Natunganga ako habang iniisip ang lahat ng mga pwede kong dalhin sa aking paglalakbay papunta sa siyudad.
Pagkatapak na pagkatapak ko ay hahanapin ko kaagad ang aking ama para bumalik na siya sa amin upang sa ganun ay mamuhay na kami ng buo.
Agad ko ring nilayo ang tingin ko sa dagat nang mapagtanto kong may niluluto pala ako.
Mabilis ko itong binalingan at saktong luto na ito kaya naman ay inihain ko na sa aming kahoy na sahig na nagsisilbi naming lamesa ni ina.
Naupo muna ako saglit at siguradong malapit na rin siyang gumising.
Iniikot-ikot ko naman ang paningin ko sa loob ng maliit na kubo namin at hindi makapaniwalang nagawa ko ito. Ang ganda-ganda, sana ganito na lang palagi.
Hindi nawala ang ngiti sa aking labi dahil sa mga nakikita at nagtaka dahil sa oras na ito ay hindi pa gising si ina. Dati-dati naman ay sa ganitong oras gising na siya.
Agad akong tumayo dahil biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Saktong pagtayo ko ay ang pagsigaw naman ni ina sa pangalan ko.
"Serina!"
Sigaw ni ina sa pangalan ko na parang nahihirapan.
Nataranta naman ako sa narinig at agad na kumaripas ng takbo.
"Ina?"
Agad akong natunganga sa nakita. Dumurugo ang ilong ni ina habang umiiyak.
Biglang bumagsak ang aking mga luha ng makita si inang nahihirapan.
"Serina, apo"
"Ina?"
"Apo"
"Ina? Apo?"
Nagtatakang tanong ko kay ina at nilapitan ito.
"Serina, may kailangan kang malaman. Hindi na rin siguro ako magtatagal dito Serina kaya kailangan mo nang malaman ang lahat."
Ani ni ina na humahagulgol sa iyak.
"Huwag mong sabihin 'yan ina, diba kaarawan ko ngayon? Sabi mo sa akin na hinding-hindi mo ako iiwan hanggang sa araw na ito at sabi mo nun ihahatid mo pa ako hanggang sa siyudad para masiguradong ligtas akong makakarating dun. Diba ina? Ina, pinangako mo, dapat tuparin mo ito."
Saad ko habang yakap-yakap si ina.
Hindi ko alam ang gagawin kapag wala na siya. Ang sakit-sakit, parang tinutusok ang puso ko ng mga karayom sa sakit. Hindi ko kayang makita si ina na nagpapaalam sa akin. Hindi ko kakayanin, ina huwag mo akong iwan, hindi ko kaya.
"Serina, kailangan mong magpakatatag, hindi sa lahat ng panahon ay nasa tabi mo ako, tao rin ako na may hangganan ang buhay. Kaya kailangan mong tanggapin kahit masakit." ani ina habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak sa aking pisngi. "Huwag ka nang umiyak Serina, nasa tabi mo parin naman ako kahit wala na ako. Babantayan kita basta ipangako mo na aalagaan mo ang sarili mo, ipangako mo Serina."
"Ina, huwag mong sabihin 'yan, may mga inihanda ako para sa'yo ina. Kailangan mo itong tikman, niluto ko ito para sayo. Ina, hindi ko kaya, ina."
Saad ko habang pinupunasan ang mga luha ni ina at ang mga dugong lumalabas sa ilong nito.
"Serina, may kailangan kang malaman." ani nito at may nilabas na litrato sa kanyang bulsa.
Ito ang litratong napakialaman ko nung isang araw na siyang dahilan kung bakit kami nagkasamahan ng loob si ina.
"Kailangan mong malaman ang lahat-lahat Serina bago ako tuluyang mamaalam."
"Ina naman, diba sabi ko magiging maayos din ang lahat ng ito? Kukuha lang ako ng mga halamang gamot ina."
Saad ko at akmang tatayo na ng hinila niya ang mga braso ko.
"Hindi na Serina." ungol ni ina na nahihirapang huminga. "Marahil ay ito na ang araw ko Serina, hindi natin mapipigilan ang pangyayaring ito kaya ang dapat nating gawin ay tanggapin na lang ito at magpasalamat dahil nagkasama tayo sa maikling panahon."
"Hindi maaari ina, hindi ina, huwag kang magbiro."
"Serina hindi ako ang ina mo." ani ina at ini-angat ang litratong hawak-hawak nito at may itinuro. "Ito si Selida, ang anak ko at ang tunay mong ina."
