Chapter 41.0:
Abby's POV:
Agad akong napatingin sa pwesto ni Rigel nang mabasa ang notification.
"What?" Painosenteng tanong naman niya.
"Anong what? What what ka diyan, umeeksena ka nanaman. Ano 'to ha?" Tinasaan ko siya ng kilay habang iwinawagayway ang phone ko.
"Since my girlfriend is already back, maybe we could do some collab as a welcome back video." Nakangising sabi nito.
But I just gave him a confused look.
"I didn't do anything!" Itinaas nito ang dalawang kamay nito sa ere. "We didn't broke up in Peak-A right? I-I just blocked you way back then, tapos nung inunblock na kita, nalaman ko na lang na nag-deactivate ka na ng account mo. Remember, a Peak-A couple can't break up without tapping the break-up button in the settings."
"Ahh I see." Oo nga pala, ngayon ko lang ulit naalala. I was so devastated at the same time bitter way back then kaya nag-deactivate ako ng Peak-A. Puro ba naman mga duet videos namin ni Rigel ang nakikita ko sa Peak-A profile ko, eh tinatamad akong mag-delete kaya nag-deactivate na lang ako ng account. At isang rason rin ang pagiging busy ko sa trabaho dati kaya napag-desisyunan kong iwan ang Peak-A life.
"At dahil walang break-up na naganap ay hindi ako allowed magkaroon ng bagong girlfriend. Nakalagay pa rin sa profile ko ang username ng girlfriend ko, pero kapag kinlick ng ibang users ang username mo ay wala silang makikita dahil nag-deactivate ka."
So may balak siyang magka-girlfriend ng iba sa Peak-A if ever na nag-break kami?
Eh paki ko ba.
At dahil wala akong masabi ay pinindot ko na lang ang "decline" button sa notification.
"I'll just go upstairs. Call me if you need something." Matabang na sabi ko at agad nagtungo sa aking kwarto.
~
"Abby?"
*Knock, knock, knock*
"Can you hear me?"
"Could you open the door?"
Tamad akong tumayo mula sa kama at saka binuksan ang pinto.
"Why? May kailangan ka ba?" Bungad ko kay Rigel.
"I-I just want to ask if you're okay? You seem gloomy." Ani nito nang makita ako.
Pero hindi ko siya sinagot, bagkus ay iniwan kong nakabukas ang pinto at bumalik ako sa kama bago nagtalukbong ng comforter.
"Hey, what's wrong?" Naramdaman ko ang mahinang pagyugyog sa akin ni Rigel kaya mas hinigpitan ko ang kapit sa comforter.
"I don't know."
That's true. I really don't know what is wrong with me.
Ewan ko ba pero bigla na lang akong nakaramdam ng panghihina noong naungkat kanina ang nangyari five years ago.
I know I shouldn't feel this way right now. Naka-move on na ako sa nangyari sa nakaraan, and I guess wala na rin yung bitterness. But what is this?
Bakit ako nakakaramdam ng lungkot ngayon? What's wrong with you Abby?
Nakakaramdam ba ako ng panghihinayang? Pero bakit naman?
Narinig ko ang pag-buntong hininga ni Rigel.
"Do you want me to tell you what really happened five years ago?"
Maski ako ay nagulat sa sinabi niya. Hindi ko lubos akalain na ngayon niya balak sabihin sa akin 'to. Alam ko na sasabihin niya sa akin ang buong kwento pero hindi ko ineexpect na sa ganitong paraan at panahon.
Gano'n ba ako ka-transparent kanina?
But the question is...
Am I ready for this?
Ready na ba akong pakinggan ang inaasam kong katotohanan?
Kahit nag-aalangan ay tumango pa rin ako sa ilalim ng comforter.
This is it.
~
Umubo muna si Rigel bago magsalita.
"That few days before the event for barangay Asuete, Steph called. She told me that my mom is dying, so I need to go back to Texas as soon as possible. Pero hindi agad ako naniwala dahil alam ko ang ugali ni Steph, I thought that she's just messing with me, so I just ignored what she had said. Kasi naman, mas malakas pa sa kalabaw si mom kaya paanong mamamatay na siya. I even cursed Steph for saying that news to me. Hindi ko sinagot ang lahat ng tawag na nanggagaling sa kaniya dahil baka paraan niya lang 'yon para mapabalik ako sa Texas. Besides, masyado akong napamahal sa buong Asuete, idagdag na rin ang hindi maayos na relasyon namin ni mom kaya hindi nila ako basta-basta mapapabalik doon."
