Chereads / Online It Is / Chapter 84 - Chapter 42.0

Chapter 84 - Chapter 42.0

Chapter 42.0:

Abby's POV:

"But I'm not lying Abby!" Medyo napataas na ang boses ni Rigel .

"Kung totoo nga ang sinasabi mo, nasaan ang pruweba ha? Nasa'n yung sulat na sinasabi mo?" Paghahamon ko sa kaniya.

"I don't know! But we could ask Steph right now at sasabihin niya sa'yo ang totoo."

"Tapos paniniwalain mo nanaman ako sa kasinungalingan niyo? Paano ako makasisiguro na hindi kayo magkasabwat ni Steph? Baka nakakalimutan mo Rigel, ilang taon niyong niloko ang publiko tungkol sa relasyon niyo. Wala eh, ano pa bang ieexpect ko sa mga katulad niyong magagaling umarte sa harap ng camera. Yes, sabihin na nating mabuting tao kayo, but the fact na pareho niyo na akong nasaktan, sinasadya niyo man o hindi, sa tingin mo ba ang basta-basta akong magtitiwala sa inyo ulit? Mga manloloko kayo!" 

I know I'm being a b*tch right now, but I can't help it! I am so frustrated!

Ang bongga naman ng taon na 'to at napakaraming rebelasyon ang naganap.

Pero itong issue between sa amin talaga ang pinakamalupet dahil ilang taon akong may sama ng loob sa kaniya.

At kung mapatunayan mang totoo ang lahat ng sinabi niya ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Malamang ay makakaramdam ako ng sobrang pagka-guilty at the same time ay sobrang awa na may halong disappointment sa sarili ko.

Pagkaguilty dahil hinayaang kong mamalagi ang sama ng loob at bitterness sa loob ko ng ilang taon. Pagka-awa dahil ilang taon akong nabuhay sa kasinungalingan. At disappointment dahil nag-jump into conclusion agad ako sa mga naganap which caused me a lot more pain.

"Ang sakit mo naman magsalita Abby... Are you still the Abby that I used to know? H-How could you say such things? Hindi ka naman ganiyang dati ah." Tinignan niya ako na para bang nagtatanong kung anong masamang espiritu ang sumanib sa akin kung bakit ako nagkakaganito. "Kasi yung kilala kong Abby, mapanakit sa pisikal pero hindi mapanakit sa salita."

Hindi ako nakasagot. Dahil kahit ako ay hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga 'yon.

"Nandiyan na ang katotohanan sa harapan mo Abby, kailangan mo na lang maniwala."

~

"I'm so sorry anak, kasalanan ko kung bakit nangyari ang lahat ng 'to. Kung hindi ko sana pinigilan si Rigel noon na mag-explain sa'yo ay--"

"Stop ma. It's not your fault. Ang sinabi mo sa kaniya noon ay HUWAG MUNA, pero hindi mo naman po sinabing HUWAG NA. Kaya kung may balak sana siyang sabihin sa akin ang lahat ay bakit hindi pa niya sinabi noong hindi pa kami ni Nich?"

"Dahil baka hindi mo siya pakinggan Abby. You were so miserable and devastated that time, at lahat ng tungkol kay Rigel ay pinapainit ang ulo mo." Mahinhing sabi ni mama. 

Matapos ang rebelasyon at sagutan scene namin ni Rigel ay umalis siya ng bahay. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, pero dala niya ang kotse niya which makes me feel worried right now.

Malakas pa rin ang ulan at hindi pa gano'n ka-safe na bagtasin ang daan pero umalis pa rin si siya. Ni hindi man lang siya sinabi sa akin kung saan siya pupunta. Nagalit ata dahil sa sinabi ko to the point na hindi niya kinayang makasama ako sa iisang lugar.

Aaminin kong medyo masakit yung sinabi ko, pero yun naman ang totoo.

But I should have been considerate right? May malalim na dahilan naman kung bakit nangyari ang lahat ng 'to.

Nang umalis siya ay agad akong nagtungo dito kila mama. Kahit umuulan ng malakas ay naglakas loob akong suungin ito dahil kailangan ko talaga ng makakausap sa personal, at sila ang pinakamalapit.

Gulat nga silang tatlo nang makita ako kaninang pagdating ko dito, but they didn't asked me any more questions bukod sa "Ano'ng nanyari at bakit ako nandito."

