MALAKI ANG PASASALAMAT niya sa Diyos dahil nagkaroon siya ng mga kapatid na nauunawaan siya, sinusuportahan at handa siyang tulungan.
Tahimik silang naglakad papunta sa dining area. Doon na naghintay ang mga magulang nila pati si Zandro. Sinulabong agad siya ng yakap ng ina samantalang ang ama nila ay hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
"Mas pumayat ka ngayon kumpara noong huli kitang nakita. Kumakain ka ba nang maayos?" nag-aalalang tanong nito. "Napapabayaan mo na ang sarili mo. At ang damit mo..." sapo nito ang noo na tila ba sobrang sakit ng ulo nito na makitang ganoon ang kanyang ayos. "Oh my gosh! Ipinadala ko sa'yo ang iba mong damit na naiwan dito at binilhan din kita ng bago. Bakit hindi mo sinusuot?"
"I don't need it, Mom."
"Hayaan mo siya Cassandra. Sinabi ko naman sa'yo na huwag mong kinukunsinti ang isang 'yan. Ginusto niyang maghirap kahit puwede naman siyang magpakasasa sa luho. Dapat lang na panindigan niya ang buhay na pinili niya.
"Alejandro! Kung makapagsalita ka para namang hindi mo anak si Zaila."
"Don't worry Mom, sanay na ako."
Sa tuwing sinesermonan siya ng ama ay pumapasok sa kabilang taynga niya ang mga sinasabi nito tapos lalabas sa kabila. Ganoon palagi kaysa naman dibdibin niya ang sinabi nito, lalo lang titindi ang sama ng loob niya dito.
"Kanina pa nakahain ang mga niluto ni Manang Dolores kaya kumain muna tayo bago kayo magtalo." Singit ni Zandro.
"Kumain ka na Zaila. Damihan mo ang kain mo dahil bihira ka lang umuwi dito. Nagpahanda na ako kay Manang Dolores nang iuuwi mo."
"Thanks Mom but you don't need to do that. Nakakakain naman ako sa bahay."
"Anong kinakain mo? Instant noodles? Canned goods? Pagkain ba ang mga 'yon para sa'yo? At ang sinasabi mong bahay ay parang lungga ng daga. Mas malaki pa ang tinutuluyan ng mga kasambahay natin kaysa sa tinitirahan mo." Napapa-iling na turan nito. "I can't believe that I have a stupid child."
I know right!
Gusto niyang sagut-sagutin ang ama pero nagtitimpi lang siya. Magulang niya pa rin ito kaya kailangan niyang irespeto. Minsan na nga lang silang magkasabay-sabay na kumain na buo ang pamilya tapos ganito pa. Kaya mas gusto pa niyang kumain mag-isa ng instant noodles kaysa kumain na kasama ang ama nila.
"Alejandro, puwede bang huminahon ka muna? Nasa harapan tayo ng pagkain." Tumahimik naman ito.
Paborito niya ang mga pagkaing nakahain sa mesa pero wala siyang ganang kumain. Bumabara sa lalamunan ang kinakain niya. Feeling niya, hindi siya natutunawan nang maayos sa tuwing nakakasabay ang ama na kumain.
"I'm done."
"Ate, hindi mo naman nabawasan ang pagkain mo."
"I'm okay, busog na ako." Binalingan niya ang ama. "Pag-usapan na po natin ang dahilan kung bakit mo ako pinatawag."
Lumikha ng ingay ang pagbagsak ng kubyertos sa plato ni Alejandro. Matalim na tingin ang ipinukol nito sa kanya. "Kailan mo balak magtrabahong muli sa kumpanya?"
"Ilang beses ko bang kailangang sagutin ang tanong na 'yan?"
"This might be the last time that I will ask this question."
"And this is the last time that I will answer your question." Wala siyang planong magpasindak sa ama. "Ayoko na ulit magtarabaho sa kompanya mo."
Hindi niya maintindihan kung bakit hindi maintindihan ng kanyang ama na ayaw na niyang magtrabaho ulit sa Almonte Realty. Their family owned a realty business. Nag-iisang tagapagmana ang kanilang ama kaya silang magkakapatid ang susunod na magmamana sa negosyo na 'yon.
Musmos pa lamang sila ay pinapaintindi na ni Alejandro na ang kailangang kuhanin nilang kurso sa kolehiyo ay related sa business nila, business management, engineering or architecture. Fine Arts ang gusto niyang kurso pero dahil tutol ang ama ay Architecture ang kinuha niya. Pagkatapos grumaduate ay tatlong taon siyang nagtrabaho sa Almonte Realty pero nag-resign siya at mas piniling maging graphic illustrator sa isang publishing company.
