Cry-baby
Ang sabi nila Mam Rissa At Sir Romuel ay bukas daw ako magsisimula, at wala naman akong angal roon. Excited ako na kinakabahan dahil hindi ko alam kung ano nga ba ang itsura ng anak nila. Hindi naman siguro mukhang adik or rapist yon 'no? Malayo sa mukha ng mag-asawang Cuervo yon!
Nang makabalik galing sa delivery si Max, ay sinabi ko sa kanya ang naging usapan namin kanina. Hindi na naman kailangang itago pa iyon, kaibigan ko naman siya eh kaya okay lang. Besides, I trust her.
"Ano? Ang swerte naman ng gagang 'to!" Sumimangot ako ng hatakin niya ang buhok ko.
"Matagal na naman tayo dito kaya tinaggap ko na rin ang offer. Nakakahiya naman ding tumanggi," I giggled. She nodded.
Max leaned on the counter, placed her elbow there and rested her chin on her palm.
"Huy wag mo 'kong kakalimutan kapag foreigner ka na ha! Baka mamaya.. makahanap ka na ng ibang kaibigan doon tapos.. tapos.. ipagpapalit mo na ako," ma-drama niyang sabi. Ngumiwi ako sa kaartehan niya saka binato ng crumpled paper.
"Aray naman!"
"Ang arte netong babaeng toh! Hindi ko pa nga nasisimulan abroad at foreigner agad?!" singhal ko sa kanya. She pouted.
"Punyetang toh, baka mamaya lumandi ka lang dong gago ka. Pero ireto moko sa kaibigan niya pag pogi ha!" she giggled. I pulled her hair playfully. She shrieked.
"Baka nga di kami magkasundo noon!" umirap siya pero ngumiti rin.
"Jusko, ikakama ko kaagad yon pag nagkataon!" she said. Literal na nanlaki ang mga mata ko at binatukan siya! She's too bold to say that!
"Kanina ka pa ah! Inaano kita?!" ambang susuntukin niya ako ng tumunog ang chime ng transparent main door. Liningon namin ito.
A guy with his white and black stripes shirt with his faded pants came in. Dumako ang tingin ko sa sapatos niya at muntikang mapamura ng makitang balenciaga iyon. He removed his shades, it looks expensive.
Kung may iniinom lang ako ay napabuga ko na iyon ng mamukhaan ang mukha niya! It was the guy on the magazine where Max was obsessed with! Yung model! Liningon ko muna ang kaibigan bago tumayo para batiin ang kadarating lang na lalaki, he smiled at me. Sinulyapan ko si Max na tumalikod at mahinang tumili bago hinarap ang lalaki sabay lagay sa likod ng tenga ang buhok.
Malantod na babae!
"Goodmorning, uh- S-Sir," bati ni Max pero tumango lang siya pero hindi ngumiti. I laughed inside my mind. Mukhang na-dismaya rin ang lola mo, hindi siya nginitian eh! Haha! Kawawang gaga!
"Fitting lang for a barong," the coldness of his voice made me shiver.
"U-Uh, do you like to uh- look for our designs first Sir? Or meron kayong designs na dala?" umiling siya kaya kinuha agad ni Max ang medida para sukatan si James sa taas.
Kita ko ang pagtaas ng kilay ni.. James? Idk his name. The side of his lips rose too! Hindi ko alam kung napansin ba iyon ni Max dahil sa kaba at kilig niya! Namumula na ang pisngi ng gaga. Pero sinundan na lamang niya ito ng igiya siya ni Max pataas sa fitting room doon. Umiling na lamang ako at linabas ang phone mula sa sling bag.
My brows furrowed when I did not receive any replies from Jerico! He's still busy? Sa inis ay hinagis ko na lang ang phone ko sa bag pero hindi iyon sumwak sa loob kaya nahulog at gumawa ng ingay!
I shut my eyes when I saw in my peripheral vision that the model, James, turned his gaze to me! Napatigil pa tuloy siya sa pag-akyat! Nakakahiya!
"Uhm, sorry. Continue," and gestured the his way so that he could follow my friend already. He nodded and continue climbing the stairs up to the second floor where fitting rooms are there.
I sighed and pick up the phone on the ground.
Maybe I should visit Jerico in his work? Give him his lunch or whatever he like?
Tama! He would love that!
Kaya ng makaalis na si James ay nagpaalam muna ako kay Max na uuwi lamang para magluto ng tanghalian para kay Jerico. Mabuti na lang at nakapamili ako kahapon sa grocery!
Abot langit ang ngiti ko ng pumasok lumabas ako ng elevator at tumapak sa floor nila.
I was wearing a sleeveless black top and a skirt ending just above my knees paired with a sandals.
