Chereads / Together with Him / Chapter 6 - TWH: Chap 4

Chapter 6 - TWH: Chap 4

Keoz

Muntikan na akong mapamura ng mabasa ko ang kanina pang missed call at text sa akin ni Fritz.

From: Fritz

Mam. Good day po, dumating na po ang delivery sa shop.

Dali-dali akong nagpalit ng damit at lumabas na ng kwarto. Halos magkandadapa-dapa na nga ako sa hagdan sa pagmamadali! Ngunit napatigil rin ng makitang naglalaro ng xbox ang mokong.

Lalagpasan ko na sana siya dahil mukhang busy nga siya sa laro niya pero bigla siyang nagtanong kaya tumigil ako sa paglalakad.

"Where are you going? It's getting late you know", Tumaas ang kilay ko at kinapitan ang manipis kong blazer na nasa ibabaw ng black sleeveless top ko.

Habang faded shorts naman at sandals lang ang suot kong sapin sa paa.

"Sa shop lang ng mom mo. May nakalimutan akong i-check", My brows furrowed when he suddenly put his controller down on the coffee table and shut off his xbox and the television.

"What are you doing?", Taka kong tanong. I can sense what he's doing, but i'm not assuming. Baka mapahiya pa ako, better shut my mouth. Less mistakes tho.

"I'll drive you there", Akmang haharangan ko siya ng lalagpasan niya ako.

"Oh, oh! Hindi na! Kaya ko na! Just sit there and play-"

"No. It's dangerous outside Fion. Baka mapano ka pa", My heart quickly beated so fast and loud. I swallowed hard bago nanghihinang binaba ang mga braso ko kaya nanguna na siyang nakalakad sa akin palabas ng unit niya.

Okayy...? The quietness between us is soo... akward!

Mariin akong nakakapit sa seatbelt ko dito sa shotgun seat at malalim ang paghinga kanina pa. Hindi pa rin kumakalma ang puso ko. I shooked my head inside my head, confused and irritated. No, I have a boyfriend. I want to be loyal with him no matter what happen. But the way he calls my name. He calls me 'Fion'. He sounds professional and way more sexier while he's saying it. And, siya pa lang ang nakakatawag sa akin ng Fion, i think gusto niya lang sa aking itawag iyon kase Fionna talaga ang tawag ng lahat sa akin. Miski si Jerico na boyfriend ko.

This is just nothing. My heart beats fast and loud because it was nothing or.. napagod lang ako sa mabilis at biglaan kong pagtakbo pababa ng hagdan, na-late nga lang mapagod yung heart ko pero.. siguro valid naman yon diba?

"What were you thinking?", Pumikit ako ng mariin bago ko pinakawala ang ngiti sa labi ko. Making it more casual with him.

"Nothing"

"Do you want to grab food first?", Umiling ako.

"After na lang", He nodded and continue driving.

I stealed a glance on him. Trying not to breathe, scared that it may cause him to look at me and caught me staring at his face.

Bago pa magtagal doon ang titig ko ay bumuntong-hininga na lang ako at tumingin sa nagdidim ng kalangitan sa labas.

"Are you okay?", I rolled my eyes.

"Yeah, of course. Andami mong tanong. Just drive Keoz", I can see how he stiffened with the way I called him. Mark. That sounds cool!

"The fv-- did you just call me Keoz? Where did you get that Fion? God", Umikot muli ang mga mata ko. Natatawa na sa reaksiyon niya.

"Yung Keus sa name mo! Pinaarte ko lang duh! Kiyoz ang pronunciation", The side of his lips rose before he sped up his car kaya nakarating kaagad kami sa shop ng mom ni Keoz.

"Oh! Fionna bat ka nandito?", Inirapan ko lang si Max. Napakamapagpanggap naman neto! Kung hindi ko lang kasama tong anak ng may-ari ay pinagmumura niya na ako dahil di ko naabutan ang nag-deliver dito ng mga materials! Hindi ko na siya pinansin maging si Keoz kapagkuwan ay umakyat na ako sa third floor pero siyempre kumatok muna ako kaya pinagbuksan nila ako. Gumuhit ang gulat sa mukha ng mananahi bago ako binati. Binati ko siya pabalik at ngumit hanggang sa may naramdaman akong presensiya sa likod ko kaya lumingon ako. Halos maduling ako sa lapit ng mga mukha namin! Agad akong nag-iwas ng tingin ng bumilis ulit ang tibok ng puso ko pero tinanong ko pa rin siya habang pumasok ako sa loob, siyempre siya na rin kase sinundan niya ako.

