CHAPTER 1: First Encounter
Jenan's POV
Nakatapis lamang ako ng tuwalwa nang lumabas ako sa banyo at kaagad akong napabaling bigla sa cellphone ko na nilagay ko sa side table.
Kinuha ko ito para tingnan kong may mensahe ba ako galing sa mga kaibigan ko.
Napangiti ako nang makita kong may mensahe nga galing sakanila.
Eurika: susunduin kita sainyo. May pupuntahan tayo nina Ethan.
Nag tipa kaagd ako ng mensahe para sa kanya.
To eurika: make it sure na matutuwa ako sa pupuntahan nating iyan.
Agad-agad naman ang pagreply niya sa mensahe ko.
Eurika: 'di ka lang matutuwa mag e-enjoy ka pa.
Nilapag ko ang phone ko pagkatapos at 'di na siya nereplyan.
Pumasok ako sa walk-in closet ko at naghanap ng damit. Kinuha ko ang isang racer back na damit na kita ang tiyan pag isinuot pagkatapos ay kumuha ako ng leather jeans at isinuot ito.
Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang hair dryer at nang matuyo na ito ay agad kong pinusod ko ito para saganon ay 'di ito maging sagabal mamaya.
Kinuha ko ang leather jacket na match ng jeans ko at isinoot ito. Lumabas ako ng kwarto ko at saka bumaba na sa hagdanan.
"Anong oras na?" tanong ni daddy.
Tiningnan ko ang wrist watch ko.
"Twelve midnight," pasimpleng sagot ko.
"Exactly! So saan ka pupunta? Ugali ba ng matinong babae ang lumakwatsa ng hating gabi?" tanong ni daddy na nakataas ang kilay.
"Pa, nagyaya sina Ammy so..."nagkibit balikat ako sabay ngiti at lakad paalis ng narinig ko ang busina ng sasakyan.
"Jenan, comeback here!" mala autoridad na sabi ni Papa.
Nilingon ko siya ng nasa hamba na ako ng double door namin. Ngitian ko siya at kinawayan.
"I'll be back, promise!" sabi ko.
"Go back to your room, now!"
Umiling ako sa sinabi niya.
"Bye dad! I love you!" sabi ko sabay takbo palabas ng bahay.
'Di na nakapalag si Papa sa ginawa ko.
Lage namang ganyan eh. Lage siyang parang walang pakialam pagdating sa akin.
He changed when mom died. His world totally revolves to my mom kaya nang mawala ito ay talagang pakiramdam niya gumuho na ang lahat at maski ako nakalimutan niyang nag-eexist sa tabi niya.
"Natagalan ka ata?" tanong ni Jake na siyang nagmamaneho ng van.
"Nagtanong pa kasi si Papa sakin kung saan na naman ako pupunta," wala sa sariling sabi ko.
Sinaksak ko sa tenga ko ang earphone para makinig ng musika. Nang nasa chorus na ay di ko na napigilang di ma pa head bang dahil sa kantang pinapakinggan ko.
"I am a good boy~" pagkanta ko at nagnapatuloy sa paghehead bang.
Nakailang kanta rin ako bago huminto ang van.
"Look," sabi ni Ammy nang tinanggal niya ang earphone sa tenga ko.
Napakunot ang noo ko sa nakita ko.
"Who the hell are they?" tanong ko.
Are they some sort of lowclass gangsters? Uso pa pala ang ganito sa panahon ngayon?
Bumaling sa akin si Ethan.
"I don't know. May binubugbog yata," sabi niya sa akin.
May biglang bumato sa van na sinasakyan namin kaya napasigaw sa gulat si Eurika.
Nabasag ang salamin ng van namin buti na lang at walang nasaktan ni isa sa amin.
"Baba!" sigaw ng isang hindi ko kilalang lalaki pagkatapos ay binato na naman kami ng bato.
"What the hell? Jake paandarin muna ang sasakyan!" sigaw ko.
Pinaandar muli ni Jake ang makina ng sasakyan pero nang may narinig akong sumigaw at humihingi ng tulong ay sinabihan ko siyang bumaba kaming lahat sa sasakyan.
"What the hell are you doing, Jenan? H'wag na tayong makigulo," Ammy said.
