Chapter 40:
Abby's POV:
"Achooo!"
Napairap na lang ako habang nagluluto ng crab and corn soup para kay Rigel.
"Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko Rigel. Ano'ng ginagawa mo sa labas ng bahay ko sa kasagsagan ng malakas na ulan? Akala ko ay umuwi ka na. O baka naman may nakalimutan ka kaya ka bumalik kahit alam mong malakas ang ulan?"
Tinignan ako nito with his "basang sisiw look" sa mukha nito.
"H-Hindi pa talaga ako umuwi. Bumigay kasi yung kable ng kuryente sa kalsada sa kabilang kanto kaya walang makadaan na sasakyan. I tried the other route but it's no use dahil baha at maputik ang daan, naglagay ang DPWH ng sign na bawal dumaan doon dahil baka tumirik ang makina-- Achoo!" Nagpunas ito ng sipon gamit ang pinahiram kong tissue. "So I have no other choice but to go back here, but I stayed on the outside of your door a few more minutes-- Achoo! Before knocking the door."
"Ahh I see." Malambing na sabi ko bago siya pinandilatan ng mata. "My gosh Rigel! Adik ka ba? Kung bakit kasi nag-stay ka pa sa labas ng pinto bago kumatok ha? Kung kumatok ka sana agad edi hindi ka na nabasa dahil pagbubuksan naman kita ng pinto duh. Tignan mo tuloy 'yang sarili mo, para kang basang sisiw na napilayan." Nanginginig kasi ito habang suot ang over-sized shirt at oversized pajama ko with matching comforter pa na nakabalot sa buo niyang katawan.
Pasalamat siya at mahilig ako sa mga oversized na damit na pambahay kaya napahiram ko siya. Ayaw pa nga niyang isuot kanina dahil pastel ang kulay ng mga ito, pero wala siyang choice dahil wala naman siyang pamalit na iba. Mabuti na lang din ay mabilis natuyo ang brief niyang nilabhan niya dahil sa drier kaya naisuot niya ito agad. Yung polo at pantalon lang talaga niya ang medyo basa pa at hindi muna pwedeng isuot dahil baka mas lalong lumala ang sipon niya kung nagkataon.
Nang matapos kong lutuin ang soup ay ipinagsalin ko siya sa kaniyang bowl.
"Kaya mo bang subuan ang sarili mo?"
"Yes, thank you." Ani nito kaya nagsalin na rin ako ng soup sa bowl ko.
Nasa kalagitnaan kami ng paghigop ng sabaw nang mapansin kong napatigil si Rigel sa pagsubo at nakatitig lang sa kutsarang hawak nito na nasa ere.
"What's wrong?"
"Ang sarap mo pa rin talaga magluto Abby, walang kupas." Sabi nito bago ulit humigop ng sabaw.
Napangisi ako. "Syempre, ako pa. Oh bakit parang nagmamadali ka na?"
"The rain might stop soon so I need to finish this so I can go home. I don't want to be a burden to you, especially that you just got discharged from the hospital."
Napataas ang kaliwang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"At sino'ng may sabi sa'yong uuwi ka? Nahihibang ka na ba? May sipon ka oh tapos gusto mong umuwi na ganiyang ang sitwasyon mo? Isa pa ay wala namang assurance kung hihinto ba agad 'tong ulan dahil sa tingin ko ay magtatagal pa 'to." Tumayo ako at saka lumapit sa kaniya.
"Oh tignan mo, may sinat ka rin pala. Delikado kung ngayon ka uuwi. Sa tingin mo ay papayagan kitang magmaneho ng ganiyang ang kalagayan mo? Hindi ka muna uuwi Rigel, maliwanag ba?"
Halatang nagulat siya sa sinabi ko at mga ilang segundo rin niya akong tinignan bago tuluyang tumango nang dahan-dahan.
"Very good. O siya, kain ka lang ng marami dahil marami rin akong niluto. Huwag kang mahihiya ha." Saka ako humalakhak.
Nang matapos kaming kumain ay inihatid ko na siya sa tutulugan niya which is the guestroom. Pinainom ko na rin siya ng gamot para hindi na mas lumala ang sipon niya.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Rigel matapos ko siyang lagyan ng Go Away Fever patch sa kaniyang noo.
"Sa labas, bakit may kailangan ka pa ba? Oh sorry I forgot about the heater." Dali akong pumunta sa heater at inadjust ang temperature nito. "Ayan, perfect!"
"A-Abby..."
"Oh yes? May kailangan ka pa ba?"
Umiling ito.
