Chapter 3 - Chapter 2

Bella's POV

ABALA ang lahat sa bahay nila dahil ngayon daw mamanhikan ang mga Villasis ang pamilya ng mapapangasawa nya.

Napatingin sya sa pinto ng may mahinang kumatok dito. Bumukas ang pinto at iniluwa ang Mommy Amanda nya. Nakangiti ito sakanya pero malungkot ang mga mata.

"Hija, bakit hindi ka pa nag aayos?" Tanong nito saka tumabi sakanyang maupo sa gilid ng kama at ginagap ang palad nya.

Hindi sya kumibo. Iniiwas nya lang ang tingin nya dito. Gusto nyang sumbatan ito kung bakit nagawa ng mga itong ipag kasundo sya sa lalaking hindi naman nya kilala pero pinigilan nya ang sarili. Mahal nya ang mga ito kahit hindi ito ang tunay nyang mga magulang.

Kinupkop sya ng mag asawa, inaruga, binihisan at pinag aral ng mapulot siya ng mga ito sa lansangan na halos nag hihingalo na. Itinuring syang parang sariling anak. Kaya kahit labag sa kalooban nya ay pumayag sya sa hiling ng mga ito, dito man lang ay makaganti sya ng utang na loob sa kabutihan na ibinigay ng mga ito sakanya.

"Hinihintay ko lang po si Kiray para tulungan akong mag ayos" tukoy nya sa isa sa mga katulong nila.

"Ganun ba.." tumikhim ito bago pinihit syang humarap dito "patawarin mo ako anak.. h-hindi ko nagawang tumutol sa kagustuhan ng daddy Raul mo" malungkot na sabi nito. Naiintindihan nya naman ito. kahit kailan ay hindi nya pa ito nakitang kumontra sa asawa lagi nalang na sumusunod ito sa anumang ipag utos ng kabiyak.

Napabuntong hininga sya saka pinisil ang palad nito "Nauunawaan ko naman po ang sitwasyon mom" pinahid nya ang luha sa pisngi nito "Mahal ko kayo ni dad at nag papasalamat ako dahil kinupkop nyo ako kahit hindi nyo ako kadugo"

"Don't say that. Kahit hindi man ako ang nag luwal sayo, anak kita at mahal na mahal kita bella. Kami ng daddy mo mahal na mahal ka namin" niyakap sya nito kaya ginantihan nya rin ng yakap.

Humiwalay ito sakanya at pinahid ang mga luha nya "Ako nalang ang mag aayos sayo hmm?" Malambing na sabi nito saka hinila sya patayo at pinaupo sa malapit na dresser saka inumpisahang ayusan sya.

Nauunawaan naman nya kung bakit kailangan syang ipakasal ng mga ito. Nais ng daddy nya na tumakbo sa mas mataas na posisyon at kakailanganin nito ng suporta. Napakalaking tulong ng mga Villasis sa kampanya ng kanyang daddy dahil maimpluwensya sa kanilang lalawigan ang pamilya ng mga ito at marami ring mga koneksyon na kilala din sa lipunan kaya ang pag papakasal nya sa anak ng mga Villasis ay ang paraan para pumayag ang mga ito na suportahan ang daddy nya. At dahil don masisiguro ang pag ka panalo ng daddy nya.

Ng matapos syang ayusan ng Mommy nya tinignan nya ang sarili sa salamin manipis lang ang make up na nilagay nito skanya at itinali ang buhok nya sa likod may ilang hibla sa patilya nya ang hinayaang nakakalat. Isang sleeve less turtle neck dress na hapit sakanya at umabot lamang sa gitnang hita nya na kulay pula ang pinasuot nito sakanya na pinarisan ng itim na high heel 3inches steletto.

Medyo naiilang siya sa ayos niya dahil hindi aiya sanay sa ganoon mas komportable sya sa tshirt at jeans na laging get up niya.

hinila na sya nito pababa sa hagdan. Tahimik na lamang syang sumunod dito.

Nakasalubong pa nila sa hagdan si kiray na nag mamadali.

"Naku Madam nandyan na ho ang mga bisita." Imporma nito. Tinanguan lamang ito ni Amanda at dumeretso na sa pag baba.

Naabutan nila sa living room ang kanyang Daddy Raul habang kausap ang ang mga bisita. Isang babae na satingin nya'y kaidad lamang ng mommy nya. maganda ito, maamo ang mukha pati ang hubog ng katawan nito ay maganda rin daig pa ata sya. Katabi nito ang isang matipunong lalaki na may edad na pero bakas sa tindig nito ang awtoridad.

Bumati sya sa mga ito at nag pakilala.

"Where's Nicklaus?" Tanong bigla ng Mommy niya.

"May kinuha lang sa kotse.. oh there he is.. Nicklaus come here hijo" sabi naman Mrs.Villasis na nakatingin sa lalaking pumasok sa pinto nila.

Matangkad ito siguro'y nasa anim na talampakan, nakakunot ang noo nitong nakatingin sakanya kaya nag salubong ang mga may kakapalan na kilay maganda ang mga mata nito na akala mo ay laging nakangiti, matangos ang ilong at maganda ang mga labi na parang laging nang aakit saka.. saka.. saka parang kilala niya ito? I think I saw him somewhere? Ng makalapit na ito sakanila at mas lalong natitigan may bigla syang naalala, yung lalaki sa elavator paramg kamukha niya No! Hindi niya lang kamukha dahil siya talaga yan!

Pinilit niyang itago ang pag kagulat at pinakalma ang sarili dahil nag uumpisa nanamang mag init ang ulo niya. Ito yung manyak na nang molestya sakanya sa elevator ng minsang mag hatid sya ng package sa ortigas.

Ang pag kunot ng noo nito ay unti unti nawala nakita niya sa mata nito ang rekognisyon, amusement at galit? Galit ito sakanya? Pero diba dapat siya ang magalit dito dahil sa nangyari!

"Bella this is my son Nicklaus Royce Villasis, Nicklaus this is Bella, Bella Sta.Ana. your future wife" pakilala pa ni Mrs Villasis saming dalawa.

Blangko ang ekspresyon na nilahad niya ang kamay dito. Ngunit imbis na kamayan ay dinala nito sa mga labi ang lilod ng palad niya at.. at dinilaan ng hinayupak! nanlalaki ang mga mata na binawi niya ang kamay tumingin sya sa mga kasama nila kung napansin iyon pero mukang hindi naman nang balingan niya ito ay nginisian lang siya at baliwalang lumapit sa mga magulang niya para bumati. Naniningkit ang mga matang sinundan niya ito ng tingin.