Mission
Hindi ko na alam kung pang-ilang irap ko na ito simula kanina. Ito kasing si Max tili ng tili dahil sa tinitingnang magazine.
"Sino ba yan?" Iritado ko ng tanong sa kanya. Humarap siya sa akin ng nanlalaki ang mga bilugang mga mata. Hinawakan niya ang balikat ko at inuga-uga iyon ng malakas.
"Ano ba? Tigilan mo nga!" tumili siyang muli. Tinakpan ko na ng kamay ang tenga ko. Nakakarindi na 'tong babaeng toh ah?!
"Hindi mo ba siya kilala?! You're unbelievable! Seryoso, wala ka bang social media accounts? Ang sikat kaya ni James!" umikot ang mata ko sa tanong niya.
"Mas uunahin ko pa ba yang pagtitili-tili ko diyan sa lalaking yan kesa sa mag-trabaho?" suplada kong tanong at humalukipkip. Malakas siyang bumuntong hininga at nagpatuloy muli.
"Hay, napaka-gwapo talaga ng hayop na James! Pag nakita ko yan pucha hahalikan ko agad yan! Iihh!!" umiling na lamang ako at ipinagpatuloy ang paglalagay ng bagong dress sa mannequin stand.
"Punyeta!! Ang gwapo!! Ahh!!" binalingan ko na siya ngayon.
"Hoy, watch your mouth naman. Mamaya may makarinig sayong customer! Gagang 'to", I lowered my voice at the last sentence, scared that some customers might heard me curse too.
Nanahimik na siya pero ramdam ko ang pagpipigil niyang tumili muli.
Walang sawa sa mga lalaki.
I got disturbed when my phone beeped. I inmediately took out my phone and looked at it.
I stifle a smile when I saw his name there.
My boyfriend, Jerico.
Yie.
From: Jerico
How are you? Did you ate your lunch? :)
Agad akong nagtipa para ma-replyan siya.
To: Jerico
I'm fine. Yes :)
Seen
I waited minutes for him to reply more but it didn't come. Maybe he's busy with his work? But atleast I can ask kung ayos naman siya?
To: Jerico
How are you and your work?
In-off ko muna ang phone ko bago umupo tapos ng bihisan ang mannequin.
Ngayong hapon lang kami nakapagpahinga. Kanina kase ay napakadaming nagpasukat ng mga gowns at yung iba ay mga barong at saya naman. I think this day was the most stressful day for us. Tapos ako kakatapos lang mag-design ng mga gowns para ipakita sa kanila yung mga request nilang styles. Hays.
"Nakahon mo na ba yung kay Mrs. Jolina, Max?" liningon niya ako at tumango.
"I-deliver mo na sa kanila ng mabawasan na tayo rito ng mga gowns," utos ko sa kanya at sumunod naman siya. Huling sulyap sa t.v ay kinuha niya na rin ang naka-box na gown bago umalis ng Tailor Shop.
Hindi naman kami ang may-ari nito. Sina Mam Rissa at Sir Romuel. May business rin silang pinagkaka-abalahan kaya kailangan nilang mas mabantayan 'yon dahil matagal na ang business nilang iyon pero hindi naman sila nagkulang sa pangangamusta at pagbisita rito sa shop.
Gusto kase ni Mam Rissa na magkaroon ng tailor shop kaya pinayagan siya ng asawa niya at ginawan nga siya ng ganito, at ito na siya ngayon.
It's a luxurious tailor shop. Kilala ito rito sa siyudad. Puntahan din ng mga artista at models dahil nga maganda ang mga gawa rito at siyempre maganda rin ang environment.
Air-conditioned ang malawak na lugar, pagpasok mo ay may tatlong sofa na sasalubong sayo. May sampung fitting room sa second floor. Sa receiver ng customer ay may magandang chandelier sa ceiling at
Sa magkabilang gilid ay may mahahabang sofa rin para mas kumportable ang mga bisitang pupunta rito. Ang mga comfort room ay anim: tatlo para sa lalaki at tatlo naman para sa mga babae. Gold and white ang kulay ng lugar kaya naman catchy tingnan kahit nasa labas ka pa lang. It's kinda different from the other tailor shop here. At sa third floor naman ay naroon ang mga naggagawa ng mga barong, saya, wedding gowns at kung ano-ano pa. Sound proof naman iyon kaya wala kang maririnig na kahit anong ingay kapag nagpapasukat ka na sa ikalawang palapag ng building.
Liningon ko ang transparent door na nagbukas ng may pumasok. Sumilay ang ngiti sa labi ko at sinalubong sina Mam Rissa at Sir Romuel. The owner.
"Goodmorning ho, Mam, Sir," bahagya kong iniyuko ang ulo ko. Tumawa si Mam.
