pinatay sila ng mga masasamang tao sa lugar na pinanggalingan ko.

Ilang araw lang akong namalagi sa loob ng bahay ampunan na iyon dahil kaagad din namang may kumupkop sa akin. At iyon, ay ang mag asawang montinegro.

Nasa hapag kainan na kami at tahimik na kumakain. Sampo lang kami sa mala palasyong bahay na ito. Kasama ang pito naming mga kasambahay. Mayaman ang pamilyang montinegro. Pagmamay ari nila ang isa sa pinakamalaking kompanya sa maynila. Kahit na hindi nila ako tunay na anak ay never nilang ipinaramdam iyon sa akin. Ipinaramdam nila sa akin ang pinaka the best na pagmamahal na pinapangarap na maranasan ng lahat ng mga anak. Binibigay nila sa akin ang lahat ng aking mga pangangailangan, kahit hindi ko naman ito hinihingi sa kanila. Siguro nga, nagiging balanse lamang ang mundo. Pinapalitan nila kung ano ang nawala sa iyo.

"Hmm.. mom.. dad.." nagpapalit palit ang mga tingin ko sa kanila. Bago ko itinuloy ang gusto kong sabihin. "Kung maari lang po sana.. ayoko po ng masyadong magarbong debut. Kontento na po ako sa simpleng handaan lang. Kasama kayo, at ang mga kaibigan ko."

Ang mag asawa naman ang nagtinginan sa bawat isa. Tila ba pinapakiramdaman nila kung sino ang mauunang magsalita sa kanilang dalawa. Bumuntong hininga si mommy at bago siya nagsalita ay tiningnan niya ako sa mga mata habang hinawakan niya naman ang kanang kamay ko. "Anak.. alam mo namang matagal na naming pinaghandaan ito ng daddy mo diba."

"But mom.." I tried to explain sa paraang hindi ko sila ma-o offend. Pero biglang nagsalita si daddy.

"Besides, isang beses lang sa buhay mo mangyayari ang debut. Kaya please, hayaan mong gawin namin ng mommy mo ang pinakabest para sa birthday mo. Dahil nag iisa ka lamang naming anak." Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng konsensya. Kaya labag man sa loob ko, ay sumang ayon na lamang ako sa kagustuhan nila.

Kinabukasan sa loob ng cafeteria, kasama ang mga kaklase ko. Ay magkakasama kaming nakapalibot sa iisang lamesa. Pag uusapan kasi namin ang aming magiging drama sa school theatre na isa sa mga project namin para sa subject na litterature.

Ako ang ginawa nilang director slash actress. Si Gwen naman ang writer ng story sa i-a acting namin, si Stevan ang isa sa mga bida at ang iba pang mga actor ay sina Marcus, Dominic at Emily. Ibinigay muna sa amin ni Gwen ang mga print ng script na isinulat nito.

"Guys, believe me. Halos wala akong tulog kagabi para lang tapusin ang script na 'yan. Kaya Marcus.. please lang huwag mong tawanan!" Inis na saway nito sa isa naming kagrupo na natatawa habang binabasa ang mga nakasulat sa script.

"E sorry naman! Hindi ko kasi ma-imagine na maghahalikan pala dito sina Dominic at Emily." Dahil sa sinabing iyon ng pilyong si Marcus ay pinamulahanan tuloy ng mukha si Emily.

"And so? It's just a story kaya huwag mong lagyan ng malisya. Mabuti pa sina Stevan at Angel kahit may kissing scene din sila dito ay hindi naman sila natatawa." Nagkatinginan kami ni Stevan na ngayon ay biglang na-tense habang inaayos nito ang eyeglasses niya. Narinig ko pa ang paglunok niya ng laway at ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso nito. Yes, sa sobrang talas ng pandinig ko ay kaya ko ding madinig maging ang pagtibok ng puso ng isang tao.

Nagpatay malisya na lang ako at sumipsip muna ako sa straw ng kape ko bago ako nagsalita. "Gwen is right. This is just an acting, so don't put malice in any scene that we are gonna do here. But make it serrious okay. Every practice, let's do our very best to produce the worth to watch production. Are we all agree?" Tiningnan ko sila isa isa sa mga mata at lahat sila tumango tango bilang pagsang ayon.

"Yeah.. we agree." Wika ni Dominic na masama na ang tingin kay Marcus.

At ipinaliwanag na nga ni Gwen ang istorya. "This is about the vampire who got in love with the human. This story will also tackle about the acceptance, forgiveness and true love."

Pagkatapos magpaliwanag ni Gwen ay nagbigay na sila ng mga kani-kanilang suggestions para sa drama. Pero naramdaman kong unti unting nagsisitaasan ang mga balihibo ko. Dahil bigla na lang ay may naririnig akong parang bumubulong sa akin.

