Chereads / Online It Is / Chapter 97 - Chapter 48.5

Chapter 97 - Chapter 48.5

Chapter 48.5:

Abby's POV:

"Akala mo hindi namin alam noh? 'Diba ang sabi nga namin sa'yo ay wala kang maitatagong sikreto sa amin ni Joyce?" Saad ko at saka kinindatan si Joyce.

"H-Hindi naman ako ang nag-set ng pangalan na 'yon. I mean ako, pero si Cheska na ang naglagay ng mga hearts." Pagdedepensa niya.

"At hinaayan mo naman bakla? Hmm, o baka naman ay gusto mo naman talaga ang nilagay niya?" Pangagatong ni Joyce. 

At dahil wala na atang masagot si bakla ay bigla na lang siya nag-walk out, pero bago 'yon ay inirapan niya muna kaming dalawa ni Joyce.

So confirmed, may something nga sa dalawa.

"Hay nako hindi ko talaga lubos akalain na sa babae rin pala babagsak ang bakla." Umiiling na sabi ko habang hawak ang baso kong may lamang cocktail.

"Sinabi mo pa girl, may nalalaman pa siyang kunwari ayaw niya kay Cheska, pero deep inside ay pakipot lang pala siya." Natatawang sabi ni Joyce na kalaunan ay napadaing habang hawak ang tiyan.

Agad ko siyang dinaluhan. 

"Ayos ka lang girl?" Nag-aalalang tanong ko.

"Oo girl ayos lang ako, sumipa lang si baby ng malakas kaya napadaing ako. Umaagree ata sa sinabi natin kaya pumadyak." Sabay kaming napahalakhak. Hays, 'wag lang sanang lumaking chismosa ang baby gaya ng nanay at mga ninang niya.

Nang nasa third part na ang programme ay pinatawag ng emcee sa gitna ng hall ang lahat ng mga kababaihan at kalalakihang single o 'di naman kaya ay in a relationship pero hindi pa kasal para daw sa pagcatch ng boquet ng flower at ng garter.

Noong una ay ayaw ko dahil inaantok pa rin ako at mas gugustuhin ko na lang matulog ulit, pero itong katabi kong buntis ay hindi nagpaawat jusmiyo!

Kahit sure ng ikakasal sila ni Jherwin pagkatapos niyang manganak ay excited pa rin siyang pumunta sa gitna ng hall kahit paika-ika siya ng lakad. Ang malala pa ay bigla niya akong hinila! Kung kaya'y wala na rin akong choice kundi magpatianod sa kaniya.

"Excuse me, pwede pong padaan? May buntis po kasi dito." Ani Joyce na may balak pa atang pumunta sa pinakaharap ng mga kababaihan. Pero hindi na ako nagpatianod sa ngayon dahil ako na mismo ang humila sa kaniya pabalik sa likod bago pa siya makarating sa harap.

"Joyce, give chance to others okay? Ikakasal ka na, hindi mo na kailangang makisali sa ganito." Sabi ko sa kaniya. "And besides, dalikado sa harap baka madaganan ka pa kapag nag-agawan sila ng boquet. Hindi mo naman siguro gugustuhing mapaanak nang wala sa oras if ever na nasiko ka nila right?" Mukhang natauhan naman siya sa sinabi ko.

"Kaya tara na girl sa upuan habang hindi pa sila nagkakagulo." Maarte kong inilahad sa kaniya ang kamay ko, sign na aalalayan ko siya pabalik sa kinauupuan namin kanina.

Pero imbis na kamay niya ang dumapo sa palad ko ay laking gulat ko na lang nang makita ang isang maliit na boquet ng bulaklak ang dumapo rito!

Napakurap ako ng ilang beses at napatingin sa paligid. 

All eyes are on me.

Pati si Joyce ay halos mahulog ang panga dahil sa nangyari!

Hanggang sa nagsipalakpakan ang crowd sa akin at samu't saring bati ang narinig ko mula sa kanila.

"Woah! Congrats Abby, aabangan ko ang kasal mo."

"Congratulations ate Abby, imbitahan mo aka sa kasal mo ha!"

"Ang galing mo Abby, balitaan mo ako kung kailan ang kasal ha!"

"Nice one Abeyea, baka maunahan mo pang ikasal si Joyce niyan!" Ani naman ng isa sa mga kaibigan namin at the same time ay kasosyo sa negosyo.

