Isang buwan na rin ang nakalipas mula ng nangyari ang paguusap namin sa Aparment ko. Pinanindigan niya rin ang sinabi niya, He will make sure that i will fall for him.Simula ng gabing yun lagi na niya akong sinusundo at hinahatid. Noong mga unang araw ay naiiwasan ko pa siya dahil maaga akong umaalis sa amin at minsan hindi na ako umuuwi sa apartment pag kagaling sa University pero ang loko mukhang nahulaan na naman ang balak kong gawin. Tulad na lang ngayon malayo pa lang ako palabas ng University ay tanaw ko na ang sasakyan niya. Nakasandal siya sa kotse niya kahit na may suot siyang salamin alam kong nakatingin siya sa akin at alam kong galit ito sa akin. Dalawang araw ko na siyang naiiwasan and it seem like today is not my lucky day. Hindi naman maiwasan na makaagaw siya ng pansin lalo na sa mga kababaihan sa University. Tuloy tuloy lang ang lakad ko ang balak ko ay lalagpasan ko siya pag karating ko pero mukhang malabo dahil nung malapit na ako makalabas ng Gate ay siya naman papalapit sa akin.
"Sumakay ka na sa kotse at wag mo ng tatangkain na tumakas dahil siguradong paguusapan ka dito bukas,i know that you dont want so much attention right?" sabi niya na may seryso na tinig sa itsura pa lang niya ay malalaman mong galit siya at halatang pinipigilan niya lang ito.
Tulad ng sinabi niya at hindi na ako nagreklamo dahil alam kong seryoso siya sa sinabi niya dahil ginawa na niya ito sa Cafe. Ang alam tuloy ng mga kasama ko doon ay may relasyon kami at nagaway lamang. Kinausap din ako ni Ms. D tungkol doon at sinabi niyan ayos lang naman sa kanya kung yun ang dahilan ko upang iwasan siya.
Tahimik ang naging byahe namin walang nagtangkang magsalita. Nagsalita lamang ako ng mapansin na hindi iyon patungo sa apartment ko.
Nilingon ko siya at tinitigan ng masama " what do you think your doing? Hindi ito pauwi sa bahay ko. " hindi man lang siya nag react sa sinabi ko mas binilisan niya pa ang pagpapatakbo
" Ano ba Primo, stop the car bababa ako" sigaw ko sa kanya. Pero ilang minuto lang ipinasok na noya ang kanyang sasakyan sa isang malaking bahay. Hindi niya man lang pinarada ang sasakyan ng maayos basta na lamang siya bumaba at hinila ako palabas ng koste .
Muntik na ako matumba ng basta niya na lang ako binitawan ng makapasok kami sa loob ng bahay niya. Dumiresto naman siya sa kusina at uminom ng tubig.Halos maubos niya ang dalawang baso sa sobrang galit. It seem that he really need it to make his self calm a bit. Tumigil muna sa ng ilang minuto at hindi nagsalita.
Sa sitwasyon namin ngayon pareho kaming galit at inis sa isat isa.Naupo na lamang ako dahil pag nagpatuloy akong tumayo ako lang din ang mangangalay dahil mukhang walang magsalita ang taong naging dahilan bakit ako antido.
Hindi na ako nakatiis dahil mahigit kalahating minuto na ang nakalipas hindi pa siya nagsasalita. " Ano wala kang balak magsalita. Kung wala ka din sasabihin aalis na ako. May pasok pa ako at hindi ka nakakatulong" nagtangka na akong tumayo at paalis na ng magsalita siya
"Ganyan ka talaga ka katigas. I know that it will not easy as it is ng sabihin kong mahuhulog ka din sa akin. Pero hindi ko na isip na mas masasaktan ako ng ganito katindi" napakawala din siya ng isang tawa ng paghahalataan mong nasasaktan siya.
" I already warn you from the beginning. And its not my fault if your hurting right now that is your choice. " seryoso kong sabi sa kanya.
" Yeah, this is my choice because i want to prove to you that im capable of loving you even if im hurting big time. I just want you to give me a chance kahit kunti lang, but why it is hard for you to give that? I know that your just protecting your self you dont have to kasi ako lang to hin------" hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko na ang sasabihin niya
" I dont care. Its not my responsibilty to give what you ask. If your really hurting then stop" sabi ko sa kanya
" hayaan mo naman akong maintindihin ka." Sabi niya ng humarap sa akin ng tuluyan pero pinagsisihan ko na tumingin sa mga mata niya dahil mahahalata mo ang mapupula niyang mata dahil sa pagpipigil na bumagsak na luha mula sa mga mata niya. Hindi ako nakapagsalita agad. Dahil sa mabigat na nararamdaman ko. Wala pa ni isa ang lumuha ng dahil sa akin dahil lang sa gusto nila akong alagaan. Hindi ko alam pero may kunting saya akong naramdaman pero agad ko din itong iniwaksi dahil hindi pwede.