"Why are you here? Sana'y doon ka na lang sa baba. Mas presko roon"

"It's kinda bored there. Tsaka.. maingay yung babae roon. Talak ng talak", Gusto kong matawa sa sinabi ni Keoz tungkol sa kaibigan ko pero pinanatili ko na lang ang pananahimik at hinanap sa mga tao roon si Fritz.

"Uh, Goodevening Mam-Uh, Sir Cuervo", Tumango lang kami sa bumati.

"Nasa loob po siya roon. Inaasikaso lang po yung pag-aayos roon ng mga materyales na idineliver kanina lang po", I nodded and thanked her.

Pumunta na nga kami sa storage room para makausap roon si Fritz na nakapameywang na doon at mukhang naii-stress sa ginagawa ng mga inuutusan niya doong mga kalalakihan.

Pero ng makita ako ay agad umaliwalas ang mukha at pinatigil muna ang mga lalaki sa pag-aayos ng mga gamit.

Pinagpagan niya ang kamay niya.

"Goodeve po Mam", I scratched the back of my neck.

"Sorry nga pala hindi ko nasagot tawag mo kanina Fritz. Naka-off kase kaya na-late na ako ng punta", He chuckled and shooked his head.

"Naku! Okay lang po iyon, Mam! Tsaka.. kaya ko na naman po iyon pero sinunod ko lang po yong utos niyong tawagan ho kayo", Hanggang sa napabaling sa likod ko at nanlaki ang mga mata.

"Ay Sir! Nandito po pala kayo! Sorry po, Fritz po", Nilahad niya ang kamay niya at tinaggap naman ito ni Keoz.

"Markeus", Tipid na ngumiti si Keoz kay Fritz habang ito naman ay malapad ang ngiting isinukli.

"Fritz, kamusta naman ang lahat? Okay lang ba wala bang mga sira o ano?", Umiling siya.

"Wala ha? Sige ipagpatuloy niyo na ang ginagawa ninyo"

"Sige po Mam Fionna! Sir!", At umalis na siya sa harap namin lare balikan muli ang ginagawa nila.

"Yan lang pala ang gagawin mo, may pagpunta ka pa dito", Awtomatikong nagsalubong ang kilay ko ng harapin ang kasama ko. Humalukipkip ako.

"Eh sino bang may sabing sumama ka?", Tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya.

"Admit it. Gusto mo lang makita yang Fritz", Sabay talikod niya sa akin paalis sa palapag.

Nalaglag ang panga ko roon. The heck? Anong problema niya?!

Kaagaran ko siyang sinundan pababa at umirap agad ng kausap niya na si Max.

Pati ba naman si Keoz gusto rin niya? Aba'y matindi.

"Oh, andyan na pala si Fionna", Ngumisi sa akin ang loka.

"Oo naman bakit hindi?", Sagot ko. Tumango siya.

"Okay na kayo?", Kumunot ang noo ko. Kayo?

"Ni Jerico..", Pagpapatuloy ni Max. Tumikhim ako at bumaling sa nakakunot na rin na noo na si Keoz habang nakamasid sa amin. Kinurot ko ng bahagya ang tagiliran ni Max.

"Who's Jerico?", Pumikit ako sa tanong ni Keoz. Sabi na nga ba't magtatanong toh. Nagiging chismosa na ih.

"A-Ah! Wala..", Inakbayan ko si Max at pinisil ang balikat niya pero hindi nakuha ng babaeng toh!

"Anong wala?-"

"Max", Pagbabantang boses ko. Tinikom niya na ang bibig niya kaya tinapik-tapik ko iyon.

"Tara na. Gabi na Keoz", Bumuga siya ng hininga bago tumayo at malalaki ang hakbang palabas ng shop.

"Keoz huh?", Inirapan ko siya bago sumunod na rin palabas.

Ngunit napahinto sa sunod na sinabi ng kaibigan. "Better tell this to Jerico, Fionna. Mag-aaway na naman kayo niyan", Bumuntong-hininga ako bago i-angat ang isang kamay hudyat na aalis na ako.

Oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin kay Jerico na tumitira na ako kay Keoz. Siguro naman maiintindihan niya yon tsaka five months lang naman akong mamamalagi roon at wala naman kaming gagawing masama ni Keoz sa unit niya. Hindi ako ganon ka-cheap na babae.

