Chereads / Under Arrest (dela Conde no.1) / Chapter 6 - Chapter 4: Bayad Utang

Chapter 6 - Chapter 4: Bayad Utang

CHAPTER 4: Bayad UtangJenan's POV

Nakasuksuk lamang ako sa gilid at 'di alintana ang mga pagkagat ng lamok sa akin.

Alam kong hindi nila ako maaaring e-detain ng matagal dito at akusahan sa bagay na hindi ko ginagawa. Sinabi ko na sa kanila na tumulong lamang kami ng mga kaibigan ko at hindi naman talaga kami ang siyang may pasimuno sa gulong iyon.

Hindi pa sila naniniwala sa akin dahil bakit daw kami nagsitakbuhan kung wala naman kaming ginawang masama. Syempre, nagsitakbuhan na kami kasi nataranta. Hindi na naming alam ang gagawin naming sa mga oras na iyon kaya kahit maaaring hindi naman kami tumakbo ay napatakbo na lang din kami.

Kani-kanina lamang din ay dumating na iyong pulis na nagngangalang Julio na siyang naatasang kausapin ang mga biktima.

At gaya ng inaaasahan ko ay tugma ang lahat ng sinabi ko sa mga sinabi nila kaya maya-maya lang ay makakalabas din ako rito.

I heaved a sigh as my eyes lay on officer dela Conde. He's looking at me intimately like he's studying the whole me.

Tinaasan ko siya ng kilay.

Bwesit siya.

"Why did I let him kiss me?" bulong ko sa sarili ko.

Napapikit ako nang maalala ko ang halikan naming dalawa.

I can still feel what I felt earlier. Everything is still vivid in my senses.

Oh, heavenly father!

He was kissing me torridly earlier and it was my fucking first time to kiss kaya siguro kay hirap para sa akin na tanggalin sa sistema ko ang naramdaman ko kanina.

But just honestly speaking, I really feel like I am an expert in doing it dahil nadadala niya ako. And honestly napakagaling niya! Well, what do I expect in a man like him? He's so handsome like those models in Calvin Klein kaya malamang sa malamang habulin 'yan ng babae. Maraming experience.

Napatigil ako sa mga iniisip ko nang bigla niya akong kinausap.

"Your dad is coming," sabi niya saakin na siyang tinanguan ko lang.

Hindi ba pwedeng palabasin ako nang wala ang tatay ko?Like, wala namang babayarang piyansa ang ama ko dahil wala naman akong nagawang kasalanan.

I wanted to ask him that entire thing but he's currently busy on what he's doing on his phone.

I don't know but I feel some irritation sa kung sino man ang nginingitian niya habang busy sa lintik na cellphone na'yan!

Nang makauwi ako ng bahay sermon kaagad ang inabot ko.

"Jenan, 'di ko na alam kung ano ang gagawin ko sa'yo! I didn't know na tuwing gabi kang ganyan! Paano kung malaman ito ng lolo at Lola mo? Tiyak na ipapadala ka nila sa Spain!" pangaral ni papa sa akin.

Kahit naman na minsan pakiramdam ko wala siyang pakialam sa akin ay mahal ko parin ang tatay ko at minsan nararamdaman kong may pagmamahal din siya saakin.

"Sorry, dad. I won't do it again. Pero wala talaga akong kasalanan. Hindi iyon ang nilakad naming nina Ethan, we supposed to have a camping pero iba ang nangyari," paliwanag ko.

"I hope so dahil kung hindi ako na mismo ang magbabalot ng gamit mo para ipadala ka sa Spain. Jenan you are already 20, you should've matured. You are no longer in your diapers, hija, so please, be responsible next time," sabi niya saakin.

Napabuntong hininga nalang ako at napatango-tango.

"Yes, pa. Akyat na ako," paalam ko sakanya.

Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap at hinalikan sa noo ko.

He always did this when I was a child. He always kiss my forehead before I sleep.

"Good night, anak. Have a sweetdreams. Dad loves you, Jenan," nang sinabi niya iyan ay nakatalikod na ako.

May parte sa puso ko ang kumirot.

It's been three years since he said those words to me.

All my hatred to him melted. I miss the old us. Kaya lang naman ako nagalit sakanya dahil pinabayaan na niya ako simula nong mamatay si mommy. Akala niya wala na ng natira sa kanya. Akala niya wala na siyang kasama. He forgot me! Trabaho at pagpaparami ng pera lamang ang inaatupag niya simula noon kaya nagalit ako sakanya dahil pakiramdam ko nakalimutan na niya na may anak na siya.

Pero kahit ano pa mang galit ko sa kanya ay hindi pa rin mababago ang katotohanang anak niya ako at ama ko siya.

Kinabukasan alas-otso na ng umaga ako nagising.

Bumaba na kaagad ako dahil sa nakaramdam ako ng gutom and to my surprise dad is cooking.

Napakurap kurap ako.