"Oo nga girl, baka maunahan mo pa ako ikasal niyan. Akalain mo 'yon, hindi man natuloy ang plano kong ipunta ka sa harap para ikaw ang makasalo ng boquet, pero 'yong bouquet na mismo ang gumawa ng paraan para ikaw ang makasalo kahit nandito ka na sa pinakalikod! Para sa'yo talaga 'yan girl, congrats!" Nakangising sabi ni Joyce. Ahh, so pinlano niya talagang pumunta sa harapan para ipasalo sa akin ang bouquet.

Nilapitan ako ni Steph nang makaupo na kaming nga kababaihan." Congrats Abby, I didn't expect that you'll be able to catch the bouquet. Well, I actually planned to toss the flower to your spot. But since I can't see you awhile ago in the crowd, I just toss it without knowing where it will go." Steph said happily.

"Wow, ang saya niyo naman. Hindi ko rin talaga ineexpect na sa akin 'to mapupunta. Wala nga sa plano ko ang makisali kaya inaya ko na pabalik sa upuan itong si Joyce. Tapos ayon, saktong na-catch ko ang bulaklak nang hindi sinasadya. Ang besides, kahit naman sa akin napunta itong bulaklak ay kung wala--" Nahinto ako sa pagsasalita nang marinig ang malakas na hiyawan ng mga kalalakihan sa gitna ng hall.

"Wow, sino kaya ang nakasalo ng garter?" Tanong ni Joyce sa akin.

Nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko rin alam kung sino.

"Ladies and gentlemen, may I ask the beautiful lady who catched the flower and the handsome man who beat all the other boys in catching the garter to come here in front for the picture taking." Masiglang sabi ng emcee.

Ay wow, may nalalaman pa silang gan'to. 

"They're calling for you Abby." Excited na sabi ni Steph habang nakalahad sa akin ang palad niya.

At dahil ayaw ko namang magmukhang killjoy ay agad akong tumayo at sabay kaming tumungo ni Steph sa harapan habang magkahawak kamay.

"Go girl!" Rinig kong sigaw si Joyce habang hindi pa kami nakakalayo.

Habang papalapit kami sa harap kung nasaan ang emcee ay unti-unti namang napataas kilay ko nang makita kung sino ang katabi ni Nich na naghihintay.

"I-Ikaw ang nakasalo?" Tanong ko kay Rigel at saka itinuro ang garter na hawak niya. 

"Hindi ba obvious?" Nakangising sagot naman nito.

"Edi wow Rigel, edi wow."

Dang, this is so awkward.

Nako nanggigigil ako sa photographer ha. Ang lapit na nga namin sa isa't-isa ni Rigel pero sabi pa rin siya ng sabi na "closer" eh kulang na lang ay magyakapan kami. Kaloka!

"Okay, that's good. 1, 2, 3..."

*Click*

*Click*

*Click*

"Perfect! Kulang na lang ay singsing at magmumukha na kayong newlywed!" Maharot na sabi ng photographer. Napangiwi naman ako dahil do'n.

Nagsisikantsyawan naman ang mga tao sa paligid na siyang mas nagpangiwi sa akin at the same time ay nagpainit ng mukha ko.

Enebe be weg nge keyeng genyen.

Pero syempre dapat cool lang, huwag ipahalatang kinikilig.

Habang papabalik kami ni Steph sa dating pwesto namin ay bigla na lang kaming huminto sa gitna ng hall which made me wonder why.

"Is there something wrong Steph?" I asked, as her expression became uneasy.

"Don't you find this chair pretty?" She also asked without answering my question.

Tinignan ko naman ang itinuro niyang eleganteng upuan na nandito mismo sa aming harapan. I don't know where it came from, wala naman ito kanina noong dumaan kami dito.

Para itong upuan ng isang reyna at mukhang bago rin ito dahil kumikintab kintab pa ang surface nito.

"Yes it's so pretty. Pero ano'ng meron diyan?"

"That's your seat." But before I can even react ay bigla na lang niya akong itinulak paupo sa upuan at biglang namatay ang ilaw sa buong hall; tumahimik din bigla ang buong paligid. Ang naririnig ko lamang ay ang pagtunog ng orasan na hindi ko alam kung nasaan at ang ungol ng aircon.

Just what the hell is happening?!

Nasa'n na si Steph?