Chereads / MIND DREAMS / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Maaga akong nagising kinabukasan.Matapos kong ligpitin ang aking kama ay ginawa ko na ang morning routine ko. Maya maya lang ay lumabas na ako medyo may ulan pa rin kaya malamig ang panahon ito ang gusto ko kapag umuulan gugustuhin mo na lang na manatili sa kwarto magbasa at uminom ng mainit na kape. This is what i like the most when i have my free time to rest and do the things that help me to calm.

Pagkarating ko sa kusina habang nagtitimpla ako ng kape napansin kong wala ang pusa laging nasa bintana ko si karuphine. Lagi siyang nakatambay doon minsan naman nasa tapat ng pinto na parang hinihintay akong makauwi.

Nang sumapit na ang patanghali naisipan kong pumunta sa palengke para bumili ng groceries para sa bahay. Magsisimula na rin ang klase kaya kailangan ko mag stock ng mga kailangan ko siguradong wala na akong oras para dito. Mabuti na lamang at nakapasok pa rin ako sa pagiging scholar sa Universtiy na pinapasukan ko. I am now a second year college taking up a Mass Communication sa Sakura University sabi nila mahirap daw ang mga exam doon at sa tingin ko isa ako sa mga pinalad na makapasa. Kailangan mo lang talaga mag aral ng husto at magtiwala sa sarili mo syempre wag kalimutang magdasal.

Nakarating na ako sa palengke kung saan ako mamimili medyo kunti lang din ang tao dahil sa maulan na panahon. Kailangan ko din pala bumili ng pagkain ni karuphine . Malaking pusa din siya hindi ko alam kung may nagmamay-ari sa kanya kasi hindi naman siya pumapayat.Nang makita ko na ang aking hinahanap ay pumasok na ako, isa itong cat shop bumili na ako agad ng pagkain . Pagkatapos ko ay umuwi na ako pagkarating ko sa apartment ay dumeretso na ako sa kusina napansin ko na nadoon yung pusa sa sala natutulog sa aking maliit na sofa. Nagtaka ako paano siya nakapasok.

Sa tingin ko naramdaman niyang may nakatingin sa kanya dahil nagising ito. Dahan dahan akong lumapit sa kanya.Hindi ko naman siya lagi nahahawakan kaya medyo hindi din ako kampante na hindi siya nangangagat.

"Meooww,meooww paano ka nakapasok dito saan ka dumaan? " Sabi ko sa kanya thingking that she will answer me back.Sumagot naman siya kaya lang sa paraan na hindi mo maiintindihan

"Meoww moeww" napangiti na lang ako tinigilan ko na siya baka hindi ko kayanin kung sagutin niya ko sa paraan na magkakaintindihan kami

Mabilis lumipas ang araw yung isang linggo bago ang pasukan ngayon ay dalawang araw na lang. Nandito ako ngayon sa office ni Ms. D paguusapan namin kung paano ang magiging shif ko dito sa book cafe, siya pa mismo ang nagsabi sakin kung paano ang magiging schedule ko sa darating na pasukan.

"Well dalawang araw na lang at simula na ang pasukan we need to fix your schedule as early as now para maging maayos ang oras mo. Meron ka na bang schedule for your class? " tanong niya

"Wala pa po Ms. D bukas ko pa po makukuha. "sagot ko

" Pagkakuha mo ng schedule dalhin mo dito sa office pagusapan natin ang shift time mo. Wala ka naman pasok bukas dito diba? "

" Papasok po ako bukas ,may kailangan kasing lakarin si ste shane sa hapon kaya ako po ang papalit ."

"O sige pero before you start tommorow bring me your schedule ok? You can leave now "

Nagpaalam na ako at lumabas tulad ng una kong pasok dito marami pa rin ang customer araw araw.

Pumunta na ako sa designated area ko ngayon araw ako ngayon ang magaayos ng mga libro Massabi kong ito ang gusto gusto kong gawin dahil dito marami akong na didiskubreng libro na tingin ko ay magandang basahin .

"Hmm Excuse me Ms." Narining kong tanong ng isang lalaki sa tingin ko ay bago customer lang to dahil ngayon ko lang nakita ng mukha niya. Nandito kami sa third floor ng cafe bihira ang pumupinta dito dahil puro lumang libro ang nandito.

"Yes Sir, how may i help you? " sagot ko dahil feeling ko isa siyanh dayuhan.

"I'm looking for a book that talks about Time. Like any related book will do?" tanong niya

"Yes sir but mostly the book is on the first floor. All the books here are old, like ancient time. Is that ok? "

Tumango siya sinamahan ko siya kung nasan ang mga libro habang papunta sa section kung nasan ito nilibot ko ang aking tingin at tama ako kami lang dalawa ang naririto.

Tunuro ko sa kanya ang mga book shelves ng mga libro na hinahanap niya sinabi ko na din ang mga rules bago magbasa ng libro. Isa na doon ay hindi niya pwede ilabas ang mga iyon. He needs to be within the area. Pumayag naman siya ng sa tingin ko na maayos na siya iniwan ko na lamang siya doon.

Mahigit tatlong oras din ako ng matapos sa paggayos ng umalis ako sa thirdfloor ay nakita kong nandoon pa din ang lalaki. Pinabayaan ko na lamang siya sa tingin ko nageenjoy siyang basahin ang librong hawak niya.

Naging maayos naman ang araw ko ngayon umaga ay pupunta ako sa University para kunin ang schedule sa pagpasok sa susunod na araw. Pagdating ko doon ay marami na ring estudyante ang makikita mong nakapila. Makikita mo sa kanila ay masaya sila sa pagkuha ng kanilang schedule meron namang parang naiinis na dahil sa haba ng pila, may mga magkakagrupo meron din naman na nagiisa lang.Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sakin sa taon na ito pero sana maging maayos kahit papaano. Inabot din ako ng mahigit isang oras para sa pagkuha ng schedule ko.

"Here is your schedule Ms,"

"Thank you Ma'am" pag katapos ko na ang makuha ay umalis na ako medyo mahaba pa anv oras ko para sa cafe naisipan ko munang maglibot libot.Napadpad ako sa isang lugar kung saan maraming tao nakatambay mga nagpapalipas oras din siguro.

Umalis na din ako pagkatapos ng isang oras para dumeritso na sa cafe. Dumating ako kalahating oras bago magsimula ang aking trabaho dumeritso muna ako sa office ni Ms. D siya na daw bahala at balikan ko na lang pagkatapos ng aking trabaho. Naka asign ako sa counter ngayon.

"Hi Isang Café Au Lait please and a Slice of Paris-Brest"

"Sandali lang po" Ngumiti ako bago ko binigay ang order niya

"Thank you" Tumalikod na siya pagkatapos niyang makuha ang order niya

Hinabol ko na. lamang ng tingin ang babae hanggang sa makaupo ito sa lamesa .