Bago pa man tumulo ng tuluyan ang luha niya ay agad itong tumalikod at halatang pinunasan ito.
"Pinagpaalam na kita kay Auntie kaya pwede hindi ka pumasok ngayon.Masyadong malakas ang ulan mamaya na lang kita ihahatid." Sabi niya bago niya ako iwanan sa sala
Napahinga ako ng malalim at tumingin ako sa labas at masyadon nga malakas ang ulan. Bumalik na lamang ako sa upuan at muling umupo.
Mag alas osto na ng mapagdesisyonan kong tumayo hindi ko alam kung makakauwi pa ba ako. Sa lakas pa rin ng ulan mukhang malabo. Hindi naman ako pwede magpumilit umuwi dahil malakas ang ulan at delikado. Napalingon ako ng maramdam kong pababa siya ng hagdanan. Nagkatitigan kami habang bumaba siya but this time i feel the coldness on his eyes.
"May bagyo pala ngayon kaya malakas ang ulan, ihahatid kita pag humina na. Alam ko naman magpupumilit kang umuwi pag sinabi kong dito ka na matulog." Pag kababa niya ay dumeristo siya sa kusina. " Stay here I'll just cook for our dinner." I feel the coldness even on his voice. I dont know pero nakaramdam ako ng lungkot
At dahil sa likas na matigas ang ulo ko hindi ako nakinig sumunod din ako sa kanya sa kusina.Tutulong na lang ako sa pagluto.Nag makarating ako sa kusina nakita ko na inihahanda na niya kakailangin sa pagluluto.Nagulat pa siya ng makita niya akong nakatayo sa may pinto.
" Ang sabi ko doon ka lang sa sala" sabi niya habang bibit ang karne para dalhin sa lababo
" Let me help you to cook" sabi ko at lumapit na sa kanya
" Hindi na. Bumalik ka na doon tatawagin na lang kita pag handa na." Nag simula na siyang maghiwa ng mga kakailangin
" Im bored let me help you here" tumingin naman siya sa akin. " Ano ba ang lulutuin mo" tanong ko sa kanya
Hindi siya sumagot pero binigay niya lang sakin ang mga sibuyas at bawang. Tumalikod na din siya para asikasuhin ang karne. Naglagay na din siya ng bigas da rice cooker. Naging tahimik naman ang atmosphere tunog lang ng kutsilyo ang maririnig mo sa loob ng kusina. Nang matapos na ako sa ginagawa ay umupo na lamang ako sa upuan dahil wala naman siyang ibang sinabi na gagawin ko. Pinanuod ko na lamang siya magluto.Mapapansin mo sobrang siyang seryoso sa pagluluto masydo siyang focus. I can even see here how perfect his body, his muclse reflex everytime that he move.Kung titingnan mo tindig pa lang ay masasabi mong malayo ang buhay namin sa isat isa .Kahit hindi sabihin i know that he has a wonderful family and his lifestyle is very far from what i have. Hindi malabo na nasa iisang circle lang sila. Napabuntong hininga na lamang ako sa naisip.
" Are you hungry?" sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya dahil hindi masyado naintindihan ang sinabi
"huh?" tanong ko. Maya maya lang ay may nilagay siyang isang sandwich sa harapan ko.
"Here, Eat this. Medyo matatagalan pa to" sabi niya sa akin
"Im not yet hungry" sabi ko sa kanya
"just eat that" sabi niya at bumalik sa niluluto niya. Kumagat na lang ako sa sandwich na binigay niya.
"Thanks." Sabi ko sa kanya
Ilang minuto lang din ang nakalipas ay napansin ko na naghahanda na siya kaya tumayo na ako at naglagay na din ng mga plato sa lamesa. Naka ilang ikot na ako ay hindi ko pa din mahanap ang mga baso. Pero napanguso ako na makita ang hinahanap. Sinubukan kong tumalon pero hindi ko talaga maabot. Narinig ko na lamang ang tawa niya
"Anong nakakatawa?" tanong ko na nakakunot ang nuo
"Ano bang ginagawa mo?" halatang pinipigilan ang tawa nito
"Tss bakit kasi nasa taas nakalagay ang baso mo? " inis kong tanong para matakpan ang hiya na nararamdaman
"Let me help you. Kasalan ko bang matangkad ako?" sabi niya sabay abot ng mga baso. Siya na din ang nagdala nito sa lamesa.
