Chereads / Together with Him / Chapter 23 - TWH: Chap 21

Chapter 23 - TWH: Chap 21

Hindi basta gusto lang

"Sigurado ka ba diyan? Masasaktan ka lang ulit Fionna," nag-aalalang tanong niya. Ngumiti ako ng mapait.

"Okay lang. Mas masakit pa rin 'yung nangyari sa amin ni Jerico. Wala ng mas sasakit pa doon," mahina akong natawa. Ngunit umiyak din ng maramdaman ko ang yakap sa akin ni Max.

"Napakaiyakin ko talaga oh," pagbibiro ko kasabay noon ay ang paghikbi.

"Maggi-give up na naman ako para sa ibang babae, nakakatuwa naman," pagbibiro ka pa. Max caressed my back and my hair.

"Shh.. ayokong umiiyak ka Fionna. Hindi ka naman ganito diba?" tanong niya. Mas hinigpitan pa ang yakap sa akin.

"Hindi ko rin alam. Siguro nabago ako sa mga nararanasan ko ngayon," sagot ko. Natigil kami ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ni Max.

"Anak? Nandiyan ba si Fionna?" narinig namin ang boses ng mama ni Max. Umayos kami ng upo. Pinunasan ko ang pisngi ko na may mga luha pati na rin ang mukha ko ay inayos ko na rin.

"Opo ma, bakit po?" tanong ni Max. Hindi kaagad nakasagot ang mama niya.

"May.. naghahanap sa kanya sa labas. Gwapo," my lips parted and ran on the window. Hindi ko masiyadong maaninag ang kotse kaya hindi ko mawari kung sino ang sinasabi ng mama ni Max na gwapo. Hindi kaya si Keoz iyon?

"Sige po, ma. Baba na po kami," hinatak ako ni Max palabas ng kwarto pero bago kami makababa, may sinabi pa siya sa akin.

"Tandaan mo. 'Wag kang titingin sa kanya para hindi ka mahulog," kumunot ang noo ko at tatanungin pa sana siya kung anong ibig sabihin no'n pero tinulak niya na ako pababa. Titingin na lamang raw siya sa bintana.

Inayos ko ang sarili ng palabas na ng bahay. Tinanaw ko si Max na nakamasid lang sa bintana sa taas, napailing na lamang ako. Hinarap ko ang dinadaanan ko at napakunot ang noo ko ng matanaw ang ibang kotse na naka-park sa tapat. Hindi ito kay Keoz at hindi rin ito ang kotse ni Jerico. Napaatras ako ng bumukas ang bintana sa side ko at nakita ko roon sa loob ng sasakyan ang kaibigan ni Keoz, si Prince. Nakangiti ito sa akin pero hind ko ito nasuklian. Hindi ko alam kung bakit na-dismaya ako ng siya ang nakita ko imbes na si Keoz.

"Good evening Fionna. Have you already ate you dinner?" tanong niya sa akin. Umawang ang labi ko.

"Uh.. not-not yet," I stuttered! Nilingon ko ang bintana kung nasaan si Max, nagtatanong ang mga mata nito. Nilingon ko ulit si Prince ng magsalita ito.

"Let's eat. I know the best resto here," my forehead creased. Anong sabi niya? Niyayaya ba niya akong kumain sa labas?

"Don't put a malice here Fionna," he then chuckled and gripped on the steering wheel, "Inutusan lang ako ni Markeus na kumain tayo sa labas hindi ka pa daw kasi nakakakain ng dinner," a felt someone stabbed my heart. I don't want to break down here, Prince is here, nakakahiya. Huminga ako ng malalim at napaiwas ng tingin.

Busy na ba siya sa girlfriend niya kaya pinapasa niya lang ako sa kaibigan niya? Halos sampalin ko ang sarili ko sa naisip. Bakit tinatanong ko pa na parang wala ng pake sa akin si Keoz kahit sa una pa lang naman ay pangco-comfort lang ang pinaparating at pinapadama niya sa akin.

Umiling ako kasabay ng pag-ngiti sa kanya, "Hindi na. Busog pa naman ako," tanggi ko. 

"Hindi pwede. Magagalit si.. si Markeus," sabi ko imbes na Keoz. Kumunot ang noo niya.

"Bakit naman? Can't you see? He's worried and taking care of you," mahina akong bumuntong-hininga. Okay, let's just say that he's worried and he's taking care of me. But he's just doing it because of pity. He felt pity for me. That's all.

"Okay lang talaga ako. Salamat na lang," huminga siya ng malalim at tumingin sa harap.

"Can I just call Markeus? Kayo na lang kumain sa labas," aniya at tumingin ulit sa akin. Hindi pwede, magagalit sa akin si Rebecca. 

"Sasama na 'ko," sumilay kaagad ang ngiti sa labi niya tsaka umayos na ng upo.

"Sandali lang, magpapaalam lang ako kayna Max," sabi ko. Liningon niya ako.

"Max? 'Yung girlfriend ni Geo?" natigilan ako. Ano? Did I misheard what he just said?

"Huh?" 

"Si Max na girlfriend ni Geo?" 

"A-Ah! Oo, siya nga. Wait lang ha?" pagka-tango niya ay tumakbo kaagad ako pabalik sa bahay. Tumaas ako sa hagdan at nandoon nga siya sa bintana, hinihintay na akong makataas. 

"Kayo na pala ni Geoffrey?" seryoso kong tanong. Dumaan ang pagkagulat sa mukha niya pero napalitan din ito ng guilt. 

"Uh.. kahapon lang naman.. sasabihin ko na sana-" I cut her off.

"Congrats sa inyo!" tinakpan ni Max ang bibig ko.

"Baka marinig ni mama. Hindi ko pa kasi napapakilala si Geo," bulong niya. Inalis ko ang kamay niya sa bibig ko.

"Aalis na ako Max. Pakipaalam na lang ako sa mama mo," aalis na sana ako ng pigilan ako ni Max sa braso.

"Sino 'yon? Si Markeus?" umiling ako at tumakbo na pababa.

"Fionna! Sino 'yon!" sigaw pa ni Max sa bintana pero kumaway na lang ako sa kanya ng patalikod habang tumatakbo papunta sa sasakyan ni Prince. Binuksan niya iyon mula sa loob. Nang makapasok ay isinaksak na agad ni Prince ang susi sa ignition hanggang sa umandar na ang sasakyan. 

Katahimikan lang ang bumalot sa amin sa loob ng sasakyan at nakakailang iyon para sa akin. 

"Can I.. Can I turn on the radio?" I asked. He glanced at me and faced the road again. He nodded. Binuksan ko ang radio at pasalamat ako't umingay naman ang paligid namin pero napakurap-kurap at natigilan ako ng marinig ang kanta sa radyo.

NOW PLAYING :  Araw-Araw by Ben&Ben

Mahiwaga

Pipiliin ka sa araw-araw

Mahiwaga

ang nadarama sa 'yo'y malinaw

Napatingin ako sa labas ng bintana. Tanda kong iyan kinanta sa akin ni Markeus ng gabing pinagtaksilan ako nina Jerico. Sa labas ng veranda ng unit niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng pagkalungkot sa kanta. Tanda ko pa rin ang paraan ng pag-tingin niya sa akin ng mga oras na iyon. Hindi mo aakalaing mayroon na siyang minamahal noon, at hindi ako iyon kundi si Rebecca. 

Huminga ako ng malalim at pinag-isipang mabuti ang plano kong gawin para maiwasan 'tong nararamdaman ko para kay Markeus. 

Mas tamang piliin ang pangarap kesa sa taong mahal mo.

Mahal, hindi basta gusto lang.