I just couldn't believe it!

"Good morning, anak! Kain ka na pinagluto kita ng paborito mong adobong manok."

His every word melted my heart.

Parang napipiga ito. 'Di ko mawari kung nasasaktan ba ako o nasisiyahan sa nangyayari.

"Why are you crying?" he asked with concern.

And now I let my tears roll down freely hugged my father.

I miss hugging him. I miss this kind of bond. I feel like my every broken piece now is slowly molding.

"Pa, I miss you so much," sabi ko sabay hagulgul.

He hugs me back and caresses my head.

"I'm sorry,hija, kung minsan pakiramdam mo nakakalimutan na kita," sabi niya saakin.

Naramdaman kong humigpit ang yakap niya saakin.

Hanggang ngayon dama niya parin ang sakit ng pagkawala ni mommy.

Talagang masakit ang biglaang pagkawala niya. She died in a massacre.

Mom is a great lawyer at marami na siyang nalutas na kaso. 'Di rin maiiwasan na may taong galit sa kanya kaya nangyari ang ganong bagay.

My father tries to give her justice but he fails. Ang inakusahan namin ay pinawalang sala ng husgado dahil hindi sapat ang mga ebidensya namin.

"Pa, I understand. Kaya sana ngayon 'di mo na makalimutan na andito pa ako, tayo na lang ang magkakampi dad kaya h'wag mo akong iiwan ha?" sabi ko sa kanya at pinunasan ang mukha niyang nabasa ng mga luha.

Naging magaan para saakin ang araw na ito. We talked about a lot of things. Nagtatawan kaming dalawa habang nasa hapag kainan hanggang sa nagpaalam siya dahil may kleyenteng gustong makipagkita sakanya.

Nang magkita kami ni Eurika sa campus ay naekwento ko lahat ng nangyari saakin kanina at maging 'yong nangyaring paghuli saakin maliban nalang don sa kiss, akin na lang muna iyon. Hanggang ngayon kumukulo pa rin talaga 'yong dugo ko don sa dela Condeng 'yon eh. Akala mo kung sinong gwapo! Naaalala ko lang 'yong nangyari kaninang madaling araw parang ang sarap manapak eh.

Oo, aminado akong magaling siyang humalik pero damn it! 'Yong sabihin niyang kalimutan na lang ang nangyari dahil halik lang naman iyon? Oh c'mon!

"Jenan!" biglang sikaw ni Eurika kaya napatingin akong bigla sakanya.

Nagpakawala siya ng buntong hininga bago siya nag salita.

"Why aren't you listening to me? Kanina pa ako nagsasalita dito wala naman palang nakikinig," nagtatampo niyang sabi.

"I'm sorry, pre-occupied lang ako," sabi ko sa kanya.

Nagkibit balikat na lang siya at nagpatuloy sa kinekwento niya sa akin hanggang sa nag alas kwatro emedya na ng hapon.

Nakakapagod makinig sa napakahabang kwento ni Eurika. Naghiwalay na kami ng landas pagkatapos dahil 'di naman kami magkaklase na dalawa.

Bumuga ako ng hangin bago binuksan ang pintuan ng lecture hall.

Buti na lang at walang pinapamemorya si Ma'am kundi patay talaga ako.

Pumasok na ako sa loob at umupo sa dati kong pwesto.

Kaklase ko ngayon si Ethan sa subject na ito.

"Ano ba 'yan ang tagal ni ma'am," reklamo ni Ethan habang naglalaro ng PSP.

Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ma'am Quiñones at halos lumuwa na ang eyeballs ko nang makita ko si Dela Conde na pumasok.

Anong ginagawa niya dito?!

"This man beside me is Mr. Dela Conde and he's here for my security," sabi ni ma'am.

Hindi kaya sugar mommy niya si maam? Tapos 'yong labing hinalik niya saakin ay hinalik niya kay maam?

Nanlaki ang mata ko sa mga napagtanto ko.

Na.ka.ka.di.ri!

Nang tiningnan ko si Dela Conde na nakaupo sa may upuan sa harap ay napabuntong hininga na lang ako.

I admit it he really is damn fucking a gorgeous man! Kahit naka-pokerface siya ngayon habang nakatingin sa akin ay napakagwapo niya pa rin sa paningin ko.

Natapos ang klase ko kay ma'am Quiñones ng mga alas syete. Nag extend pa siya ng 30 minutes kasi may pinagawa siyang quiz sa amin.

Naaasar ako hindi dahil sa nagbigay siya ng quiz kun'di dahil sa masinsinan silang nag-uusap ni dela Conde.

Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako naiinis eh nag-uusap lang naman silang dalawa.

Pero grabe makipag-usap 'tong lalaking 'to kasi di man lang ngumingiti don sa kausap, puro tango, iling at kunting salita lang ang lumalabas sa bibig niya.

"Jenan una na ako sa'yo" paalam ni Ethan saakin.

