Chapter 4 - Kabanata 4

LIMANG araw na ang nakalipas simula nang dumating siya sa Negros. Limang araw na rin siyang pabalik-balik sa bahay ni Andrei Montargo pero wala siyang napala. Palagi itong wala sa tuwing pumupunta siya. Wala ding ibang tao sa bahay nito. Limang araw na lang ang nalalabi sa kanya para makausap ito. Paano niya mababago ang desisyon nito kung hindi naman sila nagkakausap?

Mahirap ang means of transportation sa lugar na 'yon. Isang biyahe sa umaga papunta sa bayan at isang biyahe sa tanghali pabalik doon. May alternatibo namang masasakyan, ang habalhabal. Habalhabal ang tawag ng taga roon sa motor na pinapasada. Habalhabal ang palagi niyang sinasakyan. Inaarkila niya para makabalik siya agad sa bayan. Hindi siya makapaniwala na may ganoong klaseng lugar pa sa Pilipinas.

Dating gawi, pababalikin niya sa bayan ang driver at magtetext siya kung anong oras siya magpapasundo. Kahapon siya nagsimulang mag-abang doon maghapon. Nagtanong-tanong siya kahapon sa mga bahay na nandoon pero walang makapagsabi sa kanya kung nasaan at kailan babalik si Andrei Montargo. Sinasadya yata nito na hindi siya harapin.

"Nakakainis! Para akong tanga dito."

Maaga siyang dumating doon pero tanghali na ngayon. Tirik na tirik na ang sikat ng araw. Mabuti at naisipan niyang mag-long sleeves na damit. Ubos na ang tubig at biskwit na baon niya.

"Saang lupalop ka ba ng mundo naroroon?"

Sumalampak siya sa ugat ng puno na sinisilungan niya. Pagod na pagod na ang mga binti niya sa kakatayo. Gutom na gutom na rin siya. Sumandal siya sa puno. Pakiramdam niya nauubusan na siya ng lakas. 

"ANAK, ihinto mo sandali ang sasakyan."

Nagatataka siya kung bakit inutos iyon ng ina samantalang malapit na sila sa gate ng bahay. "Ma, may problema ho ba?"

"Parang may taong nakahandusay sa ilalim ng puno. Tingnan mo nga. Baka may masamang nangyari sa babae."

"Okay."

Bumaba siya sa sasakyan at nilapitan ang babaeng sinasabi nito. Base sa pagkakasandal ng babae sa puno ay mukhang okay naman ito. Wala naman siyang nakitang pinsala o kakaiba sa katawan nito.

"Miss." Marahang tinapik niya ang balikat ng dalaga. "Miss."

Unti-unting dumilat ang mga mata nito at nagulat siya nang bigla itong bumalikwas nang bangon.

"Finally, dumating ka." Nakapamaywang na turan ng dalaga. "Limang araw na akong nagpabalik-balik dito pero ngayon ka lang nagpakita. Grabe! Wala pang makapagsabi kung nasaan ka. Pinagtataguan mo ba ako?" nangigigil na tanong nito.

Nangunot ang noo niya. Wala siyang idea kung anong sinasabi ng kaharap niya. He doesn't know the woman but she looks familiar. Parang nagkita na sila noon.

"Do I know you?"

Inirapan siya nito. Walang pang babae ang naglakas loob na irapan siya sa tanang buhay niya. Even his former girlfriend didn't do that.

"Do I know you?" ulit nito sa sinabi niya sabay irap ulit.

What the hell? Ano bang problema nito? She must be crazy.

"Is there any problem here?"

"Nothing, 'Ma."

"Magandang araw po, Ma'am." Nakangiting bati nito sa Mama niya.

Kanina lang ay hindi niya ito makausap nang maayos tapos ngayon ay tondo ngiti ito. "I'm Zaila Almonte." Nakipagkamay ito sa ina niya.

"I'm Nadia Montargo. Nice meeting you, Hija." Nakangiti nitong tinanggap ang kamay ng dalaga. "Girlfriend ka ba ng anak ko?"

"Ma!" nagulat siya sa tanong ng ina.

Matagal na panahon na siyang walang girlfriend kaya excited itong magkanobya siya ulit.

"I'm just asking."

"Ma'am I'm sorry but I'm not his girlfriend. Malabo pong mangyari 'yon. I'm just here for business."

"Ganoon ba?" napalitan nang lungkot ang excitement ang ekspresyon ng mukha ng kanyang ina. "Sorry, akala ko may girlfriend na ulit si Andrei."

"It's okay." Binalingan siya ng dalaga. "You're asking me if I know you. Well, I don't know anything about you except your name. By the way, I'm Zaila Almonte." Inilahad nito ang kamay sa kanya.

She looks familiar because she's the daughter of Mr. Almonte. Naalala niya tuloy kung paano nito saktan ang mga maskuladong lalaki na pumipigil dito na makapasok sa opisina ni Mr. Almonte.

Nakita niya ang lahat nang ginawa nito dahil may monitor sa loob ng opisina ni Mr. Almonte na connected sa cctv. Naabutan niyang namimilipit sa sakit ang dalawa paglabas niya ng opisina. Napapa-iling siya. Kamusta na kaya ang dalawang lalaki na sinaktan nito? 

"Okay! I get it! Ayaw mong makipag-shake hands sa'kin. Pero pwede ba tayong mag-usap?"

Damn! He didn't mean to do that.

"Please." 

Nangungusap ang mga mata nito. Malumanay na rin itong magsalita hindi kagaya kanina na halos bulyawan siya. Ngayon niya lang napansin sobrang pula ng pisngi nito sa sobrang tindi ng init. He wondered kung ilang oras na itong naghihintay sa kanya. She looked tired and restless.

"Andrei, kailan ka pa hindi naging gentleman? Hindi kita tinuruan nang masamang asal. Kapag nakita ka ng Lola mo tiyak na magagalit 'yon sayo." Sermon ng kanyang ina. "Sorry, Hija. Let's go inside. Ipaghahanda kita ng pagkain."

"Salamat po."

Sinundan niya nang tingin ang dalawang babae.

"Ano bang nangyayari sayo Andrei?"

Soon to be published under Bookware Publishing Corp.

Someone Like You is also available on other writing platforms.

Someone Like You by Carmie Lopez

https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311

https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez

Booklat UN: Carmie Lopez

Someone Like You available at

http://www.ebookware.ph/product/someone-like-you/