"Fion", Gulat akong napakurap-kurap ng humarap sa akin ang mukha niya.

"H-Huh?", Naguguluhan kong tanong.

"I said fasten your seatbelt", Ikakabot ko sana pero nakita kong nakabit niya na iyon kaya medyo napahiya ako kaya tumikhim nalang ako. Siya naman ay bumalik sa upuan niya pagkaalis sa harapan ko.

I held my chest. My heart beats faster again when his face was infront of me, and buckled my seatbelt for me.

Kinuha ko ang phone ko at nanghina ng walang natanggap na kahit ano kay Jerico. Ni missed calls wala. Relationship pa ba toh?

Relationshit. Someone said at the back of my mind.

"Fvck this", Mahinang bulong ko bago ipinatong ang braso sa may bintana at hinilot ang sintido. Hindi na alam ang gagawin.

"Are you okay?", Huminga ako ng malalim.

"Yeah, yeah. Just drive please", Para na akong nagmamakaawa ng sabihin ko iyon. Ayoko munang marinig ang boses niya. Mas lalong gumugulo ang isipan ko.

Napatalon ako sa upuan ko ng biglang mag-ring ang phone ko! Tiningnan ko iyon at napangiti ng makita ang pangalan ni Jerico'ng nag-iilaw doon.

Liningon ko muna si Keoz bago sinagot ang tawag.

"Fionna", Seryoso niyang bati sa akin.

"Hm. Thank god naisipan mong tumawag", I bit my lip. Scared for his reply to me. I heard him heavily sighed.

"C-Can we talk tonight? I.. I have something to say", My brows furrowed.

"Can't you say it through call?", I asked.

"Damn, ang dami mong tanong. Magkita na lang tanong. I'll just text you where it is", Then hang up the call. Umawang ang labi ko at tiningnan ang phone ko. Ano namang sasabihin niya sa akin? Bawal bang sa tawag na lang? Pano ko mababantayan si Keoz? Gabi pa naman!

My phone beeped. Kaagad kong binuksan ang message ni Jerico.

From: Jerico

6:30 p.m. Carolina Restaurant.

Ganon katipid ang text niya. I sighed again. Nafu-frustrate na ako! Bakit ang cold niya? Gawa ba toh nung last na punta ko sa work niya? Anong masama doon eh siya na nga ang may kasamang iba diba?

But i lowered my pride.

To: Jerico

I'm sorry last time. I couldn't control my temper. I'm a lil bit childish. Sorry.

Then clicked the send button.

"So Jerico huh?", Nilingon ko siya.

"Uh-huh?"

"Boyfriend mo?", Alanganin akong tumango. I noticed his grip on the steering wheel tightened. And his muscles flexed. Why is that?

"He's a lucky guy then", I froze.

"I think his not. He's even cold to me", I shrugged when I opened a topic for us. Even our shaky relationship.

"He's what?", Sasagot na sana ako ng dumaan kami sa drive thru.

"What's your order?", He asked me.

"Kahit ano", Walang gana kong sabi at dumungaw muli sa labas ng bintana.

"Can you.. can you drop me off the Carolina Restaurant?", He glanced at me curiously before nodding and took the foods he ordered for us.

"And just wait me there. Alam kong magba-bar ka!", Paratang ko kaagad sa kanya. He chuckled as he shooked his head.

"No, I'm not"

"Tss", Binuksan ko ang burger na binili niya. May ice creams, fries at pang-hapunan na rin siguro siyang binili pero burger na lang muna ang nilantakan ko.

"I want burger too", Biglang sabi ni Keoz. Inabutan ko siya ng bagong burger pero tinuro niya lang ang manibela. Nagda-drive siya. Tumaas ang kilay ko.

"So gusto mong pakainin kita? Ganon?", Suplada kong tanong sa kanya.

"Kainin kita", Binatukan ko siya sa pamimilosopo niya. Tumawa siya.

"Ikaw.. papakainin ka na nga diyan pilosopo ka pa", seryoso kong tanong.

"Ang sungit naman. Baka mamaya iwanan ka ng Jerico'ng yan", Automatic na nagbago ang ekspresiyon ko. Naging poker face na.

Habang pinapakagat ko siya sa burger ay napaisip ako.

Hindi naman siguro ako iiwan.

Mahal ko yon

Higit pa sa sarili ko.