Isang abalang araw na naman ngayon pagpasok ko pa lang sa cafe ay nakikita na ang mahabang pila at mabilisang paglinis ng kalat sa bawat lamesa ng bawat crew.
"hey Yanna pwede bang ikaw muna ang bahala counter tulungan mo muna si Denise doon." Bungad sakin ni Ms.D.
"Sige po Ms" agad na ako nagbihis ng marating ko na ang locker namin. Pagkalipas ng ilang minuto ay pumunta na ako sa counter naghanda na mga kailangan. Naglabas na din ako ng mga dessert ng wala na sa Counter.
" 2 Cafe Breve please "
"300 po" sabi ni Denise na mabilisang nag tatype sa computer niya
"2 Cafe Cortado and 3 Cafe Americano take out please"
" Coming up. Pa wait na lang po sa side. Next po " lumapit na ako sa kanya ng matapos na ko sa ginagawa
" Hey! Ako na dito sa ibang order" tawag ko sa kanya
"Thanks Yanna " binigay naman niya agad ang mga order na naka pending. Agad ko naman itong ginawa hindi naman mahirap dahil bago ka magsimula ay may mga background kana sa bawat gawain.
Buong magdamag ganoon ang eksena sa loob ng cafe Isang oras bago matapos ang shift ko ay saka lang humupa ang tao sa loob. Ramdam ko ang pagod sa mga kasama ko sa cafe.Hindi naman ganoon lagi ang sitwasyon marami man pero walang tensyon kang mararamdaman.
Nang wala ng masyadong pumapasok ay nagligpit na kami. Pagdating ng alas dose ng gabi ay wala naman masydong dumadating na customer kaya kahit magpahinga ka ay ayos lang. Ilang minuto ang nakalipas ay nagayos na din ako para maghanda sa paguwi. Ala Una ng madaling araw kaya wala na masyadong tao ang makikita sa labas.
"Bye guys una na kami kitakits na lang mamaya " paalam nila bago lumabas
Nauna na din ako lumabas para umuwi na. Napatingin ako sa paligid sobrang tahimik madilim..
" Ikaw Yanna gusto mo ihatid ka muna namin ?" tanong ni kuya Renzell
"Hindi na po kuya malapit lang naman yung aparment ko dito" sagot ko
"Sigurado ka wala kang kasama sa paguwi " tanong naman ni ate goldie
"Ayos lang po may ilaw naman sa dadaanan ko saka mapapalayo pa po kayo " tanggi ko sa kanila. Kahit na natatakot ako maglakad magisa pero alam kong pagod na din naman sila.
"O sige ikaw bahala. Tawagan mo kami kung sakali. " tumango naman ako para hindi na din sila magalala
Tumalikod na din sila at naglakad sa kanya kanya patutunguhan. Nagpahinga naman ako ng malalim bago magsimulang maglakad.
Napatingin ako sa langit habang naglalakad. Maliwanag ang kinang ng bawat bituwin sa langit sabayan pa ng malamig at mahalimuyak na hangin. Masarap maglakad nakakalma pag ganito parang dinadala ka sa ibang mundo.Ganoon lang ang ginawa ko habang naglalakad.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko may kakaiba akong nararamdam nitong mga nakaraang araw. Pakiramdam ko galing ako sa ibang lugar dahil meron mga pangyayari na kikita ko pero pagmulat ng aking mata ay nakakalimutan ko din.
Isang hapon habang naglalakad ako may nakita akong kotse na nakahinto sa kalsada. Hindi ko na sana to papansinin kaso lang ay nakita ako ng may ari. Isang lalaki na parang pamilyar sa akin. Napatitig ako sa kanyang mata kulay abo ito na mahahalata mong isa itong seryosong tao.
"Excuse me Miss " tanong niya ng makita niya ako
"Po?" sagot ko sa kanya habang nagiisip kung saan ko siya nakita.
"Do you know some Cafe here.. Book Dream Cafe to be exact?" tanong niya
"Ano pong kailangan nila?" Nakatingin pa din sa mata niya
"I need something from there. Do you know the place? I've been driving here for an hour i dont see anyone here." Tanong niya habang nililibot ang paningin
"Yes, I know the place Sir. I'm working there." Napangiti siya ng marinig ang sagot mula sa akin.
"Can you lead the way?" tanong niya
Napatingin naman ako sa loob ng sasakyan niya pabalik sa kanya . Nahalata niya siguro na nagdadalawang isip ako sa alok niya.
"Don't worry miss. I'm not the person who you think. I badly need to find that place and i need to go back as early i can."
Napahinga ako ng malalim. Ituturo ko na lang sa kanya ang daan pwede naman siguro yun. Malapit na din naman siya at kunting liko makikita niya din yun.
"Ahm. Ituturo ko na lang sayo ang daan. Dumeristo ka dyan sa daan na yan, tapos sa pangatlong kanto lumiko sa kaliwa tapos deritsyohin mo na lang makikita mo na yung cafe. " turo ko sa kanya. Pagtingin ko sa kanya nakita ko pa ang pagiling niya.
"Hindi mo talaga ako sasamahan huh!"
"Hindi ka naman maliligaw. Madali lang naman ang daan" sagot ko sa kanya.
Isang iling lang ang naisagot niya bago tumalikod para sumakay sa sasakyan at nagsimula ng mag drive. Hinintay ko muna na makalayo siya bago ako nagsimulang maglakad.