Chapter 2 - SIMULA

Simula

Jenan kicked her opponents' stomach dahilan para mapaatras ito ngunit kaagad itong nakabawi at nasipa siya sa tagiliran niya dahilan para mapatumba siya.

Umingay ang buong Arena nang bumagsak siya.

"Boo! Boo!" sigaw ng iba sa kanya kaya nagngingitngit na siya sa galit ngayon.

Nasa isang arena kasi sila ngayon kung saan illegal na sinasagawa ang labanan para sa mga MMA fighters. Bata pa lang siya ay maalam na siya sa Martial Arts kung kaya't nong nag High School siya ay pinasok niya ang mundo ng MMA. Ilang beses na rin siyang nag-champion sa MMA, and she even represented the Philippines last 2013. Unfortunately, the Asian MMA Tournament in 2013 ended her MMA career, she was almost beaten to death at that time and she even broke her leg.

Luckily, time healed her broken leg, but not her career. Hindi na niya ulit pinasok ang mundo ng MMA, sa halip ay pinagbigyan niya ang mga kaibigan niyang pasukin ang illegal na labanan. Katuwaan lang daw kasi, kaya pumayag na siya.

Sinubukan siyang sipain ng kalaban niya pero nasasangga niya ito gamit lamang ang braso niya.

"Is that all that you've got?" hamon niya sa kalaban niya.

Her opponent's hand turns fist and it tries to hit her pero nasangga niyang muli ito. Luckily, she also knows Kung Fu, which is her big advantage.

Hinawakan niya sa braso ang kalaban niya at ibinagsak niya ito bigla. Sumampa siya and she locked her opponent with her legs.

The referee started to count until the bell rang ay doon niya pa lamang binitiwan ang babaeng nakalaban niya.

"And the winner is! Black Lily!"

Naghiyawan ang lahat ng pumusta sakanya kasama na ang mga kaibigan niya. Napangiti siyang bigla ng binigay na sakanya ang cheky.

'Yeah boy! Hello 1 million!' sabi niya sa isip niya habang nakangiting nakatingin sa cheky.

Nang makalapit ang mga kaibigan niya ay binigay niya kaagad kay Mikael ang cheky.

"This is a big help to our orphanage," sabi nito sakanya na ngitian niya lamang.

Yes, Jenan and her friends entered this kind of battle not merely for fun but for their orphanage.

"Magsiyuko kayong lahat mga pulis kami!"

Natigil ang pagsasaya ng lahat at kaagarang nawendang na lamang ang lahat nang marinig iyon kaya't dali-dali silang lumabas ng ring at tumakbo paalis.

Inakyat nila ang mga pader para lang di mahuli ng mga pulis.

Nang matakasan nila iyon ay napatawa nalang ang magkakaibigan at tinanggal isa isa ang mga maskara nila.

"That was fun!" Eurika said while still catching her own breath.

They all laughed.

Nagsimula na silang maglakad matapos na para bang walang nangyaring habulan kanina.

Monday...

It was a very tiring day for Jenan. Buong klase lang naman kasi siyang 'di pinaupo ng professor niyang kakamenopause lang ata dahil sa hindi niya nakabisado lahat ang artikulong pinapamemorya nito.

Well, sanay na siya sa ganon, that's the life of being a law student.

After she graduated from her Bachelor's Degree, which is AB Political Science, ay kaagad siyang nag-enrol sa Law. And it's just so ironic that a Law Student like her is doing something illegal in that arena, so funny.

"Jenan, how's your day?" tanong ni Eurika sa kanya.

Nginiwian niya lamang ito at saka bumuga ng hangin.

"Tiring as usual," sabi niya sabay buklat sa aklat niyang napakakapal.

Nag-aaral na naman siya dahil may long quiz siya mamaya sa sa isang subject niya. Umiling-iling na lamang si Eurika at nagbuklat narin ng aklat niya para mag-aral.

Habang nag-aaral ang dalawang magkaibigan ay may narinig si Eurika na isang tinig ng babaeng kinaiinisan niya, si Beca. Ka-batch nila si Beca pero mas naunang grumaduate sina Jenan kesa sa kanya dahil sumabit si Beca sa Undergraduate Thesis nila.

The reason why she hates Beca? Dahil napakacompetitive at napakaarogante nito sa loob ng klase. At kahit nasa college na sila ay feeling niya isa siyang Queen Bee na dapat respetohin, isang bagay na hindi naman binigay kapwa nina Jenan sa kanya. Hindi kasi nila bet ang ganoong ugali ng tao.

