Chereads / Together with Him / Chapter 24 - TWH: Chap 22

Chapter 24 - TWH: Chap 22

Lifted

"Isn't the food delicious?" Prince asked. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti.

"It's delicious. Thanks for the dinner," he nodded and continue eating his food.

We're here at a fancy resto again. Sabi ko ako na ang magbabayad ng akin pero nag-insist siya na siya na lang daw ang magbabayad kaya hinayaan ko na lang. Wala na rin kasi akong pera, dito niya pa ako dinala, eh dinner lang naman.

"Did you two fight? Hindi naman kasi 'yon nagpapa-request sa'min kahit kailan," nginuya ko ang pagkain at uminom ng tubig. Pinunasan ko ang labi ko bago sumagot sa kanya.

I shook my head, "Hindi."

He leaned on his chair and crossed his arms. Sa totoo lang, nang nakita ko 'yung mga kaibigan ni Keoz, hindi ko mapagkakaila na lahat sila ay may itsura lalo na itong si Prince na kaharap ko ngayon. Naka-gel pa ngayon ang buhok niya kaya mas lalong umangat ang ka-gwapuhan niya. Siguro'y may girlfriend na siya ngayon. Sa mukhang iyan hindi pa siya nagkakaroon? Imposible naman iyon.

"Ihahatid ba kita sa unit o sa bahay niyo?" tanong niya. Tinititigan niya lang ako habang hinihintay ang sagot ko.

"Sa unit," tumango siya bago tinawag ang waiter para sa bill. Tapos na kasi kami kumain.

Nang matapos bayaran ay lumabas na kami sa restaurant. Pinagbuksan niya ako ng pinto, nagpasalamat ako kay Prince, tumango lang siya at umikot na sa harapan papunta sa driver's seat. Isasaksak niya na sana sa ignition ang susi ng mapatingin siya sa akin pababa.

Akala ko kung anong tinitingnan niya pero nagsalita siya.

"Put on your seatbelt."

"Ah, I'm sorry nakalimutan ko," tumango siya at tuluyan ng pinaandar ang kotse paalis ng restaurant at papunta sa unit ni Yander. I breathed in and tried to sleep. Ramdam ko ang pagod ko ngayon. Siguro'y sa pagpunta ko kayna Max tapos sa resto.

"Fionna.. wake up. We're here," naalimpungatan ako sa bahagyang pag-tapik sa akin ni Prince sa braso. Dahan-dahan akong nag-mulat at nakita siyang nakatingin sa akin. Kinusot ko ang mata ko at umayos ng upo. Naka-park kami sa gilid ng daan malapit sa building ng condo ni Keoz. I glanced at the wrist watch. It's already nine in the evening.

"Kanina mo pa ba ako ginigising? Sorry napasarap ang tulog ko," I told him. He chuckled and shook his head.

"No, you wake up when I tried to tap your arm."

I look at myself at the mirror in front of me. Buti na lang hindi ako tulo kayat, nakakahiya.

"Thanks nga pala ulit sa dinner at sa paghatid sa akin dito," he nodded and gripped on the steering wheel now.

"Your welcome."

I got my phone and wallet now before I unbuckled my seatbelt.

"Alis na ako ha? Salamat ulit," nginitian ko siya bago tuluyang lumabas na ng kotse niya. Ibinaba niya ang bintana sa side ko. I waved at him and smiled again.

"Bye! Ingat sa pagda-drive!" he just smiled at me before driving away. I sighed and turned around.

Halos mabuwag ako sa kinatatayuan ko ng makita siya ilang dipa mula sa akin. Kanina pa ba siya diyan? Pero bakit ba, siya naman ang nag-request kay Prince na kumain kami sa labas ah? Nakasandal lang siya sa may labas ng building at matamang nakatingin sa akin. Mukha siyang galit. Bakit ganyan ang mukha niya? Di ba dapat matuwa siya kase busog na ako? Joke.

Iniwas ko ang tingin sa kanya at naglakad papasok ng lobby pero hinigit  niya ako papunta sa kanya! Agad akong umiwas sa kanya. My brows furrowed.

"Ano ba Markeus?! Bitawan mo nga 'ko!" he pursed his lips in a thin line and looked away. He became silent for a minute before he turned his gaze on me again, and still not letting go of my wrist.

"Ang dami mo naman atang kasama ngayong gabi. Una si Jerico, ngayon naman si Prince?" his jaw clenched. Gusto ko sanang itanggi na hinatid lang naman ako ni Jerico pero hindi ko ginawa. Tsaka bakit ba siya nagtataka pa na hinatid din ako ni Prince pauwi rito?!