Agad akong nagtanong kung nasaan na siya pero ang tanging sagot niya ay wala na ito.
"Wala na si Selida apo, nilunod niya ang kanyang sarili matapos ka niyang ipanganak." sabi ni ina habang sumisinghot ng sobrang lalim, marahil ay hindi na ito makahinga ng maayos.
Agad namang may itinuro si ina sa litrato, ito ang lalaki sa kanilang likod.
"Siya si Cesar, ang asawa ko."
"Lolo ko po siya?" tanong ko.
"Oo apo... Lolo mo ang asawa ko... Pero..." saglit siyang napadaing dahil sa hirap sa paghinga.
S-Siya rin ang t-tunay mong ama..."
Halos mapatigil ako ng marinig ang lahat ng tinuran ni ina. Ang tatay ng totoo kong ina, ang lolo ko, ay ang totoo kong ama.
"A-Anong pinagsasabi mo ina?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Siya ang t-totoo mong ama Serina, may relasyon sila ng anak kong si Selida... a-at aksidenteng n-nabuntis niya ito." sabi ni ina na biglang pumikit. "S-Sa una ay galit na galit ako sa kanila dahil sa kanilang ginawa... Sariling anak ni Cesar ay nabuntis niya pero kailangan kong magpakatatag at tanggapin ang lahat."
"Asan na ang totoo kong ama? O si lolo? O basta nasaan na po siya?"
"Nung nagalit ako ay nilisan niya ang isla at iniwan kami ng iyong tunay na ina na si Selida. Pumunta siya sa siyudad para takasan ang kanyang mga ginawa. Nagbakasakali akong babalik rin siya pero hanggang ngayon ay wala, hindi siya nagpakita kahit pa nung wala na ang iyong ina."
Halos pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa mga narinig at hindi makapaniwalang nangyari ang lahat ng 'yon.
Sa likod pala ng kabaitan ni ina ay may tinatagong sakit dahil sa kaniyang nakaraan.
Halos yakapin ko si ina ng malaman ang lahat at hindi maiwasang maging emosyonal pero natigilan ako ng biglang wala na akong maramdamang tibok ng puso ni ina.
Agad kinabahan at binawi ang pagkakayakap ko kay ina at tiningnan siya.
Halos gumuho ang mundo ko nang makita kong hindi na nga siya humihinga. Ang mga mata niya ay nakabukas habang may mga luha pang nangigilid sa kanyang mga mata.
Agad kong isinara ang mga mata ni ina at ibinaba ang ulo sa kahoy naming sahig.
"Ina, mahal na mahal kita, kung nasaan ka man ngayon ay salamat, ikaw ay kahanga-hanga, dapat kang igalang at itaas dahil sa'yong kabaitan at pagmamahal na walang makakapantay. Sana ay magkita na kayo ni inang Selida. Sana maging masaya kana at makapagpahinga ng nararapat na para sa'yo. Hanggang sa muli nating pagkikita, paalam."
Agad kong niyakap si ina ng sobrang diin dahil gustong-gusto kong maramdaman niya na mahal na mahal ko siya ng sobra-sobra higit pa sa buhay ko.
Siguro nga ito na talaga ang nakatakdang araw o oras para sa kanya. Kailangan ko itong tanggapin tulad ng sinabi niya at ipagpatuloy ang mga nasimulan at pangarap niya bilang ganti naman ito sa walang kapantay ng pagmamahal niya sa akin.
Agad kong kinuha ang kumot mula sa paanan niya at ibinalot sa kanyang buong katawan at kinuha ko ang litratong hawak-hawak niya.
Sa huling sandali ay niyakap ko siya ulit at nagsimulang kunin ang mga gamit kong dadalhin papunta sa siyudad.
Paalam ina, mahal na mahal kita, paalam. Ang huling mga salitang binitawan ko bago lumabas sa pintuan at isinara.
Binulsa ko ang litrato at nagsimulang naglakad pababa sa dagat para sa nakatakdang pag-alis ko.
Ngayong araw ay panibagong buhay ang aking sisimulan, isang bagong pagsubok ang aking haharapin para sa aking sarili at sa'yo aking ina, sana ay gabayan mo ako.
Sinumulan kong ayusin ang nagkapira-pirasong bangka malapit sa dagat at nang maayos ko ito ay agad na sumakay at humayo.
Paalam ina...
Saad ko bago tuluyang makalayo sa isla.
~ginisamyxx