Ang malas ko't huwebes ngayon. Alas nwebe pa ng gabi matatapos ang klase ko. Napahinto ako sa paglalakad ko dahil biglang tumunog ang alert tone ko.

"YES!" napatakip nalang ako ng bibig dahil napalingon saakin ang ibang studyante na seryosong nag-aaral dahil sa biglaan kong pagsigaw.

Sino ba naman kasing di mapapasigaw sa tuwa kung nakatanggap ka ng SMS blast galing sa proffesor mo na wala kayong klase ngayong gabi!

Napawi ang ngiti ko at napalitan ng pagkunot ng noo nang nakitang papalapit sa dereksyon ko si dela Conde na seryoso ang mukha. Akala ko ba umuwi na siya? Sabay sila ni ma'am kanina eh.

"Good evening, officer! Anong atin?" nakangiti kong tanong kahit na dumadagundong na ang puso ko sa pagtibok.

Ano bang nangyayari saakin? Simula nong nahalikan niya ako di na mapakali 'tong puso ko. Kapag andyan siya parang gusto niyang kumawala.

"May utang ka sa akin," napaawang ang bibig ko sa sinabi niya.

Kailan pa ako nagkautang dito? Sa pagkakaalam ko ay kaninang alas tres ng madaling araw ko pa naman siya nakilala ah?

"You kick my balls kaya sisingilin kita," sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hinila nalang akong bigla papunta sa parking lot.

Ano bang pinagsasabi niya? 'Di ko naman sinasadya na masipa siya. Binastos niya ako kaya ganon.

"B-bitawan mo nga ako!" sabi ko sakanya pero imbis na bitawan niya ay hinigpitan pa niya ang pagkakahawak dito.

"Sakay! H'wag kang tatakas, don't worry wala akong gagawin sa'yo maniningil lang ako, at saka," sabi niya saakin sabay tingin sa mga mata ko, "suspended ako ng isang buwan dahil sayo kaya kailangan mong pagaanin ang loob ko."

Napatawa ako.

So kasalanan ko kung suspended siya sa trabaho ng isang buwan?

"Buti nga sayo," sabi ko.

Nagsumbong kasi ako hepe nila sa ginawa niya sa akin, at hindi ko alam na agaran siyang e-sususpende matapos kong makapagreklamo. Pasalamat nga siya't hindi ko siya kinasuhan.

Nang makapasok ako ay umikot siya sa kabila at sumakay narin. Gaya ng dati ay halos mapanis ang laway ko dahil sa di niya ako kinakausap at seryoso lamang siyang nakatitig sa daanan na tila nag-iingat siya sa pagmamaneho.

"C'mon," sabi niya n'ong nakarating na kami sa distinasyon namin.

Sumunod na lang ako sakanya na seryosong naglalakad papasok sa isang restaurant. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto. Ngumuso na lang ako pagkatapos non.

May pagkagentleman din pala siya.

"Sir? May I take your order please?" tanong ng isang waiter.

Teka? Waiter ba 'yan? Bakit ang gwapo?

"Gaya ng dati," sagot niya.

"My dear cousin wala sa menu ang gaya ng dati."

Oh! So magpinsan sila?

Kung ikokompara silang dalawa ay ewan ko lang kung bakit mas lamang sa paningin ko itong kaharap ko sa upuan.

"Umalis ka nga muna Homer," sabi niya sa pinsan niya na umalis kaagad matapos niyang banggitin ang mga katagang yaon.

"Kaya mo ba ako dinala dito dahil pagbabayarin mo ako ng kakainin mo?" seryoso kong tanong sakanya.

Hinalungkat ko ang pitaka ko at naglabas ng limang libo.

"Here take it."

I saw irritation on his face nang sinabi ko ito.

"You're insulting me, Jenan. I don't let girls pay my bills," sabi niya habang nakatingin saakin ng seryoso.

Ngumisi ako sa kanya.

"Can you still afford this kind of food? Wala kang matatanggap na sahod this month kasi nga suspended ka 'di ba? Here, tanggapin mo na," mapanuksong sabi ko.

Pinukol niya ako ng masamang tingin kaya napatawa na lang ako habang binabalik sa pitaka ko ang pera ko.

"Fine, fine. Ikaw na magbabayad," wika ko.

"Hindi kita dinala dito dahil gusto kong bayaran mo ang kakainin ko...I brought you here because I just want...to have a dinner with you," nagpaangat ako ng tingin sakanya dahil sa gulat.

Sincerity is in his eyes.

Napakurap kurap pa ako dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

So...this is a date, right?

"Ayos lang ba kung iyan ang hingin kong kabayaran, Jenan?" he softly asked.

'Di ko alam pero bigla akong tumango sa tanong niya. Then I saw him smile a little and his smile makes my heart beat so loud and fast.

Why is this happening to me? What did you do to me dela Conde?

To be continued...