Nang marinig kong may lumabas na sa pintuan sa kabila ay agad rin akong tumayo at nag-ayos baka kasi papasok sila dito sa silid kong saan ako ngayon. At tama nga ang hinala ko, biglang pumasok ang lalaki na nagngangalang Simoun.
"A-Ano pong sa a-atin..."
Tanong ko sa kaniya at napatigil ng hindi ko alam ang kanyang pangalan.
"Simoun" saad niya dahil bigla akong napatigil dahil hindi ko alam ang pangalan niya."Gusto ko lang humingi ng pasensya dun sa katulong ko. Ganyan kasi talaga siya, mainitin ang ulo." dagdag pa niya na ikinabigla ko.
"K-Katulong po? Ibig sabihin hindi niyo po talaga siya asawa?"
Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Hindi ko siya asawa, nasa ibang bansa ngayon ang asawa't anak ko at sa isang buwan pa sila uuwi dito kaya maaaring dito ka muna mamalagi."
Saad nito kaya tumango-tango na lang ako para hindi niya mapansin na may nalaman ako.
"Sige, I need to go, may meeting pa ako. Sisilipin lang sana kita kung kumusta ka na..." napatigil din siya na parang nagtatanong kung anong pangalan ko.
"Serina po, sige po maraming salamat. Ingat po kayo."
Tanging sagot ko na lamang bago siya tumalikod pero agad din siyang humarap.
"By the way, nakahanda na 'yong mga pagkain mo sa lamesa. Hinihintay ka na ni ate Eliza mo."
"Ay, s-sige po, sunod na lang po ako."
Agad na siyang tumalikod at lumabas ng pintuan.
Bigla akong napa-upo dun sa malambot na bagay at gulat na gulat na naman dahil biglang lumubog 'yong pwetan ko dito.
Natawa na lang ako bigla at biglang natunganga na naman at pinag-iisipan ang mga nadiskobre ko.
May asawa pero may kinakalantarang iba? Babaero si Simoun, langya. May asawa na nga pumapatol pa sa isang mas masahol pa sa hayop. Pero ang ganda ng labi ni ate Eliza, ang pula-pula. Ano kayang nilalagay niya dun? Pati 'yong kilay niya ang ganda, pangit nga lang ang itsura gaya ko.
Haysss!
Agad na rin akong tumayo at lumabas sa silid para kumain.
Nadatnan kong naka-upo si ate Eliza sa lamesa kong saan andaming nakahain na pagkain sa lamesa.
Sumusubo na siya pero biglang tumigil ng bigla niya akong nakita. Pero sa ngayon ay iba ang dating, nakangiti siya saka tinawag ang pangalan ko.
"Serina, kumain ka na. Pasensya na kung nauna na ako, kasi may ginagawa ka pa lang daw ani ni Sir Simoun."
"Sige lang po, okay lang naman ako."
Malumanay kong sagot kay ate Eliza pero nagtataka ako kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Siguro kay Simoun.
Lumapit na ako sa lamesa at tumayo habang kumukuha ng mga pagkain.
Hindi ko maiwasang lumunok-lunok sa mga nakikita ko, mukhang masasarap at mukhang hindi biro itong kakainin ko.
Nang nakakuha na ako ay kumain na pero hanggang ngayon ay nakatayo parin ako na ikinagulat ni ate Eliza.
"Serina, bakit dika umupo para makakain ng maayos?" ani nito sabay tayo at pumunta sa likod ko upang ilapit ang upuan sa akin. "Heto ang upuan, maupo ka lang."
"Salamat po ate"
Kumain lamang kami ng kumain habang walang nagsasalita sa amin ng bigla ring nawasak ang katahimikan dahil kay ate Eliza.
"Ano pala, mamamalengke lang ako, baka gusto mo sumama?" tanong niya sa akin.
"Huwag na po ate" ani ko pero hindi ko alam kong ano ang pinagsasabi niya.
Anong palengke?
Tsaka bakit biglang umikot ata ang mundo? Bakit bigla siyang bumait sa akin?
Hindi ko na lamang ito inintindi hanggang sa umalis na si ate Eliza.
Naiwan ako mag-isa sa bahay nila at ibinilin na lamang ni ate na huwag na huwag akong magpapa-pasok ng ibang tao. 'Yun lang ang utos niya bago ito umalis. Pero bakit? Anong meron? Bahala na nga at iniligpit ko na lamang ang mga pinag-kainan namin bago ako pumasok sa silid upang magpahinga muna.
Hanggang sa biglang may dumating na tao, ramdam kong may tao pero binalewala ko nalang ito dahil inaantok na ako.
Nakatulog ako ng bahagya ng biglang may humawak sa mga binti ko.
Binalewala ko lang ito dahil ayokong may mangyari sa akin na masama. Bakas sa loob-loob ko ang takot at kaba dahil sa ini-isip kong mangyayari. Hanggang sa unti-unti ng a ang mga suot ko.
~ginisamyxx