"Umalis kana diyan ngayon din.." nag e-echo ang misteryosong boses sa iyon sa pandinig ko. Pero hindi ko naman matukoy kung saan iyon nanggagaling.

"Uhmm.. Angel, okay ka lang ba?" May pag aalalang tanong ni Emily sa akin. Lahat tuloy sila ay mga nakatingin din sa akin.

Pilit ang pagngiti kong sinabi sa kanila na okay lang ako at walang dapat na ipag alala.

Bigla naman akong parang masusuka sa naamoy. Alam kong nanggagaling iyon sa pagkain na bitbit ng isang babaeng service crew. Ilang metro ang layo niyon sa akin pero labis na nadi-distract ako sa amoy. "Sir heres your order, Garlicky Avocado Grilled Cheese With Tomato Pesto." Narinig ko pang sinabi ng crew sa costumer na um-order ng pagkaing iyon.

Nagsalita naman si Gwen. "Angel, if you need to go home. It's okay. Ako na muna ang bahala dito. Because you look pale.." At tumingin siya sa mga balat ko. "I mean.. alam naming sobrang puti ng balat mo. But this time, we felt something is wrong."

Gusto kong magpasalamat kay Gwen sa sinabi niyang iyon. Hindi ko na kailangang mag excues para umalis na. "Are you guys sure.. okay lang sa inyo?"

"Yes, babalitaan ka na lang namin." Sabi pa ni Gwen. Nakita ko namang nakiayon pa si Emily. Kaya tumayo na rin ako. Dahil hindi ko na talaga kaya pang magtagal sa lakas ng amoy ng bawang.

"Angel, ihahatid na kita." Si Stevan. May kahulugang napangiti naman si Marcus at pasimpleng inasar pa nito ang kaibigang si Stevan. Nag clear troat pa kunwari ito.

"Ehem.. ehem.."

"No need. Thanks na lang Stevan." At nagpaalam na nga ako sa kanila. Parang natataeng nagmamadaling lumabas ako sa Cafeteria na iyon. At sa labas kahit malayo na ay naririnig ko pa rin na pinagtatawanan ako ni Gwen. Napailing iling na lang ako at naglakad na pauwi.

Habang naglalakad ay biglang bumalik sa isip ko ang misteryosong boses na naririnig ko kanina sa loob ng cafeteria. Sino kaya iyon? Or baka ilusyon ko na naman.

I prefer walking towards our home. Hindi kasi ako mabilis na mapagod. Ngunit sa paglalakad ko, kagaya kanina, ay bigla na namang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa hindi malaman na kadahilanan.

Nagpalinga linga ako sa paligid dahil pakiramdam ko ay may mga matang nakamasid sa akin. Pero wala naman akong nakitang kakaiba. Baka nga napa praning lang ako dahil sa kung ano anong naiisip.

"Angel.." napahinto ako ng muling marinig ko ang boses na iyon.

"Sino ka?" Nasa tagong iskinita ako kaya okay lang kahit na magsalita ako dahil wala namang taong makakarinig sa akin. Maliban na lang siguro sa misteryosong lalaki na bumubulong ngayon sa akin. Malakas ang kutob ko na may koneksiyon siya sa pagkatao ko.

Huminto lang ako saglit at nag concentrate ako para hulihin siya. At nung makita ko na nga siya ay dali dali akong kumilos, kaya kaagad ay napunta ako sa harapan niya. Mula sa ibaba, ngayon naman ay nakatayo na kami sa itaas ng hagdan sa may gilid. Hawak ko siya sa magkabilaang braso niya.

"Sino ka?! Bakit mo ako sinusundan.." mabilis na itinaas naman nito ang mga kamay niya at bahagyang dumistansya sa akin.

"Woah, wait young lady! Hindi ko inasahan itong ginawa mong paghuli sa akin." At napailing ito. "Ibang klase ka."

Humakbang ako palapit sa kanya pero mabilis siyang nakakilos na in-an-instant ay nasa baba na kaagad siya. Kaya nakatingala na siya ngayon sa akin.

"Gusto ko lang na malaman mo na hindi mo ako kalaban. Im Tyler, by the way. At mula ngayon, magkaibigan na tayo." Kinindatan niya ako at ng ngumiti ito ay nakita ko ang mga pangil niya. Pagkatapos ay nagsuot siya ng sumbrero at mabilis siyang naglaho sa paningin ko.

Alam kong malayo na siya dahil hindi ko na nararamdaman ang presensya niya.

JP CAVALLER WRIGHT