"Naku, you don't need to be formal na nga hija. I always told you that," I chuckled and scratched the back of my head.
"Ah, hindi ko po maiwasan eh," ngumiti siya at tumingin sa asawa niya.
"I hope our son can be kind like her too Romuel!" now, they both laugh.
Umiling-iling si Sir Romuel at bumuntong-hininga, "Let us sit hija," he motioned to sit on the sofas. Tumango ako at sumunod sa kanila.
"Where's Max?" mam rissa asked.
"She delivered the gowns to Mrs. Jolina po," I answered, she nod.
"Ang mga mananahi? How are they?"
"Maayos naman ho ang mga nagtatahi. Pero kaunti na po ang ibang materials, magpapa-deliver na lang po siguro bukas," I smiled.
Her lips parted, as if she wanted to say something... but she just shut it and instead, she looked at his husband again.
Bahagyang kumunot ang noo ko pero binawi ko rin kalaunan.
Mr. Romuel cleared his throat and shifted his weight on his seat, "Ayoko ng magpasikot-sikot pa Fionna. Uh- We want to give you an offer kase.." he started. I blinked twice.
Offer? Para saan? Ano yon?
Bumuhos kaagad ang maraming katanungan sa isipan ko. I was a bit nervous. Anong offer iyon?
"Don't worry, may kapalit naman iyon," She said assuringly. I swallowed the lump on my throat.
"Ano pong offer iyon?" kuryoso kong tanong.
Mr. Romuel licked his lower lip, "We want you to guard our son and stop him from going bars. We're worried that it may affect his health hija," he shut his eyes like he's having a big problem with his son.
Hindi ko masiyado kilala ang mga anak nila but i'm sure they have four children. Two older sisters and two younger brothers pero never ko pa silang nakita. Ever.
Napaisip ako. Sino sa dalawang lalaki ang tinutukoy nila? Yung huli or yung pangalawa sa huli? Hindi ko na rin tanda ang pangalan nilang lahat eh. Never naman kasi silang bumibisita rito, ni isa sa magkakapatid.
"The second to the youngest, si Markeus.." mam rissa answered, I nod again.
"Uh, 'yun po ang gagawin ko? Pero.. as far as I remember ho, kasing edaran ko lang po 'yon ah?" tanong ko.
"Hindi ko rin alam sa batang iyon! Spoiled brat!" she answered. I sighed. OT ba yon?! Jusko naman oh. Babysit ba ang gagawin ko?
"U-Uh, ano p-pong kapalit?" medyo nahihiya kong tanong sa kanila.
"Since you're an excellent fashion designer, we will help you find your job abroad. Mas siguradong makikilala agad ang pangalan mo roon at ang galing mo sa ganitong mga bagay, hija. Graduated ka naman ng college, chance na lang ang kulang sa iyo para makamit mo na talaga ang pangarap mo," my mouth dropped open on what Mam Rissa said! Seryoso ba sila?
Really?! Oh my god! This is it! Pucha grab the chance na!
"Talaga ho?!" tuwa kong tanong. Pakiramdam ko maiihi na ako sa panty ko nito! Jusko dayy!
"Yup. And we will also provide your financial needs most especially your allowance abroad, and your shelter there. Gagawan ka namin ng bank account to transfer your money there every month. And of course, yung passport mo, visa, lahat-lahat, kami na," This time, i'm totally shocked! I am somehow thrilled and excited. I'm looking forward with it! I can't wait!
"Yun lang po ba talaga ang gagawin ko? Pipigilan lang po siyang mag-bar?" taka kong tanong dahil sobra-sobra talaga ang offer nila!
"Yes yun lang talaga. Mukhang madali lang pero mahirap ang gawaing ito hija. Matigas at makulit ang batang iyon. Marami na akong in-offer-an ng ganito mapalalaki man o babae pero wala talagang nakakatapos kaya.. naniniwala kaming magagawa mo talaga ito at matatapos," nakangiti akong tumango. Sayang-saya sa nangyari!
"Sige po maraming salamat po talaga!" hindi ko na matukoy kung gaano ako kasaya ngayon. Ito na ata ang pinakamasayang nangyari sa akin!
"We'll remind you Fionna. Once our son had stopped from going to bars for maybe.. three months? Then there will be your go-call. Tapos na ang misyon mong iyon at pwede ka ng mag-trabaho sa ibang bansa," tumango ako. Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Maging sila ay napangiti na rin.
"And sana.. be his assistant na rin? Like.. ikaw lahat? Uhm, magluluto, bibili ng groceries, something like that," she added. Gagi, yaya na ba ako neto?!
"Ah--sige po! Salamat po talaga!"
"And uh.. no feelings attached sana hija"
Pucha.
Fashion Designer to Yaya Fionna!