CHAPTER 2: Zipper
Jenan's POV
"You are under arrest," sabi niya.
"Wait, anong kasalanan ko?" tanong ko.
"You have the right to remain silent. Any statement you make may be used against you in a court of law in the Philippines. You have the right to have a competent and independent counsel preferably of your own choice. If you cannot afford the services of a counsel, the government will provide you one. Do you understand these rights?" sabi niya habang nasa likuran ko pa rin siya.
Wow. Miranda Warning.
For what crime I am arrested for?
"I am innocent," giit ko dahil inosente naman talaga akong tao!
Nang mapansin kong hindi niya pa rin tinatanggal ang pagkakayakap sa akin ay napairap ako. Kasali pa rin ba ito sa trabaho niya? Minamanyakan niya na ata ako eh.
Nagpumiglas ako para mabatid niya na di ko gusto ang ginagawa niya dahil may kakaiba akong nararamdaman. I feel like my heart will gonna explode right now. Like what the effing feeling is this?
Inaaresto na nga ako't lahat nagkakaganito pa ako.
"H'wag kang magalaw, inaayos ko ang posas," napatawa ako nang hilaw.
Sa lahat ba naman ng palusot niya iyan pa ang sasabihin niya?
"Alam mo po mamang pulis mabait akong tao kapag ka gusto mo ng yakap sabihin mo lang hindi iyong dinadaan mo sa ganito dahil pwede kitang kasuhan sa ginagawa mo. This is sexual harassment," pabiro kong sabi sakanya.
"Don't be assuming, I'm not hugging you...Gomez kunin mo 'to," sabi niya.
Nakatalikod na siya saakin kaya di ko man lang nakita ang pagmumukha ng hinayupak na 'yon.
Nakasimangot ako habang hawak hawak ng kasamahan niyang pulis ang braso ko.
"Get your dirty fucking hand off of me," mariin kong sabi don sa lalakeng humawak sa braso ko. Ito iyong nasipa ko kanina eh.
"Pag ako 'dirty-fucking-hand' agad? Ang unfair mo miss," umirap na lang ako sa hangin sa sinabi niya.
Ayaw ko talaga ng pagkakahawak niya saakin. 'Di ako komportable.
Nagpumiglas ako, nagbabakasaling mabitiwan ako ng magaspang niyang kamay.
"H'wag ka ng pumalag kasalanan mo rin naman ito eh. At saka ang sakit ng ginawa mo sakin ah!" sabi niya.
Oh! So siya 'yong nasipa ko kanina? Well, kasalanan niya iyon!
"You deserve it jerk, paharang harang ka pa kasi sa dinadaanan ko," sabi ko sabay irap.
Nagpumiglas ako pero talagang ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.
"Gomez, ipasok mo na iyan sa sasakyan," sabi nong pulis na humuli sakin kanina.
Isa pa siya eh!
Kung 'di niya ako hinabol di sana aki mahuhuli. At kung 'di ka niya hinabol di ka niya mayayakap!
Sabi ng kabilang bahagi ng utak ko.
Aish! Paki ko ba sa pesteng pabitin na yakap na iyon?
"Wala akong kasalanan," sabi ko.
"Sa presento ka na magpaliwanag. Dali, pasok," wika nong Gomez.
Ipinasok na ako nong Gomez sa police car kaya 'di na ako pumalag.
Umupo rin siya sa tabi ko.
"Ang sexy mo pala miss!" Sabi niya sabay ngisi nang nakakaloko at dahil sa ginawa niya ay napagtanto kong naka racer back pala ako at kita ang likod at tiyan ko.
Nakaramdam ako ng hiya dahil sa ginawa niyang pagtitig sa katawan ko. Kaya umiwas ako ng tingin dahil naiilang ako sa kanya.
"Bumaba ka Gomez, ikaw na mag maneho," sabi ng pulis na humuli sakin.
Nakasungaw sa bintana ang ulo niya. Binuksan niya ang pintuan ng police car at pinababa si Gomez para siya ang pumalit sa pwesto ni Gomez. Umuga ang upuan nang umupo siya sa tabi ko. Pero nagulat ako nang bigla niyang hinubad ang jacket niya at iniabot saakin.
"Isuot mo," sabi niya habang nakatingin saakin.
Inabot ko ito at napangiwi na lang ako habang nakatingin dito.
"Paano ko isusuot ito eh nakaposas po ako?" tanong ko sabay irap.
'Di rin nag-iisip ang isang ito eh.
Isang sandali pa ay nagulat na lang ako nang kinuha niya ang palapulsuhan ko bago may kinukuha sa bulsa niya.
Susi pala ng posas ang kinuha niya.
Kinalagan niya ang posas kaya nagkaroon na ako ng pagkakataong isuot ang jacket na bigay niya.
"Anong tinitingin-tingin mo Castro?" tanong niya don sa lalakeng nasa front seat.
Umiling na lang ang lalake at ngumiti nang nakakaloko kaya inirapan ko na lang.
Masungit 'tong katabi ko ah, daig pa 'yong professor ko!
'Nong nagsabog ng kasungitan si Lord sinalo niya siguro lahat. Sayang 'tong pulis na 'to kung laging nakakunot ang noo, gwapo pa naman niya at saka mukhang matalino.