Linibot ko ang tingin sa right wing ng floor habang hawak-hawak ang paper bag na nasa likod lang ng likod ko. I want to surprise him with a lunch that I made specially for him.
Excited akong ibigay ito sa kanya! Siguradong masasarapan siya rito! Siyempre binuhos ko lahat ng pagmamahal ko rito yung tipong makakalimutan niya ang pangalan niya pag natikman niya na 'to! Haha!
But my happiness suddenly faded when I saw him eating with a girl.
And they looked happy.
Umiling ako at tinanggal sa isipang masaya silang pareho. Still, I smiled while walking towards them. Some here are now eyeing me as I neared my boyfriend and the girl infront of him but i just ignore them. Hindi naman sila ang susurpresahin ko eh? Baket, pake ba nila?
"Hey," pang-eepal ko sa tawanan nila.
I looked away when I saw how his smile faded the moment he saw me.
"Jerico, who is she?" tanong ng babaeng katawanan ng boyfriend ko. Gusto kong umirap sa kalandian nitong punyetang babae na toh. I scanned her from head to toe.
Tsk, mukhang garapata.
Hinarap ko siya at naglahad ng kamay sa harapan niya.
"Hi, Fionna the maganda," I smirked but she just kindly accepted my hand for a light shake.
"Trisha, nice to meet you," then she smiled. I quickly withdraw my hands that results hers to hang for a while. Good thing she put it down when she noticed what I did.
"Babe, lunch?" Inilahad ko kay Jerico ang paper bag. Tinaas ko ang kilay ko ng titigan niya lang iyon.
Ramdam ko ang kulo ng dugo ko ng marinig ko ang bahagyang bungingis ng mahaderang si Trisha sa gilid ko. Sinipa ko ang paa niya pero sinigurado kong hindi iyon mahahalata ni Jerico.
"Ouchy!" singhap ni Trisha.
"Are you okay-" I cut him off.
"Babe, ano ba? Are you gonna take it or not?" Iritado kong tanong sa kanya tsaka nilagay ang dala ko sa table niya.
Bago pa pag-usapan roon ay nag-martsa na ako papuntang elevator kahit rinig ko pa ang pagtawag niya sa akin.
Sayang lang ang effort ko!
Tears stung my eyes when I went inside the elevator. Then, minutes later I found myself sobbing like a kid. My phone rang, i ignored it.
The elevator stopped and a guy went inside too. I wiped my tears and avoid to make a sound when he glanced at me.
I shut my eyes when my phone rang again so I answered it now.
"Babe-" I cut him off again.
"What now, huh?" nagkatinginan kami ng lalaki. Iniwas ko ang tingin sa kanya. We can see our reflection here from the door of the lift. He's just standing beside me while looking at the monitor. Impatiently waiting for the lift to reach the basement.
"L-Let me explain please? It's just a- Jerico, it still hurts!-" it's trisha's voice who cut my boyfriends explanation! Ang kapal talaga!
"Punyeta kayo!" and I ended the call. Sa inis ko'y lumapit ako sa buttons ng elevator at pinindot na agad ang kasunod na floor kung saan ay ang basement.
Walang lingon-lingon pa ay lumabas na ako ng bumukas ito at naglakad na papunta sa kotse ko. Mas lalo akong humikbi ng ma-receive ang message niya.
From: Jerico
I love you.
Hindi ko na nakayanan napasandal na ako sa nguso ng kotse ko habang nakatakip ang mga kamay sa mukha. Kinuha ko kaagad ang inhaler sa bag ko para makasigurado kung sakaling umatake na naman ang hika ko.
Six years na kami ni Jerico pero lagi na lang ganito ang nadadatnan ko sa trabaho niya, laging may kasamang babae. Okay lang sana kung sa work lang. Valid reason naman dahil siguro katrabaho niya lang? Pero pucha, kahit mga kakilala ko nakikita siya sa labas na may kalandiang iba! Pinalagpas ko yong lahat dahil mahal ko siya, ayokong maiwang mag-isa ulit. Saktan ulit. Ipagpalit ulit sa babae. Lokohin ulit ng lalaki.
Pare-pareho kayong mga lalaki, nanakit!
"Are you okay, Miss?" Inangat ko ang tingin ko sa nagtanong at nagulat ng siya yung lalaki kanina sa elevator!
"Sinusundan mo ba 'ko? Sorry, taken na ako," agap kong sagot. Nako! Mabuti ng sigurado! Malay mo gusto lang ng kalandian diba? Tsaka mukha ba akong okay? Naiyak ako diba? Kaya hindi!
His eyes rolled.
"I'm just asking if you're okay, Miss. Wala akong pake sa status mo," at umalis na lang ng walang pasabi! My mouth dropped. Ang suplada nito ah?
