Chereads / MIND DREAMS / Chapter 9 - Chapter 8

Chapter 9 - Chapter 8

Naghahanda na ako ng tanghalian ng marinig kong may kumakatok sa aking pintuan. Napatingin din si Karuphine. Naistorbo kasi ang tulog niya dahil malapit siya sa may pinto. Nagtaka ako dahil wala naman akong inaasahan na bisita nakabayad na din naman ako ng upa sa bahay. Binuksan ko muna ang pintuan dahil tumingin na din sa akin si karuphine na parang sinasabi na wala ka bang balak buksan ang pinto. Itong pusa na to akala mo naman kung makatingin siya kaya ang walang ginagawa sa amin. Lol.

Hindi ko inaasahan ang taong makikita ko pagbukas ko ng pinto. Naka casual lang siya ngayon pero mas naging malakas ang dating nito sa kanya. Isang puting T-Shirt, Maong pants and white rubber shoes. May shade din nakasabit sa t-shirt niya.

"Anong ginagawa mo dito? " tanong ko sa kanya hindi na kong nagabala pang mas buksan ang pinto dahil wala naman akong balak papasukin siya.

Tiningnan niya muna ko mula paa pataas sa aking mukha bago sumagot. Mas lalong kumunot ang nuo niya nagsalubong tuloy ang makapal niyang kilay

"Seriously ganyan ka ba sumalubong ng mga taong pumupunta sa bahay mo?" sabi niya. Tiningnan ko muna ang aking sarili. Wala naman mali sa suot ko. Nakasuot lang ako ng isang puting pulo na hindi lalagpas sa aking tuhod. Naka messy bun lang din aking buhok at wala akong suot na sapin sa paa . Ibinalik ko sa kanya ang tingin bago sumagot

"Hindi... Dahil wala naman akong inaasahan na bibisita " sabi ko. Kung iisipin hindi nga magandang tingan sa paningin ng iba pero para sa akin ay ayos lang. Dahil una kagigising ko lang at hindi pa ako nakakapagayos ng sarili, pangalawa wala naman bumibisita sa bahay ng hindi ko alam.

" Pero pwede ka namang magbihis muna bago mo buksan ang pinto" sagot niya sa inis na boses. Bigla na lang niya tinulak ng bahagya ang pinto sapat lang para mapaatras ako ng kunti dahilan para mabuksan ang pinto ng tuluyan. Kaya nakapasok siya sa loob. Nilibot naman niya ang paningin sa loob ng aking bahay.

"Not bad. Nice place" sabi niya bago dumeristo sa upuan.

"What do you need?" tanong ko ng hindi pa rin sinasarado ang pinto.

"Hindi ka pumasok?" tanong niya

"Obviously!" inis na sagot ko sa kanya

"why?" sagot niya

" Seriously Sir Primo what do you need? Inutusan ka ba ulit ni Ms.D na pumunta dito." tanong ko dahil mukha wala siyang balak sagutin ang tanong ko

" No. Im just wondering dahil hindi kita nakitang pumasok ngayon araw" sagot niya

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot sa kanya. "Its my off." Sinarado ko na din ang pinto at sumandal sa pinto. Pinag cross ko na din ang aking dalawang braso bago siya titigan ulit. "Now answer my question, bakit ka nandito at ano ang kailangan mo?"

"Wala ka bang balak umupo. Are you really showing your legs on me. Just like that. Really? " sabi niya sabay titig sa legs ko

"No. Its not my fault if your eyes wont leave my legs. May balak ka bang sagutin ang tanong ko , kasi kung wala makakaalis kana. Hindi mo ba alam na nakakadisturbo ka? " sagot ko

Seryoso pa rin siyang nakatingin sakin but this time sa mga mata ko na. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag angat ng sulok na kanyang labi.

"Nasagot ko na ang tanong mo kanina pa. Nandito ako kasi hindi kita nakita sa Cafe. Im just checking you out."

"Now that you already saw me. You may now leave. " sabay alis sa pinto para buksan ito. Sana nga umalis na siya. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong tumayo na siya at naglakad papalapit sa may pinto. Ngunit ganun na lang ang kaba ko ng huminto siya sa harapan ko. Napaatras ako ng isa ng humakbang siya papalapit. Umatras ako muli hanggang sa maramdaman ko na ang isang matigas na bagay sa aking likod. Napangisi siya ng makita niyang wala na akong aatrasan. He put his both hands on each side of my weight's. Hinaharangan niya ako ng kanyang dalawang braso para hindi makawala sa kanya. Nilapit niya din ang kanyang mukha sa aking mukha halos ramdam ko ang kanyang paghinga kunting pagkakamali sa aking galaw ay siguradong mahahalikan ko na siya.Naramdaman ko na inalis niya ang kanyang isang kamay sa aking gilid ganun na lamang ang paglaki ng aking mata na isinarado niya ang pinto at nilock ito .

"Anong ginagawa mo." Nilagay ko ang dalawang kamay sa kanyang dibdib para pigilan ang paglapit niya sa akin. Halos maduling na ako sa lapit ng aming mukha.

" Do you know how much its make me turn on with your look right now. Its make me want to kiss you" sabi niya sa akin na nagbigay ng nakakakilabot na pakiramdam.

"What the hell are you talking about. Umalis ka nga sa harapan ko." sabay tulak sa kanya. Ngunit ni kunting paggalaw ay wala man lang nangyari." Ano ba Primo". Inis na sabi ko sa kanya ng hindi man lang siya gumalaw.

"Ganyan ka ba talaga. Sa ilang linggo ko dito pansin ko na ilag ka sa mga tao kahit sa mga kasama mo sa Cafe." Sagot niya

"Wala ka ng pakialam doon" sinubukan ko siyang itulak muli gamit ang buong lakas ko.Hindi naman ako nabigo dahil napahakbang siya dahilan para makaalis ako sa harapan niya. Ngunit bago pa man ako tuluyan na makalayo sa kanya ay hinila niya ako muli.Dahilan para mayakap niya ako.

"What the hell is your problem" Sigaw ko sa kanya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at nahampas ko siya ng ilang beses.

"I just want to be with you Yanna, pero ang hirap makapasok sa buhay mo." Sagot niya

"Oh! Come on. Sino ka ba sa akala mo. Like what i said before kung ano man ang plano mo. Stop it.Wag ako. Maghanap ka ng iba na paglalaruan mo." Sagot ko

" Gusto lang kita makasama pero ni tingin mo hindi mo maibigay sa akin." Sagot niya sa mababang boses "What should i do para hayaan mo kung makapasok sa buhay mo. Ilang araw akong hindi nakatulog dahil hindi kita makalimutan. And what makes you think that im playing around?"

" Bakit hindi ba? At isa pa wala kang dapat gawin. Kaya umalis kana. Kakalimutan ko ang nangyari ngayon.At wag ka ng ulit lalapit sa akin" sagot ko

Nagtitigan lang kami ng ilang minuto bago niya akong unti unting binitawan. Dahan dahan siyang naglakad paatras. Bago pa man siya tuluyang lumabas ay nagsalita siya ulit

" Hindi ko maipapangako na hindi na ako sayo lalapit. Dahil im going to make sure that you will fall for me..... Big time"

"Not gonna happen" sagot ko

" We'll see then " sagot niya at tuluyan na siyang lumabas. Napaupo ako sa sofa ng maramdaman ang paghihina ng aking tuhod. Huminga ako ng malalim pilit pinapakalma ang aking sarili.

Hanggan kailan mo kaya yan mapapanindigan. Lahat kayo pare pareho lang.