"Here's the watermelon boobie bitch again," sabi ni Eurika kay Jenan.

Binaba ni Jenan ang aklat niya at binalingan ng tingin si Beca na papalapit na ngayon sa dereksyon nila.

'Ano na naman kaya ang kailangan ng babaeng ito? ' sa isip ni Jenan.

"Ano bang problema mo at kinakalabit mo ako kahit na nakaharap na ang maganda kong mukha sa'yo?" inis na tanong ni Jenan kay Beca.

Beca laughed.

'Sana mabilaukan siya kakatawa. Leche!' sa isip-isip ni Eurika.

"Pasensya na ha? Akala ko kasi nakatalikod ka, ang flat kasi," natatawang sambit ni Beca sa kanila.

Halos umusok na sa galit ang ilong ni Eurika dahil sa sinabi ni Beca. Kunti na lang talaga makakarate niya na ang babaeng iyan!

Ngumisi lang si Jenan kay Beca at saka tumayo bago sinabing, "at least kami dibdib lang iyong kinulang hindi tulad ng iba d'yan, kulang na nga sa utak kulang pa sa pansin! Halika na, Eurika," sabay kuha ng gamit niya at lakad palayo sa student lounge.

***

Napangiti naman si Henrik habang nakikinig sa mga studyanteng nagtatalo.

'What the heck? Dibdib lang pinag-aawayan? Mga babae nga naman,' sabi niya sa sarili niya.

Pinasadahan niya ng tingin ang babaeng inapi kanina na sinabihang kinulang ang dibdib. Napataas ang kilay niya.

"Sir? Ang ganda nong kakadaan lang," nakangiting malapad na sabi ni Gomez sa kanya.

Tinapunan niya ito nang masamang tingin bigla.

"Andito tayo para sunduin ang kapatid kong si Maier at hindi para maglandi," sabi niya.

Napakamot ng batok si Gomez dahil sa sinabi nito.

"Who is she?" tanong ni Henrik sa kapatid niya nang makalapit ito sa kanila.

"Who?" kunot noong tanong ni Maier.

"The one wearing denim," pagtukoy niya sa babaeng kausap ng kapatid niya kani-kanina lamang na siya ring nakita niyang may kaalitan kanina.

"Ohh..Her name is Jenan," sagot nito saka ngumiti nang nakakaloko nang makita ang kapatid na umangat ang gilid ng labi ng mga ilang segundo ang nakakaraan.

"You're smiling," puna niya na siyang inilingan lamang ng kapatid.

"Bet mo?" dagdag niyang tanong.

Tumingin si Henrik sa kanya at napangisi na lang, "well, she's pretty, but not really my type," he said before leading the way to his car. Pinagbuksan niya pa ang kapatid at si Gomez naman ay sa backseat na naupo.

"Hindi raw type pero tinanong kung ano ang pangalan. Jusko, galawan mo sir bulok." Sinaaman niya na lang ng tingin si Gomez na siyang tahimik na ngayon, at pasimpleng nakamasid sa daan gamit ang bintana.

Nang maihatid na niya ang kapatid sa bahay ay agad siyang nagtungo sa station five kung saan siya naka-assign, syempre kasama niya si Gomez.

"Good evening , sir!" bati sakanya ng mga kasamahan niyang pulis.

Nang nagsalute na siya ay saka ng binaba ng mga ito ang mga kamay nila.

"Sir, pinapatawag ka ni Major," sabi ni Julio.

Tumango siya at tinungo ang opisina si general Boris. He salutes when he saw the general.

"Dela Conde, kaya kita pinatawag dahil may natanggap akong tip. Hindi na namin ma-trace ang numero ng nag-tip kaya hindi namin makomperma kung totoo nga na may grupo ng kabataan daw mamaya ang magkakaroon ng rambulan. Gusto kong kompermahin mo kung tunay nga at kung talagang totoo, hulihin niyo sila nang maturuan ng leksyon ang mga pasaway na ito, is that clear?"

"Yes sir," sagot niya pagkatapos ay lumabas at tinawag na ang mga kasamahang kasama sa grupo niya.

"Men? We have a mission. Susugpuin natin ang mga kabataang pasaway. Let's all do it! Now move to the police car in ten seconds!" sabi niya pagkatapos ay nagbilang.

Wala pang sampung segundo ay handa na ang mga tauhan niya.

To be continued...