"Right, hindi naman ito ang nilakad natin. We supposed to have a camping. So Jake, tara na," wika ni Eurika.
"Oh my Gosh!" sigaw ni Ammy nang sunod-sunod kaming pinagbabato.
Nabasag na ang salamin ng van na sinasakyan naming kaya todo ilag kami sa mga salaming tumatalsik.
"Ethan is bleeding!" sigaw ni Eurika.
"We need to rush him to the nearest hospital, Jake iandar mo na," dagdag ni Ammy.
"Guys, Ethan's wound can be healed pero kung hindi tayo bababa para tulungan ang mga humihingi ng talong they might lose their lives," sabi ko.
May halong pangamba ang mga mata nila tila ba nagdadalawang isip sila kung sasang-ayon sila sa akin o hindi.
"Jenan's right," Mikael agreed.
"So you want us to take risk? Nababaliw ba kayong dalawa? Why don't we just call the police?" giit na tanong ni Ammy sa amin.
"We've been risking ourlives to raise a fund, hindi naman siguro iba itong gagawin natin ngayon?" tanong ni Mikael sa kanilang lahat.
"Fine. Fine. Fine," Ethan said and immediately opened the van's door.
Eurika click her neck sabay sabing.
"Para sa bayan. Let the battle begin," bigla kaming sinugod ng kalaban namin kaya nagkanya-kanya na kaming lahat.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko pero parang may sadyang nag-udyok sa akin na gawin ang bagay na ito.
Ilang saglit ay may nagtangkang lumapit sa akin na lalake pero sinipa ko siya sa tiyan niya kaya napaatras siya. May naramdaman akong parang may susugod saakin galing sa likod at 'di ako nagkamali.
Susuntukin niya sana ako kaso nahawakan ko ang kamay niya kaya inikot ko ito.
Napasigaw siya sa sakit.
Para mas madagdagan pa ang paghihirap niya'y sinipa ko ang likod ng tuhod niya kaya napaluhod siya pagkatapos ay tinuhod ko ang pagnumukha niya.
"Babae ako pero mas malakas pa ako kesa sayo," sabi ko sakanya.
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Shit!" mura ko nang may humila sa buhok ko.
Ugh. Ang sakit.
Nasa likod ko lang siya kaya inapakan ko ang paa niya gamit ang takong ng sapatos ko.
Napasigaw siya sa sakit.
Sinamantala ko ang panghihina niya kaya hinila ko siya palapit saakin at sinapak ko ang mukha niya.
"Sa susunod babae mamili ka ng kakalabanin mo!" bulyaw ko sakanya.
May lalapit sanang lalake sakin para sugurin ako pero inunahan ko siya.
Nagpakawala ako ng flying kick kaya knock out siya sa laban namin.
Nakita kong pinagtutulunga ng tatlong babae si Ammy kaya nilapitan ko ito para tulungan. Hinila ko ang isa nito at binalibag sa taong nagtangkang sumugod sa banda ko.
"Freeze! Mga pulis kami!" biglang may sumigaw.
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.
May mga parak!Patay tayo rito!
"Shit!" narinig kong mura ni Ammy.
"Tara na, Jenan!" sabi ni Ethan na may gasgas ang mukha dahil sa laban na hindi naman talaga para sa amin.
Tumakbo ako kasama nila kaso may biglang humarang sa dinadaanan ko kaya sinipa ko ang kinaalagaan niya na naging sanhi ng pagkaluhod niya. Medyo naka layo na sina Ethan kaya tumakbo pa ako nang mabilis kahit na nakatakong ako.
"Fuck!" mura ko nang may pulis na humabol saakin.
Mas binilisan ko pa ang takbo ko.
Tinatawag na ako nina Jake dahil paandar na ang van. Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba.
Ba't ba ako tumatakbo? Wala naman akong kasalanan! Pero bakit niya rin ba ako hinahabol? Kung minamalas ka nga naman oh! Magiging criminal pa yata ako nang wala sa oras.
"Gotcha!" halos magsintindigan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang may biglang may matipunong braso na pumulupot sa beywang ko.
Ramdam ko ang hininga niya sa likod ko. Hinihingal siya gaya ko.
Hinawakan niya ang palapulsuhan ko sabay sabing.
"You're under arrest"
Fuck!
TO BE CONTINUED...