Ilang oras na lang ay sasapit na ang gabi at sa tingin ko ay hindi pa ako nangangalahati sa aking biyahe.
Inihanda ko na ang aking matutulugan sa aking munting bangka upang umidlip na. Plano ko sanang sandali lang ang aking pagtulog ngunit hindi ko namalayan na ilang oras na pala akong tulog at nagising na lang dahil sa sikat ng araw na tumatama aking mukha. Agad kong minulat ang aking mga mata dahil sa mga sigawan at malalakas na ingay sa paligid.
Napabuntong hininga na lang ako dahil nakarating na pala ako sa aking destinasiyon. Ang maingay at misteryosong siyudad.
Ilang taon ko itong hinitay. Hindi ko akalaing matutupad na ang aking pangarap. Halos mapunit na ang labi ko dahil sa pagngiti. Pero bigla ring napawi ang aking ngiti nang dumaloy muli sa aking ala-ala ang mga nangyari kahapon.
Pero tama si ina... kailangan kong tanggapin ang mga bagay-bagay at magpatuloy sa buhay. Para sa atin 'to ina, nawa'y gabayan mo ako sa lahat ng gagawin ko.
Agad kong binaling ang aking paningin sa pampang. May mga grupo ng kababaihan na nakatingin sa akin habang tinuturo ako. Hindi ko alam kung bakit pero mukhang ako 'yong pinag-uusapan nila. Agad kong sinagwan ang bangka papalapit sa pampang at sa aking paglapit ay mas lalo pang dumami ang mga tao at lalong lumakas ang kanilang bulungan.
Sa aking paglapit ay kitang-kita ko na ang pagkaka-iba ko sa kanila. Ibang-iba ang kulay ng aking balat kumpara sa kanila. Sa akin ay ang itim-itim samantalang mas maputi ang sa kanila. Ibang-iba ang kulot at tuyo kong buhok sa mga buhok nilang mahahaba at makikintab. Ibang-iba rin ang kanilang ilong, matutulis ito hindi gaya ng sa akin na sobrang laki at malapad.
Nakapa ko ang ilang parte ng aking katawan at napatingin ulit sa kanila. Hindi ko akalaing ganito kalaki ang pagkakaiba ng mga tulad ko sa mga taga siyudad.
"Ang pangit, ang itim!"
"Tao ba'yan?"
Sabi ng mga tao habang tinuturo ako.
Anong mali sa akin at bakit ganyan sila makatingin?
Nang makalapit ako sa kanila ay agad silang nagsilayuan na parang takot na takot sa akin.
"Magandang umaga po sa ating lahat."
Bati ko sa kanila pero atras parin sila ng atras na parang nandidiri sa akin.
"Anong maganda sa pangit ma katulad mo?"
Tanong ng isang babaeng mataba sabay tawa at nagsitawanan na rin ang iba.
"Ano pong pangit?"
Tanong ko naman sa kaniya pero tinawanan lamang ako ng mga tao.
"Hala, ate Sabet 'di ata uso sa kaniya 'yong salamin."
Saad ng isang pang matabang babae sabay tawa na naman.
"A-Ano pong nakakatawa?"
Tanong ko pero tuloy parin sila sa pagtawa.
"Hoy pangit, ba't ang baho mo?"
Tanong ng isang lalaking may makapal na balbas.
"A-Ako po, m-mabaho?"
Nagtatakang tanong ko sa kanila at inamoy ang sarili pero wala namang mabaho sa akin.
"Di ba uso sa inyo ang sabon?"
Ani ng babaeng mataba sabay tawa na naman.
"H-Hindi ko po kayo maintindihan, ano po 'yon?"
Lalo pang lumakas ang pagtawa nila kaya tinalikuran ko na lang sila at naglakad dala-dala ang maliit kong bag na gawa sa kawayan.
"Aba, bastos to ah!"
Sigaw ng isang lalaki saka niya ako sinundan. Binilisan ko naman ang paglalakad pero naabutan parin niya ako at hinawakan ang dalawa kong braso. Napangiwi ako dahil sa diin ng hawak niya.
"K-Kuya, masakit po!"
Nagpumiglas ako dahil sa sakit hanggang sa unti-unti na namang dumarami ang mga tao.
Tawa lamang sila ng tawa dahil sa nangyayari habang nagpupumiglas pa rin ako sa pagkakahawak ng lalaki sa mga braso ko. Hanggang sa itinulak na ako ng lalaki ng sobrang lakas.
Napasubsob ako sa buhangin dahil sa lakas ng kanyang pagkatulak sa akin.
Hindi pa siya nakuntento ay pinagtatadyakan pa niya ako na parang isang basura.
Biglang bumagsak ang mga luha sa aking mga mata na kanina pa nagbabadyang bumuhos dahil sa ginagawa nila sa akin.
Hindi ko ma-isip kung bakit ganito sila sa akin. Hindi ko naman sila kilala at bago lang ako dito pero bakit ganun na lamang ang pagtrato nila sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanila.
Nang hindi pa sila nakuntento sa pagtulak at pagtadyak sa akin ay pinagbabato pa ako ng mga gulay na kanilang dala-dala. May mga humahampas rin sa akin ng mga basket pero tinanggap ko ito ng buong-buo. Hanggang sa bigla na lamang lumabo ang aking paningin at ang lait at mapanakit na salitang pasigaw na binabato sa akin ng mga tao ang huli kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay.
-
Bigla akong nagising dahil sa isang masamang panaginip. Hindi siya 'yong masamang-masama pero nakita ko ang sarili kong hubo't hubad habang hawak-hawak ng isang lalaki ang mga binti ko.
Nagulat rin ako bigla dahil sa nakapa. Isang malambot na bagay ang bigla kong nahawakan.