Hindi kalakihan ang kinikita niya pero sapat na iyon upang matustusan ang pangangailangan niya. At least, masaya siya at namumuhay siya ng malaya na walang nagdidikta kung ano ang dapat at hindi dapat na gawin.
"Fine! I'll just fix your wedding as soon as possible."
"What?"
"Alejandro!"
Tama nga ang narinig ni Zander. Kahit may idea na siya kung anong pag-uusapan nila ngayon ay hindi pa rin siya makapanilwala na gagawin ulit iyon ng ama. Si Zandro ay sapilitang ipinaksal noon tapos siya naman ngayon. Kapag kasal na siya, si Zander naman ang susunod. Negosyo yata ang tingin ng ama nila sa kanilang magkakapatid.
Hindi lang nai-close ng ama ang deal sa next project nito ay siya ang pinagbalingan nito. Well, expected na rin naman niyang ipapakasal siya ng ama sa taong di niya gusto.
"You don't have a choice Zaila. Whether you like it or not my decision is final. Huwag kang magtangka na kalabanin ako dahil alam mo kung ano ang kaya kong gawin."
"I know. Nagawa mo ngang sirain ang buhay ng ibang tao na wala namang ginagawang masama sa'yo. Pinaglingkuran ka pa ng taong 'yon. Nagawa mo nga 'yon sa taong napapakinabangan mo sa akin pa kaya na walang silbi sa'yo?"
"Para sa ikabubuti mo ang ginawa ko noon at ang gagawin ko ngayon. Sana maintindihan mo ako."
"Really?" tinawanan niya ang sinabi nito. "Ikabubuti ko o ikabubuti mo?"
"Pareho."
Parang sinaksak siya ng kutsilyo sa narinig. Sana man lang nagsinuwaling ito na para lang sa ikabubuti niya ang dahilan nito na ipakasal siya. Sumang-ayon pa ito sa sinabi niya.
"Dad, maganda ang pagpapatakbo ko sa company. Hindi mo na kailangang ipakasal si Zaila dahil sa business. Huwag mo na ulit gawin ang nangyari sa akin."
"It's not about Almonte Realty, Zandro. It's about your sister's welfare. Wala siyang mapapala sa pagiging graphic illustrator niya. Kapag naikasal na siya sa isang lalaki na mula sa mayaman at maimpluwensyang angkan, hindi ko na kilangang isipin kung anong magiging future ng kapatid mo. Hindi na niya kailangang magtrabaho at makakatulong pa siya sa negosyo."
Ama ba talaga niya ang nagsasalita? Sobra-sobrang pang-iinsulto na ang natanggap niya mula sa ama. Pati ang pagiging graphic illustrator niya ay hinamak nito. Ang masakit pa, pinaparamdam nito na wala siyang kwenta at kailangan niyang magpakasal sa mayaman at maimpluwensyang tao para magkaroon siya ng magandang buhay.
"Dad, mahirap ang sitwasyon kapag nagpakasal ka sa taong hindi mo naman lubos na kilala."
"I know pero kinaya mo."
"Magkaiba si Kuya Zandro at Ate Zaila. Hindi naman ibig sabihin na successful ang pagpapakasal ni Kuya ay ganoon din ang magiging kapalaran ni Ate."
"Thank you Kuya Zandro at Zander sa pag-aalala sa akin." Hinarap niya ang ama. "Gawin mo kung anong gusto mong gawin, tutal wala naman akong pakinabang sa'yo. Sige, ipakasal mo ako sa pinakamayaman at pinakamaipluwensyang tao sa mundo. Bayad ko na 'yon sa pagpapalaki mo sa akin at para quits na rin tayo."
Makakatikim sana siya ng sampal mula sa ama mabuti at mabilis na nakaharang si Zandro. Ginamit niya ang pagkakataon na 'yon para makaalis. Pagod na pagod na siyang pakinggan ang sasabihin nito.
"Hindi pa tayo tapos na mag-usap. Bumalik ka dito."
Naririnig niyang sigaw ng ama pero hindi na siya lumingon.
"Ihahatid na kita, Ate." Sumunod pala ito sa kanya.
"Bumalik ka doon. Baka mamaya ikaw pa ang mapagbuntungan ng galit ni Daddy.
"Don't worry about me. Sinundo kita kaya ihahatid kita pabalik sa bahay mo."
"Thank you."
Soon to be published under Bookware Publishing Corp.
Someone Like You is also available on other writing platforms.
Someone Like You by Carmie Lopez
https://www.facebook.com/carmie.lopez.7311
https://www.wattpad.com/user/Carmie_Lopez
Booklat UN: Carmie Lopez
Someone Like You available at
http://www.ebookware.ph/product/someone-like-you/