SHE'S WEARING black shirt paired with black ripped jeans and a pair of black sneakers. Trip niyang magsuot ng itim dahil trip niya lang talaga. Nagpahid siya ng lip gloss sa labi para kahit papaano ay magkaroon nang konting kulay ang itsura niya. Pinusod niya ang aalon-alon na mahabang buhok para hindi siya magmukhang bruha sa harap ng ama kapag nagkita sila.
"Tara let's!"
Pinasadahan siya nang tingin mula ulo hanggang paa ng nakababata niyang kapatid. Halata sa ekspresyon ng mukha nito ang pagkadismaya.
"Ate, wala ka bang disenteng damit? Tiyak na hindi matutuwa si Daddy kapag nakitang ganyan ang ayos mo."
Mukha bang hindi disente ang suot niya? Iyong iba nga kulang na lang maghubad kapag nagsuot ng damit tapos siya tuloy 'tong nagmukhang hindi disente. Matatanggap pa niya kung sinabi nito na hindi akma sa status ng pamilya nila ang kanyang suot. But, who cares? Walang karapatan ang iba na magsabi kung ano ang dapat at hindi dapat na isusuot niya. Kahit magalit pa ang kanilang ama.
"Ito na ang pinakadisente kong damit."
"Umuwi ka na kasi sa bahay."
Nilibot nito ang tingin sa kabuuan ng munti niyang apartment na tinitirahan. Habang pinagmamasdan ang kapatid ay alam na niya kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Hindi na nito kailangang sabihin kung ano 'yon.
Sino bang mag-aakala na titira siya sa ganitong lugar? Ang living room ng apartment niya ay slash studio rin niya at slash dining area, konting hakbang lang kusina na. May maliit siyang kwarto sa taas, may single bed, may isang electric fan, at isang 5-layered na plastic drawer.
"I know what you're thinking. This is not the life I used to live but I'm happy. Malaya kong nagagawa kung ano ang gusto ko na walang nagdidikta sa akin. Ayokong balikan ang maginhawang buhay na mayroon ako dahil pakiramdam ko isa akong bilanggo."
"I know that and I get your point. But—"
"Aalis ba tayo o hindi?" putol niya sa sasabihin nito. "Alam mong wala akong balak na pumunta sa bahay kung hindi mo lang ako sinundo."
Pinapatawag siya ng kanilang ama. Wala itong sinabing dahilan kung bakit gusto siya nitong kausapin, tinawagan lang siya ng assistant nito.
Simula nang umalis siya sa poder ng mga magulang ay bihira siyang makabisita sa kanila maliban na lang kung may mahalagang okasyon sa pamilya nila. Puro sermon at pang-iinsulto kasi ang natatanggap niya mula sa ama sa tuwing nagtatagpo ang landas nila kaya mas pinili niyang huwag magpakita dito.
"Aalis na po." Nakasimangot na turan nito.
Nilapitan niya ang kapatid sabay kapit sa kaliwang braso nito. "Halika na nga!"
Hindi man sila madalas magkita ay close silang magkakapatid. Nag-iisang babae siya at pangalawa sa tatlong magkakapatid. Tatlong taon ang pagitan nilang tatlo. Naalala niya na madalas na mapagkamalan ng mga taong hindi nakakakilala sa kanila na nobyo niya ang kanyang Kuya Zandro o si Zander. Palibhasa ay hindi sila magkakamukha kaya napagkakamalang kasintahan niya ang isa sa mga kapatid. Si Zandro ay kamukha ng ama nila, si Zander ay kamukha naman ng ina, samantalang siya ay kombinasyon ng itsura ng mga magulang nila.
"Ate, may sasabihin ako sa'yo."
"Ano 'yon?"
"Mainit ang ulo ni Daddy nitong mga nakaraang araw. Maganda naman ang pagpapatakbo ni Kuya Zandro sa company but I think it's not the problem. May bagong project ang Almonte Realty somewhere in Negros Island pero may isang property na gustong bilhin ng company kaso ayaw pumayag ng owner. Hanggang ngayon nakikipag-deal pa rin kami sa may-ari ng lupa."
"Ano namang kinalaman ko sa business niyo? Labas ako diyan."
"I'm just telling you na bad mood si Daddy dahil sa nangyari..." sinadya nitong bitinin ang sasabihin. "Sana mali 'yong narinig kong usapan nila ng kaibigan niya."
"Ano ba kasi 'yon? Huwag mo nang patagalin. Sabihin mo na."
"You'll be getting married." Hinampas niya sa braso ang kapatid. "Aray! Nagda-drive ako, Ate."
"Huwag mo kasi akong biruin ng ganyan. Isa pa, ano namang koneksyon ng pagpapakasal ko sa bagong project ni Daddy?"
"Mukha ba akong nagbibiro? I'm dead serious." Walang kangiti-ngiting pahayag nito. "We are here." Pinatay nito ang makina ng kotse. "Alam mo naman si Dad, kapag hindi nakuha ang gusto niya kung anu-ano na lang ang naiisip na gawin. At malas ka dahil ikaw ang mapagbubuntunan niya."
Posible ngang mangyari ang sinasabi nito. Ginawa na kasi ito ng ama sa Kuya Zandro nila. Nagpakasal si Zandro sa apo ng business tycoon na si Don Gustavo Mondragon para maging stable ang realty business ng pamilya nila. Pero di niya ma-gets kung anong koneksyon ng pagpapakasal niya sa project nito.
"Bakit ngayon mo lang sinabi? Sana kanina ko pa nalaman para hindi na ako sumama sa'yo."
"Alam kong hindi ka sasama kaya hindi ko sinabi sa'yo kanina. Gusto kong malaman kung tama nga ang narinig ko para magawan namin ng paraan ni Kuya Zandro na hindi matuloy ang kasal."
"Salamat."
Soon to be published under Bookware Publishing Corp.
Someone Like You is also available on other writing platforms.
Someone Like You by Carmie Lopez
https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311
https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez
Booklat UN: Carmie Lopez
Someone Like You available at
http://www.ebookware.ph/product/someone-like-you/