Minulat ko ang aking mga mata at hindi makapaniwala sa nakikita.
Agad akong gumalaw pero nagulat na naman ako dahil biglang lumubog ang kamay ko sa bagay na malambot kaya nagsisigaw ako.
"Tulong!"
Sigaw ko na humihingi ng tulong dahil sa pagkagulat hanggang sa isang natatarantang babae ang lumabas sa pintuan ng silid kung saan ako naroon.
Tulong!"
Sigaw ko ulit hanggang sa biglang nagsalita ang kararating na babae.
"Anong nangyayari?"
Tanong nito na nagtataka at natataranta.
"A-Ano ito?"
Nagtatakang tanong habang unti-unting ibinababa ang paningin ko sa bagay na nahawakan ko, kung saan biglang lumubog ang aking mga kamay.
"Ah? Eh, ih, oo, nga pala nakuwento sa akin ni Sir na mukhang wala ka palang alam sa mga bagay-bagay dito sa siyudad. Higaan 'yan, higaan ng mga magaganda at gwapo kaya sa susunod po sana ay sa sahig na lang kayo humiga dahil hindi bagay sayo ang humiga diyan."
Saad ng babae habang nakataas ang kanyang makapal na kilay.
"Sige po, sanay naman ako sa sahig. Pero asan po ako? Sino po kayo?"
Malumanay kong tanong sa babaeng nakanguso ang pulam-pulang labi.
"Andito ka sa pamamahay namin ng asawa ko, kaya kapag kaya mo nang maglakad ay umalis ka na!"
Ani ng babae habang sinusuri ang kabuuan ng katawan ko.
"Aalis na po ako, tsaka salamat sa tulong niyo."
Saad ko sabay kuha ng gamit ko na nakalapag sa isang lamesa at lumabas ng nakayuko.
Sinundan naman ako ng babae sa paglabas hanggang sa isang bagay ang dumating.
Natunganga ako sa nakita, isang maitim na bagay ang kusang gumagalaw. Parang tao lang pero ibang-iba ito. May mga malalaking bilog na nakakabit sa ilalim nito.
Agad akong tumakbo papalapit sa bagay pero bigla akong nagulat ng may isang lalaki ang lumabas mula rito at nagtatakang nakatingin sa akin.
"Gising ka na? Great, para makakain kana at lumakas."
Ani ng lalaki pero gulong-gulo ako sa pinagsasabi niya. Anong Grit?
"Grit po?"
Nagtatakang tanong ko na siya namang dahilan ng pagngiti niya ng malawak.
"Never mind"
Saad niya sabay tingin sa babaeng nakayuko mula sa likod ko.
"By the way, saan ka pupunta? Bakit dala-dala mo iyang mga gamit mo?
Ani niya sabay tingin ulit sa babae.
"Kase po, pinapa-alis po ako ng asawa niyo."
Saad ko sabay yuko dahil nakakahiya, ako pa ang magiging dahilan ng pag-aaway nila.
"Asawa? Hindi ko siya asawa kaya huwag kang umalis. Dito ka muna sa bahay habang wala ka pang malilipatan na bahay." aniya "And Eliza mag-usap tayo sa kwarto, right now!" muli niyang sabi sabay pasok sa loob ng bahay na parang galit.
Sumunod naman ako sa kanya at nahuli ang babaeng nagpapalayas sa akin na sinasara 'yong gate.
Tiningnan ko pa siya bago ako makapasok ng tuluyan sa bahay at sakto naman na nakatingin rin siya sa akin na parang diring-diri.
Hinawi ko kaagad ang paningin ko sa kanya inikot-ikot ang aking paningin sa loob ng bahay.
Ang ganda, ang laki, sana ganito rin nakatira ang tunay na ama ko. Sana mahanap ko na siya talaga.
Agad na rin akong pumasok sa isang silid kung saan ako kanina at hindi parin makapaniwalang ganito ang bumungad sa akin dito sa siyudad. Napangiti ako ng bahagya pero napawi rin ito ng maalala ko 'yong mga ginawa sa akin ng mga tao dun sa pampang.
Sinaktan nila ako buti na lang may isang lalaki ang umawat sa kanila at ramdam ko na lang na binubuhat ako ng isang lalaki. Tapos pagkagising na pagkagising ko pa ay bumungad sa akin ang ganitong lugar.
Sana andito ka ina, sana nakikita mo ako ngayon.
Natunganga ako habang nag-iisip ng malalim ng bigla kong nakarinig ng sigawan sa kabilang silid.
Sino ka para palayasin ang bata Eliza? At anong pinagkakalat mong asawa kita!"
Sigaw ng lalaki na sinagot na naman ng babae.
"Bakit? Ano bang tawag sa ating dalawa na palaging magkatabing matulog sa gabi at palaging may ginagawa?"
Sumbat ng babae. Tumagal ang kanilang sigawan hanggang sa bigla na lamang tumahimik.
Naglakad ako papunta sa pintuan kong saan nag-aaway ang dalawa.
"Ugh Simoun, Simoun."
Isang malakas na pag-ungol ang naririnig ko nang itapat ko ang aking tenga sa pintuan.
"Huwag kang mag-alala hindi ko na siya papalayasin pa dito basta palagi nating gagawin ito, ugh."
Saad ng babae habang umu-ungol.
Ano kayang ginagawa nila bakit parang sarap na sarap ang babae?
Bigla akong napatakip ng bunganga ng bigla kong may naisip at tumakbo sa aking silid.
Agad kong sinara ang pintuan dahil ayokong makita nilang alam ko ang kanilang ginagawa. Pero bakit? Di naman sila mag-asawa pero ginagawa nila 'yun?
~ginisamyxx