Sumunod na lang ako at umupo sa lamesa.Nilagyan niya na din ng laman ang baso at umupo pag katapos. "Kumain ka na" sabi niya habang nilalagyan ng kanin ang plato ko.
Inagaw ko naman ang Sandok sa kanya at ako na ang naglagay na iba " Ako na. Kumain ka na din" tahimik na din kami kumain pagkatapos. Malakas pa din ang ulan kaya na pag desiyonan ko na dito na lang muna matulog. Mamaya ko na lang sa sabihin.
Pagkatapos namin kumain. Ako na ang nagligpit at siya ang naghugas ayaw pa sana niya ako payagan pero nag pumilit ako. Iniwan ko na lamang siya doon at dumeristo sa sala. Binuksan ko na din ang tv habang nakatingin sa labas. Nagbabasakali na huminto ito.
Nadatnan niya ako sa ganoong ayos. Siguro akala niya na gusto ko ng umuwi dahil sa ayos ko.
"Ihahatid na kita" sabi niya
"Masyado pang malakas ang ulan. Kaya kayang magbyahe?" pero sa tingin ko hindi na niya kailangan sumagot dahil sakto naman na ibinalita ito sa tv
Pinapayuhan ang lahat na manaliti na lamang sa loob ng bahay.
" I guess dito muna ko makikitulog?" patanong ko na sabi ko sa kanya. Hindi sigurado sa sinasabi
"Yeah.. Ihahanda ko lang ang kwarto ko." Sabi niya
"huh wait!" pigil ko sa kanya bago pa ito tumalikod " anong kwarto?" sabi ko sa kanya
"Iisa lang ang kwarto ko dito. Dont worry, i'll sleep here" sabi niya sabay turo sa couch sa sala.
"Ah.." sabi ko.
Tumalikod na siya at umakyat sa kwarto. Maya maya lang ay nakita ko na siyang bumababa may dala na rin siyang kumot at unan.
"Lets go. Ihahatid na kita sa taas. If you need anything nandoon lang ako sa baba." Sabi niya sa akin pagkahatid niya sa akin sa kanyang kwarto. Well Hindi na nakakapagtaka dahil sa ayos ng kwarto niya. Masasabi mong well organized ang ayos nito. White and blue ang motif nito.
" Matulog kana. Wala ka namang pasok bukas diba? " nasa loob na pala ako ng kwarto niya at siya naman ay nasa labas pa din.
"huh. Ah yeah..ikaw din matulog ka na" sabi ko sa kanya na lumapit ng kunti sa may pintuan.
"Ok. Good night." Tuluyan na niyang sinarado ang pinto. Ako naman ay dumeristo na sa kama. Pero ilang minuto muna ng humiga ako ay hindi ako mapakali. Gusto kong magpalit ng damit pero nahihiya ako magsabi. Ng hindi na ako makatiis ay bumaba na ako para puntahan siya.
Tulog na kaya siya. Sana hindi pa. Sabi ko sa sarili ko habang pababa sa hagdanan.
Pag baba ko ay hindi ko siya nakita sa may sala.Sinubukan kong ilibot ang tingin sa sala pero hindi ko siya nakita. Ganun na lamang ang gulat ko ng pagtalikod ko paharap sa kusina ay nandoon siya nakatayo.
"Oh my god. Anong ginagawa mo dyan?" hindi ko napiglan na mapasigaw sa gulat ko. Patay na rin ang ilaw sa may kusina kaya hindi mo mapapansin kung may tao dito pag bumaba ka ng hagdanan.
"Anong ginagawa mo dito .May kailangan ka.? " tanong niya
"Saan ka galing? "tanong ko na may kunting kaba
"Chenick ko lang ang mga pinto. Hindi ka ba makatulog?" sabi niya
"Ahm....ano pwede bang humiram ng damit mo? Gusto kong magpalit. Hindi ako komportable sa suot ko" sabi ko sa kanya
"ah sorry nakalimutan kong bigyan ka ng pampalit. Baka hindi mo din tanggapin" napakunot ako sa sinabi niya
" what do you mean?" umiling lang siya at sinabi na kumuha na lamang ako ng damit sa cabinet niya.
Umakyat na ako pagkatapos. Kumuha na lamang ako ng isang white polo hihiram na din sana ako ng boxer short pero nahiya ako kaya hindi na lang ako kumuha. Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay humiga na ako. Masyadong madami ang nangyari ngayon at naguguluhan ako sa nararamdaman ako.