Chereads / Beyond the Horizon [COMPLETED] / Chapter 1 - Chapter 1

Beyond the Horizon [COMPLETED]

🇵🇭Ginisamyxx
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 13.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1

Milya-milyang kilometro ng dagat ang kailangang tawirin upang marating ang siyudad. Dito sa maliit na isla ng Albay, ang isla ng Delida, labing pitong taon akong nagtiis at nakisama kay ina para hinatayin ang araw kung kailan pwede na akong bumukod, lumayo at danasin ang buhay na aking pinapangarap. 'Yan ang palaging sinasabi ng aking ina, kapag tumuntong na ako ng labing walong gulang ay maaari na akong mamuhay ng walang harang at walang pumipigil sa akin. Maraming taon ang aking hinintay at bukas nga ay maaari ko nang matupad ang aking pangarap...ang pangarap kong pumunta sa siyudad at danasin ang kasiyahan na aking hinahangad.

Masakit isipin na bukas ay iiwan ko na ang ina kong nagbigay ng buhay sa akin at nagturo sa akin na hindi minamadali ang lahat ng bagay. Kailangan mong magtiis at maghintay hanggang sa makamtan mo ang buhay na iyong hinahangad. Kailangan mong mag-umpisa sa maliit o mababa at unti-unting patataasin.

Simpleng mga salita pero kapag hinukay mo at sinilip ang kailaliman ay makikita mo ang napakamahalagang mensahe nito. Pero ganun pa man ay kailangan kong tanggapin na kailangan ko nang umalis hindi lang para matupad ko ang lahat ng aking pinapangarap kundi dahil sa kagustuhan ko ring mahanap ang isang parte ng buhay ko na matagal na nawala. Ito ay ang aking ama. Iniwan niya kami ng matagal na panahon na wala manlang pasabi. At hindi na siya bumalik kailanman.

Gayumpaman, gusto kong malaman at pakinggan ang tunay niyang dahilan para maliwanagan na ang aking isipan. Sa tagal-tagal ko nang nandito sa mundo ay kahit ni isang salita galing sa aking ina kung bakit niya kami iniwan ay wala akong narinig. Hindi ko alam kung bakit ayaw niyang sabihin sa akin ang lahat-lahat. Kaya mas lalo akong hindi natahimim. Kapag wala si ina at may pinupuntahan sa bundok ay agad akong kumikilos at bawat sulok ng aming maliit na kubo ay aking gagalugarin para maghanap ng mga bagay na makakasagot sa aking mga katanungan.

Noong nakalipas na araw habang nangunguha ng mga gulay si ina sa bundok ay may nakita akong litrato sa ilalim ng luma naming kabinet. Hindi ako pwedeng magkamali, maaaring litrato iyon ang kanyang pamilya. Si ina ang nasa upuan habang kandong-kandong ang isang batang babae na hinuha ko ay nasa pitong taong gulang at ito'y kamukhang-kamukha ko. Hindi ba malabong kapatid ko siya? At ang isang lalaking nakatayo mula sa likod nila... maaaring siya ba ang ama ko? Minanmanan ko ito ng mabuti hanggang sa biglang dumating si ina. Nakita niyang hawak-hawak ko ang litrato kaya mabilis niya itong hinablot at isinilid sa kanyang bulsa.

"Hindi ka dapat nangingi-alam ng mga gamit ng may gamit."

Saad niya sa akin na galit na galit. Hindi ko alam kung bakit siya galit na galit, masama bang malaman at makita ko rin ito.

"Sino ba sila ina? Sino 'yong bata at 'yung lalaki sa likod niyo? Kapatid at ama ko ba sila ina?"

Tanong ko ito ng malumanay habang may mga luhang pumapatak sa aking mga pisngi.

Pero hindi niya ako sinagot at biglang umalis na parang walang nangyari.

Hindi ko alam kung bakit ayaw pa niyang sabihin ang katotohanan sa akin at hanggang ngayon ay hindi parin niya ako kinaka-usap at bukas ay ang nakatakdang araw na upang ako'y umalis pero hanggang ngayon ay wala parin siyang imik kapag pilit ko itong kinaka-usap. Ayoko namang iwanan siya na may sama siya ng loob sa akin kaya bukas napagplanuhan kong sorpresahin siya tutal kaarawan ko naman bago ako umalis.

Sumapit ang gabi at mukhang malalim na ang kanyang pagtulog kaya't napag-isipan kung umpisahan na aking planong pagsorpresa sa kanya. Hindi ako matutulog ngayon para sa kanya, para sa kanyang kasiyahan.

Agad kong nilinisan ang bahay at inayos ito sa magandang paraan. Pagkatapos ay lumabas ako at namitas ng mga magagandang bulaklak upang isabit sa bawat sulok ng bahay. Agad din akong umalis at pumunta sa itaas ng bundok upang mamitas ng mga gulay para sa ihahanda kong pagkain.

Nanguha ako ng iba't-ibang uri ng mga gulay at agad na bumaba rin mula sa bundok upang lutuin ito.

Malapit ng mag-umaga ng matapos ako sa pagluluto at napag-isipan kong mangaso pa para may ipandagdag sa mga linuto ko.

Kumuha ako ng palaso na aking ginawa at humayo sa kakahuyan.

Mukhang mag-iisang oras na ngunit wala pa rin akong nakikitang hayop. Hanggang sa tumagal na naman ako ng isang oras at mukhang niswerte ako ngayon dahil may tatlong baboy ramo na akong nakita. Agad akong nagtago sa damuhan at hinay-hinay na naglakad papalapit sa baboy ramo at inihanda ang aking palaso ng bahagya akong nakalapit. Agad kong itinutok ito sa pinakamalaking baboy at wala akong minutong sinayang. Pinakawalan ko na ang palaso. Natumba ang isa at ang dalawang baboy ay nagsitakbuhan pero agad ko silang hinabol.

Gaya ng mga baboy ay kumaripas na rin ako ng takbo upang habulin sila.

Tawang-tawa ako habang hinahabol ko sila, dahil parang kami'y naglalaro lang ng habulan pero nawala rin ito ng mapagtanto ko na kung sino ang mahahabol ko ay patay.

Itinigil ko na ang paghabol sa kanila dahil naaawa ako sa kanila at binalikan na lamang ang baboy na napana ko.

Binuhat ko ito kaagad at hindi maiwasang mapangiti dahil sobrang bigat nito. Maaaring sobrang taba at siguradong matutuwa si ina kapag nakita niya ito.

Nagmadali na ako sa paglalakad dahil malapit ma talagang mag-umaga at kailangan ko na itong katayin at iluto.

Agad akong nakarating sa mumunting kubo namin at agad na kinatay ang baboy. Matapos ay kumuha ako ng panghugas sa dagat para mawala ang lansa at mga dugong naiwan sa katawan ng baboy.

Niluto ko ito gamit ang mga bagong kuhang panggatong. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa dagat at bigla-bigla na lamang napangiti dahil hindi parin ako makapaniwala na ngayon ay tatawid na ako sa dagat papunta sa siyudad na aking pinapangarap na mapuntahan

~ginisamyxx