"Eh ano naman kung ganon? Nagreklamo ba ako na may girlfriend ka palang tinatago?" I fired back. His lips parted and his face softened.

"Fionna.. hindi ko siya girlfriend-" I cut him off.

"Tss.. boys and their excuses para lang makakuha ng dalawang babae," I shook my head in disappoinment. Pero mismong ako nasaktan rin sa sinabi ko.

"Hindi naman ako gano'n-"

"Hah! Gasgas na 'yang mga linya niyo, Markeus. Tama na 'yan, tumaas na tayo at baka hinahanap ka na ng girlfriend mo," tumalikod ako sa kanya pero hinatak niya ako pabalik. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit! Pilit akong humihiwalay sa kanya pero nagmamatigas siya.

"Markeus! Tigilan mo nga 'yan! Nakakahiya sa mga tao!" inis kong bulong sa kanya at tinutulak pa rin siya. Ibinaon niya ang mukha niya sa leeg ko.

"Fionna.. maniwala ka sa'kin. Walang kami, wala lang siyang matirhan dahil-"

"Hindi ko tinatanong! Umalis ka na, please?" umiling siya at mas hinatak pa ako papalapit sa kanya. I shut my eyes and covered my face with my hands. Bakit ba may pakulo siyang mga ganito?! Nahihiya na ako para sa amin.

"Markeus, isa!" banta ko sa kanya.

"Please, believe me."

"Oo na, sige na. Naniniwala na ako sa'yo kaya humiwalay ka na," I felt relieved when he parted from the hug.

"Tumaas na tayo," he nodded and followed me inside the lobby.

"Why are you with her, baby?" maarteng tanong ni Rebecca pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa unit ni Markeus. Umikot ang mga mata ko. Tiningnan ako ni Markeus, mukha siyang nag-aalala pero hindi ko na iyon pinansin at nagtuloy-tuloy na sa pagtaas papuntang kwarto para kunin ulit ang kumot at unan ko. Sa sala pa rin ako natutulog kagaya ng sinabi ni Markeus sa akin dati. Ang pagkain ay sariling bili ko na rin.

"Buti naman at dito ka natutulog. May pakwarto-kwarto ka pa," natigilan ako ng marinig ang sinabi ni Rebecca. I sighed and started to cover the couch with the blanket.

She's wearing a night gown and a face mask on her face.

Napaka-arte naman nito, may paganyan-ganyan pa sa mukha hindi naman nakakaganda.

"Ang bastos naman, hindi nasagot," dagdag pa niya. I pursed my lips in a thin line ng bigla siyang humiga sa inaayos kong kumot sa couch. Nagusot ito. Isang pang kembot Rebecca, pati mukha mo gugusutin ko.

"Rebecca hihiga na 'ko diyan," kalmado kong sabi sa kanya pero parang wala siyang narinig dahil nakapikit na siya.

"Hindi ka ba aalis diyan?" tanong ko, nagtitimpi na. Hayop, inaantok na ulit ako 'no!

"Paano kung ayoko?" I let out a deep breathe. Okay.

"Edi 'wag," hinawakan ko ang braso niya at biglaang hinatak siya pababa sa sofa. Kumalabog siya sa sahig. She squealed loudly. I covered my ears because she's too nosy! I was shocked when I heard her cry.

"What happened to you, Rebecca? Fionna, what did you do to her?"

"Markeus.. oh my gosh. Look what she did to me!" liningon ko si Markeus na nasa likuran ko na pala at nakatitig sa akin ng seryoso. He shook his head before kneeling in front of Rebecca.

"I felt like a bone cracked in my ankle! Markeus.. do something!" then she started to sob. My lips parted when Rebecca lifted her legs so her panty are now showing! But why does Markeus seems like he didn't even notice it?! Or does he enjoying seeing her panty's showing up?

I swallowed hard when Markeus held Rebecca's ankle and lifted it more. I saw how Rebecca bit her lips in a sexy way. I felt thousands of daggers stabbed my heart when I saw what they are doing in front of me.

"Does it hurt?" Markeus asked her as he still holding her ankle and tried to move it in a circular motion.

I knew it. Boys always have that flowery words that can deceive us human. Magaling lang sila sa salita, hindi sa gawa. Mga taksil.

Humiga na lang ako sa couch at nag-taklob ng sarili.