Chereads / MIND DREAMS / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Umaga ng lunes naghahanda na ako para pumasok sa University, night shift naman ako mamaya sa cafe.Mabuti na lang talaga mabait si Ms.D at hinahayaan niya ako magtrabaho ng naayon sa oras ko sa University.Nagluto na rin ako ng baon ko mamaya para tanghalian para hindi na ako makagastos. Ulam ko pa to kagabi naparami kasi ang luto ko ininit ko na lang siya para hindi agad mapanis. Pagkatapos kong ihanda ang baon ko ay nagbihis na din ako para makaalis na. Tulad ng eksena tuwing umaga maraming tao ang naguunahan sa pagsakay sa jeep para hindi sila mahuli isa na ako doon hindi to tulad ng cafe na pwedeng lakarin kailangan ko pang sumakay ng jeep para makarating.

Nang may nakita na akong jeep ay itinaas ko na ang aking kamay upang parahin ito ng ihahakbang ko na aking paa ay may bumangga sakin dahilan para hindi ako makasakay. Muntik pa akonh matumba kung hindi lang ako nakatayo agad

"Ay sorry Miss ako muna nagmamadali ako eh." Sabi ni ate na haggard na sabayan pa ng makapal ang make up sa mukha

Wala akong nagawa kundi titigan na lang jeep na palayo.Magaabang na lang ako ng bago dapat kasi kung nagmamadali sila maglaan sila ng oras para hindi sila eeksena na akala mo nakalaan sa kanila ang sasakyan anong akala nila hindi nagmamadali ang mga kasabayan nila. Tamang desiplina lang ang kailangan mo para hindi ka mahirapan sa tuwing byabyahe ka.

Mabuti na lang matapos ang fifteen minutes na paghihintay ay may dumating na jeep sa wakas makakasakay na din. Mahaba pa naman ang oras ko ganito talaga ang gawain ko, lagi ako may extra na oras para sa mga bagay na hindi maiiwasan tuwing aalis ka.

Maayos naman akong nakarating sa Klase ko sa awa ng diyos. Hahaa pero totoo dapat bago kayo umalis dapat ay magadasal muna kayo para may gabay sa araw araw nating gawain. Lumipas ang oras magtatangahalian na pala wala naman masyadong ginawa mga pagpapakilala lang sa mga sarili. May mga bago akong kaklase. Meron naman na dati pa rin. Pagkatapos ng last subject ko ay lumabas na para pumunta sa favorate spot ko, dito ako lagi kumakain since first year. Maraming puno at mahangin typical na tambayan para sakin ,naglagay na ko ng sapin para makakain na ito yung niluto ko kanina nagsimula na akong kumain mas ok na kumain ka ng magisa para wala kang problema, I wear my headset and play may favorate song yung playlist ko ay puro mga pang emotional, nasanay na ako yung kanta na alam kong may mensahe para sa akin. Meron pa kong isang oras binagalan ko na lang ang pagkain ko nag muni muni ng mga bagay bagay ganito naman lagi kapag ikaw lang ang magisa. Nag set lang ako ng alarm baka masobrahan at baka malate pa ko.

Isang hapon masaya akong tumatakbo papauwi sa bahay may dala ako isang puting papel ipapakita ko to sa kanila. Isang ngiti ang sinalubong ko sa kanila dumaan ako sa likod bahay alam kong andoon lang sila dahil oras ng pahinga.

Nanay berta ,ate Ina, kuya kiko sigaw ko ng pagpasok ng pinto isang malaki ang sinalobong ko sa kanila that showing my perfect teeth sabi nila asset ko daw to paglaki kasi ang ganda daw.. hihihi

Malayo pa lang ako rinig ko na ang sigaw ni nanay berta

"Magdahan dahan ka sa pagtakbo Yanna ikaw na bata ka ano ba yan at parang ang saya mo?" tanong niya

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita napagod kaya ako. Lumabas naman sila ate ina at kuya isko si ate ina kasama siya ni nanay berta na naglilinis ng bahay si kuya isko naman ay hardenero minsan ay driver din

"look ohhh. Tyarannnn... "masaya kong ipinakita sa kanila ang dala ko

" Ano ba yan Yanna patingin nga mukha kang nanalo sa lotto "

Binigay ko naman kay ate Ina ang papel tinginan naman nila ng sabay ito.

"aba, class card mo pala ito wow 96 ang average mo"

"oo nga ano,abat puro ka pala line of nine isa lang ang line of eight mo oh 88 pa oh! Noong nagaaral pa ako masaya na ako sa kahit may line of seven basta makapasa" Sabi ni kuya isko habang tumatawa

"Ang talino mo talaga Yanna .. kung ganoon kailangan natin handaan ka yan.. Kelan ba graduation mo? " tanong ni nanay berta

"Sa isang linggo pa po saka valectorian po ako " masaya kong sabi sa kanila

"Magaling alam ko naman kaya kaya mo yan" sabi ni ate Ina

Masaya silang ipinakita sa iba pa namin kasama sa bahay pero syempre hanggang kusina lang samin samin lang yun..

Dumating na ang araw para sa graduation ko masaya akong umalis sa bahay, si ate ina ang nagayos sa akin sabi nila susunod daw sila may tataposin lang sila na inutos sa kanila. Sobrang kaba ko dahil kami na ang susunod at malapit ng matawag ang pangalan ko para sabitan ako ng Medalya tuluyang ng nawala ang saya ko ng matawag na ang pangalan ko at walang dumating para samahan ako at isabit ang medalyang pinaghirapan ko.

"Yanna Ysabelle Dizon Gonzales -Valectorian" Papaakyat pa lang ako ng stage ay nakarinig ako ng bulongan mula sa tao sa baba. Maluha luha akong naglalakad para maabot ang diploma at kamayan ang mga taong naghihintay doon nakangiti sila sa akin

Lumapit at binolongan ako ng isa sa mga teacher ko umiling lang ako at ngimiti. Ngumiti siya at sinamahan ako upang magsabit ng medalya sa akin.

"Congrats Yanna! Smile ka na " sabi niya habang naglalakad pa baba

"Salamat teacher" sabi ko

Pinilit ko pasayahin ang aking sarili habang sinasabi ang mensahe para sa kapwa kong nakapagtapos.

"Congratulations Graduates! Continue your Journey and reach your dreams" huling mensahe ko bago bumaba sa stage

Hanggang sa makauwi ako ng bahay may ngiti pa rin ako sa aking labi hindi baling wala akong kasama atleast nakuha ko ang diploma at medalyang anim na taong kong pinaghirapan.

Nagising na lang ako mula sa malalim na pagiisip ng tumunog ang alarm ko.

Isang malungkot na ngiti ang lumabas mula sa aking labi bago tuluyang umalis

Hindi ko naman kasalan pero bakit ako ang kailangan mabayad.....