"But I was wrong." Rinig ko ang pagpiyok ng kaniyang boses, pero hindi 'yon naging dahilan para alisin ko ang nakatalukbong sa akin.
"Noong gabing bago ang event para sa Asuete, Steph called so many times. I think I got more than 50 missed calls from her, then I accidentally tapped the answer button."
"I was so shocked when I heard her voice shaking while sobbing. Ang sabi niya ay patay na si mom. Wala siyang ibang sinabi bukod doon, tanging hikbi lang niya naririnig ko sa kabilang linya. And that was the time I confirmed that she wasn't lying anymore. Masyado akong nataranta matapos ang tawag, at ang tanging nasa isip ko lang ay ang makabalik sa Texas agad-agad. Hindi na ako nakapag-paalam sa'yo sa personal dahil masyado kang napagod buong araw at ayaw na kitang istorbohin pa. Kaya nag-iwan na lang ako ng sulat sa side table mo."
"Nakapag-book ako agad ng flight noong gabing 'yon, kaya agad akong lumuwas papuntang Manila. I was also tired that time, pero ni hindi ko nagawang makatulog sa biyahe dahil sa sobrang pag-aalala. Dahil gusto kong makumpirma at umaasa pa rin akong hindi totoo ang sinabi ni Steph."
"Hanggang sa makarating akong Texas. Hindi na ako dumaan sa bahay, bagkus ay agad akong dumiretso sa address na sinend ni Steph. Address na pala 'yon ng chapel na kinaroroonan ni mama."
"Nang makarating ako sa chapel ay agad bumungad sa akin ang kabaong. Alam kong napatingin sa akin ang mga tao sa chapel, mga kasamahan ni mama sa showbiz to be exact. Pero ni isa sa kanila ay hindi ko nilingon dahil agad akong dumiretso sa kinaroronan ng kabaong. And that's where I really saw my mom lying inside the coffin. Hindi ko alam kung ano'ng nararamdaman ko that time, halu-halong emosyon. I just stared at her until my foot got numbed. Kung hindi lang siguro ako pinilit ni Steph na umupo na ay hindi talaga ako uupo."
"Tatlong araw lang ang itinagal ng burol, at tatlong araw din akong halos walang tulog at kain. Basta ang alam ko lang ay nasa chapel ako at binabantayan si mama, at wala ng pakialam sa iba pang bagay. Wala rin akong kinakausap na ibang tao maliban kung kailangan ko talagang sumagot sa mga katanungan nila. Pansin ko rin ang pagka-stressed ni Steph that time dahil wala talaga ako sa sarili. Siya ang nag-eentertain ng mga bisita imbis na ako. Ni hindi ako nakarinig ng reklamo mula sa kaniya kahit pagod siya palagi, kaya naman noong araw ng libing ay pinagpahinga ko na lang siya at ako na ang gumawa ng lahat ng trabaho. Good thing ay tinulungan ako ng mga kaibigan ko kaya naging mabilis ang lahat."
"Noong araw matapos mailibing ni mama ay umuwi ako sa bahay namin, sa dati naming bahay para mag-ayos ng mga gamit. Inuna kong ayusin ang kwarto ko at ibang parte ng bahay at inihuli ang kwarto ni mama. Kahit buong araw akong nag-ayos sa buong bahay ay hindi man lang ako nakaramdam ng pagod. Hanggang sa makapasok ako sa kwarto ni mama, and that's when I saw a big box under my mom's bed. Sobra nga akong nagulat dahil puro magazines, posters, photo card, diyaryo, at iba pang mga bagay na may naka-print na mukha ko ang naroon. Dahil sa dami no'n ay umabot ako ng ilang oras sa pag-babrowse ng mga 'yon. Hanggang sa may nakita akong puting envelope sa pinaka-ilalim na part ng box. Binuksan ko 'yon, at doon ko nakita ang sampung pahina na may sulat kamay ni mama."