"Oh kung gano'n edi lalabas na ako ha--"
"Ano'ng gagawin mo pagkatapos mo dito?" Paos na sabi nito. Naku, kawawa naman ang maeksenang nilalang. May sinat na nga at sipon, dadagdag pa ata ang ubo.
"Wala naman, manunuod lang ng tv sa sala."
"I see. Pero may tv naman dito." At saka nito itinuro ang tv na nasa kwarto.
"Gusto mo rin bang manuod ng tv at gusto mong iswitch ko 'to para sa'yo?"
Tumango ito.
Agad ko naman sinunod ang gusto niya. Pasalamat ka at may sakit ka at may utang na loob ako sa'yo. Hmmp!
"May tv na dito, bababa ka pa ba? Dito ka na manuod." Nanghihinang sabi ni Rigel matapos kong i-switch ang tv. "Dito ka na lang, samahan mo ako." Saka niya tinapik ang kama na siyang nagpataas ng kilay ko.
"You can lay here, sa sofa ako. I-I just don't wanna be alone tonight." Aniya na mas lalong nagpataas ng kilay ko.
"Sana ayos ka lang Rigel?" Bumuntong hininga ako at saka lumapit sa kaniya para ayusin ang kumot niya.
"Alam mo Rigel... Maeksena ka pa rin talaga kahit may sakit noh? Ikaw na nga 'tong may sakit tapos kung anu-ano pa ang sinasabi mo. So stay put ka lang sa kama, at ako doon sa sofa tutal sanay naman akong matulog sa sofa. Lagi kasi akong natutulog sa office ko sa company, at yung sofa doon ang naging official alternative bed ko." Medyo natawa pa ako dahil sa naalala.
Tututol pa sana siya pero pinandilatan ko lang siya ng mata kaya wala itong nagawa kundi tumango.
Comfortable naman ang sofa dito sa kwarto, sakto lang ang laki kaya kasyang-kasya ako. I just need to get some pillow and comforter sa kwarto ko para maging perfect!
Nang makakakuha ako ng comforter at unan ay agad akong pumwesto sa sofa at nahiga.
"Oh ano'ng tinitingin-tingin mo diyan?" Tanong ko nang mapansin na nakatitig si Rigel sa akin.
"I'm just glad that you're here. I thought you're going to reject my favor, but it's the other way around. Thank you Abby." He sincerely smiled.
"Sus, ano ka ba. Ayos lang noh, parang pambawi ko na rin 'to sa pagbabantay mo sa akin noong nasa ospital ako. Isa pa, makakatipid din ako sa kuryente at hindi ako magmumukhang tangang nanunuod ng tv mag-isa sa sala. At least kapag nandito ako ay mababantayan kita lalo na kapag may kailangan ka ay madali kong maibibigay sa'yo." Isa pa, dahil malakas ang ulan ay mas maganda siguro kung may ka-cuddle. At dahil hindi naman kami pwedeng mag-cuddle ni Rigel at the same time ay ayaw ko rin naman siyang ka-cuddle kahit if ever na pwede, kaya okay na rin 'tong gan'tong setup namin. Atleast may kasama ako dito sa bahay ngayong maulang gabi.
Alas dyis trenta ng gabi nang matapos akong manuod ng tv. Tinignan ko muna ang natutulog na si Rigel sa kama bago pinatay ang tv.
Pinatay ko na rin ang ilaw at isinwitch ang lampshade.
Papikit na ang mga mata ko nang makarinig ako ng hikbi.
"I'm so sorry. I'm so sorry ma. I'm sorry."
Rigel? Umiiyak ba siya?
Dali-dali akong tumayo at agad lumapit sa kaniya.
Malakas ang kapit nito sa comforter habang pinagpapawisan ang buong mukha.
"Hey Rigel, gising! Huy gising! Nananaginip ka!" Niyugyog ko ito para magising pero hindi pa rin siya nagigising.
Ilang ulit ko pa siyang ginigising, mas nilakasan ko na rin ang pagyugyog sa balikat niya pero ayaw pa rin niyang magising!
"Jusko Rigel gumising ka! Ano ba 'yan, bakit ayaw mong magising?" Niyugyog ko ulit siya pero as in wala pa ring response.
Kahit binabangungot ay ineeksenahan mo pa rin ako ha?
Sa sobrang taranta ko ay hindi ko na siya napigilang sampalin ng malakas!
Muntik pa kaming magkauntugan dahil sa bigla niyang pagbangon.
Malalim at mabilis ang paghinga nito nang makaupo, pero ang ikinagulat ko ay ang biglang pagyakap nito sa aking ng mahigpit saka humikbi sa aking balikat.