"Mukha ba akong okay ha? Hmp! Lalake ka kaya manloloko ka lang rin!" sigaw ko, pahabol.
He stopped mid-step and smirk bago nagpatuloy muli sa paglalakad papunta sa kotse niya.
Nakakainis!
Bumalik ako sa shop pagkatapos noon. Chineck ko ang mga mananahi sa taas at okay naman at walang aberya. May ilang naglilinis at 'yung iba'y tutok na tutok talaga sa kanya-kanyang gawain.
"Ah-Mam, bukas na raw po ng hapon ide-deliver ang kulang nating mga materials," fritz said. Isa sa mga nagsasabi sa akin ng mga kulang na gamit dito at aberya sa mga makina.
Tumango ako, "Sige. Tawagan mo na lang ako bukas kung nandito na. Salamat," tumango siya bago bumalik na sa trabaho niya.
Bumaba na ako papunta kay Max na ino-organize ang mga designs na gawa ko. Nag-angat ang tingin niya sa akin. Sinara ang folder bago humilig sa counter. Chika na naman 'to, jusko.
"Kamusta ang bisita? May chix?" I rolled my eyes and glared at her. She snapped her fingers infront of my face like she was right with what she predicted of what will happen earlier between me and Jerico.
"Aha! Sabi ko na nga ba! Hiwalayan mo na kase! Bakit ba ang martyr mong gaga ka?" I sighed and lazily sat on the monoblock chair then I played with my fingers.
"Mahal ko siya e.. anong magagawa ko?" I snorted as I looked at her sad face.
"Fionna.. hindi na kase healthy yang relasiyon niyo 'e. Masiyado ng abusado yang boyfriend mo! Ultimo gas niya, pang-inom niya ikaw pa rin! Hindi ka pa ba nagtatanda? Parang sugar mommy ka na niyan 'e! Hindi na girlfriend!" ang tono niya'y parang pagod na kakapaalala sa akin.
Kahit ako naman ay pagod na e. Pero masisisi niya ba ako? Tao lang rin naman ako, nagmamahal lang. Ayoko ng maiwan ulit nakakadala na kung mangyare man iyon. Pansin ko na rin naman yung pagiging abusado niya eh pero okay lang, huwag niya lang akong iwan. Matagal na kami ih.
"Max naman.. six years na kami," kahit sarili ko ay binibigyan ko na lang ng dahilan para mas maging matatag sa relasiyon namin. Minsan nga napapaisip ako kung mahal niya pa rin kaya ako kahit.. kahit.. katiting na lang? Siguro naman.
Kinagabihan ay hinanda ko na rin ang mga damit ko, mga sariling gamit sa maleta na pang limang buwan. Ang pakiusap kasi sa akin nina mam rissa ay kung pwede raw na matulog ako roon ng limang buwan, siyempre pumayag na ako 'no! Iisipin ko na lang yung magiging buhay ko pagkatapos kong gawin 'to! Isipin mo matutulog at magiging katulong lang ako doon pero ang kapalit sobra pa sa sobrang blessings! Atleast 'yon sigurado na. 'Yun ay kung matapos ko nga ang pinapagawa nila sa akin. Tsaka, bawas gastusin na rin sa tubig at kuryente sa bahay ko!
"Malapit na ho ba tayo?" tanong ko sa kalagitnaan ng trapiko. Nilingon ako ni Mam Rissa saka tumango.
"Oo hija, malapit na tayo roon"
"Romuel, nandito ba ang anak naten?" mam rissa asked her husband beside her. Kumunot ang noo ng asawa niya habang may tinatawagan sa telepono. Nandito na kasi kami sa tapat ng unit ng anak nilang si Markeus. Pero parang wala namang tao eh, walang nagbubukas ng pintuan.
"Tss. What is he doing? Ganito na lang ba lagi?" the old man's voice roared on every corner of the 17th floor. I gasped.
I cleared my throat before butting in.
"U-Uh, try ko pong k-kumatok?" I hesitate to ask them but when she motioned me to do it, I have nothing to do but knock on the door twice and faced the little monitor on the side so he can see me if he's really inside of his unit.
Pero ilang minuto na ang nakalipas wala pa ring nagbubukas-
"Ay-- pandesal!" my eyes widened when a pack of abs greeted me as the door widely opened.
A man with only his towel wrapped around his waist stands infront of me. His hair was a bit damped, maybe he just got himself on the bathroom before he went here to open the door for us.
So he's taking his shower before he opened the door huh?
He licked his lower lips before a grin was starting to grow up on his lips
"Oh, you're the cry-baby yesterday right?" I blinked twice.
"WHAT?!"
Anu dawww???
Shit.
He's the guy on the basement yesterday!