Nang tinignan ko si mama ay agad naman nilang na-gets ang ibig kong sabihin at inaya ni papa si Pau sa kwarto nito para makipaglaro. Samantalang dumiretso naman kami ni mama sa kwarto ko dito sa bahay at dito ko na kinuwento ang lahat kay mama.

"But he should have atleast tried right? Alam ko ma, mahirap akong kausapin kapag galit ako, pero hindi naman ibig sabihin no'n na matigas na rin ang puso ko. Kaya kung naghintay siyang kumalma ako, bakit hindi siya bumalik dati para mag-explain?"

"Anak--"

"For pete's sake ma! Hindi naman ako galit ng ilang taon, matagal na akong kalmado ma! Oo, sobrang bitterness ang nararamdaman ko pero hindi naman na ako galit. Kaya ang hindi ko gets, ay kung bakit hindi pa niya ginawa dati ang dapat niyang ginawa? Bakit ngayon lang kung kailan nagkanda-letse-letse na ang lahat?"

"Kumalma ka anak, kakagaling mo lang sa ospital."

"Paano ako kakalma kung gan'to ang sitwasyon ma. Oo, kakagaling ko lang ng ospital, pero mas lalo lang akong naiistress dahil sa mga nangyayari. Ma, broken ako kasi kailangan naming mag-break ni Nich para sa ikabubuti ng lahat tapos idagdag pa  ang muntik na meet up namin ni San Pedro na dahilan kung bakit hindi ako nakapagtrabaho ng dalawang buwan, at samahan pa ng malulupit na rebelasyon na nagpapatunay kung gaano ako naging tanga at bulag for these past few years."

Tinaasan ko ng kilay si mama nang makita ko siyang napahagikgik. 

"Seryoso kasi ako ma, bakit kayo tumatawa?" Napanguso ako.

"I'm just so proud of you anak kaya ako tumatawa."

Ay gano'n na pala 'yon, kapag proud ka sa isang tao ay tatawanan mo. Hanep rin 'tong nanay ko noh.

"What I mean dear is, kahit ang dami mong pinagdaraanan nitong mga nakaraang taon ay hindi ka pa rin sumusuko, lalo na noong muntik kayong mag-meet up ni San Pedro." At tumawa ulit ito.

"Seryoso ka po ba diyan ma?" Nakangiwing tanong ko. "Duh, seryoso itong usapan natin mama. Hindi ba dapat ay seryoso ka rin, eh tinatawanan mo lang naman ako eh." 

"Ikaw naman 'nak, pinapagaan ko lang ang atmosphere. Kita mo oh, ang lakas ng ulan tapos sasabayan mo pa ng negative emotions mo."

"Whatever ma." I rolled my eyes.

"So back to the topic." Umayos ito ng upo at saka pinagkrus ang mga binti. "Isipin mo naman anak, kakamatay lang ng mama ni Rigel that time at binigyan pa siya ng napakalaking responsibilidad ng mama niya. At hindi lang basta-basta ang reponsibilidad na ginagampanan niya noong mga panahon na 'yon. Steph was not well that time, and she really needs someone whom she can rely on. Hindi sa kinakampihan ko si Steph, pero alam kong malakas ka, mas malakas kaysa sa kaniya. At hindi rin sa inaachupwera kita dahil malakas ka, pero kung ipagkukumpara ang sitwasyon niyo ay mas vulnerable siya dahil may dinadala siyang bata na pwedeng mawalan ng tsansang makita ang mundo. It's just that noong naayos na ang sitwasyon nila ay saktong kayo na ni Nich. Maski ako ay nagulat that time dahil akala ko ay hanggang kaibigan lang ang turing mo kay Nich, at hindi ko lubos akalain na magiging kayo. Sa tingin mo ba ang basta-basta na lang magpapakita sa'yo si Rigel at sasabihin ang totoo lalo na't nakikita niyang masaya ka kay Nich? Are you getting my point anak?" Madiin na sabi ni mama pero mahinahon pa rin naman.

"You're right ma, but--"

"But what you have just said to Rigel was not good. Hindi kita pinalaking ganiyan anak. Nasaktan mo si Rigel at alam mo naman na siguro ang dapat mong gawin."