Talagang napakaseryoso niya. 'Di man lang umiimik sa tabi ko!
Magkano kaya ang bawat salitang lumalabas sa bibig nito?
Bumuntong hininga na lang ako dahil wala naman akong makausap sa tatlo.
Tahimik kaming lahat sa loob ng sasakyan hanggang sa nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan.
"Naiihi ako," sabi ko.
Napalingon ang dalawa sa akin maliban sa katabi ko.
"Lumang palusot na iyan, miss," sabi ni Castro.
Aba aba! Di pa naniniwaka saakin! Kung siya kaya nasa kalagayan ko at sabihan ko siya ng ganyan matutuwa siya?
"Ah? Ganon? Sige dito nalang ako iihi!" sabi ko sabay irap.
Totoo naman talagang naiihi ako!
"Ihinto mo, Gomez," utos ng katabi ko na sa wakas ay nagsalita na.
"Yes, sir," sabi ni Gomez bago e-park sa gilid ng kalsada ang police car.
Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang malawak na damuhan.
What does it mean? Diyan sa damuhan ako iihi? No way! Baka may ahas diyan at matuklaw pa ako noh!
"So you guys think that I'm going to pee on that area? No freaking way!" maarteng sabi ko.
Hindi ako iihi sa lugar na iyan over my smoking hot body!
"H'wag ka ng mag-inarte diyan, pasalamat ka't makakaihi ka na eh," sabi ni Castro.
Sinamaan ko siya ng tingin.
Wow. Dapat ko talaga itong ipagpasalamat? Seryoso siya?
Well I don't have a fucking choice naman din kung 'di umihi sa damuhan kesa naman magkasakit sa bato dahil sa pagpipigil.
Lumabas ako sa kotse kasama iyong pulis na katabi ko.
"Sir, baka tumakas iyan," sabi ni Castro.
Napapoker face na lang ako sa sinabi niya.
Papaano kaya ako makakatakas kung ang layo layo nitong lugar na ito sa syudad? Ewan ko ba sakanila at dito kami dumaan sa napakacreepy na lugar na ito.
"Di siya makakatakas sakin , sinisiguro ko iyan," paniniguro niya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay bago tinalikuran at maghanap kung saan wala masyadong ilaw para umihi.
Sa tanang buhay ko ay ngayon palang ako makakaihi sa ganitong lugar.
Pero ilang saglit at napakunot ang noo ko nang 'di umaalis sa tabi ko iyong pulis.
H'wag mong sabihing babatanyan niya akong umihi? Grabe siya! Over protective ang dating!
"Pwedeng lumayo ka muna ng kunti-" pinutol niya iyong sasabihin ko.
"Wag kang mag-alala di ako titingin," sabi niya.
Kahit labag sa kalooban ko ay pinagsawalang bahala ko na lamang ang kanyang presensya at dahan-dahan ko ng ibinaba ang sarili ko at ibinaba ko rin ang pantalon ko para umihi.
Fuck. Nararamdaman ko na tumutusok sa pisngi ng pwet ko iyong mga damo.
Namula ako sa kahihiyan dahil nasa tabi ko lang ang pulis na sa malayo lang nakatingin.
Nang natapos akong umihi ay tumayo na ako at inayos ang pantalon ko.
"Tapos na ako," sabi ko.
Pinusasan na naman niya ako kaya bumuntong hininga ako at tatalikuran na sana siya kaso bigla niya akong hinila.
Nakatingin siya sa ibaba ko non bago niya ako tinitigan sa mata.
Teka! Ano bang tiningnan niya sa baba ko?
"Zipper mo bukas," sabi niya habang dahan dahang isinara ang zipper ko.
Halos lagutan ako ng hininga nang naramdaman ko ang mga daliri niya habang isinasara ang zipper ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa niya at di nakapalag.
"Tara na," sabi niya sabay pakawala ng isang ngisi.
Ngisi ng isang manyak na nakascore.
What the hell did he just do to me?
Minanyakan niya ako!
Biglang bumuhay sa sistema ko ang galit dahil sa ginawa niya kaya sinipa ko ang gitna niya na
naging dahilan ng pagkaluhod niya. Tumakbo ako papunta sa police car at pumasok kaagad.
"Oh asan si dela Conde?" tanong ni Castro.
Oh. So siya pala si dela Conde.
His surname is familiar to me pero wala akong pakialam ang manyak ng dela Condeng iyon! Gawin ko siyang delata makikita niya talaga.
Naku-naku ma-e-stress ako sa kanya!
Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si dela Conde na pulang pula ang mukha.
"Oh, sir? Anong nangyari?" tanong ni Gomez.
'Di sumagot si dela Conde sa halip ay tinitigan niya ako nang masama.
"Masakit yon," bulong niya saakin.
Naistatwa ako bigla sa kinauupuan ko dahil sa ginawa niya.
Habang sina Castro at Gomez naman ay sa daanan lamang ang buong atensyon kaya di nila namamalayan ang nangyari saamin sa likod ni dela Conde.
"Humanda ka sakin," banta ni dela Conde sa akin.
Kinabahan akong bigla.
Bakit ano bang gagawin niya sakin? Am I dead now?
TO BE CONTINUED...